Ilang oras ang pinalipas namin at nasa pier na nga kami. Hila hila ko ang maletang dala ko habang nakasunod kay Matt, nahihiya na nga ako dahil para akong bata na hinihintay pa niya sa paglalakad. "akin na." Saad nito ng makalapit ako sakaniya. "Ha?" Tanong ko. "Yung maleta mo, akin na." Anito at kinuha ang maleta ko. Buti nalang at backpack lang dala niya HAHAHA. "Iba talaga kayong mga babae." Pangaasar nito. "Kayo rin namang mga lalaki." Ganti ko. Natawa nalang ito, maya maya pa ay nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit sabay hinto nito sa paglalakad. Nang tignan ko ang direksyon ng mata niya ay parang piniga ang puso ko. "Hey Matt, wait its you right? You're the secretary of my fiancè.." turo ni Raya sakin. "Yes," walang gana kong sagot. "So, you and ma

