Sir Crush Episode 12

880 Words
“Salamat sa paghatid” nakangiti kong sabi kay Paul. Ngumiti lang siya sa akin. Binuksan ko ang pinto at bumaba na ng sasakyan. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Muntik na ako mapasigaw sa sobrang gulat kay Sam. Nakaupo siya sa sala at nakatingin sa akin. Tumayo si Sam at unti-unting lumapit sa akin. Bigla akong napa-atras. Hindi ko alam kong maiinis ako sa kanya o matatawa. Nilagay nya ang kanyang mga kamay sa bewang. Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa. Sabay tanong “kaninong damit yan?” Napatingin ako sa damit na suot ko. Mabilis akong nagisip ng idadahilan. Alam kong nakita niya na hinatid ako ni Paul. “sa katrabaho ko may problema ka?” Mabilis kong sagot. Tumungo agad ako sa kwarto. Mabilis akong sinundan ni Sam. “Bakit ka hinatid ni Paul? Naalala kana niya? Nag date kayo no?” sunod-sunod niyang tanong. Nagbingi-bingian lang ako. Kumuha ako ng damit sa cabinet at dumiretso na sa CR. Naririnig ko pa din siyang nagsa-salita. Naka-abang siya sa pintuan ng lumabas ako ng CR. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makahiga na ako. Hindi ko parin pinapansin si Sam. Nagtakip ako ng kumot. Hinila ni Sam ang kumot. “kayo na uli ng ex mo no? malakas niyang tanong sa akin. “Hindi ko nga ex si Paul” mahina kong sagot sabay hila ng kumot. Tiningnan niya lang ako. Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Nakasimangot ang kanyang mukha na parang bata. Parehas na kaming nakahiga. Naiisip ko pa din ang nangyari kanina. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. “Sam” mahina kong tawag sa kanya. “aamin kana?” biro niya. “baliw ka” hinampas ko siya sa likod. Tumawa lang siya. Bigla kaming tumahimik parehas. “Paano pag nalaman ni Paul na ako ito, si Cassie, ano kayang magiging reaction niya? muli kong tanong kay Sam. “Depende” saglit siyang tumahimik. “kung anong nararamdaman niya sayo”. Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng napakalalim.            Ilang linggo na din ang nakalipas mula nung araw na yun. Hindi ko na din madalas nakikita si Paul dahil lagi syang nasa field. Ngayon ko lang uli siya nakita. Naka tingin ako sa office nya ng may biglang lumapit sa table ko. “Ms. Cassandra?” sabay nilang tanong. Napakalakas ng boses nilang dalawa. Maging si sir Roy ay nagulat. “Yes?” patanong kong sagot. Lumapit si Kath sa amin. “si Jay and Sally ng Team one” pakilala ni Kath. Si Jay, ang officemate namin na kagagaling lang sa bakasyon. He is gay. Pero hindi halata sa itsura niya, maging sa pananamit niya. Wag lang siya magsasalita. Si Sally naman ay isa sa dalawa pa naming officemate na laging nasa field. Mag kasing-tangkad sila ni Jay, maputi ang kanyang balat at parang Chinese ang kanyang mukha. “Hi, ms. Cassie na lang ang itawag niyo sa akin.” Nahihiya kong sagot. Tumawa lang sila.            Malapit na mag lunchbreak ng lumabas si Paul sa office niya kasama ang isang lalaki. Napaka gwapo nito. Maganda ang tindig ng katawan. Halatang laging nasa gym. Lagi din naka-smile hindi tulad ni Paul. “sir Chad!” sigaw ni Kath. Nahampas ko siya sa likod sa sobrang gulat. “ano ka ba” napatingin siya sa akin. Gulat na gulat ang kanyang mukha. Nagtawanan lang sila Jay. Chad, ang huling myembro ng Team one. Bestfriend din siya ni Paul. Lumapit siya sa akin at inabot ang kanyang kamay “Chad” pakilala niya. Tumayo na din ako at nakipag-kamay “Cassie”. Nakatingin lang sa amin si Paul. Walang reaksyon ang kanyang mukha. Tumingin sa kanya si Chad. “sama ka na samin mag lunch” yaya nito. Umiling lang si Paul. “I’m okay, I’m waiting for someone” nakangiting sagot niya. Bigla akong nalungkot. Sino kayang someone yun. Nahalata ata ako ni Chad. “Don’t worry Cassie I’m here” ang sabi niya. Nagkatinginan kami ni Paul. Umiwas ako ng tingin. Bigla akong hinila ni Sally papalabas ng office. Wala na akong nagawa. Nakatingin parin samin si Paul hanggang sa lumabas kami.            Nagtatawanan kaming bumalik sa office dahil sa mga biro ni Chad. Matapos ay kanya-kanya na kaming bumalik sa aming mga table. Napatingin ako sa office ni Paul. Naisip ko kung kumain na kaya siya. Wait, bakit ako nagwo-worry hindi naman kami. Anong pake ko kung hindi pa siya kumakain. Umayos ako ng upo at bumalik sa trabaho. Pero hindi ko parin mapigilan na hindi siya tingnan. Napakaganda ng ngiti ni Paul. Hindi ko alam kung sinong kausap niya. Maririnig mo lang ang tawanan nila. Maya-maya pa ay may lumapit sa kanyang babae. Sa likod pa lang nito ay masasabi mo ng napakaganda niya. Bigla itong napatingin sa labas kaya nakilala ko siya. “Ms. Bel?”. Napatingin sa akin si Kath. Narinig niya ata ako. “kilala mo si ms. Bel?” tanong niya. tumango lang ako. “Bakit nasa office siya ni sir Paul? Tanong ko. Natawa lang siya. “Fiance siya ni sir Paul” nakangiti niyang sagot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD