Kabanata 1
"Eighteen"
He left me shocked and immobile. Kahit na nakaalis na siya kanina pa, nanatiling naghuhurmentado pa rin ang puso ko. So, it was really his doing? The guy who bumped me in the party was his man? Is this for real? Am I really back?
Nasapo ko ang noo ko sa kalituhan. Imagine waking up on the other side of the world while your last memory was partying in New York? How did he even brought me here unconscious?
Kung hindi pa kumatok at pumasok ang isang babae, hindi ako magigising sa malalim na pagiisip. May dala siyang paper bags ng mga kilalang boutique. Huminto siya few steps away from me. Inilapag niya ang mga dala. I was just eyeing her still fazed from the encounter a while ago.
"Magandang umaga po, Ma'am. Ako po si Beth. Dala ko po ang pamalit niyo. Ihahanda ko lang po ang paligo niyo," sunod-sunod niyang sabi sa magalang na tono.
Bago pa ako makapagsalita, tumalikod na siya at nagtungo sa banyo. I blinked a couple of times at napailing na lang. I blew a heavy sigh. Hindi ito panaginip. Totoong nandito na ako sa Pilipinas.
Pagkaraan ng ilang sandali lumabas si Beth sa banyo.
"Maam, nakahanda na po ang paligo niyo. Pagkatapos niyo pong makapag-ayos bumaba na raw po kayo para makapag-agahan," pormal niyang saad saka yumuko nang kaunti bago nilisan ang kwarto.
With sagged shoulders, pumasok na ako sa bathroom. The tub is already full and ready. Isa-isa kong tinanggal ang suot saka nilagay sa isang basket na nasa sulok. Umapak ako sa tub at dahan-dahang umupo. I soaked myself in the water habang nakatulala. The lavender scent should relax me pero kahit kaunti ay hindi man lang nito napagaan ang kalooban ko.
Damn it! Ano bang dapat kong gawin? For the past years of being away ni hindi ko naisip man lang ano ang posibleng mangyari sa aking pagbabalik. This caught me by surprise. I threw away my life the moment I ran away that night. Umalis ako na kahit totoong pangalan ko hindi ko dala. Hindi ko puwedeng dalhin.
I smiled bitterly. Back then I was young, hindi ko alam ang gagawin ko. I had no better choice. I did what I thought was the best option.
Sa dami ng tumatakbo sa isip ko dinala ako nito sa nakaraan, to what happened five years ago; how my life turned up side down. That was after my 17th birthday.
Our driver parked the car. Mabilis akong umibis. Nagmamadali akong pumasok ng bahay pumasok ng bahay. Sa pagmamadali ko iniwan ko na sa kotse ang bag ko. Kukunin din naman 'yon ni Manong.
I am excited to tell my mom sa pagkakapili ko bilang representative sa gaganaping pageant sa school. Although, it was predictable na ako naman talaga ang makukuha, I am still thrilled. Marami na agad akong naiisip nagagawin bilang paghahanda.
"Mommy!" I called out. Nasa front door pa lang ako. My eyes moved around our wide receiving area.
I know she is not going anywhere today. I texted her this morning. Maybe may biglaang lakad lang?
Walang sumagot sa halip sinalubong ako ng balisang si Ate Rose na aming katulong. She attends to my needs mostly. I was in elementary nang magsimula siyang magtrabaho sa amin. Kaya matagal na siya rito at malapit ako sa kanya.
Kumunot ang noo ko nang makita ang balisa niyang reaksyon. Agad na binundol ng kaba ang puso ko hindi pa man alam ang ikinakabalisa niya.
"Ate, where's mommy? Umalis po ba siya?"
"Phyllian... ang daddy mo... may nangyaring masama. Hindi pa malinaw kung ano ang nangyari. Pumunta na ang mommy mo sa ospital," aniya.
I gasped hard. "Po?"
"Tumawag kasi ang ospital at sinabing na-aksidente ang daddy mo."
Without even changing, nagmadali akong bumalik sa labas at tinawag ang driver para magpahatid kung saan sinugod si daddy. Habang nasa daan hindi na ako mapakali. I kept on calling my mom's phone pero hindi niya ito sinasagot. Panay din ang sambit ko ng panalangin na sana ay ayos lang si dad. I am holding back my tears kahit sa totoo lang mahapdi na ang sulok ng mga mata ko.
"Mommy!" I ran to her the moment I saw her sitting on the bench, sa hallway malapit sa operating room. Nakayuko siya habang nagaantay. Dad must be inside.
"Phyllian!"
Mugto ang mga mata ni mommy nang bumaling sa akin. Bakas ang takot sa kanyang mukha. Niyakap niya ako ng mahigpit nang makalapit ako. I did the same thing too while glancing at the closed door of the operating room.
"M-mom what h-happened? Is dad okay? Tell me please, tell me he is gonna be okay," nanginig ang boses ko.
Umiling si Mommy at may tumulong panibagong luha sa pisngi niya. "I still don't know, hija."
Sa sagot ni Mama mas lalo akong nanghina. I want to know more kung bakit ito nangyari, but I know mommy is too preoccupied. Tunog lang nang tunog ang cellphone niya. Hindi man lang niya ito tinitingnan.
Magkahawak-kamay kaming naghintay. I was silently praying earnestly for the safety of my dad. As every minute passes by, mas lalo lang akong natatakot. Hindi ko mapigilan ang pagbaha ng mga negatibong bagay sa isip ko kahit pa ayoko nu'n.
After the long agonizing waiting, bumukas din sa wakas ang pinto ng operating room. Magkapanabay kaming tumayo ni mommy at nagmamadaling lumapit sa doctor. I know the doctor. He is a family friend. Madalas na imbitado siya at ang pamilya niya sa tuwing may party sa bahay.
Sumulyap ako sa pinto, pero bago ko pa makita ang loob sumara na ito. Binalik ko kay doc ang tingin.
Tinanggal niya ang kanyang mask.
"D-Doc..." usal ni Mommy.
Bumuntong-hininga si Doctor Tejada. "I'm sorry, Rowena. We did our best pero malaki ang naging pinsala kay Edwin. Hindi na naagapan. He did not survived."
"Oh God! N-no... D-don't say that," kinakapos nang hininga na sabi ni Mommy. Humawak siya sa kamay kong nanghihina rin. "No... He can't be—"
Nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Napansin ko lang nang maramdaman ang pagdaloy nito sa pisngi ko. It felt warm on my cold skin. Namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko na masundan ang iba pang sinabi ni doc.
"It can't be... Hindi... Not my dad," I mumbled, still stunned at the news. Paulit-ulit akong umiling.
Niyakap ako ni mommy. She's hysterical now. She wailed while I cry with no sound. Hindi matanggap ng utak ko ang sinabi ng doctor. My dad is still alive! Hindi niya kami kayang iwan ni mommy.
Hindi ko alam gaano kami katagal na nagyakapan ni mommy sa hallway habang umiiyak at hanggang sa hinayaan kaming makita si daddy.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa gabing iyon. My mom had a heart attack. Mabuti na lamang at hindi malala. Wala ako sa sarili ko. Parang tumigil ang mundo ko habang ang nasa paligid ko naman mabilis ang bawat galaw, abala para sa paghahanda sa burol ni dad.
Umaga na nang nagtungo kami sa isang mortuary. Si Ate Rose ang kasama kong nagbantay kay mommy sa kanyang suite buong magdamag. Kinailangan siyang i-confine para masigurong maayos siya. Hinayaan din naman siyang lumabas kinabukasan. Sigurado rin akong hindi siya papayag na magtagal pa. Si daddy...
I was not able to sleep that night. Iyak lang ako nang iyak. Just when my tears dried up, mayamaya may panibago na naman. Pinapatahan ako ni Ate Rose, but I can't just stop crying. I can't imagine I won't be able to see my father alive again. Hinatid niya pa ako sa school kanina kahit late na siya, because I asked him so.
"Phyllian," Illias said softly. He is my friend since we were young.
Niyakap niya ako nang mahigpit pagkatapos marahang tinapik ang likod ko. I can't help, but cry again. Kahit nanghihina dahil sa walang tigil na paghikbi nagawa kong kumapit sa kanya ng mahigpit. More batch of tears rolled down my cheeks. I can't stop crying kahit naninikip na ang dibdib ko sa sakit; kahit pa ayoko ng umiyak. Humagulgol ako sa balikat niya.
"Illias... s-si daddy. Si dad! He is gone. I c-can't accept it. Hindi puwede—"
"I'm sorry Phyllian... please be strong."
He kept on caressing my back.
I saw his family approached my mother at the back. Ang mga Logramonte ay malapit na kaibigan ng aming pamilya mula pa noon. We had a close relationship kahit na magkaribal ang aming mga kompanya. They have a construction supply company like ours. Mas tanyang lamang at mas malaki ang sa kanila. They were the first in that field. Pioneer sila sa pagsu-supply ng mga construction materials sa bansa. And dad was a self-made millionaire. My dad was trying to expand our company gaya ng sa kanila soon. It was his vision.
Lumingon ang nakakatandang kapatid ni Illias sa banda namin. Our gaze met pero agad din itong naputol nang kumalas ako sa yakap ni Illias.
Marami ang nakiramay sa amin. My father's death was even broadcast in the national television. Bumuhos ang pakikiramay lalo na ng mga nasa business industry pero hindi ito nakabawas man lang sa sakit at bigat na aking nararamdaman. Me and my mom were both so broken. In just a snap ay binawi sa amin si daddy. It was so sudden na ang hirap tanggapin.
Ang sabi sa paunang imbestigasyon ay nagloko raw ang sasakyan ni daddy kaya nawalan ng preno at sumalpok sa ni-ri-repair na daan. Mom could not accept it dahil lagi namang tsine-check ang aming mga sasakyan bago umalis ng bahay. She wants further investigation dahil pakiramdam niya hindi aksidente iyon. Kaya lang sa ngayon ay hindi pa mapagtuanan ng pansin dahil sa pagluluksa.
My life will never be the same without my father, I know that. I am close to him, just like how close I am to my mother. Hindi lang dahil he spoiled me, but because he is great dad. I could not ask for someone else to be my father.
Pagkatapos mailibing si daddy humanga ako sa tatag ni mommy. She stand tall again na parang hindi siya dumaan sa matinding pagluluksa. She never cried after that or at least not in front of me. Hindi ko alam saan niya hinugot ang lakas para tumayong muli after the tragedy. Sa tingin ko rin she has no choice given the situation.
With my father gone, my mother was left with all the responsibility sa pagpapatakbo ng aming kompanya. She isn't as business minded as my father kaya alam kong nahihirapan siya. Parehong solong anak sina mommy at daddy. Well, dad has a step-brother, si Tito Roland, but I think they were not in good terms. Actually, dad was an adopted child, but he was adopted legally so he carried the Eduavez name. Si Tito Roland naman ay Eduavez by blood, pero he is an illegitimate child. I am not really sure about their history. Hindi kailan man ako ini-involve nila mommy sa mga ganoong usapin.
After dad graduated he worked hard and tried to save up. Balak niyang magtayo ng negosyo. Nagsimula siya sa maliit lang like the usual humble beginnings of most businessmen. Then dad married mommy. She was an office clerk back then. Mom didn't came from a rich family as well.
Nang mamatay ang mga magulang ni daddy they left him a good sum of money. He invested it on his business at doon na nga lumago. Our company was the fruit of labor of my father. Ilang beses na nila iyong ipinaliwanag sa akin.
I owe my comfortable life to my parents and the company they built. Kaya hindi puwedeng basta na lang pabayaan dahil sa pagkawala ni dad. My father loved the company just like how he loved me and mommy. Alam kong ito rin ang dahilan kung bakit nagpapakatatag si Mommy. Para sa kompanya at sa akin.
"Mom?" I entered the library one afternoon. I saw our family attorney, si Attorney Edilberto. He is a trusted friend of my father, too. Magkausap silang dalawa ni Mommy at mukhang importante ang pinaguusapan nila. I heard them mentioned my name.
Nagkatinginan si Attorney at si mommy. Umiling si mom pagkatapos nilipat sa akin ang tingin. It's like they were talking through their gestures. Lumapit ako at umupo sa tabi ni mom. I greeted attorney and he nodded in return.
"Paano Rowena, I have to go. Please think about it. She needs to know," sabi ni Attorney. Dama ko na puno ng kahulugan ang huli niyang sinabi.
Tumayo si Attorney at lumabas ng library bitbit ang itim niyang attache case.
Was it meant for me? Ano ang dapat kong malaman?
"Mom, what does Attorney mean?" Taka kong tanong nang maiwan kaming dalawa. Malakas ang kutob ko na may kinalaman iyon sa akin.
Bumuntong-hininga si Mommy. "It's about your father's last will, hija."
"What about it po?"
She shut her eyes tight. She looked frustrated and stressed. If only I could do something. Kung kaya ko lang sanang i-handle ang kompanya. That frustrates me too. It is such a shame, but I have really no interest in business. I tried alright, but it's just not my for. Alam ni mommy at daddy iyon. They never forced me. Now, my mommy is all alone sa pagpapalakad ng kompanya. With me no interest and skills in business plus no sibling, wala talagang tutulong sakanya. Isa pa, I think I am too young and immature para sa ganoon kabigat na obligasyon.
"Hindi ito gusto ng daddy mo, anak..." she spoke after the long silence. Mataman niya akong tinitigan.
Kumunot naman ang noo ko habang naghihintay sa karugtong. Hindi ko pa alam kung ano ang nakasaad sa will ni daddy. Wala rin naman akong plano na suriin 'yon o kung ano pa. Now, I am eager to hear about it lalo na at may kinalaman ito sa akin.
"You know how much we love you right? And dad only wants what's the best for you. He always want you to do what you want."
Tumango ako. Alam na alam ko iyon. They never interfered on what I want. Lagi nila akong sinusuportahan. Growing up I am not only pampered with material things but with their love, attention and support. I love them more for that.
Habang pinapatagal ni Mommy mas lalo akong kinakabahan.
"May kasunduan ang daddy mo at si Eleazar."
Tito Eleazar? Illias' father? What does it has to do with me?
"What about it, Mommy?" I asked, nervous and impatient.
She sighed heavily. "Ang bilin ng daddy mo, if he d-dies... before you reach twenty-five and you're not yet married... he wants you to marry Eleazar's son."
Napaawang ang labi ko. Agad ko ring tinikom. I frowned even more. I don't get it. Why do I have to marry one of the Logramontes? Hindi ko maiintindihan at talagang nagulat ako pero nakinig pa rin ako.
"We know that you don't like business. Walang problema iyon sa amin ng daddy mo. It's just that, nagaalala ang daddy mo sa kompanya. You know how much he valued our company."
"B-bakit po kailangan kong magpakasal sa anak ni Tito?" At sinong anak? He has 3 sons. Could it be Illias?
"Malaki ang tiwala ng Daddy mo sa mga Logramonte. He was thinking that if you marry Eleazar's son mapapabuti ang kompanya at ikaw rin. Illiad is good in business, he is smart and a responsible man, too."
Si Illiad?
Kumabog ang dibdib ko. W-what? I will marry Illias' oldest brother? But he is way older than me!
"Don't mind it..." agap niya. " You don't have to do it, hija. Hindi rin naman iyon gusto ng Daddy mo. It was just a plan in case of... Anyway, I am still here. I can handle the company," she said after I remained speechless. Her voice was full of assurance, but I can't stop thinking about it. May ganoon pala sa will ni dad? Akala ko ay tungkol lang sa mamanahin ko. Hindi ba iyon naman ang madalas na laman ng mga last will and testament?
Does the Logramontes know about it, too? Siguro, gaya nga ng sabi ni mommy, nagkasundo si dad at tito. Kailan pa 'to?
I have a lot of questions inside my head kahit pa sinabi ni mommy na huwag na iyong alalahanin pa.
What was Illiad's reaction about it? Sang-ayon ba siya? I don't think so.
Naniniwala ako kay mom. My family does not believe in arrange marriage unlike some family in the business industry. Alam ko ring hindi ako pipilitin ng mga magulang kong magpakasal para lang sa negosyo. They have always been giving sa lahat ng whims ko.
But damn, who marries at eighteen? Wait, I am not even eighteen yet. And I never liked Illiad! Why it has to be him?