CHAPTER SIX

1649 Words
Sunny Bloom He's waiting for someone... to pop her little cherry? My lips parted hearing how boldly he could when he spoke. I don't want to assume that it's me he was talking about since after my first step here in his house, ramdam kong ayaw niya sa akin. After that dinner with him, hindi na ako bumaba pa. Hanggang pagtulog yakap ko ang unan, hindi mawala-wala sa isip ko ang mga pinagsasabi niya... After a year when she's ready... these words keep replaying inside my head which makes me still awake! Nagtakip ako ng unan sa mukha at doon sumigaw para sawayin ang sarili! He was not talking about you, Sunny! Wag kang mag-assume dahil sa dami ng babae marami siyang pwedeng tukuyin at hindi ikaw na anak ng kaibigan niya. He's not stupid to have s*x with you, halos parang Papa ko na rin siya at pinatatawag nga niya sa akin sa kanya ay Daddy... But thinking calling him Daddy makes me... muli akong napatili sa unan para wag lang marinig sa labas. Something is wrong with me every time I'm thinking of him and thinking of calling him Daddy... hindi kasi siya parang tunog pang-tatay kapag siya. Dahil hindi pa naman siya mukang ganoon katanda at para ngang hindi um-edad. Hindi kaya isa talaga siyang vampire? The more he age... The more he gets hottier. Inalis ko ang unan sa mukha ko tinampal-tampal ko pa ang magkabila kong pisngi para mahimasmasan sa kalokohan kong ito. Tama, Sunny Bloom... ibang babae ang tinitukoy niya hindi ikaw at baka kapag nag-assume ka pa, mapahiya ka lang. Napatitig na lang ako sa itaas ng kisame to clear my mind when someone knocks on the door kaya napabalikwas ako ng bangon. Dumako ang tingin ko sa direksyon ng pintuan nang bumukas ito at sumilip ang kasambahay na si Vivian. Ngumiti ito sa akin. "Señorita, magandang gabi, pasok na ho ako ah." Pumasok na nga siya at dumako agad ang tingin ko sa dala niyang braso na may nakatimplang gatas. Sinundan ko lang siya ng tingin nang tumigil sa gilid ng kama ko, inilahad ang dala. "Pinapaakyat ni Sir. Victor, mag-gatas daw kayo bago matulog at alam niyang namamahay kayo." Napakurap naman akong tinanggap ang baso ng gatas at napatitig dito. "Tell him thank you... at sa iyo rin, Vivien..." Kahit papaano natuwa naman ako. Ngumiti lang siya. "You're welcome, Señorita. Sige na po inumin niyo na iyan at matulog na kayo, magpapahinga na rin kami ng mga kasama ko." She slightly bowed to dismissed herself akmang aalis na nang tawagin ko siya at natigilan sandali sa pag-alis. "Vivien." "Po?" Pinag-isipan ko pa munang mabuti kung dapat ko ba itong itanong, but curiosity is really killing me. "Si Uncle Victor ba... may mga naging girlfriend na? Nasabi mong matagal ka nang nagtatrabaho para sa kanya kaya siguradong... alam mo?" Hindi ko nga napigilan magtanong. Tumawa lang ito. "Naku, Señorita... palagay niyo sa gwapong iyan ni Sir, mawawalan? Imposible ho." Pagak pa siyang natawa. Nanginit naman ang pisngi ko kung bakit ko pa natanong, baka isipin nito meron akong gusto interesado ako rito. "Y-You can leave, Vivian, thank you for the milk. You can go," pagtataboy ko na sa kanya. Ngumiti siya at tuluyan na ngang lumabas, at iniwan akong hawak ang gatas at dito Itinuon ang tingin ko. I don't know why it bothers me, ano ngayon kung may mga nagiging babae siya? Karapatan niya iyon bilang lalaki at wala pa naman siyang asawa, he's not responsible yet for anyone's feelings. Napa-iling na lang ako sa kalikutan ng isip ko at inubos ko na lang ang gatas. Ipinatong ko sa bedside table ang basyong baso at nahiga na. Sinikap kong matulog at parang may mahika ang gatas nagawa nga ako nitong patululugin. Kinaumagahan maaga akong nagising. Wala ako sa sarili kong bahay, so early bird is a must, pakabait ka Sunny para hindi umabot ng isang taon makauwi ka na sa inyo. Pupungas-pungas pa akong lumabas na ng kwarto, hilamos at toothbrush lang ang ginawa ko mamaya ako maliligo. Pagbaba ko ng hagdanan nakasalubong ko si Vivien na binati ako ng magandang umaga sinabing handa na ang agahan ko. Tumango lang ako at nag-tungo na sa dinning room pero habang nasa daaan, at naglalakad na sa hallway kung saan din madadaanan ang papuntang hardin sa likod ng bahay natigilan ako nang pag-tingin ko sa labas.... Kitang-kita ko si Uncle Victor na walang pang-itaas na damit habang may nililinis siyang spare parts ng makina na hindi ko alam kung para saan kung para sa kotse ba o para sa motor... Wala rito ang atensyon ko kundi nasa katawan niyang basa ng butil ng pawis, may lamesang kahoy sa harapan niya at doon nakalatag ang mga nililinis niya. Napalunok ako sa nakikita kong hanay ng mga pandesal niya... saktong-sakto hindi pa ako nagaagahan pero ang gandang pa-almusal sa akin ng tanawin... Kamuntikan pa tumulo laway ko. "Sunny?" Napapitlag ako nang dumako ang tingin niya sa akin nang mapansin may nakatingin sa kanya. Agad kong natutop ang bibig ko at napatuwid ng tayo. "U-Uncle! Good morning po!" aligaga kong bati, sana hindi niya napansin kung saan ako nakatingin kanina! Kundi, nakakahiya. Nginisihan niya ako. "Good morning too." Tumigil siya sandali sa ginagawa sabay senyas sa akin na lumapit ako. Ayaw ko sana dahil malayo pa nga lang nag-laway na ako, sa malapitan pa kaya? Hold on to yourself, Sunny Bloom, kaibigan ng Papa ko iyan wag mo pagpapantasyahan. Pero wala rin akong nagawa kundi lumapit at baka agang-aga magalit. Tumigil ako sa gilid niya nang hinarap niya ako. "How's your sleep? Your first night at my house?" he asked like he's good mood. Napahawak naman ako sa batok, iwas ang matang mapadako sa katawan niya. "Ayos naman po... salamat po pala sa gatas kagabi, nag-abala pa kayo." Saka ako tumikhim at hindi talaga maiwasang sumulyap ng patakas ang mata ko sa pandesal niya. Grabeng katawan... sarap. Ang hot Tito ng Sta. Monica. Virgin pa naman ako pero alam ko papaanong maka-appreciate ng isang magandang katangiang physal ng isang tao lalo na't lalaki. At ang masasabi ko lang... Mas hot siya kaysa sa boyfriend ko. Sorry Ashton, but he's one of the definitions of a real man. Indeed. Something you cannot deny... Hindi ko namalayan tuluyan na pala akong bulgarang napatitig sa katawan niya kaya narinig ko na lang ang tawa niya na ikinabigla ko. "Wala ba nito ang boyfriend mo?" tanong niya kaya ganoon na lang ang pamumula ng mukha ko. Parang gusto ko kainin ng lupa ngayon mismo dahil sa labis na kahihiyang ito. "Uncle!" bulalas ko. Pero tumawa lang siya. "What?" Para siyang nan-ti-trip. "Nakatingin ka sa katawan ko kaya tinatanong ko kung nakapag-provide na ba iyang boyfriend mo ng abs? At kung hindi pa, alam ko na kung bakit ka nakatingin," panunukso pa niya sa akin kaya lalo akong nahiya. "Hindi ko naman ho tinitingnan ang abs niyo! Feeling ka naman, Uncle!" depensa ko na purong kasinungalingan pero tumawa siya ng malakas. A morning laugh... "Ah, huh? Okay, if you say so then so be it." He chuckled to tease me and what he said was totally opposite. He didn't believe me. "Bahala nga kayo diyan isipin niyo gusto niyong isipin!" Sa inis ko'y tinalikuran ko na siya para sana pumasok na sa loob ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya natigilan ako. Lalo na nang mag-seryoso siya. "Have you already talked to your boyfriend?" he asked which made me stiff. Gusto niya talagang hiwalayan ko. "Kamusta ang sinabi kong hiwalayan mo? Hiniwalayan mo na ba?" alinsunod niyang tanong na mariin kong ikinapikit. Hindi ko iyon basta-bastang magagawa lalo na wala naman akong dahilan para gawin iyon. My relationship with Ashton is fine, walang issue sa kanya, wala rin naman sa akin kaya hindi ko kayang gawin ang pinagagawa niya. "Hindi basta-basta ang gusto niyong mangyari, hindi madali makipag-break," sagot ko nang hindi siya hinaharap at nanatiling nakatalikod sa kanya. "Hindi naman siya toxic na boyfriend." Hinarap ko siya at binitawan niya rin naman ako at humalukipkip siyang tiningnan ako. Tumaas ang isa niyang kilay. "Healthy pala ang lalaking nagdadala sa iyo sa hindi maganda?" sarkastiko niyang komento. Naikuyom ko naman ang mga palad ko, totoong kaibigan din ni Ashton ang mga kaibigan ko pero hindi naman ito mismo ang nagaaya sa akin, inaaya lang din siya. At dahil ayaw naman naming sabihan kaming kill joy ay sumasama kami sa kahit anong trip nila. "Uncle..." Pagod ko siyang tiningnan dahil nauubusan ako ng paliwanag at hindi naman ako nananalo sa kanya. "Inaaya lang din siya ng mga kaibigan ko, ayaw lang namin na sabihan kaming KJ kaya nakikisama kami—" Bigla siyang tumawa ulit pero sa pagkakataong ito halatang galit na. "Kapag pala sinabihan kayo tumalon tayo sa building from the 30th floor, ay gagawin niyo at tatalon kayo wag lang ang hindi makasunod sa trip ng barkada?" tuya niya sa amin. "Ganoon pala ba kayo katanga ng boyfriend mo, kung ganoon." Nagawa niya pa kaming insultuhin at tinaasan pa ako ng isang kilay. Umakyat ang tensyon sa mukha ko, umagang pagalit, umagang sermon. Ang gandang almusal. Nakakasabog ng utak. Pati emosyon. "Come to think of it, Sunny... take my advice as someone older than you." He even look more serious and closed our distance. "A real man..." He looked at me in the eyes. "Would never ever put you in danger, and one of his jobs is to save and protect you as his beloved woman." Napalunok ako at natahimik. "Kung hindi niya iyan nagagawa... malamang sa malamang nasa maling tao ka. I'm expecting that you will realize it soonest, Sunny before it's too late nang wala kang pagsisihan." At umalis siya sa harapan ko at nauna pa siya pumasok sa loob iniwan akong... napatulala at iniisip ang mga katagang sinabi niya. Nasa maling tao ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD