Sunny Bloom Nasa tabi kami ng pool at nakalublob ang mga paa namin sa tubig na magkatabi ni Ashton. May hawak akong cocktail, siya naman matapang na alak, sanay siya sa bula pero ngayon nag-hard ang loko. Hindi ko alam kung anong ihip ng hangin ang nangyari at biglang si Uncle Victor naging welcoming. Baka napag-isip-isip niya rin ang ginawa niya kanina kaya gusto niyang bumawi at pinapahiya na niya ako sa mga bisita ko. Sana lang magtuloy-tuloy. Baka kasi mamaya... Nang mapukaw ako mula sa pag-iisip nang magsalita si Asthton sa tabi ko. "Bakit pakiramdam ko magkasama nga tayo pero wala sa akin ang isip mo, Sunny?" seryoso niyang tanong, nakatanaw sa asul na tubig. Ito ang sinasabi ko kaya ayaw kong sa tawag makipaghiwalay, nakokonsensya dahil ako sa hindi pagsagot sa mga katanung

