C01: Fighting

1744 Words
Chapter 01 Third POV BRAXTON keeps fighting for his life. Sa gitna ng makapal na usok at apoy na unti-unting lumalamon sa buong yate, pilit siyang gumagalaw. Ang bawat paghinga niya, mabigat at may hapdi, parang hinihila ang baga niya pababa. Mainit ang hangin, puno ng usok, at halos wala nang malinaw sa paligid. Gumapang siya sa sahig, dumudulas ang kamay niya sa pinaghalong dugo at tubig-dagat. Nanginginig ang katawan niya, pero hindi siya tumitigil. Ramdam niya ang sakit sa ulo niya, matindi, parang may pumipintig na bakal sa loob dahil sa matigas na bagay natumama kanina. Pero hindi ito katapusan niya. Hindi puwede. Wala siyang kinalaman sa flood control issue na sinasabi nila. Wala siyang alam sa kung anong blue book ang ipinagpipilitan nila. Pero para sa mga umatake sa kanya, parang malinaw na malinaw na siya ang sagot sa lahat. May biglang bumalik na lalaki sa loob ng yate. Hinablot siya sa kwelyo at pilit siyang itinaas mula sa pagkakadapa. Halos hindi na siya makatayo, nanginginig ang tuhod niya, pero pinipilit siya nitong manatiling nakatayo. May sinasabi ito, mabilis, malamig, at puno ng inis. Pero hindi niya maintindihan. Halo na ang lahat sa pandinig niya, usok, apoy, at tunog ng pagbasag ng paligid. Mula sa labas, may sigaw na umalingawngaw. “Patayin mo na yan.” Matalim ang boses. Walang awa sa tono nito. Humigpit ang pagkakahawak sa kanya at mas marahas siyang kinaladkad palabas. Tumama ang balikat niya sa gilid ng pader, sumayad ang katawan niya sa bakal at kahoy, pero wala na siyang sapat na lakas para pumiglas nang maayos. Pero sinubukan pa rin niyang lumaban. Isang suntok, mahina, halos reflex na lang. Ngunit sinalubong lang siya ng mas matinding hatak. “Stay down,” sabi ng lalaki sa kanya, mababa ang boses, pilit kalmado pero ramdam ang urgency. “If you want answers, you stay alive.” Hindi niya maintindihan. Pero isa lang ang malinaw sa isip ni Barxton. Hindi pa siya dapat mamatay. Kaya kailangan mabuhay pa siya. Habang hinahatak siya palabas, lumalakas ang tunog ng hangin. Alon. At sa malayo, may makina. Speedboat. Papaandar, papalayo. Saglit niyang nakita sa gilid ng paningin niya ang isang katawan sa sahig ng yate. Si Cristobal. Hindi na gumagalaw. Wala nang laban. Parang biglang bumigat lalo ang mundo sa dibdib niya, pero wala siyang magawa. Hindi na niya kayang lumingon nang matagal. Hinahatak siya pababa, palabas, palayo sa apoy. Sa deck, mas malakas ang hangin. Mas malamig. Pero mas delikado. Sa likod nila, ang yate ay tuluyang nilalamon ng apoy. Kumakaluskos ang kahoy, sumasabog ang ilang bahagi, at unti-unting nagiging abo ang buong sasakyan. “Go. Now,” narinig niyang utos mula sa labas. Hindi niya alam kung kanino galing. Hindi na niya kayang intindihin. Isinampa siya sa isang maliit na bangka sa gilid. Halos mawalan siya ng balanse, bumagsak ang katawan niya sa upuan. Sumubsob siya sandali, humihingal, halos wala nang focus ang paningin niya. May umupo sa harap niya. May nag-start ng makina. At gumalaw ang bangka. Sa likod nila, ang yate ni Braxton ay unti-unting nawawala sa gitna ng apoy at dilim. Si Braxton, nakahiga sa bangka, halos hindi na makita ang paligid dahil sa dugong bumabalot sa mukha niya. Nanginginig ang bawat paghinga niya, mabigat ang katawan, pero pilit pa rin niyang iminumulat ang mga mata niya. Hindi siya tapos. Hindi pa ito ang dulo. At sa gitna ng dilim at ingay ng makina, isang salita lang ang paulit-ulit sa isip niya, kumakapit kahit putol-putol na ang paghinga niya. Blue book. HINDI na mawari ni Braxton kung ilang minuto o oras na ang lumipas habang nasa bangka siya. Ang lahat parang naghalo na sa iisang pakiramdam ng pagod, sakit, at pagkawala ng direksyon. Ang katawan niya nakahiga lang, nanginginig paminsan-minsan sa bawat galaw ng alon, at unti-unting humihina ang tunog ng makina hanggang sa tuluyang mawala. Biglang tumahimik. Napapikit siya nang mariin dahil doon. Ramdam niya ang bigat ng hangin, ang init at sakit sa buong katawan niya. May kung anong hapdi sa hita niya, sa braso niya, sa likod niya, parang may kumalat na paso na hindi niya maipaliwanag. Halos hindi na niya maigalaw ang sarili niya. Hanggang sa maramdaman niyang may humawak sa kanya. Hindi maayos, hindi maingat, parang hinila lang siya nang walang ingat. Bago pa niya ma-process ang nangyayari, naramdaman na lang niya ang malamig na tubig. Isang biglang bagsak. Parang itinapon siya. “f**k,” mahina niyang sambit pero agad ding nalunod sa tubig ang boses niya. Sumalpok ang katawan niya sa dagat. Agad siyang nilamon ng lamig at bigat. Pumasok ang tubig sa ilong niya, sa bibig niya, at halos mawalan siya ng hininga sa biglaang pangyayari. Napakapit ang instincts niya. Kahit hilo, kahit masakit ang buong katawan niya, pinilit niyang gumalaw. Sumikad siya sa tubig, pilit umahon, lumaban sa pagkalunod. Pero mabigat ang lahat. Parang may humihila sa kanya pababa. Nang sandaling makaahon ang ulo niya sa ibabaw, huminga siya nang malalim, hingal na hingal, ubo nang ubo, bago muling muling lumubog. “Lumangoy ka!” Isang sigaw ang umalingawngaw mula sa bangka. “Ililigtas mo sarili mo! Sorry Sir!” Napahinto sandali ang boses, parang may bigat. "Patawad.” Hindi niya alam kung sino ang sumigaw. Hindi niya rin kayang kilalanin. Ang tanging alam niya, kailangan niyang mabuhay. Sinubukan niyang muling lumangoy. Putol-putol ang galaw ng mga braso niya, nanginginig ang mga binti niya, pero pilit niyang inaangat ang sarili sa ibabaw ng tubig. Humahabol siya ng hangin sa bawat pagkakataon na lumilitaw siya. Sa likod niya, narinig niya ang makina. Umandar muli. Palayo. Iniwan siya sa gitna ng dagat. Hindi niya alam kung sinadya o kung ito na ang tanging pagkakataon niya. Pero kahit ganoon, hindi siya bumibitaw. Kumakapit siya sa paniniwala niyang makakaligtas, kahit anong puwedeng magdala sa kanya sa ibabaw. At habang unti-unting lumalayo ang tunog ng bangka, isang bagay lang ang paulit-ulit sa isip niya, kahit halos wala na siyang lakas para mag-isip. Blue book. SA katagalan ng pagpupumilit niyang makalangoy, unti-unti nang bumibigay ang katawan ni Braxton. Parang lahat ng lakas niya kanina biglang naubos, at ngayon tubig na lang ang humihila sa kanya pababa. Pumapailalim siya nang pumapailalim, at habang lumulubog siya, unti-unting lumalabo ang lahat sa paligid. Mabigat ang pakiramdam niya, parang walang hangin kahit pilit siyang humihinga sa ilalim ng tubig. Hanggang sa tuluyan na siyang mapahinto, parang sumuko na ang katawan niya sa laban. Doon, sa gitna ng malamig at tahimik na ilalim ng dagat, unti-unting nag-iba ang lahat sa isip niya. Parang bumagal ang mundo. At isa-isa, pumasok sa isip niya ang mga mukha. Mga kaibigan niyang kasama niya lang kanina, tumatawa, nagbibiruan, parang walang problema. Naririnig pa niya sa isip niya yung tawanan nila, yung light moments na akala mo normal lang na araw, walang mangyayaring ganito. Then sumunod ang iba. Mga magulang niya, malinaw ang mga ngiti, parang tinatawag siya pabalik sa lugar na safe. Yung kapatid niya, parang nakatingin lang sa kanya, hindi nagsasalita pero ramdam niya. Napangiti siya nang mahina, mapait. Parang okay na. Parang pwede na siyang magpahinga. Unti-unti siyang nilalamon ng tubig, at hindi na niya pinipigilan. Parang tinatanggap na lang ng katawan niya na doon na siya matatapos. Pero bigla may something na pumutok sa isip niya. He snapped back. Hindi. Not like this. Ayaw niya sa ganitong paraan mamatay Bigla siyang gumalaw ulit, pilit na lumaban kahit parang wala na talaga siyang natitirang lakas. Sumikad siya sa tubig, pilit umahon, kahit nanginginig na buong katawan niya at parang bawat galaw niya hinihila siya pababa. “Come on,” mahina niyang bulong, halos punit na ang boses niya sa isip. Isa pang struggle. Isa pang try, inubos niya ang buong lakas. Hanggang sa bigla siyang umangat. Huminga siya nang malalim, parang first time niyang makahinga ulit after drowning in silence. Ubo siya nang ubo, halos masakit na sa dibdib, pero wala siyang pakialam. At sa harap niya, sa gitna ng malawak na dagat, may nakita siyang liwanag. Hindi malayo lalong hindi illusion. Kundi totoo. Isang ilaw na gumagalaw, parang papalapit, o siya yung papunta doon, hindi na niya ma-distinguish. Pero sa isip niya, isang bagay lang ang malinaw. Hindi ito end. It’s a chance. Sa gitna ng sakit, pagod, at pagkalunod na muntik na niyang tanggapin, may isang bagay na kumapit ulit sa kanya. Hope. KINABUKASAN, nagising si Lora sa malakas na tawag ng pangalan niya. “Lora!” Agad siyang napabangon mula sa maliit na katre na gawa sa kawayan. Halos sabog pa ang gising niya, pero ramdam niya agad na may mali sa tono ng boses na tumatawag sa kanya. Hindi iyon normal na pagtawag, may urgency, may kaba or may malaking problema ang maliit nilang Isla. Lumapit siya sa bintana na gawa rin sa kawayan at itinulak iyon. Sa labas, bumungad si Mang Lando, hingal pa, halatang galing sa mabilis na pagtakbo. “May tao sa dalampasigan,” sabi nito agad, diretsahan. “Walang malay. May sugat sa ulo, may mga paso sa katawan. Mukhang galing sa aksidente.” Natigilan si Lora. Parang biglang bumigat ang hangin sa paligid niya. Nanlaki ang mga mata niya. “Ha? Dito?” lumabas sa bibig niya, hindi makapaniwala. “Mang, malayo na tayo sa lahat. Paanong may mapapadpad dito?” Umiling si Mang Lando, seryoso ang mukha. “Hindi ko rin alam. Pero nakita na ng mga mangingisda. Nasa may buhangin pa siya ngayon.” Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Walang ayos-ayos, wala nang bihis. Nakapajama lang siya at oversized na T-shirt, pero wala na siyang pakialam. Mabilis siyang lumabas sa maliit nilang bahay na gawa sa kahoy at kawayan. “Halika,” sabi niya, mabilis ang boses. “Tingnan natin.” Sumabay si Mang Lando sa kanya habang naglalakad sila papunta sa dalampasigan. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng hangin at alon ang maririnig. Pero sa bawat hakbang ni Lora, mas lumalaki ang kaba niya. Hindi ito normal. Habang papalapit sila sa baybayin, may mga taong nakatipon na. Mga mangingisda, mga kapitbahay, nakatingin sa iisang direksyon. Sa gitna nila, may nakahandusay sa buhangin. Isang lalaki. Basang-basa. May dugo sa mukha. May mga paso sa balat, halatang galing sa matinding aksidente o sunog. Hindi na gumagalaw. “Siya ‘yon,” mahina sabi ng isa sa mga tao. Natigilan si Lora nang makita niya. Hindi niya pa alam kung sino ito. Pero alam niyang isa lang ang sigurado. Hindi ito ordinaryong tao na basta lang napadpad sa isla nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD