Sunny Bloom Ang sanang pag-i-stay nila rito sa bahay ni Uncle Victor, nauwi sa uwian ng wala sa oras. Hindi na-enjoy ang bond, sa katunayan wala talagang bond na naganap na ayon sa gusto nila dahil sa nangyari. Hindi na rin lumabas pa ng sasakyan si Ashton sa sobrang pagpapahiya ko raw sa kanya na sinabi ni Ynes sa akin na ngayon ay galit din sa akin. Naiintindihan ko, pinsan niya ito. "I can't believe this, Sunny..." she said in dissapointment. "Nagpunta kami rito sa kagustuhan namin makita ka, kung balak mo pala i-break sana over the phone na lang!" "Hindi iyung nagpunta pa kami rito para lang sa kagustuhan mo makausap siya para personal na makipaghiwalay at hihiyain mo rin pala," galit niyang dagdag I took a deep breath and faced her. Nandito na kami sa labas ng bahay kung saan

