Chapter 2

4738 Words
Maagang nagising si Astrid, kailangan niyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya sa pagpunta niya ng Vigan na isang buong araw niyang pinaghandaan. Inayos ni Astrid ang higaan at ilang kalat sa kwarto niya bago pumasok sa banyo para maghilamos at gawin ang ritwal niya. Pagkatapos niya sa banyo ay bumaba na siya para magluto ng agahan nilang mag-ina. Mahinang kumakanta si Astrid habang pababa ng papunta ng kusina. She’s in the mood today because she’s excited. Kumuha si Astrid ng Tocino sa ref, pinakuluan niya iyon bago iprito. Pagkatapos iprito ay nag-fried rice siya. That’s their usual breakfast. Para ba na hindi buo ang umaga nilang mag-ina kapag walang fried rice sa hapag nilang dalawa. Nagtimpla ng coffee si Astrid para sa Mom niya. Ilang sandali lang ay bumaba na din ang Mom ni Astrid na nakabihis pang opisina na. "Good morning, Mom," bati ni Astrid sa ina bago ilapag sa harap nito ang kapeng gawa niya nang umupo ito sa hapag. "Good morning din, anak," anito sa kanya saka hinalikan ang noo niya. So sweet. She said in her mind. "Bago ako umalis, niluto ko ang paborito natin na agahan," nakangiting sambit ni Astrid. "Salamat, anak." Inihanda na ni Astrid ang mga niluto niya bago siya maupo sa harap na upuan ng ina niya. Nagpasalamat muna sila kay God para sa pagkain nila ngayong araw bago magsimula kumain. They were eating their breakfast in silence when her mother broke the silence. "I’ll miss you, baby.” Biglang sambit nito. “Mag-ingat ka Astrid, huwag mong kalimutan ang mga bilin ko sa'yo. Kapag may kakaiba ka nang nararamdaman pumunta ka na agad sa hospital, huwag mo ng hintayin na may mangyari pa sa iyong masama." Bilin sa kaniya ng Mom niya habang sumisimsim ng kape na timpla niya. "Yes, Mom," she replied and continued eating her breakfast. Maya-maya lang ay nagpaalam na ang ina ni Astrid, sa huling pagkakataon ay pina-alalahanan na naman siya nito. Lagi naman niya iyon na aalala, isa pa ay ayaw ni Astrid na bigyan ng alalahanin pa ang Mom niya. “Take care, Mom. I love you.” “I love you too. Don’t forget to text me and call me!” Astrid nodded. “I will.” Pagkatapos niya kumain ay sinunod naman gawin ni Astrid ang pagligpit ng pinagkainan nila. Hinugasan muna niya iyon bago umakyat sa kwarto niya para maghanda. Tiningnan muna ni Astrid ulit ang mga gamit na dadalhin niya sa Vigan, kung may nakalimutan ba siya o may kailangan pa siyang idagdag. Nang masigurado na wala siyang nakakalimutan ay nagtungo na siya sa banyo upang maligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya- isang pastel color na tshirt ang sinuot niya at isang pair ng black jeans. Matagal din ang da-drivin niya kaya comfortable clothes lang ang sinuot niya, siguro ay 6 to 8 hours, Manila to Vigan. Nilagay ni Astrid sa kotse niya ang mga gamit niya. Nang mailagay lahat doon ang mga bag niya ay sumakay na siya sa Mercedes Benz niya. Binuhay niya ang makina ng kotse at ilang minuto ang lumipas ay pinaharurot na niya iyon palabas ng village. Habang nagda-drive si Astrid ay naisipan niya na makipag-video call sa dalawang kaibigan para ipaalam sa mga ito na ngayon ang alis niya. "Hey" aniya ng sagutin ng kaibigan ang tawag niya. "Hi, Babe. Where are you?" Tanong sa kanya ni Trinity. Nasa restaurant ang kaibigan niya base na din sa paligid na nakikita niya mula sa screen. "Miss mo ko?" Ani naman ni Nina habang tinitingnan ang mga kuko nito. "Nope. I just want to say that I'm on my way to Vigan." She said without looking at the camera of her phone. Hindi siya nakatingin sa screen ng cellphone niya dahil nga nagda-drive siya. "Are you driving?" Astrid nods at Trinity. "Then why are you calling us? Hindi mo ba alam na bawal gumamit ng cellphone habang nagda-drive?" "Alam ko 'yon. Gusto ko lang sabihin sa inyo na paalis na ako." "Take care of yourself. Call us when you're already there." Rinig niyang sabi ni Nina. "Yup. Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo, Astrid." Trinity mumbled. Napangiti siya sa dalawa. "Yes, Ma’am," biro niya sa mga ito. "I'm serious, Astrid." Anito sa kaniya sa seryosong tono ng pananalita. Astrid nodded. "Yes. Yes. Huwag kayong mag-alala hindi naman ako magtatagal doon," aniya. "Kaya huwag nyo ako agad ma-miss," singit pa niya. Nina rolled her eyeballs. "Nag-aalala lang kami sayo. Kung hindi lang kami busy, sinamahan ka na sana namin diyan," Ani sa kaniya ni Nina. I know that, gaya niya ay gustong-gusto nang dalawa niyang kaibigan ang maglibot. Inihinto ni Astrid ang sasakyan niya ng mag-red ang traffic light. Humarap siya sa screen ng cellphone niya habang nakahinto pa ang sasakyan niya. "I know. Tawag na lang ulit ako sa inyo mamaya. I love you both." Astrid said while waving her free hand. "Love you." Sabay na sabi ng dalawa. "Wag nyo akong ma miss agad, huh," pahabol niya dito bago niya pinatay ang tawag. Hinihintay niyang mag green light bago paandarin ulit ang sasakyan. Buti na lang ay hindi ganun ka-traffic ngayon kaya tiyak na hindi siya gagabihin sa daan. Ilang oras na ang nakalipas ay naisipan ni Astrid na huminto muna para bumili ng pagkain niya at para narin gumamit ng toilet. It's been what? Two hours… Two hours of driving and she's hungry. Kanina pa kumakalam ang sikmura ni Astrid sa gutom. Kaya naman ng may nadaanan na fast food si Astrid ay agad siyang nag-park ng sasakyan. Kinuha niya ang cellphone at wallet saka lumabas ng sasakyan. Pagkapasok ni Astrid sa restaurant ay agad siyang nagtanong kung saan ang bathroom. Pagpasok niya doon ay walang siyang tao na naabutan doon. She does her thing. Pagkatapos niya ay agad na siyang naghugas ng kamay at bago lumabas ay inayos muna niya ang sarili. She can see how pale her face is in the mirror in front of her. Kinuha niya ang face powder sa bag niya at naglagay niyon sa mukha ng mabawasan ang pamumutla niya. Nang masigurado niya na hindi na ganoon ka-putla si Astrid ay lumabas na siya. Papunta pa lang si Astrid sa counter ay may nabunggo siya na lalaki. Agad na nuot sa ilong ni Astrid ang natural na amoy panlalaki nito. Hindi agad nakakilos si Astrid dahil masyado siyang nawala sa focus dahil sa amoy nito. Ang bango… Hinintay ni Astrid na lingunin siya ng lalaki at humingi ng tawad ngunit hindi iyon nangyari. Hindi siya nito nilingon na animo wala itong nabanga. “Hey.” Tatawagin pa sana ulit ni Astrid ang lalaki ng makalayo na ito sa kanya. Pinanood ni Astrid ang papalayong bulto nito hanggang sa hindi na niya ito makita. Tila ba nagmamadali ang lalaki kaya hinayaan na lang din ni Astrid ang lalaking nakabungo sa kanya. Pumila si Astrid sa counter para um-order ng pagkain niya. She ordered Roast Beef, and a Grilled Vegetable Burrito with a glass of Iced Tea. For take-out, she ordered a basket of fries. Her favorite. Within 20 minutes, her food arrived. Mabilis siyang kumain at pagkatapos ay namahinga muna siya bago bumalik sa sasakyan, naisipan na din niya na mag-take out kanina para kapag nagutom siya habang nasa byahe siya ay pwede siyang kumain. Ilang oras lang ay nasa San Fernando na si Astrid, konti nalang ay nasa Vigan na siya. Aliw na aliw si Astrid sa mga nadadaanan niya kaya hindi siya naiinip. Binuksan niya ang cellphone at saka siya nag patugtog. Naka-connect ang cellphone niya sa sasakyan niya kaya naman rinig na rinig niya ang kanta. Beautiful Scars. Love it! Hindi na niya napigilan pa ang sarili na sumabay sa kanta habang nagmamaneho siya. Hanggang matapos ang kanta ay sinabayan iyon ni Astrid. Para pa nga siyang baliw na kumu-kumpas ng kamay habang kumakanta. Buti na lang ay tinted ang bintana ng sasakyan niya kaya walang nakakakita sa kaniya. Ilang oras lang ay nakarating na si Astrid sa hotel na siyang tuluyan niya habang nasa Vigan siya. Maayos niyang pinarada ang Mercedes Benz nya saka pumunta sa reception desk ng hotel. The receptionist welcomed her. "Welcome to Hotel Hilton de Vigan. Good afternoon, Ma'am. How can I help you?" She smiled. "I booked here at the hotel under my name, Astrid Aitana Vargas." "Check ko po, Ma'am." May tinitignan ito sa computer. Nang masigurado nito ay may inabot ito sa kanya na key ng magiging silid niya. "Room 104, third-floor po." "Thank you," at sinilip niya ang name tag nito. "Reese," dagdag niya. "Do you need help carrying your baggages, Ma’am Astrid? Patutulungan na po kita sa gamit mo Ma'am." Tatawag sana ito ng katrabaho ng mabilis na pigilan ito ni Astrid. “Huwag na, Reese. Kaunti lang ang gamit ko at magaan lang, kaya ko na dahil ang mga ito hanggang sa silid ko. Maraming salamat,” nakangiti niyang sagot sa babaeng receptionist. Konti lang ang gamit niya kaya, kaya naman na niya iyon buhatin. Ngumiti sa kanya ang babae. Marami pa itong sinabi sa kanya. Bago siya umalis sa reception desk ay nag-utos muna siya na dalhan siya ng dinner. Sumakay siya sa elevator, pinindot niya ang floor niya. Pasarado na sana ito ng may pumigil sa pinto para hindi ito magsara. Pumasok mula doon ang isang lalaki na may dalang camera at duffle bag. Halos malaglag ang panga ni Astrid ng matitigan niya ang lalaki na mala-adonis ang kagwapuhan nito. Para itong si Chris Evans sa kakisigan nito. Maputi ito, may matangos na ilong, at maninipis na labi. Magulo ang buhok nito na talagang bumagay at nagpadagdag sa kagwapuhan nito. Yummy! Tapos yung jawline nito ay... pak na pak. Super duper yummy na Fafa! Kung hindi lang mahigpit ang garter ng panty na suot ni Astrid ay baka nalaglag na iyon sa sahig. "So hot," she whispered without thinking. “Mabango din…” Mabilis umiwas ng tingin si Astrid ng tiningnan siya nito. Mukhang narinig nito ang binulong niya. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa ka-ingayan niya. Muntik na siya mahuli buti na lamang at mabilis na iniwas ang tingin niya. Pasimple na inamoy ni Astrid ang lalaki. Pamilyar talaga sa kanya ang amoy nito, tila ba na amoy na niya iyon. Pilit na inaalala ni Astrid kung saan niya na amoy ang pabango nito. Hindi nagtagal ay biglang bumalik ang alaala niya sa fast food restaurant kung saan may nabungo siyang lalaki. Kaamoy ng lalaking katabi niya ngayon ang lalaki na bumungo sa kanya. Pinindot ng lalaki ang floor nito saka binalik ulit ang tingin sa camera na hawak nito. Kung umasta ito ay parang hindi siya nito nakikita. Hmp. Hindi man lang siya nito napansin puro sa camera lang nito ito nakatingin. She doesn't know why she's getting irritated when he ignores her. Napahawak siya sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya ng maramdaman niyang sumakit iyon. Malay nyo ito na pala ang magiging future jowa ko, di'ba? Ika nga nila nothing is impossible. Pero kung hindi niya ito magiging jowa... aba't hindi siya makakapayag doon. Kakaisip niya sa katabi ay hindi niya napansin na huminto na pala ang elevator sa floor niya kung hindi lang siya kinausap ng katabi ay hindi siya matatauhan. "Miss... Are you listening to me?" The man asked her ngunit hindi narinig ni Astrid ang pagtawag nito dahil masyado siyang distracted sa katabi. "Miss.. floor mo na." Napatingin siya sa katabi. Shete, Otso, Nuwebe... ang lalim ng boses nito animo tinatangay siya nito sa ibang dimensyon. Napatanga siya dito. "Hey! Miss." Tila may pagkayamot na tawag nito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap ng marinig niya ang yamot nitong boses. "Sorry... Sorry." Paghingi niya ng tawad dito. Ano ba yan, kahit kailan ang palpak mo talaga Astrid Aitana. Nakakaasar! Unang pagkikita namin ng future boyfriend ko, napahiya na agad ako! Argh! Mabilis lumabas ng elevator si Astrid at baka kasi lalong maasar sa kaniya ang lalaki pero hindi na naman siya nito pinansin ng makalabas na siya na siyang lubos niyang kinaasar. Gusto niyang magpapadyak sa asar ngunit pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niya lalo mapahiya dito. Calm down, Astrid. Nasa iisang hotel lang kayo ng future jowa mo kaya sigurado na magkikita pa kayo. Anas ni Astrid sa isip niya. Nang sumarado ang elevator ay nagpasya na siya na hanapin ang room niya. Hindi naman nahihirapan si Astrid na hanapin ang magiging kwarto niya dahil hindi naman ganoon kalakihan ang palapag ng hotel. Using the key the receptionist gave, she unlocked the door. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang malinis at maayos na kwarto, may kalakihan din ito pero mura lang ang renta, na talagang ikinatuwa niya. Inilapag niya ang bag na dala sa sofa at agad na tumalon pahiga sa malapad na kama. Mamaya ay aayusin niya ang gamit niya at ilalagay sa closet na nakalaan. "Aghh! So soft…" She moaned when her body bounced in the bed because of the softness of the bed mattress. After a minute of laying down on the soft mattress, Astrid decided to stand to get her phone. She opened her phone and texted her mother and two best friends. Hindi nagtagal ay nakatanggap siya ng reply mula sa ina. From: Mom Take care. Don't forget to eat your dinner. I will call you later. Can talk to you right now, nasa meeting ako. Love you, baby. Mwah! To: Mom I will. Love you more, Mom. Binaba niya ang cellphone at pumasok sa banyo. May bathtub doon kaya naisipan niyang punuin iyon ng tubig habang hinihintay na dumating ang dinner niya. After 5 minutes of waiting her dinner had arrived. Astrid eats her dinner while talking to Nina. Busy si Trinity, siguro ay nasa party ito or nasa bar na pagmamay-ari ng pinsan nitong si Finn. Matapos nilang mag-usap ni Nina ay nagbabad na si Astrid sa maligamgam na tubig ng bathtub. Kanina pa kasi siya nanlalagkit at gustong gusto na niyang mapreskuhan. "Feels good," she groaned when the warm water hugged her body. Hindi napansin ni Astrid na nakatulog na pala siya sa bathtub dahil sa sobrang pagod niya. Nagising lang si Astrid nang walang tigil ang pagtunog ng cellphone niya. Napaungol siya ng maramdaman niyang nilalamig na siya sa tagal niyang nakababad sa bathtub. Kinusot niya ang mata bago tingnan kung sino ang tumatawag. Sinagot ni Astrid ang tawag ng makitang ang kaibigang si Trinity iyon. Hindi niya mapigilan na hindi mapangiwi ng makita niyang naka ilang missed called ito sa kanya dahil tiyak na pagsasabihan na naman siya nito. "Hello, Tri." Narinig niya ang maingay na paligid sa kabilang linya. Tama nga siya nasa bar ito. "Kanina pa ako tumatawag sa'yo." "Sorry nakatulog ako sa bathtub." Nakangiwing sabi niya. Kahit na hindi nakikita ng kaibigan niya ay tiyak niya na pinaikot na nito ang mata nito dahil sa sinambit niya. "Seriously... Astrid. Paano kung nalunod ka sa bathtub. Wala pa naman makakakita sa'yo dahil wala kang kasama diyan sa hotel room mo." Hysterical na sabi ng kaibigan niya sa kanya. "Wag kang OA, Trinity. Bathtub tapos malulunod, ano ako bata?! At ikaw naman nasa bar ka na naman. Naku Trinity, kapag ikaw nabuntis sinasabi ko sa'yo, ikaw ang lulunurin ko sa bathtub." Biro niya sa kaibigan bago tumayo at i-drain ang tubig ng bathtub. "Buntis agad hindi pwedeng naka-score muna." Balik na biro nito sa kaniya nito habang tumatawa. Napa-iling na lamang si Astrid sa biruan nilang magkaibigan. Kahit kailan talaga hindi matino kausap ang kaibigan niya. She can stop herself to smile dahil sa sinabi ng kaibigan. "Bye na nga muna maliligo muna ko." "Okay. Bye and please mag-ingat ka, Astrid Aitana." Paalam nito tsaka pinatay na ang tawag. Nag-umpisa na si Astrid maligo sa shower. Medyo kulubot na ang balat niya dahil sa tagal niyang nakababad sa bathtub kanina. Nang matapos si Astrid maligo ay nagsuot muna ng bathrobe saka lumabas ng banyo. Humanap siya ng pantulog niya at saka ginawa ang skincare niya. Kinuha niya ang blower at saka bumalik ulit sa banyo. Pinatuyo niya ang mahabang buhok niya. Masakit kasi sa ulo pag na tulog siya ng basa ang buhok niya. Nang matapos siya ay humiga na siya sa kama. Dahil pagod siya sa byahe kaya agad din siyang dinalaw ng antok. Kinabukasan ay tanghali na nagising si Astrid. Inayos muna niya ang gamit na dala niya, nilagay na niya ang mga damit sa closet na dapat ay kagabi niya ginawa pero dahil sa pagod ay nakalimutan na niya. Kumuha siya ng isang retro square neck dress ang napili niyang suotin, open ang likod niyon at long sleeve din. Naka-messy bun naman ang buhok niya habang ang ilang hibla ng buhok niya ay hinayaan lang niya na nakalaglag. "Perfect." Bulong niya sa sarili habang may ngiti na nakapaskil sa labi niya. Balak niyang kumain nalang sa labas bago siya mag libot-libot sa lugar. Kinuha niya ang shoulder bag niya, nandoon sa loob ang cellphone, wallet, keys ng kotse at hotel room niya at iba pang importante na gamit niya sa bag niya. Hindi na niya ginamit ang kotse niya dahil balak kasi niyang maglakad. Paglabas niya ng hotel ay nag umpisa na siya maglakad-lakad. Maraming tao ngayon sa Vigan, halata na ang iba ay turista. Karamihan doon ay naglalakad, ine-enjoy ang kagandahan ng Vigan. Sa paglalakad niya ay may nakita siyang maliit na Restaurant. Pumasok siya doon at humanap ng mauupuan niya. Sandali pa ay lumapit sa kanyang waiter para kunin ang order niya. "One order of Ultimate Strawberry Waffle and one of Orange Juice." Aniya sa waiter. "One Ultimate Strawberry Waffle, and one Orange Juice. May idadagdag pa po ba kayo Ma'am?" Tanong nito sa kanya. "Pahingi na din akong water." Dagdag niya. "Iyon lang po?" Tanong ulit nito sa kanya. Tumango siya dito bilang sagot. Umalis din ang waiter pagkatapos kunin ang order niya. Wala pang limang minuto ay dumating na agad ang in-order ni Astrid. Inayos ng waiter ang pagkain niya bago umalis. Takam na takam si Astrid sa bango ng order niya. Idagdag pa na ang ganda ng food presentation sa waffle na siya lalong nagpatakam sa kanya. Hindi na nakatiis si Astrid na kunin ang cellphone niya at saka kinuhanan ng litrato ang agahan niya. Pinost niya iyon blog niya bago kumain. Nang matapos kumain ay nagpapahinga muna siya ng konti bago lumabas at mag ikot-ikot muli. Iniwan na lamang niya sa lamesa ang bill kasama ang bayad niya bago siya lumabas. Balak niya mamayang hapon pumunta sa Calle Crisologo para hindi mainit. Sa paglalakad ni Astrid ay napadaan siya sa isang simbahan. Walang pag-aalinlangan na pumasok siya doon. Vigan Cathedral is also known as the Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul the Apostle. Nice architectural design and really looks heavenly from the outside. The interior design is also extraordinary. Humanga siya sa ganda nito. She also took a picture and posted it with the caption 'Fascinated by the beauty of this Cathedral. I wanna have my wedding here someday.' Pumasok si Astrid sa loob at taimtim na nagdadasal. Marami siyang pasasalamat kay Lord, kasama na doon syempre ang paggising niya sa umaga, ang pagbibigay nito sa kanya ng mahaba habang buhay. Ilang oras na din siya naglalakad. Busog na busog ang mata niya sa nakikita niya sa Vigan. Pero ang tiyan niya ay gutom na kaya naisipan niyang kumain muna. May nakita siyang tindahan ng empanada, maraming turista ang nakapila para bumili kaya naman naki pila na din siya. Tiyak na masarap ang empanada dahil sa dami ng bumibili, hindi naman kasi bibigyan ng oras ng iba kung hindi iyon masarap. Bumili siya ng dalawa. Okay na sa kanya iyon, mabubusog na siya sa dalawang empanada. Habang kinakain iyon ay naglalakad-lakad ulit si Astrid. Sobrang worth it ang pagpila niya kanina dahil talagang masarap ngang tunay ang empanada na nabili niya. She wanted to try more… "Hmm..." hindi niya mapigilan na hindi napaungol sa sarap ng kumagat siya sa empanada. Sa paglalakad niya ay may nakita siyang dalawang bata na namamalimos sa isang matandang lalaki. Siguro ay nasa edad lima o anim na ang mga bata. Lubos si Astrid nagtaka ng makitang maraming tao ang nakapalibot sa mga ito. Dahil dakilang tsismosa si Astrid ay lumapit siya doon. Habang papalapit siya ay naririnig niya ang boses ng isang lalaki na mukhang galit sa hindi niya malaman na dahilan. "Mga magnanakaw!" Mabilis niyang dinaluhan ang dalawang bata ng makitang itinulak iyon ng isang matanda na turista sa lugar dahil na rin iba ang kasuotan nito. Umiyak ang batang babae habang ang isa naman ay inaalo ito. Pilit nitong pinapatahan ang bata pero mas lalo lamang itong pumalahaw ng iyak nang sigawan ito ng matandang lalaki. The kids looked frightened at the old man. "Ang dumi ninyo para hawakan ako. Siguro ay mga magnanakaw kayo?! Ano sumagot kayong dalawa!" Galit na sigaw ng matanda sa dalawang bata. Oh, I thought he's a tourist because of his looks, looks like I am wrong. He can speak tagalog fluently. Tumakbo siya papalapit sa mga ito nang makita niyang hahampasin na sana ito ng bag nito ng hinarang niya ang sarili niya ng walang pag-aalinlangan. Dammit! Ang sakit! "Oh, my gosh!" Singhap ng mga tao na nakakita sa mga pangyayari. "No!!!" "Stop!!!" Masakit pero hindi niya iyon iniinda. Tiningnan niya ang dalawang bata mukhang hindi naman nasaktan ang mga ito. Nagtaas ng tingin ang dalawa kaya naman ginawaran niya ito ng tipid na ngiti. Masakit ang likod na hinarap niya ang matanda at simpleng sinamaan niya ng tingin. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanya animo handa na siya nito bugahan ng apoy. "Hoy, babae umalis ka diyan!" Anito sa kanya habang dinuro-duro siya nito. "Malilintikan kayo sa akin mga magnanakaw. Kay bata-bata pa lang ninyo ay marunong na kayo gumawa ng mali." "Pero hindi po kami magnanakaw." Pabulong na sabi ng batang lalaki habang hawak ang kapatid nitong babae na nakatayo na ngayon. Nakatago ang batang babae sa likod nang kapatid nito animo natatakot ito na makita ang matanda. "Aba! Bastos din kayo. Sumasagot ka pa talaga!" hahampasin sana ulit ito ng sumagot na siya. Hindi niya kayang panoorin lang ito ng sinasaktan ang dalawang bata. "Sir, tama na po iyan. Sinabi na po ng bata na hindi sila magnanakaw kaya hindi naman po yata tama na saktan n'yo sila." Sabat niya. Wala ng pakialam si Astrid kung akusahan siya na walang galang, hindi niya hahayaan na muling saktan ng matanda ang mga bata. Mali na ang ginagawa nito na pananakit at hindi siya basta manonood na lang lalo na at alam naman niya sa sarili niya na may magagawa siya. Kunot ang noo nito na tumingin sa kanya. "Ikaw! Sino ka ba? Huwag kang makialam dito at hayaan mo akong turuan ng leksyon ang mga bata na iyan. Ipapakulong ko ang dalawang yan, mga magnanakaw." Leksyon? Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Is he joking? Hindi paraan ng pagtuturo ng leksyon ang paggamit ng dahas lalo na at mga bata ito. Using violence is not always the answer. It can give trauma to these kids. Hindi ba nahihiya ang matanda sa ginagawa nito? Pinagtitinginan na sila at may ilan na pinag-uusapan sila dahil sa ka-ingayan at eskandalo na nangyayari. Hindi niya pinansin ang matanda sa halip ay hinarap niya ang dalawang bata at pumantay sa mga ito. "Hello,mga bata. Ako si Ate Astrid. Okay lang ba kayo, wala bang masakit sa inyo?" tanong niya. "Hi, Ate Astrid. Ako po si Tino." Ani ng batang lalaki. "Eto naman po ang kapatid ko na si Elisa. Ayos lang po kami ni Elisa." Saka nito itinuro ang batang babae. Kumaway sa kaniya si Elisa kay gumanti siya dito ng kaway. "Kumain na ba ka-" hindi na niya na tuloy pa ang sasabihin ng marahas na hinitak ng matanda ang kamay niya para patayuin siya. "Bastos kayo ah! Ikaw naman, kinakausap pa kita babae ka." Anito sa kanya na ikinairap niya. Hahampasin na sana siya ulit nito ng takpan niya ang mukha niya. May ilan siyang narinig na suminghap gawa ng mga nakakita sa kanila. Sorry Mom, pero mukhang uuwi akong may sugat at pasa sa'yo sa pagkakataon na ito. Naghihintay si Astrid na may tumama sa kanyang bag pero ilang segundo na ang lumilipas pero wala parin siyang nararamdaman na tumatama sa kanya na siyang ipinagtaka ni Astrid. Nagdadalawang isip siya kung ibababa ba niya ang kamay o hindi pero sa huli ay napili niyang ibababa ito. Unti-unti niyang binaba ang kamay na nakaharang sa mukha niya. Gulat na tumingin siya sa lalaki na nasa harapan niya. What is he doing here? "You?..." She uttered. Yung yummy na Fafa sa elevator nung nakaraan ay nasa harapan niya ngayon. Kaya naman pala walang tumama sa magandang mukha niya ay dahil pinigilan ito nung lalaki. "That's enough, Sir." Matalim na sambit nito sa matanda. Binitawan nung lalaki yung matanda kaya lalo itong nagalit. Napatingin si Astrid sa binata na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan. Destiny na ba ito? Ito na ang pangatlong beses na silang nagkikita. Natigil ang pag iisip niya ng may bigla na lang humawak na kamay sa bewang niya. Napalunok siya dahil sa biglaang ginawa nito. Hawak siya nito at nilagay siya sa likod na para ba na pinoprotektahan siya nito sa kaharap nila. Hindi niya napaghandaan ang ginawa nito kaya naman lutang na sumunod siya sa ginagawa nito. Naalala ni Astrid ang dalawang bata, hinawakan niya ang dalawa sa kamay at itinabi sa kanya, mahirap na mamaya ay hindi nga siya nasaktan, ang dalawang bata naman ang saktan ng matanda. Lumapit ang lalaki sa matanda at may binulong dito na ikakatahimik nito. Hindi niya iyon marinig pero kita niya ang takot sa mukha ng matanda dahil sa sinabi ng lalaki. Mabilis na umalis ang matanda ng lumayo ang lalaki. Hindi man lang ito humingi ng tawad sa dalawang bata. "Lolo! Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng pigilan siya ng lalaki. Napatingin siya sa mukha ng lalaki. Ngayon ay kitang-kita na niya ang mukha nito. Handsome! Yummy! Dala na naman nito ang camera na nakasabit sa leeg nito. "Ate Astrid, okay ka lang po ba?" Ani Elisa sa kanya habang hinihitak nito ang suot niya. Nakadress siya kaya lumitaw ng kaunti ang suot niyang bra gawa ng pahila nito sa damit niya. Mabilis niyang inayos ang damit at tiningnan niya ang lalaki kung nakita ba nito ang bra niya, pero nakaharap ito sa camera na tila may ginagawa na ipinasalamat niya. Nakakahiya dito kung nakita nito ang suot niyang bra na kulay pink. Humarap siya kay Elisa at pinantayan ito. "Okay lang ako, Elisa." Pagkatapos kausapin ang bata ay humarap naman siya sa lalaki, nakatayo parin ito ngayon. "Thank you pala kanina. Kung hindi ka dumating tiyak na nahampas na naman po ako. Ang sakit pa naman," she said while pouting her lips. Tumango lang ito sa kanya bilang sagot. Sungit naman nito. Hindi man lang ako nginitian. Hmp. May bayad ba ang pag ngiti nito? Pati na rin ang pagsasalita nito? Kung meron man, sana naman hindi mahal para makita niya ang ngiti nito. I really want to see him smile. I really do. Hindi na lang niya pinapansin ang lalaki sa halip ay pinagtuunan na lang niya ng pansin ang dalawang bata. "Kumain na ba kayo Tino at Elisa." Tanong niya sa dalawa. Umiling ang mga ito kaya inaya na lang niya ito sa isang kainan malapit sa pwesto nila. Yung empanada naman na kinakain niya kanina ay nalaglag gawa nung pagharang niya kanina. Sayang. Kakaasar kasing matanda iyon. Hindi na nga nag-sorry sa pananakit sa mga bata, hindi pa nag-sorry dahil sa pagkalaglag ng empanada niya. Naku, kapag talaga nakita niya ulit yung matanda nayon bibilhin niya ulit iyon ng isang daan na empanada pamalit sa nalaglag niyang empanada. Bye, my yummy empanada. Paalam niya sa pagkain niya na nasa simento. Masayang kumakain si Tino at Elisa sa harap niya. Sayang lang at hindi niya na tanong ang pangalan ng lalaki. Nang alukin niya na sana ito na kumain kasama sila ay bigla na lang itong nawala ng parang bula. Sa susunod na magkita sila sisiguraduhin niyang malalaman na niya ang pangalan nito. Hindi na niya hahayaan na makita ito na hindi niya nalalaman ang pangalan ng future boyfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD