Kabanata 5
"Confiscate"
"Are you still upset?" tanong niya. Palabas na kami ng café. He pushed the door to open. Nauna akong lumabas.
Now that I am here sa mall puwede ko na sigurong tawagan si Manong driver para sunduin ako. Sasabihin ko na lang maaga kaming natapos mag-shopping.
Mahina akong tumango. Nalulungkot pa rin naman ako. I can't easily put it aside and ignore it. Mamaya ikukuwento ko kay Khloe ang nangyari kahit na siguradong papagalitan niya ako at sasabihang tama siya. Sanay naman na ako at least she listens to my rants.
Dinala niya ako sa Gucci store. Nasa entrance palang kami nakuha na ang attention ko ng mga naka-display. Parang nagningning pa ang mga mata ko.
Binalingan ko si Illiad.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Ang sabi mo malungkot ka pa rin. Now that you saw the stuffs here nawala na ang simangot mo. I think it's effective."
Kinunotan ko siya ng noo. I don't really get it. Nasa display na rin ang atensyon ko.
"Let's go." Tiningnan niya ang suot na relo. "Ihahatid na kita sa inyo."
"Wait lang," sabi ko at lumapit sa display na bag aisle. The sales person immediately attended to me. Kilala niya na ako dahil madalas ako rito simula nang mahumaling ako sa designer items. When I was just a kid sinasama ako ni Mommy tuwing nagsho-shopping siya here or abroad kaya rin maaga akong naging collector.
"Can I see it?"
"Sure, Ma'am," nakangiti niyang sabi. Kinuha niya ang dusty pink leather shoulder bag. I saw it online noong nakaraan tapos hindi ko nagustuhan, ngayon na nakita ko ng personal maganda pala. Shopping in stores are always better than online. Mas magandang nakikita at nahahawakan. You can try it, too.
Sinabit ko ang strap sa balikat ko. Tumingin ako sa salamin nila. I strike two poses bago tinanggal ang bag. I scanned its exterior bago binuksan at sinilip ang loob. This costs a hundred thousand plus pesos.
I sighed binalik ko sa sales person ang bag.
"Kukunin niyo po ba?"
Umiling ako. "Maybe next time. Thank you."
I have maxed out my card this month; iyong ginagamit ko for shopping. Ito namang isang account hindi na kasya. I only have Eighty thousand pesos more or less. Ang cash sa wallet ko limang libo lang. Now that I thought about this mabuti na rin sigurong hindi ako sumama kina Ivony. I pay for them sometimes at kapag ganoon kailangan hindi ako gumastos bago ang lakad namin.
I turned to Illiad. Nakatayo lang siya naghihintay sa akin. He looks bored again. Nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa ng dark jeans niya. Nakatingin siya sa gawi ko. Napansin ko pa ang paulit-ulit na sulyap ng dalawang babaeng bagong dating lang sa kanya.
I excused myself. Sinauli naman ng sales person ang bag sa lagayan nito.
Lumapit na ako kay Illiad. Kinalabit ko ang braso niya. "Tara na. Papasundo na lang ako sa driver namin."
"Hindi ka bibili?"
I shook my head.
Lumabas kami ng store. Tahimik na lang ako sa tabi niya. He brought out his phone and called someone. Dahil dun kinuha ko na rin ang phone ko at nagtipa ng mensahe para sa driver. Natigilan ako nang matantong si Mommy ang kausap niya. Napatingin ako sa kanya.
"Yes, Tita. I'll drop her off... No problem po. Do you want to talk to her?"
Binigay ni Illiad sa akin ang phone niya. Tinanggap ko naman. I feel guilty na magsisinungaling ako kay Mommy. We are open as a family in terms of communication kaya nakakapanghina ang magsinungaling. Tatlo lang kami that's why we have a tight bond. Kahit abala sa trabaho my parents make sure they keep an eye on me at laging kasama as much possible lalo na noong bata pa ako. Now, I can choose if I would come with them or not.
"Hello, My?"
"Are you done shopping?" tanong niya. I can hear my father's voice in the background. May iba yatang kausap.
"Opo..."
"Were are your friends?"
"U-umuwi na po sila t-tapos nakita ko si Illiad. Sabi niya ihahatid niya po ako..."
"You take care, Phyllian. Kakauwi lang namin ng Daddy mo."
"Okay po."
Illiad was looking at me. Patuloy pa rin kami sa paglalakad patungong exit. I sighed nang ibalik ko sa kanya ang cellphone niya. Muli niyang kinausap si Mommy.
"No problem, Tita."
We reached the parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. I hopped inside at umupo. I closed the door. Lumipat naman siya sa kabila at sumakay na rin.
I fastened my seatbelt and sat properly. Napabaling ako sa kanya nang hindi niya pa pinapausad ang kotse.
"Let's wait for awhile."
"Okay."
Nagkibit-balikat na lang ako at humalukipkip. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at tiningnan kong may text man lang ba sila Ivony. I sighed nang wala naman. Pati sa chat wala rin. May isang text lang galing kay Khloe, nagtatanong ng assignment. Mamaya na lang ako magri-reply pagdating sa bahay. Hindi ko rin maalala kung mayroon ba.
A little while bumaba si Illiad ng kotse. May kinausap siyang babae. Inabot nito sa kanya ang dalang paper bag. It's a plain brown paper bag. Binuksan niya ang backseat at doon nilagay ang paper bag bago bumalik sa driver's seat.
"Alis na tayo?" tanong ko.
Tumango siya at pinaandar na ang kotse. Humilig ako sa bintana. I am still sad, pero hindi na ganoon kabigat. Illiad has a point although disappointed talaga ako.
I know I should stop overthinking about it. Wala naman akong naaalalang ginawang hindi maganda sa kanila. I was true and honest kaya dapat sigurong it let go ko na ang ideyang magiging mabuti kaming magkaibigan.
Illiad glanced at me from time to time. Kapag naman humihinto dahil sa bagal ng galaw ng mga sasakyan sa harap tinatanong niya ako ng tungkol sa school.
"You'll graduate next year. What are you going to take up in college?"
"I still can't figure out, but sabi naman nila Mommy at Daddy any course raw as long as iyon ang gusto ko."
"You're not taking up business?"
"Ayoko." Humalukipkip ako.
"Why? You don't have a sibling, who's gonna take over your company once your parents retire?"
I pouted. Pinaglaruan ko ng mga daliri ko ang seatbelt. I shrugged my shoulder. Hindi ko kaya ang ginagawa nila Mommy. It doesn't interest me also. I am more on the arts side.
"A trusted employee?" I guessed. Puwede naman siguro 'yon.
Hininto ni Illiad ang kotse niya sa tapat ng gate namin.
"Hindi ka papasok?"
"Nah."
"Okay."
Tinanggal ko ang pagkakabit ng seatbelt at bumaba na. Nagulat ako nang bumaba rin siya at binuksan ang backseat. Kinuha niya ang paper bag at nilapitan ako. Nasa tapat na ako ng maliit na gate.
"Here," aniya at inabot ang paper bag.
Napatingin naman ako sa paper bag. Binalik ko rin sa kanya ang tingin.
"What's that?"
"See for yourself."
Tinanggap ko ang paper bag. I looked down and checked what's inside. Namilog ang mga mata ko nang makita ang isa pang paper bag with the logo of Gucci!
"What am I gonna do with this? Ibibigay mo ba 'to sa akin?"
He shrugged his shoulder.
Sa excitement ko I jumped and hugged him. I giggled feeling so happy. Nang matantong hindi naman kami close para yakapin ko siya dahan-dahan akong bumitaw at ngumisi na lang. Naisip ko rin na baka prank kaya napasimangot ako.
"You're not making fun of me, are you?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Why would I do that?"
Umismid ako. Inasar nga niya ako sa café kanina 'di ba?
"Wala ng bawian, ha." I stuck out my tongue. Niyakap ko ang paper bag. "Akin na 'to."
"Get inside now."
"Bye."
Kumaway ako at tinalikuran siya. The guard opened the gate for me. Patalon-talon pa akong naglakad papasok ng bahay.
"Mom, Dad, I am home!" I announced.
Mommy was in the kitchen. She was preparing our dinner kasama ng mga house helps.
Lumapit ako. I kissed her cheek. Tiningnan ko ang niluluto niya sa pan.
"My, where's Daddy?"
"Nasa office niya. How's your day?"
"Fine, My." I smiled kahit naalala ko na naman ang nangyari kaninang umaga sa school.
"Where is Illiad?"
"Umuwi na po."
"Hindi mo pinapasok?"
"Ayaw niya po. My, I will just change po."
"Alright."
Umakyat na ako sa taas at pumasok sa room ko. I put my bag on the table. Inilabas ko naman ang box para tingnan ang bigay na bag ni Illiad. 'Yong bag na gusto ko sanang bilhin! Oh, it's so nice.
I took few pictures in front of my full-length mirror. I really like the color. After I was done admiring it, nilagay ko na sa walk in closet ko. Pinagmasdan ko pa saglit bago tumuloy sa bathroom. Nagpalit na ako ng damit after freshing up a bit.
We had our dinner. Hindi ako masyadong nagsasalita dahil baka maikuwento ko ang nangyari sa school at hindi naman talaga ako nag-shopping kasama sila Ivony.
I excused myself pagkatapos kong kumain. Pagdating ko sa room ko, I chatted Khloe. Online naman siya kaya nag-video call na kami.
"I heard them talk behind my back, Khloe," mahina kong sabi.
She rolled her eyes. Pinag-krus niya ang mga kamay sa dibdib niya.
"Oh, 'di ba, anong sabi ko sa'yo?"
I sighed and my teeth nibbled my bottom lip. Sunod ang kuko ko na ang kinalikot ko.
"Huwag ka na kasing sumama sa mga 'yon."
"Hindi na nga."
Sumimangot ako at tiningnan ang mga kuko kong natanggal na ang kulay.
"Rowin, don't be upset. Hayaan mo na sila. So, what if they don't like you? At least alam mo ng pina-plastic ka lang ng mga 'yun."
"Yeah," sabi ko na lang.
"Bakit kasi nakikipaglapit ka pa sa mga 'yon? Ginagamit ka lang ng mga 'yon. Ilang bags, shoes at iba pa ba ang naibigay mo sa mga 'yon? Mayayaman nga gold diggers pa rin."
"Hindi naman ganun, Khloe," agap ko.
"Whatever. Ang sarap lang awayin ng mga 'yon. Mga feeling!"
Mas galit pa yata siya kay sa sa'kin.
Nagpaalam na siya dahil tinawag na siya ng Mommy niya. Wala siya sa bahay nila. They dined outside. Mamaya pa raw sila uuwi.
Nakita kong online si Illias, so I typed a message for him.
Rowin Phyllian Eduavez:
Hey, nakauwi ka ba?
Ilang minuto rin bago siya nag-reply. May ginagawa siguro. Malamang busy sa studies niya. Minsan kaya naisip niyang huwag na mag-aral dahil nakakapagod?
Illias Eleaxer Logramonte:
What do you mean?
Rowin Phyllian Eduavez:
Kasi 'di ba, susuduin ka dapat ng kuya mo?
Illias Eleaxer Logramonte:
Nag-taxi ako.
Rowin Phyllian Eduavez:
Ah, ok.
Hindi na rin siya nag-reply.
Naisip kong hindi pala ako nakapag-thank you kay Illiad. So, I searched for his name on f*******: and sent a friend request. Naka-private siya tapos profile picture pa niya naka-full airsoft gear siya. Halos hindi kita ang mukha niya.
I decided to chat him.
Rowin Phyllian Eduavez:
Thanks for the bag.
Nag-send pa ako ng picture na kuha ko kanina habang suot ang bag.
I did not expect him to reply immediately. Hindi naman siguro siya active sa social media. Si Illias nga rin eh.
I scrolled on my i********: account next. Tiningnan ko ang pictures ko nung summer hanggang sa napadpad ako sa mga pina-follow kong fashion icons.
A notification popped on my screen. It's from Illiad!
Bumalik ako sa Messenger para tingnan kung may reply pa siya maliban sa thumbs up, pero 'yon lang talaga. Hindi pa tinanggap ang friend request ko. Napa-ismid na lang ako. So what?
Kinabukasan, pagdating ko sa school tahimik na lang akong umupo sa seat ko. Hindi na ako bumati kina Ivony. Abala rin naman sila sa mga make up kits nila. I can hear them talking about there boyfriends which I can't relate kapag ganun na ang topic dati.
Naiinis ako kay Khloe. Absent na naman siya. Late na raw siya nagising. Nag-text ako kung papasok siya sa hapon hindi naman nag-reply.
Napa-angat ako ng tingin nang lumapit sa akin si Ivony. Hilaw akong ngumiti.
"Did you went to the mall Yesterday?"
"Uhm..."
Paano nila nalaman?
"Kasama mo si Illiad? Kaya ba hindi ka sumama sa amin?" She gave me a skeptical look.
"Kasi... h-hinatid niya ako sa a-amin, tapos sabi ko daan kami ng mall."
She crossed her arms. Ngumiti siya at mas lumapit pa sa akin.
"You are friends with Illias, right?"
"Oo."
"Does it mean close ka rin sa mga kapatid niya?"
"H-hindi naman. Si Illias lang."
"I see."
"Bakit, Ivony?"
"May number ka nila? I am sure you have. Family friend ninyo sila 'di ba?"
Napangiwi ako. Bakit ba bigla na lang silang naging interesado? May gusto ba siya sa kanila, eh nasa college na ang mga 'yun!
Umiling ako.
Tumaas ang kilay niya. "Oh c'mon, Rowin. Imposibleng wala."
Wala naman talaga. Si Illias at Tita Iliana lang ang may number ako. Aanhin ko naman ang number ng iba sa kanila? Hindi nga ako madalas mag-text kay Tita dahil nahihiya ako. Saka lang kapag may importante kailangan.
Mabuti na lang dumating na ang teacher. Hindi niya na ako napilit. Bumalik na siya sa upuan niya. Napabuntong-hininga na lang ako. I felt relieved.
Noong groupings sa Filipino, tinatawag ako nila Kaliah para sumali sa grupo nila, pero sa iba na lang ako sumali. Hindi na ako komportableng kasama sila.
Noong lunch break nagpasundo ako sa driver para sabay na mag-lunch kasama si Mommy. Muntik pa akong ma-late sa afternoon class ko dahil naipit sa traffic pabalik ng school.
I was lazily scrolling on my phone. Na-bored na ako sa discussion sa Math, wala naman akong maintindihan. Actually, I am not interested in most subjects. Lalo naman sa math at science. I don't study hard, too. Kaya average lang ang grades ko.
Umawang ang labi ko nang makitang ini-accept ni Illiad ang friend request ko. Para akong na-excite kaya pumunta agad ako sa profile niya. Na-disappoint din ako dahil wala naman masyadong laman. Kadalasan tag photos lang. Wala naman siyang post. 'Yung profile picture niya ang tagal na.
May IG at Twitter din kaya siya?
I kept on scrolling down baka sakaling may makita akong interesting. Ang lalayo ng gap sa date ng mga post. Para saan pala ang socmed niya kung wala namang updates?
"Rowin," I heard my teacher's voice.
Napatuwid ako ng umupo. I was rattled. Nasa harap ko na siya at ang mga kaklase ko nakatingin na sa akin. Nilahad niya ang palad niya. Alam ko na agad bakit.
I bit my lower lip. Kabadong-kabado na ako. Naging malikot ang mga mata ko na parang nanghihingi ng tulong. Our teacher looked at me impatiently. I sighed and handed my phone.
"Answer problem number 3," she said sternly.
I don't even understand the problem. Paano ako sasagot?
My eyes caught some of my classmates laughing silently. Mas lalo akong pinanghinaan at nahiya.
Nag-aalangan akong tumayo. Sumulyap ako sa digital clock na nasa wall. Ang layo pa ng time.
I walked towards the board nervously. Pumulot ako ng chalk pagdating sa harap. I kept on biting my lower lip dahil wala talaga akong alam. I can't even catch up the formula. Tiningnan ko ang tapos nang sagutang problema sa kanan. I don't understand how they came with that answer.
"Rowin make it fast," ani teacher.
Mas lalo akong na-pressure. I just want to shrink in embarrassment.
I glanced at the door. Nakita ko si Illias. He mouthed something. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Finally, he showed me his iPad. Namilog ang mga mata ko. Mabilis akong kumilos at sinunod siya.
Ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba baka mahuli kami. Madadamay pa siya. Top student pa naman si Illias baka pagalitan ako ni Tita at Tito kapag nadamay siya. Malamang hindi pa natatawag sa prefect si Illias at parents niya!
I sighed in relief nang matapos ako sa pagsagot. Humarap ako sa klase at ngumiti.
"Okay, let's check your work," sabi ni Ma'am. Tumiim ang labi niya.
Sigurado naman akong tama 'yun. Galing kaya kay Illias ang sagot. Tiningnan ako ni teacher na parang hindi kombinsedong nakaya ko ngang sagutan ang math problem. Ipinagkibit-balikat ko na lang. Ang mahalaga naka-sagot ako thanks to Illias.
Nang uwian na, before calling the driver para magpasundo, pinuntahan ko si Illias sa Tennis court. May training kasi siya tuwing hapon. Of course, sa kanya ako makiki-text dahil wala sa akin ang phone ko, na-confiscate. Gumagana pa naman ang dating phone ko. Iyon na lang muna ang gagamitin ko habang hindi pa binabalik ang cellphone ko.
Naghintay ako sa bleacher hanggang matapos ang laro nila. I watched him play many times. Magaling si Illias. Last year he competed. Nanalo siya ng gold medal. The coaches want him to compete internationally, but he declined. Magiging abala kasi siya sa masinsinang training kapag ganun. Ayaw niyang mawalan ng time sa studies niya.
"Illias, girlfriend mo," tukso ng kalaro niya.
Inirapan ko naman. Kilala ko naman 'yun. Same year lang sila ni Illias nasa ibang section lang.
"Tsss. Gago!" sabi ni Illias at binato sa kanya ang hawak na bola.
Lumapit si Illias sa akin. Kinuha ko ang towel sa bag niya at binigay sa kanya. Pagkatapos niyang magpunas, ibinigay ko naman ang dala kong Gatorade. Nakabukas na 'yon.
"Thank you kanina," sabi ko.
"What happened?"
"Na-confiscate ang cellphone ko."
He shook his head. Hindi na siya nagtanong pa bakit na-confiscate. This is one of the reasons kaya gusto ko si Illias. Hindi niya ako pinagsasabihan. He is cool. Kalmado lagi. Hindi kagaya ni Khloe. I still like Khloe though. She is been with me, iniwan na ako ng maraming kaibigan before nandito pa rin siya.
"Pahiram ng cellphone. I'll call my driver."
Kinuha niya ang bag niya at kinalkal. He brought out his phone and handed it to me.
"Thank you."
Hinubad niya ang basang shirt at mabilis na nagpunas gamit ang hand towel. Kinuha niya ang isang blue shirt sa bag niya at sinuot bago umupo sa tabi ko.
"Ihahatid ka na lang namin."
"Hindi na."
I was about to type my driver's number nang tumawag naman si Illiad. Napasimangot ako at masamang tiningnan ang pangalan niya sa screen.
It's his fault kaya na-confiscate ang phone ko!