bc

HIS BRIDE, HIS TERMS (R-18)

book_age18+
260
FOLLOW
2.3K
READ
forbidden
love-triangle
family
HE
second chance
arranged marriage
billionairess
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

Isang guwapong bilyonaryo ang napilitang pakasalan ang isang simpleng katulong—isang babaeng hindi niya kailanman mamahalin.

Ngunit paano kung ang babaeng minamaliit niya… ang siya ring hindi niya kayang pakawalan?

chap-preview
Free preview
HBHT-1
A notorious playboy billionaire, used to having every woman at his feet, never thought he’d fall… for a simple, “ugly” housemaid. She’s nothing like the glamorous women he’s used to, and yet… she’s the one who changes everything. Mia POV Parang may kakaibang saya akong nararamdaman habang naglilinis ako ng sahig sa sala ng mansion. Hindi ko maipaliwanag, pero simula nang marinig ko na darating na ang apo ni Donya Carmen, parang may kung anong excitement sa dibdib ko. Si Gabriel… iyon ang pangalan niya. Sabi nila, bihira lang daw itong umuwi ng Pilipinas dahil sa ibang bansa na ito lumaki at nag-aral. Hindi ko alam kung bakit ako nae-excite. Hindi ko naman siya kilala. Siguro… curious lang ako. “Ano ba, Mia! Parang lutang ka ah!” Napatingin ako sa mga kasamahan kong katulong na nagkukumpulan sa gilid habang nagkukwentuhan. “Next week na raw darating si Sir Gabriel!” masiglang sabi ni Jeya habang kinikilig pa. “Oo nga! Kaya dapat maganda tayo sa araw na ‘yon,” dagdag pa ni Delia, sabay ayos ng buhok niya na parang may kausap na salamin kahit wala naman. “Nag-iipon na ako. Bibili ako ng bagong dress. Yung sosyal!” pagmamalaki pa ni isa. Natahimik ako at muling yumuko sa pagmamop. Ako? Bibili ng bagong damit? Hindi ko man lang naisip. Mas mahalaga kasi sa akin yung pamilya ko sa probinsya. Yung pinapagawa kong bahay… doon napupunta halos lahat ng sahod ko. Gusto ko kasing maranasan ng pamilya ko na matulog nang maayos. Hindi yung kada uulan, may tulo sa bubong. Yung yero namin, butas-butas na. Sa edad kong disi-otso… pinili kong huminto sa pag-aaral. Minsan napapaisip ako. Hindi na nga ako nakapagtapos… hindi pa ako maganda. Napahigpit ang hawak ko sa mop. “Mia!” Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Delia. “Ano ba yan? Lutang ka na naman!” sabay irap niya. “Hoy, wag mo nang pangarapin na papansinin ka ni Sir Gabriel, ha?” Napakurap ako. “H-ha?” “Sa suot mo pa lang, ang baduy-baduy mo na,” dagdag niya sabay tawa. “Tsaka hello?” singit ni Jeya habang nakangisi. “Tingin mo papatol sa’yo yun? Eh mukha mo pa lang—” Hindi na niya tinuloy pero nagtawanan silang dalawa. Sanay na ako. Masakit… pero sanay na. Yumuko na lang ako at itinuloy ang paglilinis. “Mia, dito ka muna.” Parang ilaw sa madilim na kwarto ang boses na iyon. “Aling Sita…” Agad akong lumapit sa kusina kung nasaan siya. “Tulungan mo na lang ako dito,” sabi niya habang naghihiwa ng gulay. “Opo.” Tahimik kaming nagtrabaho sandali. Ako ang nagbalat ng patatas habang siya naman ang naggisa. “Mia,” bigla niyang tawag. “Opo?” “Napapansin ko… halos wala kang binibili para sa sarili mo.” Napahinto ako. “Ayos lang po ako…” “Hindi ko sinabing hindi ka okay,” malumanay niyang sagot. “Pero anak, hindi rin masama na unahin mo naman ang sarili mo kahit minsan.” Napayuko ako. “Mas kailangan po kasi ng pamilya ko…” “Alam ko,” agad niyang sagot. “At napakabuti mong anak dahil doon. Hindi lahat ng bata sa edad mo, ganyan mag-isip.” Unti-unti akong napatingin sa kanya. “Pero tandaan mo ito, Mia,” dugtong niya habang hinahalo ang niluluto. “Kung ibibigay mo lahat sa iba… tapos wala nang matitira sa’yo, paano ka naman?” Natahimik ako. “Hindi kasalanan ang gumastos para sa sarili,” patuloy niya. “Hindi ka makasarili kung bibili ka ng damit, o sapatos, o kahit ano para sa sarili mo.” “Pero po—” “Dalaga ka,” putol niya sa sasabihin ko. “Minsan ka lang magiging bata. Minsan ka lang magiging ganitong edad.” Parang may kumirot sa dibdib ko. “Hindi mo kailangang maging maganda para maging masaya,” sabi pa niya. “Pero hindi rin masamang alagaan mo ang sarili mo.” Napakagat ako sa labi. “Subukan mo, kahit minsan,” nakangiti niyang sabi. “Bumili ka ng para sa’yo. Hindi para sa pamilya mo. Hindi para sa iba. Para sa’yo lang.” Parang gusto kong umiyak. Hindi dahil sa lungkot… Kundi dahil may unang taong nagsabi sa akin ng ganoon. “Sige po…” mahina kong sagot. Ngumiti siya. “At isa pa,” dagdag niya habang nakatingin sa akin. “Wag mong isipin na wala kang halaga dahil lang sa itsura mo o sa hindi mo natapos.” Napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo. “May mga taong darating sa buhay mo na makikita ang halaga mo… kahit hindi mo pa nakikita sa sarili mo.” Hindi ko alam kung bakit… Pero bigla kong naalala ang pangalan na iyon. Gabriel. At sa hindi ko maintindihang dahilan… Mas lalo akong na-excite na makita siya. Habang nasa kusina ako, tahimik na naghihiwa ng mga sangkap, napatingin ako sa maliit na kalendaryo na nakasabit sa dingding. Malapit na ang sahod. Napahinto sandali ang kamay ko. May plano na ako. Kalahati ng sahod ko, ipapadala ko sa probinsya—para sa bahay namin. Para kahit papaano, madagdagan ang materyales at mapabilis ang pagpapatayo. Gusto ko na talagang matapos iyon… gusto ko nang hindi na nahihirapan ang pamilya ko tuwing umuulan. Pero ngayon… Yung kalahati, itatabi ko para sa sarili ko. Napabuntong-hininga ako. Susubukan ko yung sinabi ni Aling Sita. “Pasayahin mo rin ang sarili mo kahit minsan…” Hindi ko alam kung paano. Pero gusto kong subukan. Pakiramdam ko kasi… pagod na rin ako. Hindi lang sa trabaho—kundi sa pakiramdam na parang lagi na lang akong nauubos para sa iba. Sandali akong napangiti. Siguro… bibili ako ng simpleng damit. Yung hindi naman sobrang mahal. Yung… para lang maranasan ko kung ano yung sinasabi nilang “para sa sarili.” Pero mabilis ding nawala ang ngiti ko. Sa tuwing naiisip ko ang day off ko… Wala naman akong kasama. Wala ring gustong makipagkaibigan sa akin. Alam ko naman kung bakit. Napatingin ako sa suot kong lumang t-shirt at kupas na pantalon. Ito na kasi ang nakasanayan ko. Lumaki ako sa probinsya. Doon, okay lang yung ganito—simple, walang arte. Pero dito sa Maynila… parang mali. Parang kailangan mong sumabay. Parang kailangan mong magbago… para lang mapansin. Napayuko ako. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Kaya siguro… nasanay na lang ako mag-isa. Kapag day off ko, mas pinipili ko na lang magpahinga sa kwarto. O kaya tumulong ulit sa kusina kahit hindi naman kailangan. Mas okay na yun kaysa maramdaman ko yung pagiging… iba. Tahimik. Mag-isa. Pero kahit ganun… Nag-angat ako ng tingin at napatingin kay Aling Sita na abala sa pagluluto. Hindi man kami magkaedad… Hindi man niya kayang samahan ako sa mga bagay na gusto kong subukan… Pero andiyan siya. At sapat na yun. Ngumiti ako ng bahagya. “Salamat po…” mahina kong bulong, kahit hindi niya narinig. Kasi kahit papaano… Hindi ako tuluyang nag-iisa. Malapit na matapos ang pagluluto nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng maliit na mesa sa kusina. Napalingon ako. At nang makita ko ang pangalan sa screen… “Ma…” Napasinghap ako at agad itong sinagot. “Hello, Ma!” pilit kong masiglang bati, kahit bigla akong kinabahan. Napatingin si Aling Sita sa akin. Saglit siyang napatigil sa paghahalo ng niluluto, tapos napailing na lang ng marahan—parang alam na niya kung ano ang dahilan ng tawag. “Anak…” mahina pero nagmamadaling boses ni Mama sa kabilang linya. “Kamusta ka na diyan?” “Ayos lang po, Ma. Kayo po? Kumusta na si Bunso?” tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Ayos lang kami, anak… pero—” naputol siya sandali, parang nagdadalawang-isip. Doon pa lang, kinabahan na ako. “Ma? May problema po ba?” tanong ko, bahagyang humina ang boses. “Yung bahay kasi, anak…” sabi niya, at doon na bumigat ang pakiramdam ko. “Kulang pa raw sa materyales. Sabi nung gumagawa, kailangan na raw bumili ulit para matapos na.” Napapikit ako saglit. “Nasa anim na buwan na kasi ‘to, anak,” dugtong pa niya. “At sabi nila, kailangan na talagang matapos bago magtag-ulan. Baka masira lang ulit kung hindi pa maayos.” Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko. “Ganun po ba…” mahina kong sagot. Napatingin ako sa sahig habang hawak ang cellphone. Ang plano ko… Yung kalahati para sa sarili ko… Parang unti-unting nabubura. “Pasensya ka na, anak,” marahang sabi ni Mama. “Alam kong pagod ka na diyan. Pero konting tiis na lang… matatapos na rin ito.” Napakagat ako sa labi. “Magkano po ba ang kailangan?” tanong ko, kahit alam ko na ang magiging sagot ko sa sarili ko. Binanggit niya ang halaga. At sapat na iyon para tuluyang mawasak ang maliit kong plano. Napabuntong-hininga ako nang mahina. “Sige po, Ma…” pilit kong pinatatag ang boses ko. “Padadalhan ko po kayo sa sahod ko.” “Talaga, anak? Salamat… salamat talaga—” “Opo, Ma,” putol ko, kahit masakit. “Gusto ko na rin naman po matapos yung bahay.” Para sa inyo ‘yon. Para sa pamilya ko. Hindi para sa akin. Nagpaalam na si Mama, paulit-ulit na nagpapasalamat, habang ako naman ay pilit na ngumiti kahit hindi niya nakikita. Pagkababa ko ng tawag… Tahimik. Sobrang tahimik. Parang nawala yung ingay ng kusina kahit naroon pa rin si Aling Sita. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko. At napabuntong-hininga na lang ako. Yung plano ko… Yung kahit kaunting bagay lang sana para sa sarili ko… Mukhang hindi na naman matutuloy. “Mia…” marahan akong tinawag ni Aling Sita. Hindi agad ako sumagot. “Para sa bahay na naman?” tanong niya, kahit alam na niya ang sagot. Tumango lang ako. “Kailangan na raw po matapos bago magtag-ulan…” mahina kong sabi. Napatigil siya sandali. “Magkano ang hiningi?” Sinabi ko. Napailing siya. “Eh yung plano mo?” tanong niya, diretso. Napangiti ako… pero mapait. “Sa susunod na lang po siguro,” sagot ko, pilit magaan ang tono. “Mas importante po kasi ‘yon.” Tahimik si Aling Sita. Ramdam ko ang tingin niya sa akin. “Lagi na lang bang ‘sa susunod’, Mia?” mahina niyang tanong. Hindi ako nakasagot. Kasi totoo. Ilang beses ko na bang sinabi ‘yon sa sarili ko? Sa susunod na lang. Sa susunod na lang ako bibili. Sa susunod na lang ako sasaya. Pero kailan ba talaga yung “susunod”? Napabuntong-hininga na lang ako at muling kinuha ang sandok. “Okay lang po, Aling,” sabi ko kahit hindi sigurado. “Sanay na po ako.” At iyon ang pinaka-masakit na katotohanan. Sanay na akong isantabi ang sarili ko. Para sa iba.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M
bc

MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER (SPG)

read
10.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook