Chapter 1

3606 Words
Astrid took a glimpse at her wristwatch. It's already 8 in the morning. Ngayon nga ay nasa Hyde Park, London sila. Isang linggo na sila nasa London para mag-unwind, masasabi naman ni Astrid na nag-enjoy siya sa isang buong linggo na iyon. She's with her mother, they already have walked in a couple of hours. Astrid was dead tired but the view was so beautiful and very calming. There are lots of birds, gardens, and water features. Astrid adores this place already, sobrang daming magagandang lugar at ang pinakanagustuhan niya ay mababait ang mga taong nakakasalamuha nila lalo na ang mga Pilipino na mga nagtatrabaho doon na nakakausap nila. So breathtaking… Ani Astrid sa isip habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harapan niya. Ito ang isa sa bonding nila ng Mommy niya, ang maglibot at gumala. Ang ina na lang ang kasama niya sa buhay, her father died when she was 15 years old, iyon din yung araw na diagnose siya na may sakit at limang taon na ang nakalipas simula nang araw na iyon. Masakit. Sobrang sakit lalo na sa part ng Mom ni Astrid. Nawala ang Dad niya at ang masaklap doon ay napag-alaman nila na may malubhang karamdaman siya. Naawa si Astrid sa Mom n’ya kaya ginawa niya ang lahat para malibang ito at makalimutan ang problema nito kahit sandali dahil minsan nakikita niya itong umiiyak mag-isa, pero kapag nakita siya nitong nakatingin bigla nalang itong ngingiti sa kanya na animo hindi ito galing sa pag-iyak. Astrid was so proud to have her mother- that she could call her her Mom. Her mother is her very own hero. She's her queen. And her mom is absolutely brave and strong. And she loves her more than anything in this world. "Astrid... Astrid Aitana, anak nakikinig ka ba sakin?" sabi ng Mommy niya kaya naman napatingin siya dito. She saw her Mom's worried face. Napakamot siya sa noo at kiming ngumiti. "I am sorry, Mom. What are you saying again?" tanong niya sa ina saka siya ngumiti upang hindi ito mag-alala sa kanya. Pinaka-ayaw pa naman nito ay yung nalulungkot siya. "We're going home tomorrow. Inayos mo na ba mga gamit mo... or gusto mo pa na maiwan dito ng ilang araw pa?" Tanong nito sa kanya. "Kagabi ko pa inayos ang mga gamit ko. Lahat ay nakahanda na," sagot niya dito. "And no, Mom. Hindi ako magpapa-iwan dito. Sabay tayo pumunta dito kaya naman sabay din tayo uuwi. Masyado ng matagal ang vacation na ito. I miss the village." Tumango ang Mom niya at inaya na siyang libutin ang lugar. And there, they start their day roaming around. Mabilis na lumipas ang oras at araw, nakauwi na sila Astrid at ang ina niya sa Pilipinas. Bumalik sila agad para gawin ang mga tambak na gawain nila simula nang umalis silang mag-ina. Marami na din kasi ang kailangan gawin ang Mom niya sa opisina habang siya naman ay kailangan niyang pumunta sa VPH (Villamor Private Hall) para mag-practice para sa nalalapit na event ng Village nila. Once a month they're having a small event in Villamor Village. They sang different worship songs and such. And this month siya ang napiling mag-lead at kumanta na sobrang ikinatuwa ni Astrid. She's planning to sing Ocean this time. Actually, bukas na talaga ang event kaya agad din silang umuwing mag-ina dahil siya ang napiling maglead at kailangan niyang magsanay kasama ang ilang taong tumutugtog sa event nila. "Astrid! Hija... Good luck tomorrow, galingan mo," bati sa kanya ni Mrs. Andres. Malaking ngiti ang iginawad sa kanya ng ginang ng salubungin siya nito. Ilang bahay lang ang layo ng bahay ni Mrs. Andres kila Astrid. Halos lahat naman ng nasa Village nila ay ka-close niya kaya naman sobrang gaan ng pakiramdam niya kapag may event na ganito. Iyon ang kagandahan sa Villamor Village friendly and generous ang mga tao, iyon din kasi ang kagustuhan ng may-ari, at ayos naman iyon sa lahat ng nakatira doon. They're proud to have a village like this that has unity. "Thank you po, Mrs. Andres," Astrid replied. Mrs. Andres rolled her eyes at Astrid dahil sa paraan ng pagtawag niya dito. "How many times should I tell you to call me Tita Beth, not Mrs. Andres, Astrid." Well, siya lang naman kasi ang makulit lagi niyang tinatawag na Mrs. ang Ginang kahit na sinabihan na siya nito, alam kasing niyang ayaw nito ng tinatawag ng ganoon. "Oh, I'm so sorry, Tita," sabi niya habang mahinang tumatawa. Napangiti na lamang ito sa kanya. "Ikaw talagang bata ka ang pilya-pilya mo..." sabi nito sa kanya habang mahinang tinapik ang balikat niya. Ilang minuto pa na nag kamustahan si Astrid at Tita Beth. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ito sa kanya. Nagligpit na din si Astrid ng gamit niya dahil mabilis natapos ang practice nila na dapat ay hanggang mamayang alas syete ng gabi. Pagkatapos niya iligpit ang gamit ay nagpasya na siya umuwi kasabay ng ilang kabataan na kasama niyang nag-practice. Naglakad lang si Astrid pauwi dahil malapit lang naman bahay nila tsaka safe din kasi nasa loob siya ng Village kaya hindi siya natatakot kahit na umuwi siya ng gabi. Pagdating ni Astrid sa bahay nila ay agad niyang hinanap ang ina. “Mom! I’m home!” “Nandito ako sa kusina!” Sagot ng ina ni Astrid. Nang pumasok siya sa kusina ay naabutan niya ito na nagluluto ng hapunan nila. "Mom, tulungan na po kita dyan." Humarap ito sa kaniya at umiling. "No. Kaya ko na ito. Magpalit ka na muna ng damit sa kwarto mo at maya-maya lang ay matatapos na din ako dito." Tumango lang siya sa ina at nagpaalam na para pumunta sa kwarto niya. Umakyat si Astrid sa pangalawang palapag kung nasaan ang silid niya para magbihis at pagkatapos ay bumaba na din agad para hindi na mahirapan pa ang ina niya na tawagin siya mamaya. Bitbit ang gitara ay naupo si Astrid sa may sofa sa salas ng bahay nila. Ang gitara ay regalo ng namayapa niyang ama niya sa kanya. Plano ni Astrid na kumanta habang naghihintay ng tawag ng Mom niya. Nang maayos na nakaupo si Astrid ay inumpisahan na niyang kalabitin ang mga kwerdas ng gitara niya. Unang kalabit pa lang niya nang string ay malaki na agad ang ngiti na nakapaskil sa labi ng dalaga. Music is a big help to Astrid. It makes her calm. Astrid sang the first verse, as she strumming her guitar. Nang lumingon si Astrid sa gawi ng ina ay nakita niya ito na nakatingin sa kanya, pinapanood ang bawat pagkalabit niya sa string ng gitara. Nginitian niya ito saka sabay bulong bago bumalik ang tingin sa gitara niya. “I love you, Mom.” Nagulat si Astrid ng bumulong sa kanya ang ina. "You're a beautiful thing, Astrid. So beautiful inside and outside…" At umupo ito sa tabi niya. Sa sobrang seryoso niya sa pagkanta ay hindi na niya napansin na kalapit na pala ito sa kanya. Itatabi na sana ni Astrid ang hawak niyang gitara nang pigilan siya nito. Her mother held her hand while looking directly into her eyes. "Don't stop, baby.” Pigil nito sa kanya. “Can you sing for Mommy, please?" Astrid smiled. "You don't need to say please Mom, I gladly sang for you." Agad tinuloy ni Astrid ang pagkanta niya.This time ay sa Mom lang niya siya nakatingin habang kumakanta. A single tear escape from her Mother's eye. Huminto siya ang pag-strum, habang kumakanta siya ay pinupunasan niya ang luha sa pisngi nito. Para bang nadudurog si Astrid tuwing nakikita niyang lumuluha ang ina niya sa harapan niya. She just can't see her mother crying because of her. It shatters her. Her mother is always there for her. At every doctor's appointment, her Mom was always present. Hindi nito pinaramdam sa kanya na nag-iisa siya ni minsan. Hanggang matapos siya sa pagkanta ay umiiyak ang ina ni Astrid. "Mom, wag ka nang umiyak," aniya habang pinupunasan niya ang luha nito. "Sorry anak. I love you... I love you so much gagawin ko lahat maging okay ka lang ulit," lumuluhang sambit nito sa kanya. Umiling siya at ngumiti ng malungkot sa ina. "Mom, akala ko ba okay na... Tanggap mo na ang lahat." Malungkot na sabi niya sa ina. Hindi mapigilan ni Astrid na hindi malungkot. Importante kay Astrid ang Mom niya kaya ginawa niya ang lahat para mapasaya ito habang nabubuhay pa siya. She hates this feeling... Tuwing nakikita niya ang ina na umiiyak ng dahil sa kanya ay hindi siya mapakali at ang bigat-bigat ng dibdib niya. Hindi tuloy mapigilan ni Astrid ang sarili na isipin na kung wala lang sana siyang sakit ay hindi ito mahihirapan ng ganito ang ina niya. Her mother took a deep breath. "Tanggap ko naman anak." Sabi pa nito pero maya-maya lang din ay pinunasan nito ang luha at ngumiti sa kanya animo hindi ito galing sa pag-iyak kanina. Ito talaga ang Mom niya, never nito ipinakita sa kanya na mahina ito. Hanggang kaya nitong tiisin ay gagawin nito ang bagay na iyon ng walang pagdadalawang-isip para sa kanya. "I love you, Mom. Did I tell you that you're the best," she says. "Am I?" She hugged her mother from the side. "Hmm... you are, Mom." She said and kissed her mother’s cheeks. Pagkatapos ng drama nilang mag-ina ay nag-aya na ito na kumain, maaga pa kasi ang lakad nilang dalawa dahil bukas na ang event na gaganapin sa village nila. At pagkatapos nila kumain ay agad na din sila pumasok sa kani-kanilang silid upang magpahinga. Kinabukasan ay maaga nagising si Astrid kaya naman maaga din silang gumayak ng Mom niya. Pinagmasdan ni Astrid ang sarili sa malaking salamin sa kwarto niya. Basa at tumutulo ang tubig galing sa kanyang mahaba at kulot na buhok. Hindi na siya nagabala pa na i-blower ito. Her naturally long brown hair revealed itself. Naglagay din siya ng make-up ngunit iyong simple lamang. Matangkad siya kaya madalas ay flat shoes lang ang suot niya kapag may event na katulad na lamang ngayon. The truth is gusto lang din ng ganito mas komportable siya gumalaw pero sanay din naman siya magsuot ng heels. Astrid stared at the dress she's wearing. She decided to wear a peach color, and long sleeve dress under the knee. "Anak, tara na." Tawag ng ina ni Astrid habang nakasilip sa pinto ng kwarto niya. Bago lumabas ng silid ay kinuha niya ang gitara na gagamitin niya para mamaya sa event. Hinintay ni Astrid ang ina sa tapat ng gate nila dahil ito ang nagsara ng pinto ng bahay nila. Nang maisara nito ay magkahawak ang kamay nila na tinungo ang destinasyon nila. Marami nang tao ng dumating sila Astrid sa Hall. Halos lahat ng nakasalubong nila ay nginingitian at binabati sila. Hinarap ni Astrid ang ina para magpaalam, "Mom, pupuntahan ko na sila Jared, para makapaghanda na kami," she said. Tumango lang ang ina sa kanya dahil may pinag-uusapan pala ang mga ito, kasama ang President ng Village kaya hindi na niya ito inistorbo pa at tahimik na tinungo ang backstage. Pag-akyat ni Astrid sa stage ay binati niya ang mga kasama at nag-ayos na agad. Any moment kasi ay magsisimula na sila. When the clock strikes at exactly 8 in the morning the event starts. Inintay ni Astrid na tawagin ang pangalan niya bago siya umakyat ng naturang stage. Kinakabahan si Astrid, hindi na ito yung first-time ngunit hindi pa din nawawala ang kaba sa dibdib niya tuwing magpe-perform siya. Ilang sandali lang ay narinig na ni Astrid na tinawag ng Emcee ang pangalan niya. "Let's all welcome Miss Astrid Aitana Vargas," tawag ng naturang Emcee ng event ang pangalan niya. Paghinto ni Astrid sa harap ng mic inilibot niya ang tingin sa paligid. Lahat nang nasa loob ng hall ay nakatingin sa kanya. "Good morning, everyone. Thank you for choosing me again to sing in front of you all. Hope you enjoy the event." Pumalakpak ang mga tao na nasa loob ng hall. Hindi na pinatagal ni Astrid at nagsimula na siyang kalabitin ang gitara at kumanta. Nakatayo at nakapikit ang lahat habang sinasabayan siya sa pagkanta. Binitawan ni Astrid ang gitara at hinayaan niya ito nakasabit sa balikat at tinaas ang dalawang kamay at saka dinama ang kanta. Nagpasalamat si Astrid pagkatapos niyang kumanta ay bumaba siya sa stage. Habang naglalakad pababa ay narinig niya ang palakpak ng mga kasama niya. Hanggang makabalik siya sa silya niya ay nagpapasalamat siya. After an hour, the event ended. Palabas pa lang sila ng hall ay halos lahat ng nakasalubong ni Astrid ay sinasabihan siya ng maganda ang boses niya, sana raw ay kumanta ulit siya sa next event. Sana talaga ay mapili ulit siya. Nagpasalamat si Astrid at ngiti ang sinagot niya sa lahat. Nang makarating sila sa bahay nila ay umakyat siya sa kanyang kwarto. Binaba niya ang gitara saka hinarap ang laptop niya. Ni hindi muna siya nagbihis, kailangan muna niya tingnan ang isang page sa social media na lagi niyang sinusubaybayan. Balak ni Astrid na tumingin sa mga tourist spots sa isang page. Astrid likes to travel. She wants to enjoy her life by touring and her Mom supports her in everything she does. Naiintindihan naman nito ang dahilan niya, kahit na bawal sa kanya ay tuloy pa rin siya dahil na rin sa kalagayan niya. Pasalamat na nga lang siya at matagal na ang nakalipas simula ng umatake ang sakit niya. Ayaw na rin kasi niyang bumalik pa sa doctor niya. Sawang-sawa na siya sa amoy ng Hospital, sa walang sawang pagtusok sa kanya ng kung ano-ano sa katawan niya. She wants to heal but it's been half a decade and she's getting tired of it. Mabilis ang daliri niya na pinindot niya ang keyboard at hinanap ang page na lagi niyang tinitingnan kapag gusto niya ng maglibot-libot. And now Astrid chose Vigan City. Astrid wants those places that may have a history like Vigan. Vigan is unique in the Philippines because it is one of many extensive Philippine historic cities, dating back to the 16th century. Calle Crisologo. Sounds good. Nabasa niya na may pinakamatandang kalye ito. Because it was restored to its pre-war beauty with its cobbled streets and the old Spanish houses. Ngayon pa lang ay na-e-excite na si Astrid sa isiping pupunta siyang Vigan ng mag-isa. Marami pa siyang tiningnan na lugar sa Vigan na maaari niyang puntahan at lahat iyon ay inilista niya sa maliit niyang notebook na lagi niyang dala. "Astrid.. anak." Napatingin siya sa ina na nakasilip sa siwang ng pinto."Pwede ba akong pumasok," tanong nito sa kanya. She nodded. Lumapit ang mommy niya at naupo sa kama niya kaya sinara niya ang laptop saka tumabi siya dito. "May problema po ba?" she asked. Umiling ito sa kaniya. "Hmm.. wala naman. Gusto lang kita makita," anito sa kanya na may halong paglalambing. "Mom, kanina lang ay magkasama tayo," Astrid said while giggling. Mukhang naglalambing sa kanya ang ina. Kaya naman ng yumakap ito sa kanya Niyakap siya ng Mom niya. Nagpapalambing ang Mom niya- kaya naman nilambing niya ito. Gumanti siya ng yakap sa Ina. "Astrid, Anak.. aalis ka na ba ulit?" tanong ni Avalon sa anak. "Yes, Mom. Ilang linggo na lang ang meron ako sa kinuha kong vacation leave sa kumpanya kaya susulitin ko na," sagot niya. Her mother nodded and agreed to her. "Mag-ingat ka sa mga lakad mo anak. Saan ka nga pala pupunta ngayon?" "Vigan po." Nagulat siya nang hawakan ng Mom niya ang balikat niya at sunod-sunod na alugin siya ng ina. "Anak, and pasalubong ko huwag na huwag mong kakalimutan. Sandali, parang gusto ko na tuloy sumama ulit sa'yo," anito sa kanya. Tumayo pa ito at pabalikbalik na lumakad sa harap niya. "Sumama na kaya ako sayo, anak." Tinitigan niya ang ina at saka nginitian ito ng malawak. "Pwede naman Mom kaso hindi ba ay may kailangan ka ayusin na papeles sa kumpanya? Tapos may meetings ka na kailangan attend-an sa susunod na araw." Paalala niya dito. Humugot ito ng malalim na buntong hininga, "Oo nga pala, sayang naman. Gusto ko talagang sumama sa’yo sa Vigan. Nakakamiss ang lugar na iyon," sabi nito sa malungkot na boses. Tinawanan niya ang reaksyon ng Mom niya. Ang ina talaga niya, kaya sila napagkakamalan ng ibang tao na magkapatid dahil sa kakulitan nilang dalawa. Her mother sighed. "Mag-ingat ka, okay? Huwag mong kalimutan na i-text ako o tawagan, lalo na kapag may iba ka nang nararamdaman sa katawan mo. Naku, mamimiss ko na naman ang dalaga ko. " "Mom, ilang araw lang ako sa Vigan. Don't worry, I'll update you." “Fine.” Niyaya siya ng Mom niya na lumabas para daw magbonding ulit sila habang hindi pa siya ulit nakakaalis. Alam naman niya na natatakot ang ina niya na magtravel siya mag-isa lalo na sa kalagayan niya pero ayos naman na siya. Hindi na nga niya matandaan kung kailan huling nagkasakit siya. After 30 minutes of driving, Astrid and Avalon arrive at their destination. Nandito sila ngayon sa mall, inaantay ang dalawang best friend niya- Trinity Gomez and Nina Emberlyn Herrera. Alam naman niya na mga busy ang mga 'yon kaso ng malaman na aalis ulit siya ay agad na sumama sa kanila ang mga kaibigan niya. May-ari si Trinity ng isang kilalang restaurant. Madalas sila kumain magkakaibigan doon. Trinity likes to party, even Nina, but no one can beat Trinity when it comes to parties. And Nina is the fashionista, and owns a fashion line. Astrid is so very proud of her best friends. Iyan kasi ang pangarap nila na ngayon ay natupad na nila. While her, she’s still traveling. Like what she wanted. Tinutulungan niya naman ang Mommy niya sa pagpapatakbo ng kumpanya na iniwan ng Dad niya bago ito mamatay. Hindi naman iyon malaki pero hindi rin maliit- what she means is sakto lang medyo sikat din yung company nila. "Astrid!!!" Sabay na sigaw ng dalawang kaibigan niya ng makita siya nito. Mabilis ang lakad ng dalawa palapit sa kanila ng Mom niya. "Hello, Tita Avalon... Hello, Babe." Bati sa kanila ni Trinity. Trinity kissed her Mother's cheek. Naka-knit sweater ito at black skirt tapos pinarisan nito ng black boots. Ewan niya kung bakit ganito ang porma ng kaibigan niya kahit na ang init-init sa Pilipinas, pero hayaan na nga maganda naman at bagay sa kaibigan niya ang porma nito. "Hello, mga anak. Kamusta naman kayong dalawa? Parang gumaganda yata kayo ah," biro ni Avalon sa dalawa. Tuwang-tuwa naman ang dalawa nung pinuri sila ni Mom lalong-lalo na si Trinity, kung sa bagay maporma talaga ang dalawang kaibigan niya lalo na si Nina na naka-jacket na kulay light pink sa loob nun ay white ribbed knit top at isang white striped pocket high waisted shorts. Simple pero bagay na bagay kay Nina. Hindi na talaga siya magtataka kung isang araw ay sabihin ng kaibigan niya na may boyfriend na ito. “Ano ba Tita Avalon, ako lang ito si Trinity Gomez, ang magandang-maganda at walang kakupas-kupas.” Tuwang-tuwa na sambit ni Trinity sa ina niya habang mahina nitong hinahampas sa balikat si Nina tila ba kinikilig ito. “Stop it, Trinity. Masakit! Ang bigat-bigat ng kamay mong babae ka.” Masungit na asik ni Nina sa kaibigan nila. Astrid laughed because of her two best friends."Hello girls... Namiss ko kayo," aniya at saka nakipag beso sa dalawa. Mahigpit na niyakap ni Astrid ang dalawa, sobrang na miss niya ang mga ito. Pagkatapos mag kamustahan ay naglibot-libot na sila Astrid, Nina, Trinity at ng Mom niya. Nag-shopping silang lahat. Konti lang ang nabili ni Astrid habang si Nina naman ay hindi magkandaugaga sa pagbitbit ng pinamili nito kaya iniwan na muna nito ang ibang pinamili sa sasakyan na dala nito. Si Trinity naman ay puro pang-party ang binili. May dadaluhan daw kasi itong party sa susunod na araw at sa mga susunod pa. Ang Mommy naman niya ay pang office ang binili. Ayos lang naman na bumili siya ng mga bagong damit, madalang lang kasi sya magshopping, pag-inaya siya ng dalawang kaibigan niya. Pagkatapos nila mamili ay kumain muna sila sa isang restaurant sa mall bago sila maghiwalay. Kailangan na din kasi umuwi ni Nina at nagkaproblema yata sa clothing line nito. "Bye Nina. Ingat ka sa pag drive, okay." Bilin niya sa kaibigan saka humalik sa pisngi nito. "Ikaw ang mag-ingat sa lakad mo. Alis na ako." Anito saka humalik din sa pisngi niya at sa Mommy niya. "Bye, Babe. Bye, Tita Avalon." "Mag-ingat ka sa pagda-drive, Nina," sabi ng ina niya. "Bye, Tita. Una na po kami ni Nina.” at humalik si Trinity sa pisngi ni Avalon bago harapin . “Ingat ka Babe. Sabihan mo kami kapag nakaalis ka na bukas okay." Ani Trinity sa kanya. She nodded. "Opo, opo. Tsupi na... Layas... Mag-ingat kayong dalawa. Wag n'yo ko ma-miss agad," pangaasar niya sa dalawa. "Yuck!" Pagsabay ni Trinity sa kanya. Tinawanan niya ito paano nagkunwari pa itong nasusuka. Sumakay na ang dalawa sa kani kanilang sasakyan at umalis na. Kumaway siya sa dalawa habang palayo na. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ng mga ito ay sila naman ng Mommy niya ang umuwi. Kailangan na niyang magpahinga saka pagod na din sya. Ang daming nangyari sa araw na ito para kay Astrid. Pagkarating sa bahay ay umakyat na sila ng Mommy niya para magpahinga. Nang makapasok sa kuwarto ay agad pumasok si Astrid sa banyo para mag half bath, pagkatapos ay agad na din siyang nahiga sa kama niya hanggang sa unti-unti siyang tangayin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD