Kabanata 3

3258 Words
Kabanata 3 "Kid" "Bye, Khloe. I will see you at school," I said ending our conversation online after almost an hour. I waived my hand in front of the monitor of my mac. "Bye." I exited the video call and closed the laptop. Itinabi ko na ito sa gilid ng kama. Today is Saturday, and I am just here on my bed feeling lazy. Isa pa, mamaya ay may dadaluhan kaming party kaya mas mabuti na ring dito lang ako. May inaasahan din akong parcel. I am sure it will be delivered today. My eyes flew to the door when someone knocked. "Bukas 'yan," sigaw ko. Pumasok naman si Ate Rose. "Phyllian dumating na ang parcel mo." Excited akong napaupo. Ang laki agad ng ngiti ko. "Really?" I jumped off the bed. "Oo, nasa baba na." "Oh, I am going down." I slipped on my pink fur slippers and hurriedly went out of my room. Nauna pa ako kay Ate Rose. Mabibilis ang hakbang ko sa hallway pababa ng hagdan. Hindi ko na naisip na sumakay sa elevator sa sobrang excitement at pagmamadaling makababa. Halos talunin ko na ang pang huling baitang ng hagdan makababa lang agad. I saw my most awaited parcels properly placed on our white Venetian couch. Umupo ako sa couch. Hindi na ako makapaghintay na makita ang laman ng mga kahon. "Ate, cutter please!" tawag ko sa kasambahay. Nagmamadali naman itong kumuha at ibinigay sa akin. I carefully cut the tape na naka-seal sa karton. After removing the tape, binuksan ko na ang kahon. I saw another box securely wrapped with bubble wrap. Tinanggal ko rin iyon. Sobrang secure ng packaging. Of course, it should be dahil hindi ordinaryong item lang ang laman nito. I was giggling as I removed the box cover. Kinuha ko ang lamang handbag at niyakap. I sighed dreamily and can't stop smiling. Ilang beses ko itong sinipat ng tingin habang marahang dinadama ang texture nito ng palad ko. Itinabi ko muna at binuksan naman ang tatlo pang parcel. "I so love it." I kissed the mini leather backpack from Fendi. I also put it aside to see the other items I purchased online. Sinukat ko agad ang binili kong Givenchy sneakers. It fits perfectly on my feet. Ang ganda tingnan and it's very comfortable. Nagisip na ako kung kailan ko ito susuotin. Tumayo ako at nagpalakad-lakad sa sala bago ang Louis Vuitton flats naman ang sinukat. I am planning to pair this with one of my kami dress na kasing kulay. It's a good combination. I was so happy and thrilled while admiring my new stuffs nang datnan ako nina Mommy at Daddy. Galing yata sila sa labas. "Another Kate Spade bag?" Naiiling na sabi ni dad nang pinulot ang handbag at tiningnan. "Hindi ba parang bumili ka na nito the other week?" I pouted. "It's a different color, Dad." Dad sighed and rolled his eyes at my excuse. Hindi naman siya galit. He never scold me on my shopping spree anyway. "Just let her," malumanay na sabi ni Mommy at hinawakan ang braso ni Daddy. "Alright, wala na akong sinabi." He shrugged his shoulder. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya. I looked up to him and smiled widely. "Thank you, Daddy, for working hard so I could buy what I want." He tapped my shoulder and kissed my hair. "Anything for my unica hija." I giggled and proudly showed them my new things. After that dinala na ng mga katulong ang mga gamit ko sa itaas. It's also time to prepare for the party. Dumating na ang stylist at make up artist ni Mommy dala-dala ang kanilang mga kagamitan. Handa naman na ang room na gagamitin. The maids already prepared. "This one is perfect Madam," ani Kuya Georgie habang pinapakita ang one shoulder sequence champagne dress kay Mommy. Ito ang gusto niyang ipasuot kay Mommy ngayong gabi sa party. I agree. Maganda at bagay sa complexion ni mommy. I also like the details, napaka elegante tingnan not exaggerated, too. "Isn't too much, George?" "No, Madam, this is perfect for your figure. Oh, tingnan mo naman para lang kayong magkapatid nitong si Phyllian." I smiled. Napailing naman si Mommy. Yeah, that's true. Tuwing magkasama kami ni Mommy mostly, people assumed that we were siblings. Mas matangkad lang ako kaunti kay Mommy. She is fit unlike me na medyo payat. It's okay lang naman dahil tugma sa height ko ang timbang ko. I am a picky eater kasi kaya mahirap sa akin mag-gain ng weight. I glanced at them through the mirror. Saka pa lang mamimili ng dress si mommy. Mine is already ready. Pinasadya pa ito sa kaibigang international couture designer ni mommy. I want to wear a beautiful dress. Tonight is one of the biggest party we'll be attending. Maraming dadalo and I don't want to look cheap, so I prepared. Kuya Jules is doing my make up. Magpinsan sila ni Kuya Georgie. "Done, simple but pretty," ani Kuya Jules at binaba ang brush sa tukador. I looked at my face in the mirror. Simple lang nga. Mommy don't want to overdo my make up. Hindi raw maganda tingnan sa bata. Well, I am already thirteen, but then she still treats me like a little kid in elementary. I am free to choose my clothes and style pero minsan kapag hindi niya gusto or she thinks inappropriate ay pinapapalitan niya. Nakalugay ang kalahati ng buhok ko na kinulot naman ang dulo. The other half was braided to come up with a creative crown. Kuya Jules pinned tiny crystal clips, too, to add some details. If I remember it correctly, regalo sa akin ng isang investor itong hair clips. "Magpalit ka na ng damit mo," aniya. Tumango naman ako tumayo na. Tinulungan ako ni Ate Rose na maisuot ang gown ko para hindi masira ang ayos ng buhok ko. I am wearing a sweetheart neckline in rose pink, ombre, tulle dress for tonight. Sinuot ko naman ang piniling t-strap heels ni Kuya Georgie. Mas tumangkad ako dahil sa three inch heels. "You're perfect to join pageants Phyllian, although mas bet nowadays ang mga morena. Pasok ka pa rin with proper training and wits. Bata ka pa, you still have a long time to prepare." "Baka hindi po pumayag si Daddy." "Oh c'mon, kailan ka ba tinanggihan sa mga gusto mo ng daddy mo, ha?" Yumuko siya at inayos ang dulo ng dress ko. Nakakatitig naman ako sa repleksyon ko sa harap ng full-length mirror. He has a point, but that's not on my mind right now. Maybe in the future I will try? I don't think I am ready too rigid din kasi ang trainings. Baka hindi ko kayanin. I might compromise my studies too. Hindi pa naman malalaki ang grades ko. I am done and mommy too. Nagliligpit na ng mga gamit sila Kuya. Pumasok naman si Daddy sa room para sabihing kailangan na naming umalis or else mahuhuli na kami. Ayaw ni Daddy ng nali-late. He wants to be on time. He thinks being late is rude. Ngayong gabi ay kaarawan ni Iliana Logramonte. Their family is throwing a grand party na taon-taon naman nilang ginagawa, and we are always invited dahil magkaibigan ang pamilya namin. Pagdating sa venue si Illias agad ang hinanap ko. He is the youngest son of Tita Iliana. We became friends during that one summer na nagbakasyon ang pamilya namin sa Balesin. Bata pa kami noon. I am not close to his older brothers dahil matatanda na sila, well hindi naman ganoon katanda just few years ahead of me and Illias. Bago ko pa malapitan si Illias pinigilan ako ni Mommy dahil mag-gri-greet pa raw kay Tita. Ako ang nag-abot ng regalo namin. It's inside a box. The box was tied with an olive green ribbon. Ang laman nito ay imported perfume na paborito ni Tita. "Happy birthday, Tita," bati ko. "Here's our gift po. Sana magutuhan niyo." "Thank you, Phyllian. You are very pretty tonight. I like your dress." "Thank you po," I said shyly. Natuwa naman ako at pinuri niya ang suot ko. Nagusap pa sila nila Mommy kaya umalis na ako at lumapit kay Illias. Nakaupo lang siya. I shook my head nang makitang nagbabasa siya ng libro. Really, while in a party and everyone's trying to socialize? "Illias, you're becoming a nerd," tudyo ko sa kanya. Matalino si Illias, in fact he is always top of his class. Wala lang siyang suot na makapal na glasses at hindi rin nakapinid ang buhok niya na parang sa old times. He is always neat and clean din. "What's wrong with being a nerd?" I make face. Sandali lang kaming nagusap. Nagsimula na ang party kaya bumalik na ako kina mommy. Umupo kami sa lamesang nakalaan para sa amin. Nakinig naman ako sa short program na hinanda. I am used to this kaya hindi na ako masyadong nabo-bored kahit si Illias lang ang kaibigan ko rito. Minsan kasama sa mga party si Khloe kung sinasama siya ng parents niya. Illias and I, we are buddies lalo na kapag sinasama kami ng mga parents namin sa mga business trips at conference. Mabait din kasi si Illias. He spoils and let me do what I want kahit ayaw niya minsan. Funny how our family became close. Pareho kami ng line of business. We should be rival, but instead we became allies. Dahil mas naunang na-establish at mas malaki ang saklaw ng EL Stock Holdings, tinutulungan ni Tito Eleazar si Daddy. Now we are big and can compete with other hardware companies. After our dinner na-bored na si Illias kaya niyaya niya na akong magliwaliw sa vicinity ng hotel hanggang sa mapadpad kami sa may pool area malapit lang sa mini garden. May dalawang swing kaya tig-isa kami. Umupo ako sa kanan, siya sa kaliwa. "Illias don't you want to have many friends?" tanong ko sa kanya. "I want to, but I don't wanna push it. I don't share the same interests with them kaya hindi rin..." Tumango ako. "E, girlfriend? May mga kaklase nga akong may relationships na." "I still don't think about it." "Pero may crush ka?" ngumisi ako. "Tsss..." "Sino? Promise I won't disclose it." "None." "Meron 'yan. They say you are abnormal kapag wala ka raw crush." "Don't believe easily on what people say, Rowin. That's nonsense." "E, sino nga ang crush mo? Hindi iyong celebrity, ha." "Why don't you tell me first sino sa'yo?" "Ha?" "Crush mo ba 'yong nanliligaw sa'yong ka-klase ko?" He grinned. Mukhang nabaliktad na yata. Ako na ang nasa hot seat ngayon. Paano naman niya nalaman 'yon? "No! I turned him down and blocked his number noh. He is annoying kaya. I don't even know where he got my number." Nagulat na lang ako na may nagtext sa akin. Napaka-rude pa. Ganoon ba ang manliligaw? He immediately asked me if I want to be his girlfriend. No way! "Isusumbong kita sa daddy mo." I stuck out my tongue and crossed my hands over my chest. Mayabang ko siyang tiningnan. "Hindi naman ako papagalitan nun noh." "Tsk... Spoiled." "No, I am not." "At that state? According to your mommy you spend at the very least a million pesos in a month just buying stuffs na pinagsasawaan mo rin kalaunan." Sinamaan ko siya ng tingin. Nagbabanatan pa kami ni Illias nang may mahagip ang mga mata ko sa hindi kalayuan. It's his eldest brother, Illiad. He was with a girl. Kilala ko pa ang babae dahil kapatid ng dati kong kaklaseng lumipat na ng school. If I remember her name correctly, it's Leina. She is petite, but pretty. Matangkad naman siya ngayon dahil nakaheels. Ang revealing ng red dress niya. Mataas ang slit at backless. Napatingin na rin si Illias sa direksyong tinitingnan ko. "Let's go back inside," aniya. "Dito na muna tayo. Nakakapagod makipag usap sa mga Tita at Tito ro'n. Tutuksuhin lang nila ako. It kind of irritates me. Paulit-ulit na lang." Minsan kasi nirereto nila ang mga anak nila sa akin, I know they were just kidding pero nakakainis din kasi. Minsan naman they will ask me kung may boyfriend na ba ako. I felt cringe kapag 'yon na ang topic. I don't know why. Hindi naman ako man hater. I am just uncomfortable. Hindi ako napilit ni Illias kaya nanatili kaming dalawa sa swing. Naguusap pa rin kami, but I can't help na sulyapan ang kapatid niyang nasa unahan lang. I think they don't know that we are here. Nang nanahimik na si Illias muli kong ibinaling ang tingin sa kinaroroonan ng kapatid niya. Hindi kasi madaldal si Illias. Cool siya kausap, but you can't except him to talk a lot. Nakikinig naman siya kahit hindi na siya nagsasalita. Tumitigil na lang ako sa kakadaldal kasi baka mainis siya at maingayan sa akin. Hindi naman ako sinabihan ng ganoon ni Illias, iyong kapatid niya. Ang daldal ko raw sabi ni Illiad. Baka raw dumugo ang tainga ng kapatid niya. I don't really like Illiad ever since. He is a bully. Mayabang din ang tingin ko sa kanya. Basta naiinis ako sa kanya. Whenever he is around naku-conscious ako dahil baka ano na naman ang mapuna niya sa akin. Ang hilig niyang inisin ako kapag nakakakuha siya ng pagkakataon, kapag naman nakaharap sa parents ko blanko lang ang ekspresyon niya. Tuloy kapag nagsusumbong ako hindi naniniwala sila Daddy at Mommy. Para pa tuloy kasalanan ko kasi makulit ako. I gasped when I saw something I shouldn't. Illiad and the girl was already kissing. What's more was Illiad was touching her boobs! Dahil sa sobrang baba ng neckline medyo nalilis na sa side ang suot nito. Na-eskandalo ako. Nasa hotel naman kami bakit hindi nalang sila sa suite, bakit dito? Kasi akala nila walang tao? Naging madilim ang paningin ko. Tinakpan ni Illias ng palad niya ang dilat kong mga mata. Inalis ko naman ang kamay niya at pinukol siya ng masamang tingin. Masisira ang make up ko! "Bakit mo tinakpan ang mata ko?" inis kong sumbat sa kanya. "You should not see that, bata ka pa 'di ba?" He shook his head. Nakita niya rin pala. Para kaming mga chismoso rito kahit kami naman ang nauna. At hindi sinasadyang makita ang pinaggagawa ng kapatid niya. "Sabi ko naman sa'yo bumalik na tayo," aniya. "Malay ko bang mag-gaganyan sila rito." I groaned. I shook my head na para bang 'pag ginawa ko 'yon maaalis na sa isip ko ang nakita ko. "Your brother is gross, Illias! Fuckboy." "What's gross with kissing? It's normal 'saka saan mo 'yan nakuha ang 'fuckboy'? Do you have bad influence friends at school? Sino?" "Wala noh!" Common term naman 'yun na madalas kong marinig kay Khloe at ibang kaklase ko. They label those guys "fuckboy" kapag maraming girlfriends at pinapaasang mga girls. Inirapan ko lang siya at tumayo na. We left the swing. Umalis kami ng garden. Bumalik na kami sa loob. Tinawag ako ni Mommy kaya iniwan ko na si Illias. Aakyat na rin daw siya sa suite nila. Dito yata sila matutulog ng pamilya niya. Umupo ako sa seat ko kanina pagkatapos bumati sa ilan pang kakilala. Dumaan sa harap ko 'yong babaeng kasama ni Illiad kanina. Hindi niya na kasama si Illiad. Napangiwi ako. What they did is still etched inside my head. I have an idea what they did after we left, and I find it gross and scandalous. Nagpaalam ako kay mommy na pupunta lang sa restroom. Titingnan ko lang ang buhok ko. Sa tingin ko kasi nasira na sa kakahawak ko. I went inside the comfort room. Pagtingin ko sa salamin sa sink hindi na nga maayos ang pagkaka-braid. Nagulo na at maraming tikwas na buhok. Hindi naman ako marunong umayos kaya tinanggal ko na lang ang pins at hinayaang nakalugay na lahat ang buhok ko. Maganda pa rin namang tingnan. Uuwi na naman kami mamaya kaya ayos lang na ganito na lang. Lumabas ako ng restroom ng girls after awhile. Sa paglalakad ko paalis sa may restroom hallway, nakita ko na naman si Illiad. Ibang babae na naman ang kasama! Nasa sulok sila at may malaking indoor plant na naka-harang, pero makikita mo pa rin sila kung sisiliping maigi. They were smiling at each other. Nakahawak sa necktie niya 'yong babae. Si Illiad naman hinahaplos ang buhok ng babae at may binubulong na kung ano. Gustong-gusto rin yata ng babae dahil ang laki ng ngiti niya. Humagikhik pa na akala mo kinikiliti. They were obviously flirting! Shit! Mommy scolds me kapag nagku-curse ako. Ayaw niya dahil hindi raw maganda pakinggan, but now, I want to curse. Binilisan ko na lang ang paglalakad. Kanina he is with the older sister of my classmate tapos ngayon naman iba na naman. He is really a fuckboy, buti na lang hindi ganoon si Illias. Siguro hindi kami friends ngayon kung kagaya siya ng flirt niyang kuya. Kunot na kunot ang noo ko habang nakapangalumbaba sa lamesa namin. Naiinis ako talaga ako. My mood is completely ruined! "Are you tired? Inaantok ka na ba, Phyllian?" nakangiting tanong sa akin ni Tita Illiana. Nakatayo na siya sa tabi ko. Nahiya ako at umayos ng upo. "Why not sleep here as well, Rowena?" ani Tita kay Mommy. "It's up to this man." Tinuro ni Mommy si Daddy na kausap si Tito Eleazar, the husband of Tita. May isa pang kausapan na kaibigang businessman. "I will have the other suite prepared." Magandang ideya nga na rito na lang kami matulog. Gusto ko ng humiga sa kama actually. I want to change to my comfortable cotton jammy as well. Good thing Mommy and Daddy agreed to spend the night here. Marami pa kasi silang kausap kaya kung uuwi sa bahay gabing-gabi na talaga. Wala pa namang driver. Si daddy lang nagmaneho papunta rito. "Wanna go ahead first?" Tita Illiana said softly. Para bang concern na concern siya sa akin. "Okay lang po ako rito." Sanay naman akong naghihintay kung kailan matatapos sila mommy. "You can rest already. Hayaan mo at pasasamahan kita. Handa naman na ang suite." Hindi na ako nakatanggi. I also like to go first para humilata at matulog na nga. "Illiad," tawag ni Tita sa anak niyang bigla na lang sumulpot sa crowd. Nanlalaki ang mga mata ko. Tapos na yata siya sa business niya sa may comfort room. Baka naghahanap ng pangatlo. He is so disgusting! "Please bring Phyllian to their suite. Kawawa naman ang bata at inaantok na." I almost flinched nang tinawag akong bata, but I am more bothered na si Illiad ang maghahatid sa akin. I don't need help. Ilang beses na akong nakapunta rito sa hotel. Memoryado ko na nga yata lahat ng floors. I can manage on my own! Just not him, please. Illiad turned his head to me. Blanko lang ang ekspresyon niya. "Let's go." Mabilis akong umiling. Kumunot naman ang noo niya. "Sige na, Phyllian, ihahatid ka ng Kuya Illiad mo para makapagpahinga ka na." Nilingon ko si Mommy na may bagong kausap na magasawa. Tumango lang siya na parang sinasabing sumama na nga ako. Nang tingnan ko si Illiad, he looked bored na hindi pa ako tumatayo sa kinauupuan ko. Gusto kong sumimangot at sabihing ayaw kong sumama kay Illiad, pero nahihiya ako sa mama niya. Siya na nga ang nagmagandang loob. "Let's go kid," ani Illiad. My face contorted more. Halos magdabog ako sa pagtayo. Labag sa loob ko ang sumama sa kanya. He turned his back and started walking. I had no choice but follow him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD