Kabanata 4
"Kuya"
Inabot ng staff ng hotel kay Illiad ang key card ng suite namin nila mommy para sa gabing 'yon. Tinanggap naman niya at nagpasalamat. Sumakay na kami ng elevator. He pressed the right floor and the lift went up. Humalukipkip at sumimangot ako. Wala na ang mama niya kaya okay lang. Dumikit ako sa dingding para hindi madikit sa kanya. Maluwag naman ang elevator dahil kaming dalawa lang. I just don't want to be near him. Naiirita pa rin ako sa nakita kong pinaggagawa niya.
Sinulyapan niya ako at tinaasan ng kilay. Inirapan ko na lang siya at sa harap na tumingin hanggang sa huminto ang lift at bumukas ulit ang elevator doors.
I stepped out first. Nakasunod agad siya dahil mahaba naman ang biyas niya. Mabagal din akong maglakad dahil naka-heels. I was trying to keep my poise kahit na nagdadabog sa paglalakad. He don't have to accompany me hanggang suite. Again, I can go on my own.
Napahinto ako nang maramdamang tinapakan ang dulo ng gown ko. Marahas kong tiningnan si Illiad. Halata namang sinadya niya. Pinukol ko siya ng matalim na tingin. He just smirked and proceed to the door of the suite. He used the card and opened the door.
"Pasok na. Tulog na raw. Bawal sa bata ang magpuyat lalo na 'yong mga patpatin," mapang-asar niyang sabi.
Mas lalo akong napikon sa kanya. I was already glaring at him samantalang nakangisi lang siya. Tuwang-tuwa siyang naasar na naman niya ako.
"Ang sama ng ugali mo, Illiad!" angil ko.
Time and time again nakakahanap talaga ako ng rason kung bakit ayaw ko sa kanya. Kaaway ang tingin ko sa kanya. Mabuti pa si Illion na kapatid nila ni Illias, 'yon walang pakialam. Hindi nam-bubuwesit. Although, he is snob but at least he is not bullying me. Kung sino pa ang pinaka matanda siya pa itong panay ang pang-aasar sa akin.
"What?" He chuckled.
"Hindi na ako bata at hindi rin ako patpatin noh. Ganito lang talaga ang katawan ko sabi ni Mommy."
I am thin, pero hindi naman patpatin na madaling malipad kapag humangin ng malakas. He might be lying just to piss me off, but he is really getting into my nerves. Ngisi pa lang niya naiinis na ako.
Hinawakan niya ang ulo ko. He acted like he was petting me. Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Tinampal ko ang kamay niya. Inalis ko ito sa ulo ko. Ang lakas ng loob niyang asarin ako dahil wala ang parents ko!
Inirapan ko ulit siya bago pumasok ng pinto at padabog iyong sinara. Hindi ako nag-thank you. He does not deserve it anyway. Pumayag lang yata siya sa utos ng Mama niya para maasar ako.
Makakaganti rin ako sa'yo Illiad. Makikita mo paglaki ko. Hmp!
Nagngingitngit akong naghubad ng gown at kumuha ng bathrobe na provided ng hotel. Wala naman akong pamalit. I texted Mommy about my other concerns, but I didn't not expect she would reply immediately dahil abala naman siya sa mga kausap. I sent daddy a message too para kahit isa sa kanila mabasa 'yon.
I waited at hindi naman ako nabigo. May naghatid sa akin ng damit. Pagkatanggap ko ng paper bags, nagbihis agad ako at humiga na sa kama. Bago ako matulog baon ko ang inis ko kay Illiad.
Kinalakihan ko na yata ang pagiging bully ni Illiad sa akin. Mommy finds it cute, ganyan talaga daw kapag may kapatid na mas matanda. Isipin ko na lang daw na ganyan din kong may older siblings ako. As for me ayoko talaga kay Illiad. Lalo naman kung naging kapatid ko nga siya. Imagine the suffering I will go through. Ugh!
Whenever I see Illiad, lagi kaming nagtatalo kapag pinapatulan ko ang pang-aasar niya. Kapag naman hindi ko siya pinapansin o pinapatulan, hindi siya tumitigil hanggang hindi ako naaasar. Balak niya yatang paiyakin ako palagi. Hindi nga lang ako iyakin kaya hanggang pang-iinis lang siya.
Naging hobby na yata niya ang pangiinis sa akin maliban sa mga pambabae niya. Tito Eleazar and Tita Iliana are nice samantalang ang anak nila masama ang ugali. Pero pakiramdam ko ako lang naman ang binubully nila.
Isang beses nahuli siya ni Tita Ilian na binubully ako noong sinama ako ni Mommy sa pagdalaw sa bahay nila.
"Illiad, that's enough. Para kang bata," malamyos ang boses ni Tita kahit na pinapagalitan siya.
I make face dahil hindi naman ako nakikita ni Tita. Nasa likod niya ako. Malaki ang ngisi ko habang nakataas ang kilay. Buti nga sa'yo.
"I am not doing anything, Ma," aniya na akala mo hindi guilty! Parang hindi niya nilait ang polka dots dress ko, ah. Ang ganda kaya nito! Mukha raw akong character sa Disney cartoons. Ginulo niya pa ang suot kong headband na may malaking laso. This is on trend nowadays kaya.
Umayos ako nang bumaling si Tita sa akin.
"I am sorry, Phyllian. Forgive your older brother. Nagbibiro lang s'ya."
"It's alright po."
Lumapit naman si Mommy na may kuryosong tingin.
"Bakit? What's wrong?" aniya.
"Ito kasing si Illiad binibiro si Phyllian. Pagdiskitahan ba naman ang bata," Tita explained.
I groaned inwardly sa pagtawag niya sa aking bata.
Ngumiti si Mommy at binalingan si Illiad. Nakakainis talaga. Ang galing niyang umarte sa harap ng iba! Nakalagay pa ang mga kamay sa makabilang pocket ng khaki shorts niya while loosely standing up.
"I am sure Illiad was just playing around. Don't worry about it, Iliana," sabi ni Mommy. Dinepensahan pa si Illiad!
He smirked at me nang humarap muli si Mommy kay Tita.
Hanggang irap na lang ako at nag-walk out. Hindi pa ako nakakalayo, nakasunod na siya.
"Pssst. Saan ka pupunta bata?" aniya.
I stomped my feet. Sinuntok ko ang tiyan niya. Agad akong napangiwi. Ang sakit ng kamao ko. Matigas kasi ang tiyan niya.
Umiling si Illias at tumawa. "Oh, bakit ka nanununtok?"
Tiningnan ko ang knuckles kong medyo namumula. Nag-angat ako ng tingin. I threw him a sharp stare.
"Don't cry, baby Rowin."
"One day I will get even," I declared.
His lips twitched. He raised his brow.
"Paano?"
"Basta!"
Humalakhak muli siya. Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan. He, "Tsk." Hinaplos ng daliri niya ang knuckle ko.
"Ang liit ng kamay mo."
"Higante ka kasi!"
My third year in highschool came fast after the two months of vacation. That was short lived. We spent our summer outside the country.
Unang araw ng klase ngayon. Pumasok ako ng classroom namin. I saw my friends Ivony, Bian and Kaliah gathered in a small circle. Wala si Khloe. Hindi raw siya papasok ngayong first day. Hindi naman talaga 'yun pumapasok kapag first day. Boring daw, katwiran niya. Minsan nga buong linggo talaga siyang absent.
I was smiling as I was about to give them my present. Galing kaming Iceland nila Mommy and Daddy for our last vacation nung summer. Tatawagin ko na sana sila nang marinig kong banggitin ang pangalan ko. Napahinto ako.
"Rowin is too spoiled, tsaka sobrang arte to that point she is annoying," sabi ni Bian.
Slowly, my smile faded. Humigpit ang hawak ko sa dalang paper bags.
"Actually maraming may ayaw sa kanya hindi lang dito sa class natin and even other batches," Kaliah added.
"Kaya nga wala masyadong nanliligaw kahit maganda naman siya and from a prominent family."
"Well, who wants an overacting and lame girlfriend anyway?"
Natatawanan pa sila. They exchanged conversations and I was just silently listening while they talked behind me. Nang hindi ko na natiis lumabas na ako ng classroom at tumakbo sa comfort room ng girls. Pumasok ako sa isang cubicle.
I did not know na ganyan ang tingin nila sa akin. I mean they were right, spoiled nga ako at maarte, but I am trying to be always nice. Sinabihan na ako ni Khloe dati na hindi naman talaga totoong welcome at in ako sa circle of friends nila Ivony. I even defended them because they were nice naman.... or at least that's what thought. Inaaya nila ako tuwing nagsho-shopping sila. I just became close to them during our second year highschool dahil sa isang group project. Sinama nila ako sa kanila dahil wala akong ka-grupo, absent kasi si Khloe nu'n.
I composed myself and put back my smile. Hindi na nga lang totoo dahil nasaktan talaga ako.
I fidgeted my fingers and took a deep breath para pakalmahin ang sarili ko. I stayed inside the cubicle for two good minutes bago lumabas at tiningnan ang sarili sa salamin. I fixed myself before going back to the classroom.
"Hi, Rowin!" bati ni Ivony nang makita akong pumasok ng room. Tapos na yata silang mag-usap.
Sa school they used to call me Rowin. Sa bahay at ang malalapit na mga kakilala Phyllian ang tawag sa akin madalas.
"Hello, I got souvenirs for you," siniglahan ko ang boses ko. "Here, oh."
Binigyan ko sila ng tig-isang paper bags.
"Nice, thanks!"
"Thank you."
"This is beautiful. Thank you, Rowin."
"Galing kayong Iceland right?"
Tumango ako.
"Ilang araw kayo ro'n?"
"Seven days."
Hindi ko tuloy alam ngayon kong totoo ba silang natutuwa sa bigay ko at sa iba pang mga gifts ko sa kanila dati. It hurts me na ganun pala ang tingin nila sa akin.
"I like your bag. Is it from the latest collection of Chanel?"
Kinuha ni Ivony ang bag ko at tiningnan. Pinasa niya kay Kaliah pagkatapos na kuryoso rin. She checked what's inside my bag.
"Ah, oo. Dad bought it when he went to LA last month."
"I want that too, pero ayaw ni Daddy. My cards were freezed after I max it out kaya hindi ako nakabili."
Tipid lang akong tumango at naupo na. Malapit na kasi ang time.
I was down during the whole day. Hindi na rin ako nagsasalita at nakikinig lang sa kuwento nila tungkol sa kanya-kanyang bakasyon. Sinabi ko na lang masama ang pakiramdam ko. Mukha rin namang wala silang pakialam na nanahimik lang ako.
I wish Khloe is here. Gusto ko sana siyang i-text para magsumbong kaso alam ko na agad ang sasabihin niya. Sasabihin niyang tama siya at kasalanan ko dahil hindi ako nakinig sa kanya.
I just want to make more friends. Kaya nga sumali ako ng orgs before. Kalaunan, hindi na ako active dahil tinatamad na akong mag-attend ng meetings at mga practice. Now, I am thinking everyone does not like me. Maybe the others were just nice to me kasi ayaw nilang ma-offend ako.
This is always my dilemma. I don't know why it's hard for me to make friends kahit mabait naman ako. I mean, I am not being self righteous pero hindi naman ako nang-aaway or tries to hate and hurt anyone.
"Come on, Rowin. Hindi ba sinabi mong magmo-mall tayo after class?" ani Kaliah.
"Sa susunod na lang pala. I am not in the mood right now. Sorry."
She shrugged her shoulder at dinampot na ang bag na nasa arm ng chair niya. She flipped her hair and slid the sling of the bag on her right shoulder.
"Okay. Alis na kami ha?"
I nodded. Hindi man lang nila ako pinilit. Kung si Khloe ang nagaaya at ayaw ko, kinaladkad na ako nun kahit sinabi kong wala ako sa mood.
Iniwan na nila ako. I noticed na mukhang masaya pa sila na hindi ako sumama. It is upsetting, pero wala naman akong magagawa. Sa isip ko I was nice to them and they like me, but it turned out it was not the case. I assumed.
Matamlay kong sinukbit ang bag ko at lumabas na ng room. I already informed Mommy and Daddy na gabi na ako uuwi dahil magmo-mall nga kami nila Ivony at sa mall na ako magpapa-sundo, kaya hindi pa ako puwedeng magpa-sundo sa driver. Magtataka sila kung uuwi na ako agad. I don't want to worry them. Masyado na silang busy sa work and this is nothing. Na-offend lang talaga ako.
I walked around the campus. Wala na masyadong tao dahil kanina pa ang uwian. Mostly mga athletes at mga members ng mga orgs na may ginagawa pa ang naiiwan.
I sat down on one of the bench. I am really down and closed to crying. Hindi ko na nga napigilan. Mariin kong kinagat ang labi ko. Nagbaba ako ng tingin at tumitig na lang sa sapatos ko.
Hindi pala enough na nice ka for people to accept you. Kahit pala wala ka namang ginagawang masama, ayaw pa rin nila sa'yo. They just don't want me, period.
Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mga mata ko. I should have not pushed it. Tama nga si Illias, even if you want to make friends mahirap kung hindi ka naman nila gustong isali sa group nila. I understand Illias now.
"What happened to you?"
Natigilan ako nang makarinig ng baritonong boses. I looked up and saw Illiad. Wala akong lakas para tarayan o simangutan siya ngayon. I just gazed at him with my misty eyes.
Suminghot ako. "What are you doing here?"
"I am here to pick up, Illias," sagot niya na matamang nakatingin sa akin. Sa tangkad niya at nakaupo pa ako, nakayuko na siya. "Why are you crying?"
Nagiwas ako ng tingin. "Hindi ako umiiyak noh. Humangin lang tapos napasukan ng alikabok ang eyes ko tapos kinamot ko."
"Tsss... liar."
"Hindi kaya!"
"Inaway ka?"
"Ano ako bata?" depensa ko.
"Bakit, hindi ba?"
I pouted and glared. Alam naman pala niyang umiyak ako tapos mangaasar pa rin siya. Masama talaga ugali niya. One time, I asked Illias kung binu-bully ba siya ng kuya niya, hindi naman daw.
"Bakit hindi ka pa umuuwi? Are you having rendezvous with your boyfriend here?"
I was appalled. Nagsisimula na naman siya.
"Wala akong kikitain. I don't even have a boyfriend!" I leered.
"So, suitor then?"
"Hindi rin."
"Bakit nga hindi ka pa umuuwi?"
Bumagsak ang balikat ko nang maalala ang dahilan kung bakit andito pa ako. Siguro by now they are having fun na wala ako. Mas masaya siguro sila na hindi nila ako kasama. They can freely talk behind my back. Hindi na rin nila kailangan mag-pretend na accepted ako sa group nila.
"Kasi sabi ko kina Daddy na mamasyal muna ako with my friends..."
I sighed.
"And?" he probed nang hindi ko itinuloy ang sinasabi.
Ngumuso ako lalo. I fidgeted my fingers tightly. I found myself venting on him. Kinalimutan ko muna ang inis ko sa kanya.
"I just found out this morning that they don't like me kaya hindi na lang ako sumama."
"So, they left you?"
Malungkot akong tumango.
"There's nothing to be upset about it"
Sinamaan ko siya ng tingin. Para na ring sinabi niya na hindi naman big deal 'yon. He was so insensitive, palibhasa marami siguro siyang kaibigan. Maraming gusto siya maging kaibigan.
"Untrue friends aren't lost, it's a gain. Now you know who's worth of your care and attention," aniya.
"I want to have many friends."
"Quality is always better than quantity."
Ngumuso ako wala ng masabi dahil tama naman siya. Nagtitigan lang kami. Somehow I felt a bit lighter na may napagsabihan ako. I don't plan on telling this to my parents. Parang ang petty naman kasi. Hindi na ako maliit na bata para magsumbong dahil inaway o ayaw pasalihin sa laro.
"Stand up," utos ni Illiad.
"Ha?"
"I said stand up."
"Bakit?"
Napakunot ang noo ko. Nalilito ako bakit niya ako pinapatayo.
"You're sad, right? Let's eat."
I blinked. Medyo na bigla ako na ang bait niya ngayon, not totally mabait but less evil. He really listened intently to my sentiments.
"Paano si Illias? 'Di ba nandito ka para sunduin siya?"
"Malaki na 'yon. He can go home on his own."
I crossed my arms on my chest. Sinimangutan ko siya.
"How come na matanda na si Illias, tapos ako bata? He is just a year older than me kaya! Wala naman masyadong difference."
Pinitik niya ang noo ko. I was not able to dodge it. Hindi naman malakas pero napangiwi pa rin ako. He still doesn't want to miss a chance to mess with me.
"It's a different story."
"How come?"
Umiling lang siya at hinila na ako papunta sa naka-park niyang kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok naman ako at umupo. He closed the door on my side and turned to the opposite side. Umupo siya sa driver's seat at pinausad na ang kotse niya.
"Where do you want to eat?"
I shrugged my shoulder. Hindi naman ako nagugutom, but then if may food kakain na rin ako. I might forget what's upsetting me.
Dinala niya ako sa mall. Pumasok kami sa isang café. Hindi ko alam bakit dito pa kami. Marami namang café sa malapit lang.
He ordered milktea and a slice of blueberry cake for me. Ayoko ko kasing mag-order dahil wala akong mapili. Kape lang inorder niya. Pakiramdam ko tuloy si Daddy ang kasama ko.
We settled on a table for two.
"Huwag ka na sumimangot. Nagmumukha kang batang nagta-tantrums dahil hindi binilhan ng barbie doll."
"Puwedeng huwag mo muna akong awayin ngayon? Just this once?"
"Hindi kita inaaway. Kailan ba kita inaway?" He smirked. Ngisi niya pa lang nangaasar na.
Dumanting ang order. Saka ko pa lang na-realize na gutom pala ako nang makita ang cake. Naubos ko ang order niyang tall milktea. Mostly venti lang hindi ko pa nauubos.
"You want more?" tanong niya.
Umiling ako. I think this is enough. Baka hindi na ako mag-dinner sa bahay. Gusto pa naman nila Mommy na sabay kami lage mag-dinner.
Nilahad niya ang palad niya. I frowned.
"What?"
"Bayad mo."
"Ha?"
"That's not free. Hati tayo."
Umawang ang labi ko. "Illiad! Stop messing with me."
"No, I am not. Pay me malaki naman baon mo."
"I hate you."
The side of his lips rose. Nakalahad pa rin ang palad niya naghihintay talaga ng bayad ko.
"Illiad!" I whined.
"Wala kang galang. Call me kuya."
"Hindi ka naman kagalang-galang."
Hindi naman siya na-offend. He shook his head and laughed. Maybe he finds me entertaining. Iyon yata talaga ang tingin niya sa akin, "entertainment." Kunot na kunot ang noo ko. Binato ko siya ng tissue, pero dahil magaan lang 'yon hindi umabot sa kanya.