SA BUKID, THIRD POV
Habang namimitas ng gulay si Stefany kasama si Aling Pilar, halatang hindi siya komportable. Napakamot siya ng noo at inirapan ang mga dahon ng pechay na hawak niya.
"Ano ba 'tong ginagawa natin, Manang Pilar? Hindi ba pwedeng sa palengke na lang bumili ng gulay? Ang daming putik dito!" reklamo ni Stefany habang pilit na iniwasan ang maputik na bahagi ng taniman.
"Hay naku, hija. Hindi lahat nabibili sa palengke. Dito tayo sa taniman para mas sariwa," sagot ni Aling Pilar habang abala sa pamimitas.
Nakaawang ang labi ni Stefany habang nakatingin sa hawak niyang gulay. "Sariwa nga, pero ang baho naman ng lupa! Paano ko hahawakan 'to? Ang lagkit!" Tumikhim siya at pilit na hinawakan ang isang piraso, pero agad ding binitiwan. "Ew, ang dumi! Wala ba tayong gloves dito?"
Napailing si Aling Pilar sa inasal ng dalaga. "Naku, Stefany. Dito sa probinsya, hindi uso ang arte. Kung gusto mong kumain, kailangan mo rin magtrabaho."
Umismid si Stefany at tumayo nang diretso, tila iniiwasan ang mas madumihan pa. "Manang Pilar, baka naman may ibang pwede akong gawin? Hindi ko talaga kaya 'to. Siguro magaling ako sa... sa pagpaplano o sa pagtuturo, pero hindi sa ganito."
Napabuntong-hininga si Aling Pilar at tinawag si Fabio, na abala sa kabilang bahagi ng taniman. "Fabio! Halika nga rito, tulungan mo si Stefany. Hindi yata sanay ang mga kamay nito sa lupa."
Agad namang lumapit si Fabio, nakangisi. "Mukhang nahihirapan si Ma’am Arte," biro nito habang kinukuha ang hawak ni Stefany.
Tiningnan siya ni Stefany mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang tagalinis dito? Pwede mo bang kunin na lang lahat 'to? Kasi honestly, hindi talaga bagay sa akin ang ganito," aniya, sabay tingin sa manicure niyang nasira na ng konti.
"Kung gusto mo ng pagkain, kailangan mo magtrabaho," sagot ni Fabio, may bahid ng panunukso.
Napairap si Stefany. "Fine! Pero pwede bang huwag mo akong turuan? Alam ko na ang ginagawa ko!" Pero habang sinasabi ito, mali-mali naman ang pamimitas niya ng gulay, kaya natawa si Fabio.
"Sigurado ka? Mukhang mas magaling ka pang magturo kaysa magtrabaho," sabi ni Fabio habang iniayos ang mga gulay na hawak niya.
Lalo namang nairita si Stefany, pero wala siyang magawa. "Ano ba 'tong pinasok ko? Dapat talaga hindi na ako umalis ng bahay!" bulong niya sa sarili habang pilit na pinipitas ang mga gulay.
Sa maliit na kubo sa gitna ng hacienda, abala ang mga tao sa paghahanda ng pagkain. May ilan na nag-iihaw ng isda, habang ang iba ay naghuhugas ng gulay na bagong pitas. Sa isang sulok, tahimik na nakaupo si Stefany sa isang bangkong kawayan, halatang walang balak tumulong.
Nakapangalumbaba siya habang pinagmamasdan ang mga tao. "Ang init-init naman dito. Paano sila nakakatagal?" bulong niya sa sarili, habang pinapaspas ang mukha gamit ang kamay.
Bigla, napatalon si Stefany mula sa kinauupuan. "Ayyyy! Ano 'to?! May kumagat sa pwet ko!" sigaw niya habang pilit na kinakapa ang likod niya.
Nagulat ang lahat, at tumigil ang kanilang ginagawa. Napatingin si Fabio, na nasa gilid ng kubo, hawak ang isang basket ng prutas. Nang makita ang reaksyon ni Stefany, napahagalpak siya ng tawa.
