Sunny Bloom "Ang ganda ng bahay, ugali lang ng may-ari ang hindi," komento ni Evan. Nasa mahabang lamesa na kami kung saan nakahain ang mga pagkain na si Uncle Victor mismo ang nagpahanda. Kaya kahit papaano na-a-appreaciate ko dahil hindi na niya 'ko hinayaan magsabi, he still welcome them in his ways. Nasa tabi ko sa kaliwa si Ashton, at si Ynes sa kanan ko, kapapat ko si Beatrice sa kaliwa nito si Even at sa kanan naman si Neil, and we're six on the table. "Shut up, Evan. Kumakain na tayo may nasasabi ka pa," saway ni Ynes na isa naman sa may malawak na pag-intindi. "Pasensya na talaga kayo..." hinging paunmanhin ko ulit sa kanila. "Sinabi ko naman bago kayo magpunta na iba ang ugali niya kumpara sa nakakasalamuha natin." "Totoo nga talaga bali-balita tungkol sa kanya, 'no?" si N

