Nakasimangot parin akong lumabas ng building namin. Papunta na ako sa sakayan ng taxi ng makita ko si Ms. Bel na papasok ng building. Nawala lahat ng inis ko ng nakita ko siya. Ang ganda niya talaga. Para syang dyosa. Bumagay pa sa kanya ang kanyang suot na damit. Casual V-neck polka dot white long dress with Black high heels. Nakaka-inggit ang kagandahan niya. Halos lahat kami na nasa labas ay napatingin sa kanya. “Ang gwapo siguro ng boyfriend niya” narinig kong sinabi ng babae na nasa likod ko. “oo nga” sagot ng kasama niya. “Sana lahat may boyfriend” bulong ko. Malapit na ko mag 30 pero single pa rin ako. Kaya lagi akong sinasabihan ni Sam ng matandang dalaga. Napa bugtong hininga na lang ako. Muli akong lumakad papunta sa sakayan. Saktong may nakaparadang taxi sa harap. Makalipas ang isang oras, nahanap din namin ang building na naka sulat sa papel na binigay ni Paul. “kuya pababa na lang ako sa tabi”. “sige po mam” sagot ng driver. Magbabayad na ako ng mapansin ko na wala akong bag na dala. Kinabahan ako. Naisip ko kaagad kung paano ako magbabayad. Bigla akong napa-isip ‘asan ang bag ko?’ Naalala ko na. Nasa upuan ko. Hindi ko pala nadala. Sa sobrang inis ko kay Paul umalis ako kaagad. Anong gagawin ko. Nagsimula na akong mataranta. Naghanap ako ng pera sa mga bulsa ko. Nagbabaka sakaling may makuha. Nakakaiyak. Wala man lang laman kahit barya. Napasandal ako sa upuan. Iniisip ko kung paano ako magbabayad. Malapit na akong bumaba. Bigla akong napatingin sa cellphone ko. Naalala ko meron akong nakaipit na pera sa likod ng cellphone ko. Pumikit muna ako at nag dasal. ‘Lord sana hindi kinupit ng mga kapatid ko” huminga muna ako ng malalim. Dahan-dahan kong tinanggal ang case ng cellphone ko. Pumikit muna ko bago ko tiningnan. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata. “yes !” sigaw ko. Napatingin sa akin ang driver. Halatang nagulat sa sigaw ko. “ito po kuya, bayad ko” lakas-loob kong inabot ang buong 500 pesos sa driver at ngumiti ng napaka ganda. Umiling-iling lang ang driver. “mga kabataan talaga ngayon” narinig kong sabi niya. Napangiti na lang ako. Inabot niya ang sukli. Matapos ay bumaba na din ako.