"Ano na naman ang nangyari sa'yo, Ma’am Arte?" tanong ni Fabio, nangingiti habang lumalapit.
"Itong kubo ninyo, ang daming insekto! Kinagat ako ng langgam!" reklamo ni Stefany habang patalon-talon sa iritasyon.
Natawa pa lalo si Fabio. "Langgam lang pala, akala ko kung ano na. Ang arte mo naman!"
"Arte?! Hindi mo kasi nararamdaman ang sakit nito! Subukan mo kayang makagat sa pwet!" galit na sagot ni Stefany, sabay irap kay Fabio.
"Hindi na kailangan. Ang dami ko nang kagat sa braso, sanay na ako," sagot ni Fabio, sabay ngisi. "Pero ikaw, mukhang kailangan mo pang mag-adjust."
"Tumigil ka na nga sa pagtawa! Nakakainis ka!" ani Stefany, sabay lingon sa paligid. "Saan ba ang mga gamot niyo rito? Baka mamaga pa 'to."
Umiling si Fabio, ngunit may ngiti pa rin sa labi. "Sige na, sundan mo ako. May ointment sa kwarto ko. Pero tandaan mo, Stefany, hindi lahat ng problema mo dito masosolusyunan ng arte mo."
Napapadyak si Stefany habang sumusunod kay Fabio. "Tigilan mo na 'yang pang-aasar mo! Wala na nga akong gana, eh!"
Ang mga tao sa kubo, kahit abala, ay napapailing na lang habang natatawa sa naging eksena ng dalawa. Halatang hindi sanay si Stefany sa buhay probinsya, ngunit hindi rin niya matatakasan ang mga tao roon—lalo na si Fabio.
Sa loob ng kwarto ni Fabio, tahimik nitong kinuha ang isang maliit na bote ng ointment mula sa lumang aparador. Ang amoy ng kahoy at halimuyak ng sabon ay halatang nangingibabaw sa silid. Habang inaabot niya ang ointment, napansin ni Stefany ang paligid.
"Sandali lang," sabi ni Stefany, nakataas ang kilay habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kwarto. "Bakit parang komportable kang pumasok dito? Hindi ba bawal ‘to? Baka masita ka ng may-ari."
Napalingon si Fabio at bahagyang natawa. "Ako ang may-ari ng kwartong ‘to. Ano sa tingin mo? May multo rito na nagbigay sa akin ng susi?" sagot niya, sabay bitbit ng ointment.
"Talaga? Parang hindi bagay sa’yo ang kwartong ganito," puna ni Stefany, habang nakapamewang. "Akala ko simpleng trabahador ka lang dito."
"Trabahador nga," tugon ni Fabio, iniabot ang ointment kay Stefany. "Pero hindi ibig sabihin no’n, wala akong sariling kwarto. Gusto mo bang tumuloy sa kulungan ng kabayo?"
Napairap si Stefany at inagaw ang ointment mula sa kamay ni Fabio. "Hindi na kailangan ng banat, okay? Salamat na lang," sagot niya, sabay balikwas at naupo sa gilid ng kama.
Habang pinapahid niya ang ointment sa parte ng likod na kaya niyang abutin, nagulat siya nang biglang magsalita si Fabio.
"Sigurado ka bang kaya mo ‘yan?" tanong nito, nakapamulsa habang nakasandal sa pinto.
"Kaya ko! Ano’ng akala mo, helpless ako?" iritadong sagot ni Stefany, ngunit halatang nahihirapan siya.
Ngumisi si Fabio at lumapit. "Mukhang hindi mo naaabot. Gusto mo ba ng tulong, Ma’am Arte?" biro niya, ngunit halata sa mukha niya ang pang-aasar.
"Tumigil ka nga! Ayoko ng tulong mo!" sagot ni Stefany, sabay tago ng mukha sa hiya.
Napailing si Fabio at umatras, halatang nag-eenjoy sa reaksyon ni Stefany. "Sige, bahala ka. Pero kung mamaga ‘yan, huwag mo akong sisihin."
Habang lumalabas si Fabio ng kwarto, narinig niya si Stefany na pabulong na nagmamaktol. "Ano bang problema sa lalaking ‘yun? Ang yabang-yabang!"
Napangiti si Fabio habang papalayo. Alam niyang hindi pa sanay si Stefany sa buhay sa probinsya, pero tila natutuwa siyang makita kung paano ito mag-aadjust—kahit sa mga maliliit na bagay.
Pagkatapos lagyan ni Stefany ng ointment ang bahagi ng kanyang pwet na kaya niyang abutin, napansin niyang hindi niya maabot ang likod na masakit pa rin. Nainis siya sa sarili at napabuntong-hininga.
"Ano ba ‘to! Paano ko ‘to gagawin?" bulong niya, halatang iritado. Sa huli, wala siyang nagawa kundi tawagin si Fabio, kahit pa nakakainis ito para sa kanya.
"Fabio!" sigaw niya mula sa kwarto, may halong pagkairita sa tono.
Mula sa labas, sumilip si Fabio sa pintuan. "Bakit?" tanong nito, nakataas ang kilay habang mukhang nagpipigil ng tawa.
"I-ano mo naman ‘to," sabi ni Stefany, itinuro ang ointment na hawak niya. "Hindi ko kasi maabot ang likod ko. Pero dahan-dahan lang, ha? Ayoko ng masyadong madiin."
Ngumisi si Fabio at pumasok sa kwarto. "Sigurado ka? Akala ko ayaw mo ng tulong ko?" biro niya, habang kinuha ang ointment mula sa kamay ni Stefany.
Napairap si Stefany. "Tigilan mo na ‘yang mga banat mo! Basta lagyan mo na lang. Ang sakit-sakit na, e!" sagot niya, may halong pagmamaktol.
Umupo si Fabio sa tabi niya at binuksan ang ointment. "Okay, pero huwag kang mag-alala. Magaan ang kamay ko," sabi nito, habang inilalagay ang ointment sa kanyang palad.
Habang nilalagyan ni Fabio ang likod ni Stefany, biglang nagreklamo ito. "Hoy, dahan-dahan lang! Parang sinasadya mong saktan ako, ha!" reklamo niya, sabay lingon kay Fabio.
"Arte mo naman," tugon ni Fabio, natatawa. "Ang lambot-lambot na nga ng kamay ko. Gusto mo bang subukan mo sa sarili mo ulit?"
Hindi nakaimik si Stefany. Alam niyang hindi niya kaya. "Sige na nga, pero bilisan mo!" sagot niya, umiwas ng tingin habang ramdam ang init ng kamay ni Fabio sa kanyang balat.
Nang matapos si Fabio, tumayo ito at ngumiti. "O, ayan. Tapos na. Sana hindi ka na magreklamo," sabi nito, sabay lagay ng takip sa ointment.
Hindi sumagot si Stefany, ngunit halatang namumula ang kanyang mukha. "Salamat," mahina niyang sabi, pilit na hindi tinitingnan si Fabio.
"Next time, mag-ingat ka na lang para hindi mo na ako tawagin," hirit ni Fabio, sabay labas ng kwarto na natatawa.
Pagkalabas ni Fabio, napabuntong-hininga si Stefany. "Ano bang problema sa lalaking ‘yun? Nakakainis, pero... ewan," bulong niya sa sarili, habang hinahaplos ang likod na hindi na masakit.
Habang bumalik sila sa kubo, sinusundan ni Stefany si Fabio, ngunit hindi niya namalayan na may madulas na putik sa daraanan. Hindi pa siya nakalayo nang bigla siyang madulas at nawalan ng balanse.
"Aah!" sigaw ni Stefany habang nahulog siya sa lupa, ngunit bago pa man siya tuluyang magtama sa putik, mabilis na sumaklolohan si Fabio at nahawakan ang kanyang braso, pilit na itinutuwid siya.
"Stefany, careful!" utos ni Fabio, habang hinawakan ang balikat ni Stefany para tulungan siyang tumayo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil sa lakas ng pagkakahulog ni Stefany, nadulas siya at dumapo ang katawan niya kay Fabio, napahulog siya sa kanya at pareho silang napahiga sa putik.
"Aray, Diyos ko!" sigaw ni Stefany, namumula ang mukha at hindi malaman kung anong reaksyon ang ipapakita.
Si Fabio, bagamat naguguluhan sa nangyari, hindi na napigilan ang pagtawa. "Hindi ba’t ikaw na lang ang pahamak, Stefany?" sabay himas sa kanyang noo, kahit na may mga putik na siya.
Napapansin ni Stefany ang magkahalong pagkahiya at pagkairita. "Pahamak ka talaga, Fabio!" sigaw niya, habang sinusubukang bumangon at alisin ang mga putik sa kanyang katawan.
"Ang kulit mo, eh," sagot ni Fabio, ngunit may ngiti pa rin sa labi. "Mahalaga, hindi ka nasaktan."
Habang inaalis ni Stefany ang putik sa kanyang damit, hindi na niya kayang pigilan ang pagngiti. Bagamat inis na inis siya, may kakaibang saya rin siyang nararamdaman sa hindi inaasahang eksenang iyon.
"Kung hindi ka lang siguro kasing tigas ng ulo, hindi ka sana nadulas," banat ni Fabio habang tumatayo.
"Huwag kang magmalaki!" sagot ni Stefany, hindi matanggal ang pilit na ngiti sa labi. "Tulungan mo naman akong makabangon!" sabay irap nito ngunit si Fabio ay kanina pa siya tawang tawa kay Stefany dahil sa kaartehan nito.
Dahil sa tawanan at mga biro ni Fabio, hindi na namalayan ni Stefany na nagiging mas magaan ang loob niya. Minsan, ang mga simpleng sandali ng kabiguan ay nagiging dahilan para magsimula ang mga hindi inaasahang pagkakaintindihan at hindi malilimutang alaala.
Habang nagtatangka silang bumangon mula sa putik, sabay na napatingin ang mga tao sa kubo. Ang ilan ay hindi nakapagpigil at nagsimulang magtawanan nang makita ang magkahalong putik sa mga mukha nina Stefany at Fabio. Ang mga tauhan sa paligid ay nagsimulang magkantiyawan, tila naging pagkakataon na rin nila ito para magpasaya.
"Uy, tingnan niyo si Miss Stefany! Parang bagong ligo sa putik!" sigaw ni Mang Berting, habang pinagmamasdan ang mga alaga niyang kabayo.
"Ha! Si Fabio, mukhang tinangay ng bagyong putik!" hirit ni Aling Pilar, na hindi na rin napigilang tumawa habang pinagmamasdan ang dalawang naglalakad sa kubo, punong-puno ng putik.
Si Stefany, na halos hindi makapaniwala sa nangyari, ay hindi na lang makapagsalita, at ang tanging magagawa niya ay tumingin kay Fabio ng may pagsisisi.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Mang Berting habang pinipigilan ang sarili na hindi magtawanan.
"Eh kasi, nadulas siya!" sagot ni Fabio, habang pilit na itinatama ang kanyang sarili at iniiwasan ang mga tawa ng iba.
"Haha! O, eh! Huwag niyo kaming gawing palabas ng buong hacienda!" pabirong sagot ni Stefany, na medyo nahiya na rin sa sitwasyon.
"Ang saya ko na lang!" dagdag pa ni Aling Pilar. "Gusto ko ring matutong madulas ng ganun, haha!"
Si Fabio, na nakangiti lang habang pinipilit linisin ang sarili, ay nakaramdam ng kakaibang hiya. Pero hindi niya na lang pinansin at inisip na wala siyang magagawa kundi tanggapin ang kantiyaw ng mga tao.
Natawa na rin si Stefany, ngunit hindi maalis ang kaunting pagkahiya sa kanyang mata. "Sige na nga, tawanan niyo na lang kami," sabi niya, sabay tingin kay Fabio na tila walang pakialam sa mga kantiyaw.
Maya-maya pa, napansin nila na ang mga tao sa paligid ay nagkakantiyawan pa, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, may kakaibang saya na unti-unting lumilitaw sa pagitan nila ni Fabio, kahit na ang sitwasyon ay puno ng kahihiyan at tawanan.