bc

Isang Gabi Kapalit Ang isang Bilyonaryo

book_age18+
219
FOLLOW
5.1K
READ
one-night stand
HE
escape while being pregnant
heir/heiress
lighthearted
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Pera ang kailangan niya, hindi pag-ibig.

Pero nang mangailangan ng malaking halaga para sa gamutan ng kanyang ama, handa si Elara na isugal ang lahat, pati na ang sarili niya para lamang mailigtas ang ama.

Sa sobrang desperasyon niya, tinanggap niya ang alok ng kanyang boss, isang gabi kapalit ng malaking halaga.

Isang kasunduang dapat ay walang halong emosyon… ngunit bakit sa bawat haplos at titig ay tila may nagbabago?

Ngayon, parehong ikinulong ng kasinungalingan at pagnanasa, kailangan nilang harapin ang katotohanan na hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na nagsimula sa kasalanan?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
1. First meet Isang buwan na ako sa trabaho bilang encoder sa isang malaking kompanya. Sa totoo lang, suwerte na rin ako at natanggap dito. Hindi madali makapasok sa ganitong kumpanya, lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Nagmamadali na akong pumasok sa lobby. Ilang minuto na lang, late na naman ako! At ayaw na ayaw ng manager namin ng late. Sobra rin ito kung makasigaw parang pagmamay-ari niya ang kompanya. Baka magbawas pa ito ng sahod! "Kaya mo ’yan, Elara!” sabi ko pa sa sarili ko habang halos tumakbo na papunta sa elevator. Ang lawak naman kasi ng lobby! Parang mall, may mga marble flooring pa at mamahaling chandelier. Sosyal! “Bakit ba ang layo ng elevator? Parang sinasadya ng tadhana! Kaya ako laging late, eh,” reklamo ng isip ko. ‘Sige, magreklamo ka pa, baka mas lalo kang malate!’ “Heto na nga, mag-good girl na!” bulong ko. Pero sa pagmamadali ko, boom! Nabangga ko ang isang matangkad na lalaki na busy sa cellphone niya. Nahulog ang cellphone niya sa sahig, at muntik na rin akong matumba kung hindi lang niya ako agad nahawakan sa beywang. Natama ang mukha ko sa dibdib niya. Shocks, amoy mamahalin ang pabango niya. Napahiya ako kaya mabilis akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. “Halla! Kasalanan mo! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Ayan tuloy, nabangga mo ako!” sabi ko pa habang pinupulot ang cellphone niya. “What the hell,” malamig niyang sambit. Boses palang, parang CEO sa mga teleserye. Dali-dali kong pinunasan ang cellphone gamit ang laylayan ng damit ko. “Heto na po ’yung cellphone niyo. Medyo may gasgas pero okay pa naman, gumagana pa, po. Hindi naman po siguro nabali ’yung wire sa loob ng cellphone mo at...” “You should say sorry instead of saying nonsense,” putol niya, malamig at matalim ang titig nito. Nagkatinginan kaming dalawa at doon ko siya mas nakita ng malapitan. Matangos ang ilong, matalim ang mga mata, halatang sanay na sanay mag-utos. Parang tipong one look, tahimik lahat. 'Feeling boss!' sigaw ng isip ko. Natigilan ako. Nakakahiya mang aminin, pero parang nalunok ko ang dila ko. “E-Eh, ang cellphone niyo po. Paki-check na lang po kung umiilaw pa, safe pa rin siguro at hindi maliligaw ang mga letra,” sabay abot ko ulit. Wala itong imik at masamang nakatitig sa akin. Kaya ko 'to. “Kasalanan mo po kasi! Dapat di ka nagse-cellphone habang naglalakad!” mabilis kong dagdag, trying to defend myself kahit nanginginig ako sa kaba. “Miss, tabi ka diyan, nakakaabala ka sa boss ko,” singit ng isang lalaki pero pinigilan siya ng lalaking kaharap ko. “If I didn’t catch you, you would’ve fallen on the floor. And honestly, my phone is worth more than your carelessness.” sikmat nito. Walang emosyon sa mukha niya, pero ramdam ko ang ma-autoridad niyang boses. Napatingala ako. Ang tangkad niya. Nakaka-intimidate, pero hindi ako magpapasindak. "Pasensiya na po. Sige po, pasok na ako sa trabaho. Late na ako sa trabaho dahil po sa inyo. At isa pa, hindi lang ako ang may kasalanan. Binangga kita sa kadahilanang nakaharang ka sa daan. Ikaw po ang irresponsible dahil hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo po." Mahaba kong paliwanag! "You’re impossible, woman!" baritonong galit na sambit ng lalaki. "Ano ang trabaho mo rito?" mariing tanong pa nito. "Ha? Bakit po?" "Just answer me." matalim ang mga matang tinitigan ako. "May balak ka po bang ipatanggal ako sa trabaho ko? Huwag naman po. At kung sisingilin niyo po ako sa nagasgas mong cellphone, pasensiya na pero hindi ko kayang bayaran! Pinunasan ko naman na ’yan ng bitawan mo, kaya quits na tayo! Goodbye po!” sabi ko naman. Hinawakan ko ang kamay niya at pinatong ko sa palad niya ang cellphone at mabilis na akong tumakbo papunta sa elevator. Hindi ko na siya pinansin pa. Pero bago tuluyang bumukas ang pinto ng elevator, napalingon ako sa likuran ko. Nagulat ako dahil nakatitig pa rin siya sa akin. Madilim ang mukha at hindi maipenta. "Sorry po!" sigaw ko sabay pasok na sa loob ng elevator. Kahit kailan ka self pahamak ka! Hingal na hingal akong nakarating sa opisina namin mga encoder. "Whoah, safe sa late era! Sakto ang oras, hindi ako late!" "Ano pang inaarte mo diyan, Elara Delos Reyes? Magtrabaho ka na!" sigaw ng manager naming si Ma’am Theresa. Nagulat ako sa malakas na sigaw ng manager namin. "Ikaw talaga Ma’am nakakagulat ka po, smile naman po! Bawal high blood sa umaga! Kay aga-aga eh, papangit ka po," biro ko sabay peace sign. Mabilis ko ng nilagay sa cabinet ang bag ko at agad na hinarap ang trabaho ko. Tambak na naman ang mga trabaho namin. Walang katapusang page-encode. Habang nag-eencode ako, pilit kong iniwasan ang lungkot. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Si Papa na lang ang pamilya ko at bakit siya pa ang may sakit. Kailangan kong maging malakas at matapang sa lahat ng oras para sa Papa ko. Ngayon ay kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. 'Saan ako kukuha ng malaking pera?' problemadong bulong ko. Nang mag-uwian na, nakatanggap ako ng tawag mula sa nurse na nagbabantay kay Papa. Pagkasagot ko pala lang ay kinakabahan na ako sa ibabalita ng nurse sa akin. "Miss Elara, kailangan nang maoperahan ang Papa mo sa lalong madaling panahon. Kung hindi baka ikakamatay na niya kapag hindi naagapan," nag-aalala rin na pagbabalita ng nurse. "Wala na bang ibang paraan?" malungkot kong tanong. Panginoon ikaw na lang ang malalapitan ko sa ganitong malaking problema na dumating sa buhay naming ng aking ama. Tulungan mo po sana ang aking ama na gumaling na. "Wala ng ibang paraan, Miss Elara. Operasyon ang kailangan para maisalba pa ang buhay ng iyong ama," "Gagawa ako ng paraan, nurse. Kahit ano! Basta para sa Papa ko," determinado kong sabi. Pagkababa ko ng tawag, napaupo ako sa gilid ng lobby. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Desperado na talaga ako. Anong gagawin ko? Tumawag ako sa bakla kong kakilala may alam daw na 'easy money.' Habang nakikinig ako sa sinasabi nito, parang nanuyo ang lalamunan ko. "Isang gabi, ten thousand lang?" bulong ko sa sarili. "Kawawa naman ako. Paano ako makakaipon ng isang milyon kung ganun?" "Pero… paano si Papa?" napahawak ako sa mukha ko. "Baka kapag virgin pa… mas malaki ang bayad siguro…" Tumingin ako sa kisame, halos matawa na lang sa sarili kong desperasyon. "Ang malas ko naman. Kawawa naman ang p********e ko kapag iba-ibang öten ang papasok sa pëkpek ko. Huwag na! Pero... hayzt bahala na!" Hindi niya alam, may isang pares ng mata pala ang tahimik na nakikinig sa kanya mula sa di kalayuan. At iyon ay ang lalaking nabangga niya kaninang umaga. Si Lucien Vale Montclair ang may-ari ng kompanyang pinapasukan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
315.3K
bc

Too Late for Regret

read
322.1K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
145.3K
bc

The Lost Pack

read
441.1K
bc

Revenge, served in a black dress

read
154.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook