Kabanata 6

3117 Words
Kabanata 6 "Valid" Napagisip-isip ko na hindi talaga naipipilit ang pagkikipag-kaibigan. Friendship is earned with respect and trust. I am tired of asking 'what is wrong with me?' Bakit ayaw nilang makipaglapit sa akin? Ilang beses ko ng sinubukan, but wala, e. Siguro I am not meant to be part of a big circle. Tama na sigurong nand'yan sila Khloe at Illias. Ngayon mas malinaw ko nang nakikita na ang mga may ayaw talaga sa akin. Sometime ago a lot of them talk behind my back, and that's not nice. Their words hurt me, but I just kept quiet. I don't want to make it a big issue. Hahayaan ko na lang sila kung ano ang tingin nila sa akin. I will keep my distance too, and just be contented to have few friends. Ganoon talaga siguro, I can have all material things I want dahil nabibilin 'yon, but friendship? It's priceless. The sound of the crushing waves filled my ear. My eyes stared at the horizon. It resembles the color of old and rustic papers. The sun is still present pero hindi na ganoon katingkad ang sinag nito. Dalawang oras mula ngayon lulubong na ito at magtatago na. "Quit pouting, nagmumukha ka ng pato." Mabilis akong napa-angat ng tingin nang marinig ang boses ng kinaiinisan ko. Mabilis ko siyang tinapunan ng matalim na tingin. Nanahimik ako rito at nag-iisip tapos bigla na lang siyang sumulpot. Sana si Illias na lang ang sumama. Wala rito si Illias dahil masyadong abala sa sasalihan niyang academic competition. Sobrang talino na nga, subsob pa sa pag-aaral. Nandito ako sa may malayong unahan ng pavilion. We are staying for a short getaway here in Coron, Palawan. Katatapos lang ng last quarter namin sa school. I asked dad if we can go out of town. He agreed. At tiyempo namang magbabakasyon din ang mga Logramonte kaya nagkasundo na rito kami ng tatlong araw. "What? Why are you here?" nakataas agad ang boses ko. Nasa pavilion sila mommy at masayang nag-uusap kasama ang parents niya. I chose to walk around a while ago, at nang mapagod na ay umupo na lang sa buhangin. Sinubukan kong gumawa ng sandcastle, pero hindi ko alam paano kaya mga bundok-bundok na lang ang ginawa ko. He ignored my question. Hindi siya sumagot sa halip tinuro niya ang maliit na bundok ng buhangin. "What are those?" "I tried to make a sandcastle," mas kalmado kong ani. His lips twitched. Ngumuso siya, parang nagpipigil ng tawa. He was mocking my work obviously. "I know it doesn't look like one. Huwag ka ng manlait diyan." "Wala akong sinabi," he said defensively. I rolled my eyes. I mimicked his words sa pabulong na paraan. Niyakap ko ang mga tuhod ko. Yumuko ako at sinandal ko baba ko sa magkadikit kong tuhod. Hindi ko na siya tiningnan. "For sure hindi ka rin marunong kaya huwag mo akong tawanan." I heard him laughed. Sa dagat na ako nakatingin. Iniisip ko kung lulusong ba ako sa tubig o hindi. Agad ko ring napagpasyahang bukas na lang ako maliligo sa dagat. Nakakalungkot talaga kapag mag-isa ka lang. I think I have not get used to it until now. Iba pa rin kasi kung kaibigan mo ang kasama mong magsaya or at least a sibling? Si Khloe, well, may sarili naman silang lakad ng pamilya niya kaya baka sa susunod na kami magkita. "How sure are you?" may panghahamon sa boses niya. Napabaling ako sa kanya, at tinaasan siya ng kulay. "Wala ka namang tools." "I still know how," pagmamayabang niya. I looked at him skeptically. Sinalubong naman niya ang mga mata ko. "Sige nga!" "Ayoko baka mainggit ka lang." "Excuses. Hindi ka talaga marunong." "What will I get kung kaya ko nga gumawa?" Napakunot ang noo ko. Pinaglalaruan niya na naman yata ako. Sana hindi na lang talaga siya sumama sa trip na 'to. Naiisip ko na ang sasapitin ko sa susunod na mga araw dito. He will pester me non-stop. Saka lang naman siya parang walang pakialam kapag nand'yan sila Mommy at Daddy or his parents. Why do I have to deal him? I shrugged my shoulder. Siya ang gustong magpasikat tapos hihingi ng premyo. He is impossible! "Ah, basta! Don't try to fool me. Hindi ka talaga marunong. Puro yabang ka lang, e." "Marunong nga ako," he insisted. "E di, gawin mo na." "Ano muna ang kapalit?" He is really a pain in the ass. Pinapaikot niya lang ako para mapikon ako sa kanya. He gets satisfaction from that. He is really evil. I wonder when I will get my revenge. "What do you want then?" sabi ko para hayaan siya sa kabaliwan niya. I doubt if he knows how to make a sandcastle without using mga balde na iba't-ibang sizes at trowel. Mahirap na nga kung may tools pa, iyong wala pa kaya. "Ah! Kapag tama ako na hindi ka marunong, you will stop bullying me," agap ko nang maisip na magandang ideya 'yun. It's a good deal. Sana nga lang tuparin niya kapag natalo siya. If not then he is sore loser na bully pa. "Great, you came up with my part of the bargain pero wala kang maisip na kapalit 'pag ako ang nanalo." I can hint the sarcasm in his tone. Ngumisi lang ako at hindi na inintindi ang sinabi niya. "Are you up for it?" Nakataas noo kong hamon sa kanya. "You'll lose anyway," confident niyang sabi. "Prove it first." "Sure." Mataray kong tinaas ang kilay ko at inilahad ng palad ko ang buhanginan. He clicked his neck. Tinanggal niya pa ang suot na Versace sunglasses. He tossed it. The sunglasses landed on my side. "Baka makagawa ka nga aabutin naman tayo ng gabi rito," I teased him. Ang bagal kasi ng galaw niya. Parang hindi naman siya seryoso. "Hindi na valid 'yon. Iiwan na kita rito." He chuckled. Lumhod siya then he began digging on the sand para simulan ang base. Masusi ko namang tinitigan ang bawat kilos niya. His mascular arm flex everytime he makes a forceful move. I don't know if workout to have that body. Pero siguro, oo, many guys his age do workout to achieve abs. Panay ang sulyap niya sa akin. Nagmamayabang talaga. Umiismid lang ako. "Tagal naman," pagpaparinig ko. "Just admit it, hindi mo naman kaya and I'll forget that this happened." He just smirked and went on. Nagsimula na akong mabahala nang nakabuo na siya ng magandang base. He would dig and scoop the sand saka ilalagay sa naka-angat na flatform. He would press and mold the sand using his big hands. Napatayo na ako at mas lumapit sa binubuo niya para tingnan ng malapitan. He gave me a "I told you so" look nang nilingon niya ako. I crossed my arms on my chest. Nagtaas ako ng kilay para ipakitang hindi ako apektado, kahit sa totoo nababahala ako. I underestimated him. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko gayong hindi naman ito seryoso. But he is damn serious in building his sandcastle! My lips parted a bit when I saw the little structure he made. Agad ko ring tinikom ang labi ko. "Done," aniya at tumayo na. Pinagpagpag niya ang kamay na kinapitan ng buhangin. Sinunod niya ang taslan shorts na nike nagkabuhangin din dahil sa pagluhod niya. I was dumbfounded when I raised my gaze to him. As expected, he is grinning, feeling so victorious. How boastful! "Pangit naman 'yang gawa mo!" sabi ko para isalba ang sarili. "Hindi ganoon ka formed!" Hindi ganoon kaganda at ka-pormado, pero mamumukhaan mo pa rin na isang sandcastle nga dahil sa pigura. Wala na masyadong detalye, pero kastilo talaga! And I think with the tools, he can make a good one. No! "May pinag-usapan ba tayong dapat maganda?" How clever! Dapat pala inayos ko ang rules na sa akin papabor sa huli. What now? "Since you lose, you will do what I say." "Huh?" umalma ako. "Wala iyan sa usapan!" "Hindi mo naman sinabi kung ano ang makukuha ko kung totoo ang sinabi ko, so now, I will get to decide." "No freaking way! Bahala ka!" "Walang sportsmanship." He shook his head na tila dismayado talaga. Pinakita niya sa ekspresyon ng mukha niya ang pangungutya sa akin na hindi ko matanggap na talo ako. Nakagat ko ang labi ko habang kaunting natataranta. Talo ako! "Fine! What's the dare?" pagsuko ko. Kapag hindi ako pumayag lalo niya akong aasarin. I should have known this is a trap. Sana hindi ko na lang siya pinansin kanina. I feel like I got hooked on his bait. Mali talagang nakipag-kasundo pa ako sa kanya. I should take note to never negotiate or do a challenge with him. He is so good at this thing na pabor sa kanya ang resulta. "Kung labag sa loob mo, okay lang naman na huwag na. Oh, I never thought you're not true to your words. Lagi pa namang sinabi ni Illias that you are honest." Nagpaparinig pa talaga! Paano ako maniniwala sa kanya na ayos lang na huwag nang gawin ang kung ano man ang ipapagawa niya kung ganito. Damn! Damn! "Sabihin mo na!" I leered. "Really, you don't have to. Baka isumbong mo pa ako sa mom and dad mo na pinaiyak kita. I don't hurt a kid you know." He shrugged his shoulder. "Gagawin ko na nga kasi." "Are you sure?" He arched his brow. "Oo." "Well..." he trailed off. Nilagay niya ang kamay sa bulsa ng shorts niya. "Here's the consequence... You won't spend for a month for your wants. How about that?" Napakurap-kurap ako. "And I will know kapag hindi ka tumapad, so you can't cheat." "Are you serious?" I said exaggeratedly. "No freaking way!" "Sabi mo gagawin mo." I let out a deep sigh. Rowin it's just a month. Isang buwan lang. Kinagat-kagat ko ang labi ko habang pinag-iisipan kung magagawa ko ba. Do I really have to do this? "Ano na?" he said impatiently. Just one month. C'mon, Rowin! Hindi mo ikakamatay 'yon. Pero paano 'yun, I can't buy things when we go out of town? "But my parents can still buy me stuffs, right?" Umiling siya. How cruel! Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon. I kicked the ugly sandcastle. Nang tingnan ko siya, wala lang naman sa kanya. "Fine," I hissed. Bumalik ako sa pavilion na nanlulumo. Naisahan ako do'n, ah! Tiyempo rin na paalis na sila. Lumapit ako kay Mommy at kumapit sa braso niya. Tiningnan niya naman ako. "Where have you been?" "D'yan lang po sa unahan." Nang dumating ang dinner panay ang tapon ko ng masamang tingin kay Illiad. He was just coolly eating, walang pakialam. Nagsasalita lang siya kapag tinatanong. I feel so defeated and frustrated even when I woke up the next day. Ang pagkatalo ko talaga ang unang naisip ko. Gusto ko sanang sabihin kay Mommy ang tungkol do'n kaya lang nahihiya ako. Baka sabihin niya rin kay Tita Iliana. Sumama ako kay Mommy at tita sa spa. They had body massage. Ako footspa lang, pagkatapos mani-pedi. After our appointment sa spa, nag-early lunch na kami. Hindi sumabay si Illiad. I don't know where he is. Hindi ko narinig ang sagot ni Tito nang tanungin siya ni Daddy. Sa hapon, nang hindi na mainit ang araw nagpasyahan kong maligo sa dagat. Sila Mommy at Daddy nasa suite lang dahil hindi raw sila maliligo. Hindi rin kasi sila mahilig maligo sa dagat. I put on my pastel pink bandeau and its tie dye bottom. I wore my cover up dress above it. Nagpahid din ako ng lotion so my skin won't be dry. Nang makapag-ayos na lumabas na ako ng suite. Mabagal akong naglakad hanggang sa makarating sa dagat. I know how to swim, pero natatakot akong lumayo ng sobra kaya hanggang sa pakiramdam ko safe ako lang ako lumangoy. Mag-isa lang akong naliligo, kaya sobrang payapa talaga. I let my body float habang tinititigan ang kalangitan. The sky is clear and bright. Wala masyadong ulap. Umahon na ako at umupo sa sun lounger nang makita sa unahan si Illiad. Napa-ismid ako. He is with a morena chick kaya naman pala wala! The girl is tall, pang model ang katawan. I admired for a moment ang maganda niyang skintone. Babagay kaya sa akin ang ganyang kulay? Kapag nagbibilad ako sa araw namumula lang ang balat ko, I can't achieve a perfect tan. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Paminsan-minsan naalala ko pa rin ang nakita ko noong birthday party ni Tita Iliana. I think I am scarred for life because of that. Nang magsimula na akong makaramdam ng iritasyon, pinulot ko na ang cover up ko at tumayo. Hindi ko na sinuot at binitbit na lang. At dinner I was surprised to see Illias sa restaurant. Nauna kasi ako kina Mommy. May katawagan pa kasi si Daddy at hindi pa tapos sa pag-aayos si Mommy kaya nauna na ako. "Humabol ka!" tuwang-tuwa kong sabi. Napailing naman siya at ngumisi. "Dapat sumama ka na noong first day, e!" I whined. "You know I have things to do." I make face. "Whatever, nerd!" I am just so happy na nandito siya. At least I have someone to accompany me and talk to. Sinabi ko agad sa kanya ang pinapagawa sa akin ng kapatid niya. I was telling him everything nang makita ko paglapit ni Illiad. Oh, tapos na ba siyang makipag-landian? Ang aga naman! O baka may next in line pa at need niya ng break? Inirapan ko siya bago binalik kay Illias ang atensyon. "Kuya," Illias greeted his older brother. Wala namang reaksyon si Illiad. He pulled a chair at umupo. Kahit nakaupo na ang laki niya pa ring tao. He brought out his phone and scanned it. Tuloy-tuloy naman ang kuwento ko kay Illias sa mga gagawin bukas. He is here now so I will be less bored. And most importantly, Illiad can't pester me. That's the best part. Kakalimutan ko muna iyong usapan naming. Nagboating kami sa umaga. Si Illias ang taga-picture sa akin. Of course, I have prepared a nice outfit so I can post it on my IG. Hindi maganda kumuha sila Mommy at Daddy kaya hindi na lang ako nagpa-picture noong nakaraan. Panay selfie lang ako. Now, that Illias is here, I can have better photographs. "One last," sabi ko. Tumango lang si Illias. I smiled at the camera while holding my hair na nililipad ng hangin. Inabot sa akin ni Illias ang phone ko pagkatapos. I scanned my shots. Napakunot ang noo ko nang makita sa likod ko si Illiad dumaan ang boat niya! Iyon ang pinaka-magandang shot sa lahat kaya lang nandoon siya sa background. He was a bit blur dahil sa akin ang focus, pero ang panira pa rin tingnan. Ugh! "Illiad!" I shouted. Nasa unahan siya. Nakatigil din ang bangka niya. Nakahiga siya. Nakaunan ang ulo niya sa mga kamay niya. He is relaxing like a king. Hindi niya ako pinansin kaya naghanap ako ng maibabato sa kanya sa banka. May nadampot akong shell kaya iyon ang ginamit ko. I aimed the shell on his location, but I missed. Kaya sa tubig nag-landing. Nabasa siya sa pagtilamsik ng tubig dahil dun napabangon siya. "What?" he scowled. Sa inis ko I raised my middle finger at him. Humarap ulit ako kay Illias na nailing. "Let's just retake, Rowin," kalmado niyang ani. Nakarinig ako ng pagbagsak sa tubig. Bahagya kong nilingon ang direksyon ni Illiad. He jumped off the boat. Umirap ako at humalukipkip. He just ruined my mood. Kinuha ni Illias ang phone ko. Kinukumbinsi niya akong mag-pose na lang ulit. I was about to do the same pose nang may humila sa akin. Gulat na gulat ako. Malakas akong napatili. Bumagsak ako sa tubig habang hawak ni Illiad. "Rowin!" Illias called me. "Damn you! f**k you!" galit na galit kong pinaghahampas si Illiad nang makaahon ang ulo ko sa tubig. "Bitawan mo ako! s**t ka!" "Kuya!" Si Illias na nakadungaw mula sa dulo ng banka. "Damn you, Illiad!" malakas kong pinalo ang dibdib niya. "That's what you get for raising your middle finger at me," tumatawa niyang sabi. Napa-ubo naman ako. Pakiramdam ko may pumasok na tubig sa ilong ko. "Kuya, that was dangerous," muling sigaw ni Illias. I glared at Illiad who's smirking evilly. Pagbalik naman sa pangpang pinaggalitan si Illiad ni Tito at Tita dahil sinubong siya ni Illias. He was just calm. Wala talagang remorse sa ginawa niya sa akin. "I am sorry," he apologized, but with an impassive expression. He didn't really mean. Unapologetic brute! "Phyllian, he did not mean it," sabi ni Mommy na parang nahihiya pa dahil ayaw kong tanggapin ang apology niya. Hindi na rin naman naging big deal ang nangyari dahil na-divert na ang usapan tungkol sa negosyo. May joint project pa yata sila. Nang gabing 'yon maagang nagpahinga sila daddy dahil napagod sa island hopping. Sumama ako pabalil suite namin, pero nang hindi parin magawang matulog, lumabas na ako. Nagsuot ako ng pullovers para hindi ako lamigin. Naglakad-lakad ako hanggang sa makuryuso at nagtungo sa bar ng resort, pero dahil underage ako hindi ako pinapasok. Bago ako maka-alis napasadahan ko ng tingin ang table malapit sa entrance. Natigilan ako nang makita ang pakikipaghalikan ni Illiad doon sa babaeng kasama niya kahapon. 'Yong morena. Natulala ako at gumalaw lang nang sinuway ng bantay. "Ma'am bawal po bata rito," aniya. "I am not a kid!" I said, feeling irritated, and turned my back. I reached the shore at doon na lang naglakad-lakad. Mabigat ang bawat bagsak ng paa ko sa buhangin. Akala ko nahakbangan ko na ang nakausling ugat nang puno. Huli na bago pa ako makabawi. Sumubson na ako sa buhangin. My face fell flat on the sand. Hindi agad ako nakagalaw. I cried na parang nasaktan ako, but I cried in embarrassment kahit wala namang ibang tao. Puno ng buhangin ang buong mukha ko. My shoulder jumped a bit when someone helped me sat up. Pagtingin ko si Illiad. Nakakunot ang noo niya habang matamang nakatingin sa akin. Umangat ang kamay niya at marahang inalis ang dumikit na buhangin sa mukha at buhok ko. Seryoso niya iyong ginagawa. Naiyak na lang ako. Nagkatitigan kami nang alisin niya ang buhangin sa labi ko. "Ba't lumabas ka pa?" mariin niyang sabi parang galit pa. Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi na ako bata," I mumbled without thinking, and stopped myself from sobbing. "Tsss..." He was the reason why I never enjoyed the rest of our stay in Palawan. I am just seething with so much anger and irritation for him. I don't even understand why, and were my emotions even valid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD