Matthew's POV.
Bigla nalang nawalan ng malay si Jae kaya agad ko siyang binuhat papunta sa suite nila ni Ice, pero bago pa man ako makarating doon ay nakita ko ang pagpasok ni Raya sa loob.
Napabuntong hininga nalang ako at tumungo sa room ko, pag pasok ay agad kong inihiga si Jae.
Kung hindi ko pa napansin yung lalaking nakadikit kanina kay Jae malamang nakatsansing na yun. Mabuti nalang bago siya mawalan ng balanse ay nakalapit na ako sakaniya agad.
I called Ice many times pero hindi niya sinasagot, so now he's busy with Raya and Jae is suffering now.
Kumuha ako ng towel at binasa ko iyon, paglapit ko kay Jae ay parang nananaginip ito.
"Ice.." she whispered.
Humugot nalang ako ng malalim na paghinga at sinimulan ko ng punasan si Jae, habang pinupunasan ko ang mukha niya ay hindi ko kaiwasang mapatitig sakaniya.. She's sad and hurt. I feel like i want to punch Ice!
"Ice..." she whispered again.
Kinuha ko ang phone ko dahil di na ako makatiis at agad na tinext si Ice na nandito nga sakin si Jae.
Bumalik ako ulit sa pagpupunas kay Jae and natulala ako ng mapansin kong nakatitig siya sakin.
Hinawakan niya ang kamay kong may hawak na towel, her soft hands holding mine..
I saw her tears kaya agad ko iyon pinunasan narinig ko pa ang hikbi niya kaya napahinto ako at napapikit, ni hindi ko namalayan na hihilain niya ako papalapit sakaniya dahilan upang magtama ang mga labi namin...
Her soft lips, i feel her lips now moving at di ko na nacontrol ang sarili ko at nakipagsagutan na ako ng hálik sakaniya.. ilang minuto namin yun ginawa hanggang siya na mismo ang kumalas.
"I love you, Ice" she whispered, para akong binuhusan ng malamig na tubig.. Akala niya ba ako si Ice kaya niya ako hinálìkan?
Niyakap niya ako ng mahigpit at doon na tuloy tuloy na umiyak, sa bawat hikbi niya parang dinudurog ang puso ko.
"J-jae.."
"Im sorry, M-matt.. i-im sorry." Hikbi niya.
Naramdaman ko ang pag iinit ng mata ko nagbabadyang kumawala ang mga luha ko, pero kailangan kong pigilan.
"Shh, i understand.." i whispered.
Hindi siya bumitaw sa pagkakayakap sakin at ganoon rin ako, i want to stay like this.. forever.
*knock*
Mabilis na katok ang narinig ko mula sa pinto, inalalayan ko muna si jae para makahiga bago ako tumayo.
Mukhang andito na si Ice, tapos na ba sila ni Raya?
Pagbukas ko ng pinto ay may bitbit na maleta si Ice, at pamilyar ang maletang yun.. kay Jae.
"Raya is now in my room, and i can't let Jae entered my room." He said and left.
"ICE!" I shout at huminto naman ito.
"What?" Malamig nitong tugon.
"Seriously? I can't believe you man." Dismayado kong sabi.
"My girl is waiting for me." He said and turn his back.
Fvck you ice! Fvck you!
-
Talliah Jae's POV.
Dinig na dinig ko ang mga sinabi ni Ice, alam ko ready na ako sa ganitong sitwasyon.. o nag assume lang ako na may pag asang magustuhan ako ni Ice hindi lang sa kama kundi bilang ako.
Pinigilan ko ang nagbabadya kong luha, parang nawala ang lasing ko dahil sa sinabi ni Ice kay Matt. Ganon lang ba talaga ako kadaling ipamigay? Haha.
"K-kanina ka pa ba jan?" Napapunas ako sa luha ko ng marinig kong magsalita si Matt, nasa likod lang ako ng pinto kaya paniguradong makikita niya ako.
"K-katatayo ko lan.." napahinto ako ng bigla ako nito yakapin ng mahigpit.
"Just cry.. i know you want to cry and shout all the pain inside your heart, im sorry.. im sorry i don't know what to do to ease your pain, but i want you to know that im always here.. im always by your side." Litanya nito.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko ng mahigpit si Matt kasabay non ang pag iyak ko ng pagkalakas lakas.
"You want to punch ice? Punch me then." He whispered.
Pero isinubsob ko lang ang mukha ko sa dibdib niya at muling umiyak. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko at paulit ulit na paghalik rito.
Bakit kung kailan alam kong may gusto na sakin tong si Matt tsaka naman ako nagkagusto kay Ice.
"Magpahinga ka na, bukas babalik na tayo." Saad niya.
"Please.. sleep well, don't mind Ice okay?" Bilin nito.
"Can you please sleep on my side? I know it's sound's like you know.. i just don't want to feel that im alone." lakas loob kong sabi.
"O-okay.. if hindi ka comportable na magkadikit tayo you can use pillow between us." Saad pa nito.
"Nah, it's okay.. b-basta walang pwedeng mang.."
"Yeah i know." putol nito sa sasabihin ko.
inalalayan niya ako sa pag higa, matapos non ay humiga narin siya..Medyo na aawkwardan ako na katabi ngayon si Matt, pero no choice ako na nga itong makikitulog ako pa ba mag iinarte.
-
"Goodmorning." Halos matulala ako dahil mukha agad ni Matt ang bumungad sa akin pag mulat na pag mulat ng mata ko..
Ito talaga yung nagustuhan ko sakaniya no'n na everytime ngingiti siya ay naniningkit ang mga mata niya plus pa ang napakalalim niyang dimple.
"K-kanina ka pa ba gising?" Naiilang kong tanong.
"Hindi, hindi ako natulog kasi mas gusto kong pagmasdan ka lang." Saad nito.
Putek! Nagiinit mga pisngi ko sa hiya.
"Joke lang, halos kagigising ko lang rin.. tapos may bumungad na magandang tanawin kaya pinagmasdan ko muna." Saad pa nito.
Jusko ang aga aga Matt, ako ba tinutukoy niya?
"G-ganon ba, a-anong oras na ba?" Utal utal kong tanong at tumayo mula sa pagkakahiga.
"Don't worry, maaga pa.. wait, i'll make you a coffee." Sagit niya at agad na tumayo.
Pinagmasdan ko lang bawat galaw niya, mas pogi pala to kapag naka pajamas lang.
"Did i amazed you that much? Tutulo na laway mo." Nakangisi nitong sabi.
"Che!" Pagsusungit ko, nakalimutan ko atang Head editor kasama ko ngayon.
"Haha,cute." Bulong nito at sumimsim sa kape niya.
"Narinig ko 'yon." Pang aasar ko.
"Totoo naman.." pambobola pa niya.
Ba't ganon? Feeling ko masaya ako na hindi.. may kulang? O may hinahanap talaga ako?
Si ice, kumusta siya? Sila ni Raya?
"Iniisip mo nanaman ba siya?" Tanong sa kawalan ni Matt. Nakasandal ito sa gilid ng bintana pero sa labas ang tingin.
"How did you fall inlove with him? E kakikilala nyo lang naman.." dugtong pa nito pero hindi ako tinatapunan ng tingin.
"This past few months before yung nangyari sainyo ni Ice.. May gusto ka na ba sakaniya?" Tanong pa nito.
"Wala, inis nga ako sakaniya noon e.. But now? I think because his my first kaya siguro ganito yung nararamdaman ko for him" sagot ko, he smirked as he's disapointed at my answer.
"S-sakin ba? Kahit crush man lang ba wala?" Tanong nito.
Shocks, parang ang hirap sagutin?
"Just don't mind that, finish your coffee at mag ayos ka na. Pag nakababa tayo ng cruise sa restau nalang tayo mag breakfast." Pangiiba nito sa usapan.
Hindi na ako umimik at nagmadali ng ubusin ang kape ko at makaligo na.