“Ms. Cassie!” sigaw ni Kath na nasa likuran ko. "Kamusta ang lakad niyo kahapon?" pang aasar ni niya. Naka-ngiti siyang tumingin sa akin. Magkakasundo sila ni Sam pag-nagkita sila, parehas silang tsismosa. Ngumiti lang ako. Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating kami sa office. Lumapit si Kath kay sir Roy na naunang dumating sa amin. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila. Pero ramdam kong tungkol kahapon ang pinag uusapan nila dahil kanina pa sila tumitingin sa akin. Bumugtong hininga na lang ako. Tumingin ako sa office ni Paul bago naupo sa aking upuan. Late ata siya ngayon. Binuksan ko ang aking computer. Nasa isip ko parin ang nangyari kahapon. Napayuko na lang ako sa lamesa. Gusto kong umiyak. ‘Bakit?’ Tanong ko habang inuuntog ko ang aking ulo sa table. Nakakainis. Nakakahiya. Simula ng magkita kami ng mongoloid na yun wala ng magandang nangyari sa akin. Mongoloid ang tawag ko sa kanya dati. Pandak naman ang tawag niya sa akin. Well atleast, maliit man ako maganda naman. ‘Babawi ako’. Inayos ko ang aking pagkakaupo. Tumingin ako sa salamin. Inayos ko ang aking buhok. Naglagay din ako ng kunting lipstick. ‘kailangang maging maayos ako sa paningin ni Paul’. Bigla akong napatigil. Naalala ko uli ang nangyari kahapon. Muli kong inuntog ang aking ulo sa table. ‘bakit?’ gusto kong sumigaw. Nakatingin sa akin si Kath habang umuupo sa kanyang upuan. Pinagmamasdan niya ako. Siguro nasa isip niya “ano kayang problema ni ms. Cassie?’. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Umayos na ako ng upo.
Late na ng dumating si Paul. Tumungo agad ito sa kanyang office. Sinundan siya ni mam Lyda. Pasimple akong tumitingin sa office nya ng bigla akong tinawag ni Kath. “ms. Cassie”. Bigla akong umayos ng upo at tumingin sa aking computer. Tumingin siya sa akin at pagkatapos tumingin sa office ni Paul. Nakatingin lang ako sa computer na kunyari may hinahanap. Tumawa lang siya. Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya. Iba na naman ang nasa isip niya for sure. Lumabas na ng office si mam Lyda. Tumingin siya sa akin. Bigla akong kinabahan. ‘nagkwento kaya si Paul?’ napalunok ako bigla. “Pinapatawag ka ni sir Paul”ang sabi niya. Iba ang ngiti ni mam Lyda. For sure may sinabi sa kanya si Paul. Umiling iling lang ako na parang bata na takot mapagalitan. “he’s waiting” biro nito. Tumingin ako kay Kath. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nilungkutan ko ang aking mukha na parang malapit ng umiyak. “help me” pagmama-kaawa ko. “sabihin mo masakit ang tiyan ko kaya ikaw na lang ang gagawa ng iuutos niya. Please”. Nakatingin lang sakin si Kath na parang walang naiintidihan sa nangyayari. Natawa lang si mam Lyda. Tinuro niya si Paul na kanina pa pala nakatingin samin ni Kath. Nakalimutan ko nakikita niya nga pala kami mula sa loob ng office niya. Bigla akong nahiya. Pinilit kong ngumiti. Tumayo na ako. Inayos ko ang aking damit. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa office niya. Sinusundan nya lang ako ng tingin. Kaya mo yan Cassie. Fighting! Bumalik siya sa kanyang upuan ng makita niyang malapit na ako. Tinapik lang ako sa balikat ni mam Lyda na nakatayo parin sa harap ng pintuan ni Paul. Tumingin ako sa kanya. Malungkot parin ang mukha ko. “Go” nakangiting sabi niya. Tumango lang ako. Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Lumapit agad ako sa table ni Paul. Pangiti-ngiti siyang nakatingin sa akin. Iniwas ko ang aking tingin. “ I want you to go to this place and find Mr. Rodrigues” iniabot niya ang maliit na papel kung saan may nakasulat dito. Mabilis kong kinuha ang papel at nagpaalam na sa kanya. Hindi pa ko nakakalabas ng mag-salita uli si Paul. “and please, go to the toilet before you leave” nagulat ako sa sinabi niya. Nanlaki ang aking mata. Narinig ko siyang tumawa. Napapikit na lang ako so sobrang hiya at inis. Mabilis akong lumabas at sinara ang pinto. Tumingin ako sa office nya. “mongoloid ka talaga” hindi ko napigilang sabihin.