“Ikaw na ang bahalang magbigay nito kay sir Ruiz“ iniabot sakin ni Sir rodriguez ang isang malaking envelop. “Thank you Sir” tumayo na ako at tuluyang nag-paalam kay sir Rodriguez. Mag-uuwian na ng matapos ang aming usapan. Galing pa siya sa meeting kaya matagal akong naghintay. Nagugutom na ako. Hindi pa ako kumakain. Wala na din akong pera. Umaambon pa sa labas. Wala pa akong payong. Low battery na din ang cellphone ko. Nakakainis! Bakit ang malas ko today. Niyakap ko ang envelop na binigay ni sir Rodriguez at mabilis na tumakbo patungo sa sakayan ng bus. Buti na lang at hindi ito kalayuan. Hindi ako maka-sakay dahil nag-uunahan ang mga nasa harap ko. Unti-unti ng lumalakas ang ulan. Wala man lang pwedeng masilungan malapit dito. Bumuhos na nga ang malakas na ulan. Niyakap ko ng husto ang envelop para hindi ito mabasa. Ako na lang din ang natitirang pasahero. Sobrang dilim na ng paligid. Tanging patak na lang ng ulan ang naririnig ko. Naiiyak na ako. Gusto ko ng umuwi. Wala na din tumitigil na bus dahil halos lahat ay puno na ng pasahero. Basang-basa na ako ng ulan. Nanginginig na din ako sa lamig. Nanghihina na din ako dala ng pagkagutom. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko. Saglit pa ay tuluyan ng pumatak ang aking mga luha. Hindi ko na napigilang umiyak. Biglang kumidlat ng napakalakas. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. “Don’t worry, I’m here now”. Ang sabi niya. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha. “Paul?” Nagkasalubong ang aming mga mata. Parang tumahimik ang buong paligid. Halos magkalapit na ang mukha namin ni Paul. Naka-ngiti lang siya habang nakatingin sa akin. Napalitan ng saya lahat ng takot ko. Ngayon ko lang uli nakita ang ngiti niya tulad noong una kaming nagkakilala. Gusto kong umiyak sa saya.
Hinubad ni Paul ang kanyang suot na jacket at ipinandong sa akin. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at inalalayan akong sumakay. Sinundan ko siya ng tingin hanggang parehas na kaming nasa loob ng sasakyan. Basang-basa na ang buo kong katawan maging ang envelop na hawak ko. Maging si Paul ay basa na rin ng ulan. Mabilis niyang binuksan ang heater sa sasakyan. Napansin niya siguro na nanginginig na ako sa lamig.
Tumila na ang ulan ng makabalik kami sa office. Tumungo agad si Paul sa office niya. Dumeretso naman ako sa table ko. Binuksan ko ang aking mga drawer baka sakaling may extra akong damit na naitabi. Lumabas si Paul at lumapit sa akin. “Wear these. These are my extra clothes”. Kinuha ko ang damit na binigay nya. Parehas kaming napatingin sa isa't isa. Bigla kaming nagkahiyaan. Nag tawanan lang kami. "Magpapalit lang ako ng damit". Paalam ko. Plain white shirt at grey na jogging pants, buti na lang at adjustable ang pants kaya nagkasya parin sa akin. Tumingin ako sa salamin. Mas lalo akong lumiit tingnan dahil sa suot kong damit. Bahala na. Pagbalik ko sa office ay nakaupo na si Paul sa upuan ko. Tumingin si Paul sa akin. Ngumiti lang ako. Kinuha ni Paul ang bag ko na nasa ibabaw ng aking table at lumapit sa akin. Muli akong kinabahan. Naalala ko uli ang nangyari kanina. Napalunok ako. Nasa harap ko na si Paul. Inabot niya sa akin ang aking bag. “salamat” ang sabi ko. Hindi ako maka tingin sa kanya. Hinawakan niya ang aking ulo at tinapik-tapik ito. “you’re so cute” nakangiti nyang sabi sa akin. Biglang lumakas ang t***k ng aking puso. Nakaramdam ako ng kilig. ‘Cassie relax’ ang nasa isip ko. Natawa si Paul ng mapansin niyang kinakabahan ako. “Ihahatid na kita” hinawakan niya ang aking kamay at hinila niya na ako palabas ng opisina. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Basta ang alam ko masaya ako.