Kumakain kami ng almusal ng mag-paalam na si Sam. “Alis na ko Ma!” sigaw ni Sam. Nasa kusina si Mama naghahanda ng babaunin ni Nico para sa fieldtrip nila. “Umuwi ng maaga yung labahin mo. Palibre ka na naman” sigaw ni Mama. Nagtawanan lang kami ni Nico. “Ikumusta mo ko kay sir Paul” pabirong bulong niya sa akin. “Ma!” sigaw ko sabay dila sa kanya.. Sumimangot lang siya at tuluyan ng umalis. “Sinong Paul?” tanong ni Nico? Isa din tsismoso. “Kumain ka lang para lumaki ka” sagot ko sa kanya. Tumayo na din ako at nagpaalam.
“Good morning” bati ko kay Kath. Kaming dalawa pa lang ang nasa office. Wala pa din si Paul ng sumilip ako sa office niya. Pito lang kami sa Team namin. Binubuo ng tatlong team ang department namin kung saan si Paul ang pinaka head ng department. Team 1 ang tawag sa amin. Sa ngayon apat lang kami sa office. Ako, si Kath, sir Roy at mam Lyda. Naka assign sa ibang site ang dalawa pa naming kasama. Ang isa naman ay naka leave. Si mam Lyda ang pinaka leader ng team namin. Si mam Lyda din ang secretary ni Paul. Si sir Roy ang pumapalit sa kanya pag marami syang trabaho na inaasikaso. Sunod-sunod ng dumating sila sir Roy. Dumating na din si Paul. “Good morning Sir” sabay sabay kaming napatayo at bumati sa kanya. Ngumiti lang siya at dumeretso sa office niya. Napakalakas ng dating nya. Hindi maipagkakailang maraming humahanga sa kanya dito sa office. Isa na dun si Kath na naka tingin parin kay Paul hanggang nayon. Nauna na akong umupo. Binuksan ko na din ang aking computer. Hindi ko parin alam kung ano ang gagawin ko, kung saan ako magsi-simula. Buti na lang andito si Kath. “Cassie” napatayo ako ng marinig ko ang aking pangalan. “Please come to my office” tawag ni Paul. Kinabahan ako. Naalala niya na kaya ako? Or baka dahil kahapon? Tumingin sakin si Kath. Nagtataka din siya bakit ako tinawag ni Paul. Nagtaas balikat lang ako pahiwatig na hindi ko din alam. Dahan-dahan akong lumapit sa office niya. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok. ‘Okay lang yan Cassie. Six months contract lang din naman ikaw. Mabilis lang ang six months. Kunting tiis lang’. Binuksan ko ang pinto at tuluyan ng pumasok. May kausap siya sa telepono ng pumasok ako. Itinuro nya ang sofa. Gusto niya atang sabihin na maupo muna ako. Tumango lang ako. Lumapit ako sa sofa at umupo. Napakalinis ng office ni Paul. Puno din ng libro. May mga maliliit din na halaman sa table niya.
Halatang tapos na sila mag-usap ng nasa kabilang linya. Binaba niya na din ang telepono. Tumayo uli ako at lumapit sa table niya. May inabot siya sa akin na folder. Hindi ko alam kung para saan. “Nagkaroon ng problema ang isa sa mga project natin sa cavite, so I want you to come with me? Paliwanag niya. “Ako? Bat ako?” gulat kong tanong sa kanya. Biglang kumunuot ang kanyang nuo. Mukhang mainit din ang ulo niya dahil sa kausap niya kanina. “May problema ba?” tanong ni Paul. Ngumiti lang ako at umiling. Nakalimutan ko boss ko nga pala siya. Bakit ako nagrereklamo? “Wala Sir. Everything is fine” mabilis kong sagot. Napakagat-labi na lang ako. Yumuko ako para hindi niya makita. Tumayo na siya at sinuot ang kanyang grey striped suit na naka sabit malapit sa pinto. “Let’s go”. Nauna na siyang lumabas. Ayokong sumama! Anong gagawin ko? Padabog akong lumabas ng office niya. Bigla siyang tumigil ng hindi ko namalayan. Bumunggo ako sa likod niya. Humarap siya at tiningnan ako. Parang gusto niya kong kainin ng buhay. Bigla akong kinabahan. Napatingin na din sa amin sila Kath. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ngumiti na lang ako ng napakaganda at dahan-dahang lumakad pabalik sa aking table. Sinundan niya ako ng tingin. Parang gusto kong tumakbo pauwi ng bahay. “Cassandra Lopez” sigaw niya. Nagulat kaming lahat. Nanlilisik ang mata niya na nakatingin sa akin. Kinakabahan na ako. “ito na po paalis na” pabiro kong sagot. Mabilis kong kinuha ang aking bag at mabilis na lumabas ng office. Narinig ko na lang ang tawanan nila mam Lyda. Nakakahiya.