Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ni Paul at sumakay. Kinakabahan pa rin ako. “Seatbelt” ang sabi niya. Nakasimangot pa din ang mukha niya. Pa-simple din akong sumimangot. Parehas naming ikinabit ang mga seatbelt sa aming upuan. Matapos ay pinaandar na niya ang sasakyan. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Natatakot din ako gumalaw baka mapagalitan na naman niya ako. Ipinikit ko na lang ang aking mata at naupo ng maayos. Mahaba-haba pa ang byahe namin kaya matutulog muna ako. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa katatanong ni Sam tungkol sa kanya.
Nagising ako sa kahol ng aso. Wala na din si Paul. Tumingin ako sa paligid. Isang malaking abandonadong bahay ang makikita mo sa harap. Wala na din itong bubong. Mga padir na lang ang natitira, kaya matatanaw mo mula sa labas ang ibang parte ng loob ng bahay. Malayo ang pagitan ng mga bahay dito. Halos damuhan pa ang buong lugar. Napahaba ata ang tulog ko. Lagot na naman ako kay Paul. Inayos ko ang aking sarili. Mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas. Buti na lng naka plain blue top at jeans lang ako. Hindi rin ako nag heels. Isang resort ang gagawin dito ngayon pagkakarinig ko. Isa sa mga projects ng company dito sa Cavite. Hindi ko makita si Paul. Tumingin-tingin ako sa paligid. Naiihi na din ako. Lumapit ako sa lalaki na nagpapakain ng aso malapit sa gate. “hello kuya!” bati ko. “May nakita ka bang lalaki na naka suot ng suit?” tanong ko. May edad na ang lalaki. Siya ata ang caretaker ng bahay. “Si sir Ruiz ba iha?” tanong nya. Nakangiti akong tumango. “Nandun sa likod, kasama ang may-ari ng bahay. Dumeretso ka lang at kumaliwa matatanaw mo na sila”. Itinuro niya ang maliit na daan sa gilid ng bahay. “salamat kuya” paalam ko. Sinunod ko ang sinabi ng matandang lalaki at nakita ko nga sila Paul. Lima sila na magkakausap. Dalawa sa kanila ay mukhang mag-asawa. Mga naka business attire din sila. Sila siguro ang may ari ng bahay. Ang dalawa naman ay mga engineer mula sa company. Minsan ko na silang nakita sa office ni Paul. Tumingin silang lahat sa akin. Bigla akong kinabahan. Napalunok ako. Iniisip ko ang sasabihin ni Paul. Nakatingin lang siya sa akin. Mas lalo akong naiihi dahil sa kaba. Pinilit kong maglakad ng maayos. Lumapit ako sa kanila. “Hello mam, sir” iniabot ko ang aking kamay para makipag-kamay” Cassandra Lopez po” pagpapakilala ko. “Call me Eugene. Nice to meet you” ang sabi ng lalaki. Siya ang may-ari ng bahay. Nasa 50’s na siya kung hindi ako nagkakamali. Ngumiti lang ako. Lumapit ako kay Paul. “Bakit hindi mo ako ginising?” mahina kong tanong sa kanya. Halos kaming dalawa lang din ang nakarinig. Naka-ngiti parin kaming nakikinig kanila sir Eugene. “Ginising kita ayaw mong magising” mahinang sagot niya. “Yes?” tanong ni sir Eugene sa amin. Napansin niya ata kaming nagbubulungan. “Nothing sir. You may continue” sagot ni Paul. Tumingin si Paul sa akin. Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang akong nakikinig sa usapan nila sir Eugene.
“Thank you so much Mr. Ruiz” ang sabi ni Sir Eugene habang nakikipag-kamay kay Paul. “Your welcome Sir. Call me anytime” sagot ni Paul. Nag-paalam na din ako sa kanila. Isa-isa silang umalis. Kami na lang ang natitira ni Paul. Naiihi na talaga ko hindi ko na kaya. Palabas na siya ng gate ng hinawakan ko ang dulo ng damit nya sa likod. Tumingin siya sa akin. Makikita mo sa mukha niya na nagtitimpi na siya. Pinilit kong ngumiti. “naiihi na ‘ko” mahina lang ang boses ko. “what?” lumakas ang boses niya. “naiihi na ‘ko” lumakas na din ang boses ko. Hindi na ako makatayo ng maayos. Nakahawak parin ako sa damit niya. Nilagay niya ang dalawang kamay nya sa bewang at humarap sa akin. Tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakahawak sa damit niya. Napa-atras ako. “what do you want me to do?” tanong niya. Naiinis na siya. Nararamdaman ko na ang galit niya. “Sorry” ang tangi kong nasabi. Hindi ko na talaga kaya. Namimilipit na ako sa sobrang sakit ng puson. Mabilis akong pumunta sa likod ng bahay. Wala na akong pakialam kung may makakita pa sa akin. Hindi ko na talaga kaya. Napakamot na lang ng ulo si Paul at tumalikod. Alam kong malapit na siyang sumabog sa galit. Bakit naman kasi ngayon pa. “sir Ruiz? Sigaw ng matandang lalaki. Anong gagawin ko. Hindi pa ako tapos. Papalapit na ang matandang lalaki kung saan nandun ako. Hindi na rin ako makakatago. Napapikit na lang ako. Kinakabahan ako. Bahala na. “Tatay Lino” tawag ni Paul. Mabilis niyang pinuntahan ang matandang lalaki. Nakahinga ako ng malalim. Narinig ko na silang nag-uusap. Naghugas ako ng kamay sa gripo sa may likod ng bahay. Nasa loob na ng sasakyan si Paul ng lumabas ako. Nakatingin siya sa malayo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan at naupo. Nakayuko lang ako. Hinihintay kong mag-salita si Paul. Lalong lumalakas ang t***k ng puso ko sa kaba. Kailangan kong mag-salita. Napalunok ako. Tumingin ako sa kanya. Magsasalita na ako ng bigla siyang nagsalita. “Stop” tumingin lang siya sa akin. Kinuha niya ang tissue na nasa back seat it binigay sa akin. Matapos ay pinaandar niya na ang sasakyan. Gusto kong umiyak sa sobrang hiya.