Kabanata 2
“Remove”
Napabalikwas ako ng bangon at dumilat dahil sa magkasunod at marahas na katok sa pinto ng banyo. Malamang kinakatok na ako dahil hindi pa ako lumalabas. Ang tagal ko na palang nakakabad dito sa tubig.
Darn it! I slept while soaking in the hot tub. Hindi ko na namalayan. I was in deep thoughts, at pagod pa rin ang katawan ko. My sleep was not enough to gain my energy back.
“Ma'am! Ma'am, nand’yan pa po ba kayo?” Bakas ang kaba sa boses ng kung sino man ang tumatawag sa akin mula sa labas.
“Ma'am!”
Pumikit ako ng mariin bago tumayo mula sa tub at kumuha ng tuwalya. Maingat kong itinapak sa sahig ang paa ko para hindi madulas kahit tuloy-tuloy pa rin ang mararahas na katok sa pinto.
“I’m fine!” sigaw ko para matigil na sa pagtawag sa akin.
I hastily wrapped the towel around my body. Lumapit ako sa pinto at hinawakan ang knob. Binuksan ko ang pinto at tumambad nga ang balisang mukha ni Beth. Nakahinga rin naman siya ng maluwag matapos akong suriin ng tingin.
“Akala ko po ano na ang nangyari sa inyo. Mahigit isang oras na po kasi kayong nasa loob ng banyo.”
“I’m sorry. I slept.”
Tumango naman siya. “Magbihis na po kayo, Ma'am. Naghihintay na po sa hapag si Sir.”
I let out a small sigh before nodding. Muli naman siyang lumabas ng kuwarto.
Napaisip ako kung kaninong bahay 'to. The view outside and this room is not familiar to me. This house seems to be a bit old, pero maayos naman. Halatang palagi pa ring pinapaayos habang pinapanatili ang orihinal na estraktura. Maybe this is one of the Logramontes properties. Marami naman silang ari-arian sa iba't-ibang lugar. I am not even sure kung lahat ba nabibisita pa nila. Nasa pangangalaga lang ng mga caretakers at mga pinagkakatiwalaang tauhan.
Wala sa sarili akong nagbihis at nag-ayos. Namili ako ng damit mula sa paper bags na dala ni Beth kanina. May limang dresses doon at tatlong pares ng sapatos. May ilang set ng underwear din. Pinili ko ang isang simpleng white ribbed bodycon dress with a v-neck line. The hem looks creative as it was in scallop cuts. Isang black flat shoes naman ang pinares ko. Sinuklay ko lang ang hanggang baywang na buhok at inilugay. Basa pa ito dahil wala akong nakitang blower. Siniguro ko na lang na pinunasan kong mabuti ng tuwalya.
When I was done dressing up, napatulala na lang ako sa harap ng malaking salamin.
Kahit anong isip ko hindi ko talaga alam ano ang gagawin. Should I call my mom? The thought of her felt like someone pressed my heart. I will be forever sorry for leaving my mother behind. I miss her so bad, but I have to endure it for the longest time. Ngayon na nakabalik na ako, bumabalik na ang mga alaala sa nakaraan na tinakbuhan ko at pinilit huwag isipin. I am like that scared and lost girl again.
I composed myself afterwards. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at lumabas. Tanaw ko agad ang mahabang hallway. The walls are painted in cream. Walang mga nakasabit o dekorasyon. I followed the way and it led me to the staircase. Dahan-dahan akong bumaba habang lumilinga at pinagmamasdan ang paligid. Where could I possibly be?
“Magandang umaga po, Ma'am,” bati sa akin ng mas bata sa aking kasambahay na nakasalubong ko.
Hilaw ko siyang nginitian. I am not really sure how to treat everyone gayong nangangapa pa ako at pinipilit pang analisahin ang lahat ng nangyayari.
“Saan ang dining?” tanong ko.
“Tuloy lang po kayo tapos sa kanan. Makikita niyo na agad,” magalang at mahinhin niyang sagot.
“Thanks.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na nga ang mahabang lamesang gawa sa kahoy. May labin-dalawang silyang nakapaikot dito. Gumala ang mga mata ko hanggang huminto ito sa taong nakaupo sa kabesera. Muling kumalabog ang puso ko. Natigilan ako at parang hindi na magawang humakbang pa.
He turned his dark eyes to me.
Shit!
“Move fast, Rowin Phyllian.” Ang malamig at baritonong boses ni Illiad ay nagpa-igtad sa akin. Mabilis akong gumalaw. Umupo ako sa silyang nasa kaliwa niya. I straightened my back and sat uncomfortably.
Napalunok ako at nagyuko ng ulo, hindi kinakaya ang mabigat niyang titig. Until this very moment, I am still hoping na panaginip lang ito, that I am just somewhere in the US sleeping like a dead person after partying till morning. Iyon naman dapat ang plano after that event.
Dammit! How am I supposed to deal with this one? Masyadong mabilis ang lahat para maproseso ko na nasa harap ko na ang isa sa mga taong tinakbuhan ko… that after years of hiding I am now in front of the man I married. Napalabi ako.
“Eat,” istrikto niyang ani.
Alertong dumalo ang nakatayong katulong sa gawi ko at pinagsilbihan ako. Nakakapanibago. I grew up with househelps that always attended to my needs, pero nang lumayas ako natuto akong maging independent. Natuto akong gawin ang mga simpleng bagay na madalas si Ate Rose o mga katulong ang gumagawa para sa akin. There’s no one to serve me in the US. I didn’t even have a fat atm card—bank accounts to sustain my lavish lifestyle na kinalakihan ko. I was no longer a princess after I decided to leave everything behind.
“Ako na,” pigil ko sa serbidora.
Bakas ang pag-aalangan sa mukha niya pero agad din naman siyang umatras.
Tahimik ang dining. Sa sobrang tahimik dinig na dinig ko ang pintig ng puso kong kabado. I was conscious na baka naririnig niya rin ang kalabog ng dibdib ko. Sa bawat lunok ko pakiramdam ko mabubulunan ako, while the man beside me was eating in peace and not even a bit bothered. Why would he be bothered anyway?
“Where’s my mom?” Hindi ko na napigilang itanong pagkaraan ng mahabang katahimikan.
He turned to me with a grim expression. Mas lalo lang akong hindi mapakali. I should have shut my mouth until we finished eating.
“She’s in your house.”
“Is she a-alright?” Lakas-loob ko muling tanong.
The end of his lips rose to a supposed sarcastic smile. Para bang nagpapahiwatig na, why would I ask when I chose to abandon my own mother? Ano ba ang karapatan kong magtanong?
Binaba niya ang kapeng kanyang iniinum. Napalunok ako nang muli niyang ibaling sa akin ang buong atensyon niya. Mas lalo akong napayuko, nanliliit sa aking sarili. Nahihiya ako at mas lumala ang kaba. My hands were sweating and cold.
“She’s doing fine.”
Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. That was enough for me. Hindi na muli ako sumubok na magtanong o makipag-usap sa kanya. Nilukob ako ng guilt, confusion, and frustration sa nangyayari sa akin. It’s like ngayon ko lang tuluyang natanto ang buong bigat ng ginawa ko sa nakaraan. Ngayon lang nag-sink in sa akin na hindi lang bastang maliit na pagkakamali ang ginawa ko. Malaking gulo ang ginawa ko, but sadly, mas malaking gulo kong hindi ako umalis at nagtago.
I never wanted it. I never mean it. Ginawa ko ‘yun dahil kailangan... dahil wala akong mabuting pagpipilian. At aaminin kong nadala ako sa matinding takot... na hanggang ngayon dala-dala ko pa rin.
“Do what you need to do. We’re leaving in 10 minutes.”
I snapped out from my reflections in life at agad na nag-panic. Leaving? Saan kami pupunta?
He stood up, left his seat at lumabas ng dining area. Naiwan akong kasama ang dalawang nakatayong katulong sa gilid. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko tutal ay wala naman akong gagawin. Tinawag ako ng katulang pagkalipas ng sampung minuto.
“Ma'am, handa na po ang sasakyan. Aalis na raw po kayo.”
Saka pa lang ako tumayo. Dapat pala ay umakyat ako sa itaas at nag-ayos kesa tumanganga rito.
Iginiya ako ng katulong palabas. I looked around. Hindi ganoon kalaki ang bahay na 'to kumpara sa ibang mga bahay ng mga Logramonte. This one is simple and average.
Isang silver Lexus ang nakaparada. A man in uniform opened the front seat for me. Reluctantly, I got inside and sat still, uneasy and nervous as f**k. Nanginginig pa ang kamay ko nang ikabit ko ang seatbelt across my body. Hindi paman ako nakakaupo ng maayos, bumukas na ang pinto ng driver seat. Napaigtad ako nang makitang umupo si Illiad.
I swallowed hard and looked away. Sinulyapan niya lang ako pagkatapos pinasibad na ang kotse palabas ng pulang gate. My eyes curiously moved, checking the area na nakita ko lang kanina sa bintana. Iba-iba ang mga bahay rito, may malalaki at maliit lang. May iilang magarbo ngunit karamihan ay payak lang.
Muli akong nalunod sa malalim na pag-iisip habang binabaybay ang daan papunta sa kung saan man kami papunta. It took us a couple or more hours before we reached our destination.
Hindi ko man lang nagawang itanong saan kami pupunta at ano ang gagawin namin. He was silent too, but it felt like he was silently watching me.
He parked the car and turned off the engine. Nauna siyang bumaba. Bubuksan ko na sana ang pinto sa side ko nang umikot siya at siya na mismo ang nagbukas. I carefully stepped out of the car habang nakatingin sa hinintuan namin.
We are in front of the orphanage my family runs. May nagbago sa lugar pero tanda ko pa rin naman dahil buo pa rin at bagong pintura ang signage. Hindi na ako sigurado sa ibang detalye ng lugar dahil limot ko na.
'What are we going to do here?' Hindi ko na iyon isinatinig. I was shocked nang bigla na lang akong sinalubong ng iilang flash at click ng camera. Agad namang nag-cover ang mga bodyguards na basta na lang sumulpot, pumwesto at pinapadistansya ang mga dumudumog sa amin na media.
Balisa kong iginala ang paningin. The heck! Bakit may media?
Naramdaman ko ang kamay ni Illiad sa baywang ko. I instantly stiffened. Hinawakan naman ng isang kamay niya ang siko ko para igiya na papasok. Wala na akong oras para iproseso ang lahat kaya basta na lang akong sumunod sa kanya nang walang kibo. Dahil sa tagpo sa labas, pakiramdam ko mayroong malaking event ngayon dito sa orphanage.
“Miss Phyllian, kailan pa po kayo nakabalik?” Narinig kong tanong ng isa sa mga media.
“Miss, are you staying for good?”
“Ano pong masasabi niyo sa issue na hiwalay na po kayo?”
“Is the cheating allegation true, Miss?”
"Saang bansa po kayo namalagi? At sino po ang kasama niyo?"
Sunod-sunod ang mga tanong nila. Umawang ang labi ko. I was not prepared for any of it kahit pa hindi na bago ang ganito. I forgot things like this. Mas lalo akong hindi mapakali. Their eyes were on me. Ano ang alam nila? Will they announce it to the public?
Illiad and the bodyguards covered me kaya hindi nila ako malapitan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyang makapasok sa pinaka loob, sa activity area. Malaki ang espasyo dahil madalas dito ginaganap ang events para sa mga bata ng orphanage.
Flashes greeted me again, pero hindi na kagaya sa labas na magulo, but still, I was surprised. Kaunti lang ang media pero base sa mga tinginan nila halata ang pagiging alerto na makakuha ng shots na pupwedeng i-publish.
“Phyllian!” I heard a familiar woman’s voice that I missed the most.
Hot tears pooled on each corner of my eyes immediately. I swallowed to moisten my dry throat.
“Mommy,” anas ko.
She hugged me tight the moment she got a hold of me.
“You’re really here. I missed you so much, dear,” madamdamin niyang saad. She kissed my cheek and hugged me again.
My tears fell. Kusa na lang iyong tumulo. I embraced my mother. My heart throbbed dahil sa pinaghalong sakit at pananabik.
“Mom, I’m sorry po. I’m so s-sorry. I miss you, mommy.” I cried. Nawala na sa isip ko ang media na nakatingin. I think they gave us a short moment, too.
“It’s okay, Phyllian. Ang importante ay nandito ka na,” sabi niya nang magkalas kami sa mahigpit na yakapan. She wiped my tears kahit na may luha rin sa mga mata niya.
"It's alright," malumanay niyang sabi wala man lang panunumbat.
I never thought that seeing my mom after a long time will be this heart warming. Ang akala ko ay magagalit siya sa akin at puwede pang itakwil ako. I have thought about the worst before. At ngayon na mainit na pagsalubong ang bungad niya sa akin, mas lalo akong kinain ng guilt. How can I leave my only family?
“Mamaya na tayo mag-usap, hija. The program is about to start,” she said after calming down a bit. Madali niyang na-compose ang sarili. She smiled at the media na kinukuhanan na kami ng stolen shots.
“Illiad, thank you so much for bringing back my daughter,” she whispered to Illiad.
Bumaling ang tingin ko kay Illiad na nasa tabi ko pa pala. He nodded formally at my mother. Nanatiling walang expression ang kanyang mukha.
We were assigned to sit on the presidential table. Sa aking kaliwa nakaupo si mommy, at si Illiad naman sa kanan ko. Ngayong araw ay may maikling program para sa mga bata at inauguration ng bagong renovate nilang building. May partnership din sa isang international non-government organization kaya may media coverage.
As I sat and quietly observed, I can’t help but think of the things in the past once again. Ngayon na nandito na ako, does it mean the thing—the person that I am scared of is back, too? Kahit ba maraming taon na ang lumipas, will it still chase me? Will he or she use it against me? Who was really behind it? Malaki ang posibilidad na alam niya ng nandito na ako. I am more confused and scared again.
Lumingon ako. I caught Illiad’s intense gaze. He was staring at me. Nakagat ko ang labi ko. Mula pa kanina marami na akong napapansing pinagbago niya. He did change physically. His features are more intense now. I was reminded why I never liked him in the first place.
Did I really marry him? At sa mga taong wala ako, what did he do? My thoughts were unorganized and just mixed up sa dami ng mga alaalang nanumbalik.
Inabot niya ang kamay ko. Being defensive, hihilahin ko sana kaso mahigpit ang hawak niya. I also realized we might draw attention gayong nagsisimula na ang presentation sa harap.
“Wear these,” he said coldly.
I looked down and saw how he slipped two rings on my finger. The first one is made of extravagant pear cut diamonds surrounded by other precious stones. It was our engagement ring. Ang pangalawa ay ang simpleng white gold band na may maliliit na diamond na desensyo sa sentro ng band. I remember how he put it on me on our wedding day.
“Don’t remove it ever again.”
Nagkatitigan kami nang mula sa singsing na nasa aking daliri ay nag-angat ako ng tingin. Dumiin ang pagkakagat ko sa labi ko. Right, I removed and left it in the hotel room before I hurriedly left.
Binaba niya ang kamay ko. He shifted his eyes in front. The people clapped, senyales na tapos na ang performance. Napatingin na rin ako harap at wala sa sariling nakipalakpak.
My eyes caught someone on the right side medyo malayo mula sa table namin pero napansin ko pa rin. Nakaharap siya sa direksyon ko. I squinted my eyes para tingnan siyang mabuti. I can't see his full face dahil masyadong nakababa ang visor ng baseball cap niya. Mukhang sinadya para hindi gaanong makita ang mukha niya.
Hindi na agad maganda ang kutob ko. I have felt this before. Hindi pa rin mawala sa akin ang pakiramdam na may nakasunod at nakatingin. Sometimes,I am not sure kung tama ba ang hinala ko o masyado na akong na-paranoid.
May dumaang apat na staff. I concluded that they are part of the staff dahil sa unipormeng suot nila. Medyo magulo sila at naharangan ang tinitingnan ko.
Sa muli kong pagtingin, wala na roon ang lalaki. Kumuyom ang kamao ko, at parang gusto ng tumayo sa kinauupuan ko.
"Hija, are you alright?" I heard my mom say softly.
Napatingin ako sa kanya at napakurap-kurap. I slowly inhaled and exhaled para kontrolin ang namumuong paranoia.
"You look pale. Masamaba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang sabi ni mommy.
"What's wrong?" ani Illiad na mukhang narinig si mommy kaya nakuha ang atensyon.
My eyes moved to him. Nanunuri ang mga mata niya.
"I-I'm fine."
"Are you sure, Phyllian?" Mom said, a bit doubtful.
"Yes po."
Kumalma naman si Mommy. Agad ding nabaling sa susunod na performer ang tingin at pumalakpak kasabay ng iba.
When I glanced at Illiad, nakatingin pa rin siya sa akin. He has this scrutinizing look. Hindi ko matagalan ang titig niya kaya sa nagpi-perform na lang din ako tumingin.
"If you're not feeling well we can leave," sabi niya. Nakakagulat ang pagiging malumanay ng boses niya bigla.
"Ayos lang ako, jetlag lang siguro," I replied without looking at him.
Makalipas ang ilang saglit, my eyes darted where I saw the suspicious person. My gut feeling tells me na gaya rin ito noon.