KABANATA 2 _ WHO'S SHE?

1617 Words
After our lunch, we proceed to our next class. Wala naman kaming masyadong ginawa, puro discussion lang. Nagsusulat din ako para may reviewer ako pagdating sa exams, lalo pa't hindi na malayo ang finals namin this first semester. After class, naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Naglakad ako patungo sa may paradahan ng jeep. Saktong dalawa na lang ang hinihintay nila para bumiyahe. Naupo ako sa second to the last seat, at nagtaka ako nang umandar na kami. Sabi nila dalawa pa ang kulang, isa lang naman ako na sumakay. "Hija, may kambal ka?" Kinalabit ako ng matandang babae na katabi ko. "Wala po Lola, mag-isa lang po akong anak," wika ko. Sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ako, mata sa mata. "May kasama ka ba na sumakay?" aniya kaya umiling ako agad. "Nasaan na ang babae na nakaupo diyan sa tabi mo, Miss?" Tumigil ang konduktor sa harap ko para magtanong. "Po? Kuya wala po akong nakita na umupo rito," sagot ko kaya napakamot siya sa ulo. "Sigurado kang wala kang kasama na sumakay rito? Ang akala ko ay kapatid mo ang kasunod mo na umakyat dito sa jeep," aniya kaya nagtaka ako. Wala na siyang nagawa kun'di ang maniwala, dahil wala naman talagang nakaupo sa tabi ko. "Hija, mag-ingat ka!" may diin na wika ng matanda. Ngumiti ako at tumango, saka naman siya bumaba. "Dito lang po ako!" pasigaw kong sabi para marinig ako ng driver. Huminto naman ang jeep kaya agad na akong bumaba pagkatapos kung i-abot ang bayad. Medyo malayo pa ang lalakarin ko bago marating ang bahay namin. May kadiliman na rin, dahil medyo natagalan ang last subject namin bago kami i-dismiss. Marami kasing itinuro si Professor Kyle, kaya gano'n. Mula sa hindi kalayuan ay may nakita akong babaeng natumba. Naka-uniporme siya, pero hindi ko alam kung saang unibersidad siya nag-aaral. Agad akong tumakbo para alalayan siya. Hinawakan ko ang kamay niya pero ang lamig nito. "Miss, wear this! Baka malayo pa ang lalakarin mo. Malamig na pa naman, baka magkasakit ka." Tinulungan ko siyang isuot ang jacket ko, pero hindi man lang siya nag aksaya ng panahon na humarap sa'kin. "Salamat, aalis na ako!" aniya at walang lingun-lingon na naglakad palayo. Napansin ko na may nalaglag na notebook, kaya agad ko itong pinulot at balak ko sana siyang habulin. I turn my gaze to her, but she was gone. Maybe tumakbo siya kaya agad siyang nakalayo. Sa susunod na araw ko na lang ibabalik sa kaniya ang notebook na ito. Inilagay ko ito sa bag , at naglakad na akong muli. "Ash?" nagtataka na tanong ni Aling Martha nang madaanan ko sa tindahan niya. "Magandang gabi po, Aling Martha!" bati ko sa kaniya. Lumabas siya sa tindahan at lumapit sa'kin. "Kararaan mo pa lang kanina, bumalik ka ba?" Kumunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa'kin. "Hindi po. Ngayon lang po ako kasi late na kaming nag-uwian," paliwanag ko pero umiling siya. "Nakita kita kanina na dumaan. Suot mo ang jacket mo na kulay asul," aniya. "Ay kaibigan ko lang po iyon, pinahiram ko ng jacket kasi nilalamig," sagot ko naman. "Ah, ganoon ba? Sige mag-iingat ka lagi!" paalala niya. "Maraming salamat po, kayo rin po. Godbless!" tugon ko at lumiko na papunta sa bahay. Binuksan ko kaagad ang gate at pumasok sa loob. Napahilot ako sa paa ko na medyo sumakit kalalakad. Dumiretso ako sa kuwarto saka inilapag ang bag ko, at nagtungo ako sa walk in closet para magpalit ng damit. Pero nagtaka ako dahil nakita ko ang asul kong jacket na maganda ang pagkakatupi at nakalagay na sa aparador. Ito ang ibinigay ko sa babae kanina, pero paano napunta ito rito? Huminga na lang ako nang malalim at bumaba para kumuha ng pagkain sa ref. May tira pa naman akong ham at bacon kanina, kaya ito na lang ang kakainin ko this night. Kumuha rin ako ng lemon juice at bumalik na sa itaas. Lemon juice is one of my favorite drinks. Naupo ako at inilapag sa maliit na mesa ng k'warto ko ang pagkain at inumin. Kinuha ko rin ang mga notes ko para pag-aralan at gawin ang homework. Maraming nagtatanong sa'kin kung bakit BS MedTech ang kinuha ko, gayong mahirap daw ito. Well, may plano ako na magtayo ng Christian Hospital, soon. Gusto kong makatulong sa mga may sakit lalo na sa mga may sakit sa puso, at asthma. Dati kasi noong sanggol pa lang ako, nag-agaw buhay raw ako sabi nila mama at papa. Muntik na akong kunin ni Lord, dahil sa ipinanganak akong may butas sa puso. Pero it's because will ni God na mabuhay ako, nakaligtas ako sa pagsubok na iyon. Noong 10 years old din ako nagsimula ang asthma ko, mahirap ang napagdaanan ko. Kinakapos ng hininga at feeling ko pa nga 'yon na ang katapusan ko, but by God's grace ito ako buhay at nakarecover naman na. Kaya bilang pasasalamat kay Lord, gusto kong magsilbi rin sa mga tao at syempre gusto ko rin na palaganapin ang mga salita Niya. Pagkatapos kong kumain ay bumaba akong muli para hugasan ang mga pinagkainan ko. While I was washing, may narinig akong kumakanta ng worship song. Hindi ko alam kung saan talaga nanggaling, pero pakiramdam ko galing iyon sa kwarto na katabi ng silid ko. Pero wala namang tao doon, dahil nakalock na iyon. Ni hindi nga ako makapasok doon dahil ma-alikabok daw ito at bawal sa'kin. Matapos akong maghugas ng pinggan ay umakyat na ako at nagdiretso sa kwarto ko. I dropped my self on my aqua blue bed. I do really love blue, anything that has shade of blue. Refreshing kasi sa pakiramdam, at masaya sa pakiramdam. Halos lahat ng bagay sa loob ng kwarto ko ay asul. Iba-iba nga lang ang shade, may light at may dark. Sa wall naka display ang mga paintings na regalo sa'kin ni Kendrick. May mga sticker din na mint green na gawa ni Gillian. Gillian and Kendrick are my high school best friends. Nakilala ko sila during high school days. Nasa kabilang bayan ang bahay nila, actually mag kapitbahay lang sila, pero madalas hindi sila mag kaunawaan dahil sa magkaiba ang prinsipyo nila. Gillian is that type of a girl na social . Mayaman sila, nag-iisa lang din siyang anak at wala rin sa bahay nila ang mga magulang niya. Pero iba kay Gillian ang kalagayan ko, marami ang kasama nilang maid sa bahay kaya hindi siya nag-iisa roon. Marami siyang manliligaw pero ni isa wala siyang sinasagot. Si Kendrick naman, magaling iyan sa arts. Hindi ko alam kung bakit BS med tech din ang kinuha niya. Mabait naman siya, pero madalas siya sa bar at hindi ko alam kong ano ba talaga ang ginagawa niya roon. Basta sabi niya iyon ang kasiyahan niya, and I am strongly against with it. May problema kasi siya na hindi niya masabi, kaya sa pag-inom ng alak na lang niya iyon ibinubuhos. Chickboy, and heartbreaker siya. Minsan noon, pinagbawalan ako nila lolo at lola na makipagkaibigan sa kanilang dalawa, dahil maaari raw nila akong mahatak palayo sa Diyos. Pero sabi pa nila Mama at Papa, ako ang dapat na maghatak sa kanila. Kailangan na mabago ko sila, hindi ako dapat ang mabago. Natigil ang pagmumuni-muni ko at napayakap ako sa'king sarili, dahil sa malamig na hangin na dumampi sa'king balat. Nakalimutan ko palang isara ang sliding glass window ng kwarto ko. Tumayo ako at isinarado ito, ngunit pagbalik ko sa kama ay nakita ko na bukas din pala ang pinto ng silid ko. Natatandaan ko naman na isinarado ko ito, ah baka hindi na-lock yata. Papalapit na ako sa pinto nang may makita akong anino na dumaan. Mabilis ito kaya agad akong lumabas para tingnan, pero wala akong naabutan. Sa tingin ko pagod lang ako, kaya kailangan ko ng magpahinga. I locked the door and enter my room again. Bigla kong nabangga ang mesa kaya may nalaglag na notebook. Pinulot ko ito agad, at nakita ko ang notebook ng babaeng tinulungan ko kanina. Mukhang kakaiba na ang nararamdaman ko. Hindi ako takot, pero nagtataka lang ako. I opened her notes. Isang drawing agad ang bumungad sa akin. Isang paaralan ito, pero malabo ang nakasulat sa itaas. Siya ba ang nagguhit nito? Maganda, pero parang nabasa na ang notebook niya kaya may mga part na blurd. Ibinalik ko na lamang ito sa bag ko at nahiga ako sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame, nang biglang nag-iba ang paningin ko sa paligid. I wasn't in my room, kun'di nasa isa akong madilim na daan. May gate akong natanaw pero kakahuyan ang nasa loob nito. Totoo ba itong nangyayari? Nananaginip na naman ba ako? "Help!" Napatayo ako ng tuwid, at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Naglakad ako papalapit sa gate, at nakita ko ang isang tela na nakadikit sa matulis na parte ng gate. Tela na naggaling sa palda at sa lupa nakita ko ang mga patak ng dugo. May umaagos na dugo papunta sa'kin. Napaatras ako, pero mas lalong bumibilis ang daloy ng dugo hanggang sa may humablot sa braso ko. I saw him again, pero this time nakangiti na siya. Unti-unti niyang hinahalikan ang leeg ko. Nagdulot iyon ng isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. "Kill her!" may nagsalita bigla. Pero imbes na patayin niya ako, itinulak niya ako nang sobrang lakas, dahilan para magising ako. I got up sweating and panting. I check my wall clock, and it's already 3:00 o'clock. Kinuha ko ang Bible ko at naupo sa study table. "Efeso 5:14," basa ko. "Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Kristo." "Lord ano po ang nais mong iparating sa'kin? Ano ang kahulugan ng mga panaginip ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD