Prologue

1018 Words
Prologue Ann Lorraine TAHIMIK na ang venue matapos ang announcement. Kanina lang, may palakpakan at ingay. Ngayon, parang may naiwan na bigat sa hangin at matinding lungkot. Halos hindi ko marinig ang sarili kong paghinga habang tinatahak ko ang mahabang hallway. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko pero hindi ako tumigil. Kailangan ko siyang makausap. At nandoon siya sa dulo. Nakatayo siya sa may floor to ceiling window, nakatalikod, isang kamay nasa bulsa habang ang isa ay may hawak na baso ng alak. Parang wala lang sa kanya ang lahat. Parang hindi niya kakagiba lang ng mundo ko. “Eiran…” mahinang tawag ko, halos basag ang boses. Saglit siyang natigil bago dahan-dahang humarap. At doon pa lang, alam kong may mali na. His eyes were cold. Walang kahit anong bakas ng lalaking minahal ko sa mga mata niya. Lumapit ako ng kaunti, pinilit kong ngumiti kahit nanginginig na ako. “Para saan ‘yon?” hirap akong huminga pero pinilit kong palakasin ang loob ko. “Yung proposal mo… ano ‘yon?” Huminto ako sandali. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong hindi tuluyang bumigay. “Paano tayo…” Tinitigan lang niya ako nang matagal. Parang wala siyang nakikita kundi isang istorbo sa buhay or balakid. “Walang tayo,” he answered bluntly. Parang may kung anong sumabog sa loob ko. It felt like my world stopped spinning for a second. Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero hindi niya ako pinayagan. “Can you stop calling me Eiran?” malamig niyang dagdag. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo yan na hindi ako si Eiran.” “Pero—” “I’m not Eiran.” Mas tumigas ang boses niya. “At wala tayong kahit ano. From the very beginning, sinabi ko na sa’yo ‘yon.” Agad akong umiling. Paulit-ulit. Hindi ko matanggap ang sinabi niya. Lumapit pa ako kahit nanginginig. Hinawakan ko ang braso niya. “Hindi… ikaw si Eiran. Ikaw ‘yung lalaking mahal ko.” Napahigpit ang kapit ko sa kanya. “Ikaw ‘yung pinakasalan ko. Please… bakit hindi mo maalala? Mahal kita. Mahal mo ko. You promised me… sa Isla… na hindi mo ako iiwan…” “Shut up.” singhal niya halos magputukan ang ugat sa leeg niya. Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Parang sinampal ako ng salita. “Wala akong pinangako sa’yo,” malamig niyang dugtong. “Kung may nangyari man sa atin, that was your choice. Huwag mong i-twist ang mga bagay.” Tumaas ang kilay niya, puno ng inis. “I never said I love you, and I didn’t promise anything to a woman like you.” Parang may napunit sa dibdib ko. Napatakip ako sa bibig ko pero hindi ako umatras. “Please…” halos hindi na lumabas ang boses ko habang lumalapit ulit. “Kahit isang beses lang… subukan mong alalahanin… ako ‘to… ako si Lora ang babaeng mahal mo…” Pagsusumamo ko sa kanya. Hindi ko na kinaya. Lumuhod ako sa harap niya. Halos yakapin ko ang mga tuhod niya habang umiiyak, nanginginig ang buong katawan ko. “Please…” humihikbi ako, pero ngayon halos sumisigaw na sa desperasyon. “Ako si Lora! Ako ‘yung babaeng pinangakuan mo ng wagas na pagmamahal sa Isla! Ikaw ‘yon! Ikaw ‘yon, Eiran! Please… kahit isang beses lang… alalahanin mo ako!” Pero wala siyang expression. Hindi siya gumalaw. Parang wala siyang kaharap na tao. “Hindi ako nagkakamali!” sigaw ko na, halos mapunit ang lalamunan ko. “Ikaw ‘yon! Ikaw ‘yon! Hindi mo pwedeng sabihin na wala lang ako sa’yo!” Bigla niya akong itinulak. Hindi ganoon kalakas pero sapat para mapaatras ako at tuluyang bumagsak sa sahig. Nanlabo ang paningin ko pero gumapang pa rin ako pabalik sa kanya. Hindi ako puwedeng sumuko. Hangga’t hindi niya ako nakikilala. Umabot ulit ako sa kanya, kumapit sa tuhod niya, parang iyon na lang ang natitira sa’kin. “Please… huwag mo ‘kong kalimutan…” umiiyak na pakiusap ko, nanginginig ang bawat salita. Umatras siya. He looked at me with disgust. “Ako si Braxton Ryden Alcantara,” mabagal at malinaw niyang sabi. Nanatuling malamig at walang emosyon. “Not Eiran. You’re pointing at the wrong person.” Parang tuluyang nabasag ang lahat sa loob ko. Umiling ulit ako. Paulit-ulit. Kahit wala nang matira. “Hindi… hindi totoo ‘yan… ikaw ‘yon… nararamdaman ko…” “Accept the money and leave.” Nanigas ako. “Name your price,” diretso ang tono niya, parang wala lang ako. “I’ll give you more than enough para magsimula ka ulit. Just disappear.” Hindi ako makahinga parang sinasaksak ang puso ko, paulit–ulit. Bakit ba hindi niya ako matandaan? Pero pipilitin ko pa rin ang lumaban para sa kanya at para sa anak namin. “Hindi ko kailangan ng pera…” basag na basag ang boses ko. “Ikaw… ikaw ang kailangan ko…” Isang maikling tawa ang kumawala sa kanya. Walang kahit anong init. “You really think I’m into that?” malamig niyang tanong. “Hindi ako magmamahal ng babaeng kahit buong pangalan ay hindi kayang isulat nang maayos.” Parang may sumaksak sa’kin. Hindi ako makapagsalita. “Let’s be real,” dagdag pa niya, mas mababa ang boses pero mas mabigat. “Kung may nangyari man sa atin, that meant nothing to me.” Napapikit ako. Pilit na pinapakalma ang dibdib kong nababalot sa sakit. “You were just… convenient.” Tuluyan nang bumagsak ang luha ko, sunod–sunod. “Hindi totoo ‘yan…” mahina kong bulong, pero hindi ko na alam kung pinaniniwalaan ko pa. Tinalikuran niya ako. Naglakad siya palayo. Hindi man lang lumingon kahit isang beses. At sa bawat hakbang niya, pakiramdam ko unti-unti akong nawawala kasama ng lalaking minahal ko. Yung lalaking sigurado akong minahal ako, pero ngayon, para na lang akong wala sa kanya. Huminto siya sandali pero hindi siya lumingon. “Stop chasing me,” malamig niyang sabi. “You’re nothing but a mistake I don’t even remember.” At doon tuluyang gumuho ang mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD