Kabanata 2

1112 Words
2. Alok ng Boss Elara Pov Kararating ko pa lang sa opisina nang lapitan ako ng nakasimangot na supervisor namin. Nagtaka ako dahil hindi naman ito humaharap sa amin na mga baguhan sa trabaho. Ang manager naman namin ay masungit. Akala mo sila ang boss dito kung makaasta sila. "Tiis lang, Elara," bulong ko sa sarili ko. "Hoy, Miss Delos Reyes, pinapatawag ka ng boss natin!" padabog na sabi ng supervisor. "Po? Bakit po?" tanong ko, nagtataka. "Ewan ko sa'yo kung ano ang ginawa mo dito! Hindi magpapatawag ang boss natin kung wala kang malaking kasalanan na nagawa! Sana matanggal ka na lang dahil sakit ka sa mata dito!" panginsulto nito, sabay iwan sa akin. 'Ganito ba itrain ng nasa HR ang mga empleyado dito? Pag-sungitan ang mga bagong salta?' tanong ko sa isip ko. Tumayo na ako nang sigawan na naman ako ng supervisor. Magtanong na lang ako sa makakasalubong kong empleyado kung saan ang opisina ng boss namin. Huminga ako ng malalim nang makarating ako sa pinakamataas na palapag ng building na ito. Buti na lang mabait ang napagtanungan ko kanina. Kinakabahan at nangangatog ang mga tuhod ko sa nerbyos. May kasalanan ba akong nagawa? Na-stress na naman ako. Kumatok ako ng tatlong beses, pero marahan lang. Halos hindi nga dumikit ang kamay ko sa hamba ng pinto sa kaba. Napaigtad ako nang makarinig ako ng boses mula sa loob. Ngayon pa lang, sobrang kinakabahan na ako. Nag-exhale inhale pa ako bago ko binuksan ng marahan ang pintuan. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin mula sa aircon sa loob ng opisina nito. Pagkapasok ko, marahan ko rin sinara ang pinto. Marahan akong lumapit sa isang mamahaling mesa na alam kong mesa ng boss namin. Nakatayo ako sa maluwang na silid ng opisina. Kinakabahan habang nakatingin sa kawalan. 'Nasaan ba ang boss namin? Sana naman hindi siya nakakatakot at hindi niya ako patalsikin sa trabaho,' taimtim kong sambit sa isip ko. "You're here!" Napaigtad ako sa gulat nang umikot ang swivel chair nito paharap sa akin. Hindi ko alam na nandito lang pala siya. At mas nagulat ako nang mamukhaan ko siya. Ito 'yong nabangga ko sa pasilyo noong mga nakaraang araw. Ang malamig na aircon ay mas lalong pinalamig ng titig ng boss na nagpapakuryente sa katawan ko sa takot. "M-Magandang umaga po, S-Sir. Uhm... M-May problema po ba?" mahina kong tanong. Tinitigan niya ako ng diretso sa mga mata, matalim, malamig, na parang binabasa ang kaluluwa ko. Nakasandal ito sa swivel chair niya at nakita kong may hawak siyang brown na envelope. "Sit down!" mahinahong utos sa akin ng boss ko. Atubili akong naupo sa upuan sa harapan ng mesa nito. "S-Sir, s-sana huwag niyo po akong tanggalin sa t-trabaho ko. H-Hindi ko po sinasadya," nauutal kong sabi. Nanginginig na rin ang mga kamay ko sa takot na baka tanggalin niya ako sa trabaho. Paano na ang tatay ko? "Narinig kita kagabi," mahina pero mabigat ang tono ng boses ng boss ko. "P-Po?" utal na sabi ko. "Nasa labas ka ng building... umiiyak. And desperate." Napalunok at napakurap ako, bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ibig sabihin, nakikinig siya sa usapan namin ng kaibigan kong bakla? "S-Sir, narinig niyo po ako?" nahiya ako bigla sa sarili ko. "Yes!" malamig na tugon ng boss ko. "Sabi mo, kailangan mo ng pera para sa tatay mo, di ba?" Nahihiya akong tumango at nagyuko ako ng ulo. "O-Opo. Pero hindi ko po alam na-" pinutol niya ang sasabihin ko. "I can give you what you need." Tumayo ito sa kinauupuan niya at lumapit sa akin ng marahan, makisig. Napaatras ako ng bahagya nang kunin niya ang hibla ng buhok ko na dumikit sa pisngi ko at inipit sa likod ng punong tainga ko. Hindi pa nakontento, nilapit niya ang mukha hanggang sa maramdaman ko ang init ng hininga nito. "Isang gabi. That's all I'm asking," Napanganga ako na parang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. "A... A-Ano pong ibig ninyong sabihin, S-Sir?" mahina pero may takot sa tono ng boses ko. "Spend one night with me, Elara," deretsahang sabi ng boss ko. "In return, makukuha mo ang isang milyong halaga, enough to save your father's life." Namilog ang aking mga mata. Tama ba ang narinig ko? Inaalok ako ng boss ko ng isang gabi kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng Tatay ko? 'Okay na 'yan, bruha ka. Isang otën, isang milyong pesos na. Kesa sa sinabi ng kaibigan mong bakla, may kaltas pa. Nalamog na ang petchay mo, hindi ka pa nakaipon ng isang milyon. Go, go, go na, bruha,' sigaw ng pakialamera kong utak. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko maproseso ang sinabi ng boss ko. "P-pero, sir..." "Hindi kita pinipilit," marahan pero matatag ang boses nito. "It's an offer. Pwede ka nang umalis sa kwartong ito at magkunwaring walang nangyari... but your father—" tumigil siya sandali at tumingin sa akin, "baka wala nang oras para mailigtas mo pa ang ama mo." Nanginginig ang mga kamay ko. Bawat salitang binitawan ng aking boss ay parang patalim na sumaksak sa puso ko. Tama ito. Alang-alang sa Papa ko gagawin ko ang hindi tama mailigtas ko lang ang buhay ng Papa ko. Ang imahe ng aking ama na nasa hospital ay biglang pumasok sa isipan ko. Napaluha na ako. "Isang gabi lang," dagdag pa ng boss ko. "No attachments. No strings. Tulungan mo lang akong makalimot kahit sandali." Tumulo na ng tuluyan ang luha na nagbabadya sa aking mga mata. Para sa aking ama, gagawin ko ang lahat, kahit pa ibenta ko ang sariling dangal. "At pagkatapos ng isang gabi, sir? Ano na po ang mangyayari? Tatanggalin mo na po ako sa trabaho?" mahinang tanong ko. "Nothing!" malamig na sagot ng boss ko. "Makukuha mo ang pera, at kalimutan na natin na parang walang nangyari." Naging tahimik ang paligid, ang sitwasyong ito ay nagpabigat sa dibdib ko. Sa gitna ng katahimikan naming dalawa ng boss ko ay marahan akong nagsalita. Halos pabulong na nga lang. "Para sa Papa ko. Gagawin ko ang lahat," ito na lang ang paraan para maisalba ang buhay ng aking ama. Nakita ko itong ngumiti, pero walang emosyon sa kanyang mga mata hindi rin mukhang masaya. Para bang gusto lang nito ng may mag-aaliw sa kanya. At ako iyon. "Good. Ipapasundo kita mamayang gabi. Now get out and do your job now!" Paglabas niya ng opisina ng boss, bitbit niya ang bigat na desisyong alam niyang babago sa buong buhay niya. Dignidad over her father's life? Ang hirap mamili. Tulala ako maghapon sa desk ko na halos wala na akong natrabaho dahil lutang ang imahe ko. Iniisip na ang mangyayari mamayang gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD