Rumor Explosion Elara Pov Last day na namin dito sa Laguna. Mamayang madaling araw pa ang balik namin sa Manila. Excited na akong makabalik dahil sigurado akong hindi na ako ang magiging PA niya sa main branch ng kompanya. At na-miss ko na si Papa. Kada umaga tumatawag ako para i-check siya at i-remind na inumin ang vitamins niya. May pera naman akong iniwan sa kanya at nag-grocery na rin kami bago ako umalis pa-Laguna. Kaya sigurado akong hindi magugutom ang Papa ko. Pagpasok ko pa lang sa opisina, ramdam ko na agad ang mga tinginan ng ibang empleyado. 'Yung tipong hindi naman bulungan, pero literal na nag-gossip marathon na sila noong wala pa ako dito. Pero nasasanay na lang rin ako. Ang mahalaga eh, hindi nila ako sinasaktan physically. Matibay ang loob ko kaya ko pang i-handl

