Chapter 1
Samantha's POV:
"Alam mo best? Para kayong couple ni Zander." naka-smile nyang sabi sa akin. "Kung
hindi ko lang talaga alam na parang bestfriends lang turingan nyo.. malamang
pagkakamalan ko talaga kayong mag-syota. Nagseselos na nga ako eh.. parang mas
close ka na sa kanya Sabi ni Lourane
Sus! Ang drama ni best ha? Kinindatan ko nga. "Ito naman o, syempre kahit close
kami nun.. mas MAHAL naman kita."
"Tss.. how about us?" lumingon sya kay Ashii, "kinalimutan nya na tayo Ashii."
naka-pout pa nyang sabi.
"Oy, hindi ah!! Mahal ko rin kayo 'no?
"Hahahha!! Yung nguso mo sis.. humahaba na!! Alam mo namang nagbibiro lang ako."
tawa pa rin ng tawa si Princess nun. Aish!
"Ahem! Pero best, hanggang bestfriends lang ba talaga kayo?" seryosong tanong sa
akin ni best.
Hanggang bestfriend lang ba kami? Hayy~ i don't know >:( Teka, bakit naman ako
nalungkot? I should be happy.. ang sarap kaya sa feeling na magkaroon ng guy
bestfriend
"Hindi ko pa iniisip yan 'no." totoo naman eh..
Hihi! Nagtataka na siguro kayo ano 'no? Si Zander, na kaaway ko noon BESTFRIEND ko na ngayon? hahahhah!! What a miracle it is. Tsk!
Well, 3 weeks na kasi ang nakalipas.. O kakashock 'no? Hindi naman. Sa
3 weeks na 'yon nakilala ko yung totoong Zander Andami na nga nyang nakwento sa
akin eh. Kahit mga walang kwenta, kinukwento nya. Natatandaan ko pa nga one
time, nagkwento sya about dun sa mga taong nadaanan nya na nagpapapicture sa
tarpaulin ni Kim Chiu
Hindi ko rin alam kung paano kami naging bestfriend.. ewan ko ba, naging close
lang kami sa isa't-isa bigla. Nagkaroon pa nga ng rumors sa school na kami na
raw, pero buti naman at naagapan agad. Atleast ngayon, alam na nila na
bestfriend lang talaga ang turingan namin sa isa't-isa. Well, minsan iniinis nya
rin ako, pero gaya nga ng sabi ko.. i'm used to it na
Pero simula nung nalaman ng mga students sa school na close friends kami, andami
ng bumabati sa akin sa school. Andami ko na ngang friends eh.. yung iba pa nga,
sa akin pinapadala yung mga letters nila para kay Zander. Ayos lang naman sa akin
eh.
"Ooppss. 5 minutes na lang before the time, tara na sa classroom?" nakatingin sa
relong sabi ni Ashii
"Wait, magtatali muna ako. Ang init kasi eh." ewan ko ba, kanina pa ko
naiinitan, kahit may aircon naman sa room.
Itinali ko naman yung buhok ko nun. Hindi na nga ako nag suklay eh.. basta
naitali ko lang. Nagmamadali sila eh. Nung natapos na ako, bigla ba naman akong
tiningnan ni best.. shock nga yung face nya eh.
"OMG! Best, ang cute mo pala pag nakatali ang buhok mo!!" sa totoo lang minsan
lang akong magtali ng Buhok hindi kasi ako nasanay eh.
"Oo nga!" tss. So cute lang ako pag nakatali???
Tinaasan ko lang sila ng kilay pero naka-smile pa rin. Binobola na naman ako ng
mga best friends ko. Simpleng pagtali lang ng Buhok, cute na? Hindi ko na lang
pinansin yung mga pinagsasasabi nila sa akin.
Pero habang naglalakad kami papuntang room, napapatingin sa akin yung mga
Ka klase ko na mga lalaki.. meron pa ngang sumipol sa akin. Langya!!
"See, i told you!! Ang cute mo talaga!!" kumindat pa sa akin si best pagkasabi
nun. Nagmadali na lang akong lumakad para makarating agad sa classroom. Feeling
ko tuloy mas umiinit yung paligid ko.
?classmates
HUH? Don't tell me pati mga kaklase ko? Argh!! Ano bang masama kung nagtali ako
ng buhok?? Hindi naman big deal ah!! Naiinis na ako!!
Tanggalin ko na nga lang 'tong pony tail ko. Akmang tatanggalin ko na nung
nilapitan ako ni Zander
"Wow, Pan! Ikaw ba yan?" tiningnan nya ako from head to toe.. tapos toe to
head na naman."You look...terrible." pinalo ko nga sa braso.
A/N: guys di diretyohin Kona kayo yong pan Pandak yon hahha
Umupo na lang ako sa upuan ko.. tatanggalin ko na talaga!!
"Oooppss. Tatanggalin mo na? Wag muna Pan." pinigilan nya yung kamay ko.
"Picture muna tayo?
Woah! Mas lalong umiinit ang paligid ko. Am in hell already Kasi naman may
pakindat-kindat pang nalalaman eh
"O, Pan Smile ha Wag mong sirain ang cellphone ko." Oo na, oo na! Pero
ano connect Nag-smile na lang ako pero pilit lang.
"O bakit ang saya mo naman ata?" naka-smile kasi sya ng todo-todo habang
nakatingin sa cellphone nya.
"First picture natin itong dalawa Pan talaga? Pinakita nya pa sa akin
yung cellphone nya, tama bang gawin na wallpaper? Pero, kinilig ako dun ha!
A/N: guys parang may ano diyan , ay basta hahahha
Ewan ko ba, napapansin ko these past few days.. kahit simpleng paggulo lang nya
ng hair ko.. kinikilig ako. Tapos, kahit hindi nakakatawa yung mga jokes nya, i
find it funny. Seriously, what's wrong with me? May crush na ba ako kay
Bweset
A/N:?
Samantha's POV:
Buong araw akong di mapakali. Kasi, alam ko na sa sarili ko na.. crush ko na
sya. Kasi naman, ang sweet2 nya sa akin eh
buti sana kung.. magkaka-crush din sa akin si Bweset. MALABO yun! Nasabi nya
na kasi sa akin kung ano ang ideal girl nya. Gusto nya raw sa babae ung
matangkad.. matangkad kasi si Bweset eh. Eh ako? Hanggang balikat nya nga lang
ako eh
Gusto nya rin, mahinhin. Duh? Mahinhin naman ako pero MINSAN lang.. kasalanan ko
ba kung sadyang makulit ako
Gusto nya rin ng babaeng may innocent face. Aba! Pwede ako diyan
Nangarap pa 'no? haha!! Atleast may isa akong katangian na hinahanap nya sa
isang babae.
Naisip ko naman na sabihin kina best yung nararamdaman ko ngayon. Sa amin kasing
magkakaibigan, walang secret-secret!! Kaya naman after naming mag-lunch, sinabi
ko na sa kanila. Shock nga silang lahat eh. Pero sa huli, sinabi nila sa akin na
normal lang naman daw yun. Tapos itong si best, pinapaubaya nya na raw sa akin
si Zander.. duh? As if naman sya lang ang nagkakagusto kay Zander 'no!
Zander's POV:
"Zander mukhang close na close na talaga kayo ni Samantha auh! May gusto ka ba dun?
Paano na si France?" seryosong tanong sa akin ni Christopher
"Tss. Magkaibigan lang kami ni Samantha no. Bestfriend ko pa nga eh." totoo
naman eh. "Try nyo kayang humanap ng girl bestfriend.. masarap sa feeling!"
"Yuck! It's sooo gay!" nandidiri pang sabi ni Christopher
"Hindi rin. Nagkaroon na kasi ako ng girl bestfriend eh. Kaso nasa Canada na sya
ngayon eh. Wala na kaming ommunication." si Chaze yung nagsalita.
"Talaga?! Wew! Ako lang pala ang 'di nagkakaroon."
"Kaya humanap ka na ng magiging girl bestfriend mo!! Hmm.. why not Princess
"Si Princess Wag na! Hindi nga kami magkasundo 'nun eh!!" umiiling-iling pa
nyang sabi.
"Ganun din naman kami ni Samantha dati ehh diba
Pero tuloy-tuloy pa rin ang
pag-iling ni Christopher Tss. Ayaw nya talaga huh
Maganda magkaroon ng girl bestfriend kasi.. mas magaling sila magbigay ng
advice. Hindi tulad ng dalawang ito.. na ang sasabihin lang sa akin kapag may
problema ako: "I-DOTA mo na lang yan!!"
"Nga pala, Zan. kailan mo ba balak ligawan si France ? Since second year ka pang
may gusto dun auh napa-smile na lang ako sa tanong ni Chaze sa akin.
Wala pang nakakaalam sa school na may gusto ako kay France.. except sa
dalawang 'to. Hindi ko pa nga nasasabi kay Sam eh.. pero mamaya, sasabihin
ko.. hihingi lang ako ng konting advice. Nung second year lang ako nagka-crush
kay France.. matangkad kasi sya, may innocent face, maganda at mahinhin.
Katulad nya ang ideal girl ko. 4th grading period ako nagka-crush sa kanya..
kaya hindi ko muna sya niligawan. Busy kasi pag 4th grading na eh.
Kaya ikinagulat ko talaga na nami-miss ko sya nung bakasyon. Hinanap ko pa nga
ang f*******: nya at in-add. Everyday lagi kong tinitingnan yung mga pictures nya
sa fb.. minsan 'di ko namamalayan na hinahawakan ko na pala yung monitor tapos
naka-smile habang nakatingin sa mga pictures nya. Dun ko naisip na patay na
patay na ata ako sa kanya. Kaya naman naisip ko na ngayong 4th year hs ko na sya
liligawan..
"Siguro, next week. Busy pa kasi ako, alam nyo namang sa Saturday na ang laban
namin sa soccer dba?" 3 schools pa naman makakalaban namin. Bukas magsisimula na
ang hard practice namin, kaya pull-out muna kami sa klase hanggang Friday.
"Oo nga pala! Goodluck pare ah!" hindi kasi varsity sa school itong dalawa na
'to. Si Chaze, member ng aming school band, drummer sya. Si Christopher naman, kasali
sa Dance Troupe.
•••
Uwian na rin sa wakas! Wala kaming practice ngayon, pahinga muna raw. Buti naman
dahil bukas ay siguradong t*****e ang katawan namin
Nga pala, andito kami sa canteen ngayon ni Sam.. ngayon ko na sasabihin sa
kanya na liligawan ko na si France. Tsaka, para humingi na rin ng advice
Z/R: oi guys Sam nalang itawag ko parang pangit yong pandak ehh hahah
Buti na lang at konti lang ang tao sa canteen ngayon. "Ano ba ang sasabihin mo Bweset
"Ahm.. ano kasi. Kilala mo naman si France diba
"FRANCE ASTRADA? Oo naman! Duh? Member din kaya sya ng Dance Troupe. Pero,
hindi kami masyado close nun. Bakit?" oo nga pala! dance troupe member din 'tong
si Sam
"Ahm, liligawan ko na kasi sya next week.
Natahimik si Sam , bigla. Mga ilang minutes nag-salita rin sya.
"Li-ligawan mo sya? Wow! Hahahhah!! Ba-bagay kayo.. d-diba matangkad sya, may
innocent face.. m-mahinhin din!! OMG, she's your ideal girl!! Hahhahha!! Good
luck, Zan S-sige, i need to go. May pupuntahan pa pala ako eh. B-babye!!"
tapos tumakbo na sya paalis. Bakit ganoon yung reaction nya?
Nagseselos ba sya, Nah! Imposible..
Tatawagin ko na sana sya uli kaya lang out of sight na sya eh. Ni hindi man lang
ako nakahingi ng advice
Samantha POV:
12 AM. Di pa rin ako makatulog
Si Zan may liligawan na. Si France pa talaga! Ano namang panama ko sa
kanya diba? Maganda yun.. sobrang ganda pala. Talo ang beauty ko
Ang sakit, sakit.. bakit pa kasi ako nagka-crush sa taong alam kong di ako
magugustuhan? Best friend pa talaga ang turing sa akin.
Hayy.. siguro dapat pigilin ko na 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Ako rin
naman ang kawawa sa bandang huli eh. Tsaka, susuportahan ko si Zan kung
saan sya masaya
I'll be a true bestfriend for him. Kung kailangan kong ilakad si France sa
kanya, gagawin ko! Martir na kung martir.
Ang problema, hindi kami masyado close ni France.. ewan ko ba! Minsan lang nga
kami nag-uusap eh.
Wait lang. Hindi naman na ako kailangan ni Zander para maging sila ni France eh.. may crush kaya si France kay Zander
OOUUUCCCHHHHH
Samantha's POV:
Uwian na namin. Ang lungkot nga ng araw ko ee.. wala si Bweset Nabawasan nga
ang ingay sa loob ng classroom eh. May practice kasi sila hanggang Friday.
Waaa!! Miss na miss ko na sya
Kainis!! Kasalanan ko rin naman kasi ee.. hindi ko man lang sya nilapitan kanina
sa field nung nakita kong break time nila. Nahihiya kasi ako sa kanya eh.. hindi
ko alam kung bakit
Andito nga pala kami sa library ngayon. Si Ashii ang may idea nito, gusto na raw
kasi nyang tapusin yung assignment namin sa Physics.. kaya habang gumagawa kami,
sinabi ko na sa kanila na may liligawan na si Zander
"Really?! Sino??" mahinang tanong sa akin ni Princess.
"S-si France
"OMG!! May gusto pala sya kay France? Bakit ngayon ko lang ata nalaman yan?"
naka-taas pa ng kilay si Princess..
"Kaya nga ssshhh kayo. I'm sure, secret nya yun.. sinabi ko lang naman sa inyo..
p-para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.." yun yung nararamdaman
ko ngayon eh.
"Aww, best.. so ano balak mo?"
"Hah? H-hindi ko alam.. s-siguro dapat ko ng pigilan yung nararamdaman ko.."
"Alam mo Sam, hinding-hindi mo kailanman mapipigilan ang nararamdaman mo..
siguro, hanggang maaga pa.. tanggapin mo na lang kung ano ang meron sa inyong
dalawa ni Zander atleast kahit papaano.. mabawasan man lang ng kahit na konti
yang bigat na nararamdaman mo pag na-accept mo na ang lahat." tama nga naman si Ashii
Ngumiti lang ako.. tama nga sya. Dapat hanggang maaga pa lang.. matanggap ko na
kung ano lang talaga ako kay Zander.. BESTFRIEND
"S-sige, mauna na ako sa inyo ha?" sa bahay ko na lang tatapusin ang assignment
ko, nawalan ako ng gana eh. Ngumit lang sila sa akin at nag-wave ng goodbye..
Pag-labas ko, nakita ko na nagpapahinga sila Zander. Nagulat na lang ako nung
lumingon sya sa direksyon ko..
bigla syang kumaway sa akin..
kumaway rin ako sa kanya, mahirap na.. baka pagkamalan syang baliw na kumakaway
mag-isa. Biglang may lumapit sa kanya at kinausap sya.. isa ring varsity ng
soccer. Ako naman, umuwi na, alangan namang tumayo lang ako dun na parang ewan.
**
"Sige na. Mauna na kayo sa canteen, susunod na lang ako. May ibibigay lang ako
kay Zander ,okay?"
"Sige. Bilisan mo lang ha? 30 minutes lang ang recess natin. Bye best!"
Tiningnan ko yung dala kong chicken sandwich tsaka gatorade, balak ko sanang
ibigay kay Zander. Ang kaso.. nahihiya ako eh.
Teka.. bakit ba ako nahihiya kay Zander Hayy!! Parang ibibigay ko lang naman
'tong mga 'to eh! Pumunta agad ako sa field..
sakto! mag-isa lang sya sa field ngayon. nagpupunas ng pawis.. nilapitan ko sya
agad. hindi ko talaga maikakaila na na-miss ko sya.
"Hi Zan Musta na?" nawala agad ang hiya? lol!
"Heto, pagod. Ano ba yang dala mo?"
"Ito?" inabot ko naman sa kanya yung sandwich tsaka gatorade. "Para sayo.. baka
kasi, nagpapalipas ka ng gutom." tumingin naman ako sa ibang direksyon nun.
"Ang sweet talaga ng best friend ko. Salamat ha? Tamag-tama, medyo gutom na ako
eh."
"S-sige, aalis na ako.."
"Aalis ka na?" mukhang nalungkot sya. "Dito ka muna, na-miss kita eh!"
"Na-miss mo ko?"
"Oo! Ako ba Sam, 'di mo ba ako na-miss?"
"Na-miss, syempre!"
"O, yun naman pala eh. Stay."
Umupo na lang ako sa tabi nya.. pero medyo malayo sa kanya..
"Hoy! May sakit ba ako para ganyan ka kalayo? Lumapit ka nga.. dito ka o." sabi
ko nga eh.. lalapit na ako.
Nag-start na syang kainin yung sandwich.. ako naman nakatingin lang sa kanya.
"Nga pala, ano na nangyayari sa loob ng classroom?" tapos na nyang kainin yung
sandwich..
"Hmm.. medyo nabawasan ang ingay sa classroom! Tsaka, andameng pinakopya si Sir
A.P. kanina."
"Andame ko na namang lessons na mami-miss
"Okay lang yan.. andito naman ako para turuan ka.. kung may mga lessons ka na
hindi maintindihan."
"Ang swerte ko talaga sayo Sam.." tapos nag-wink pa sya.. "Sana, ganyan din
ugali ni France 'no? Pag nagkaganon.. magiging perfect girlfriend sya para sa
akin."
France na naman
Biglang umihip ang malakas na hangin.. nililipad-lipad pa nga buhok ko eh..
nagulat na lang ako nung hinawakan ni Zander yung ilang hibla ng buhok ko tapos
nilagay sa likod ng right ear ko..
pulang-pula na siguro ako.. hindi nga ako makatingin sa kanya eh.. bakit ba nya
ginawa yun..
KKKRRRIIIINNNGG~!!
Yes!! Saved by the bell.. tumayo naman ako agad nun.. "Sige Zan time na
eh!! Bye!!" tapos umalis na ako.
Zander POV:
Tiningnan ko si sam hanggang sa makarating na sya sa classroom.. napa-smile
ako bigla. Ang swerte ko talaga sa kanya.. dinalhan pa nya ako ng sandwich.
Natuwa nga ako eh.
Ang sweet talaga nya..
kanina.. dun ko na-realize na maganda pala talaga si sam nung
nilipad-lipad yung hair nya..
tapos, ang bango pa ng buhok nya.. ang sarap nga amuyin eh..
hindi ko nga napigilan kanina at nahawakan ko yung buhok nya.. ang smooth..
ang cute nga eh, bigla syang nag-blush. ewan ko ba, nacu-cute'an kasi ako sa mga
babaeng nagba-blush eh..
naisip ko naman si France
sana.. sana ganoon din ang level ng kasweet'an nya 'no?
Samantha POV
"Sige, uuwi na ako. Kitakits na lang tomorrow!" paalam ko kina Best.
"Sus! Ito naman, ang KJ!!! Uuwi ka na? Mag-stay muna tayo dito sa school.. ano
naman gagawin mo sa bahay nyo? Wala namang assignments ngayon ah!" ang kulit
talaga nitong si Princess.
"Eeehh.. gusto ko na talaga kasi umuwi." naka-pout na ako nun.. "Babawi na lang
ako sa inyo next time, okay? Sige naaa!!!"
"O sya.. umuwi ka na!!" tumatawa na si Princess nun. "Mag-enjoy ka sa kakamukmok
sa bahay nyo ah!"
"Don't worry, i will. Baboosh!!!" nagbeso-beso muna kami bago ako umalis.
Palabas na ako ng room.. saktong pagbukas ko ng pintuan ay mag gumulat sa akin.
Nabitawan ko tuloy yung clearbook ko na hawak.. napasigaw pa nga ako eh!
"Zander!" yeah, si Zander yung gumulat sa akin. Infairness.. bagong ligo Ang
bango nya ha! Teka, this is not the right time para makatanggap sya ng
compliment sa akin
"Bakit ka ba nanggugulat huh pinulot ko naman yung clearbook ko na nalaglag
tapos pinalo ko sya gamit yun.. pero gentle lang.
"OUCH!!!" tiningnan ko nga ng masama.. ang o.a. nya ha?! hindi naman masakit
yung pagkakapalo ko sa kanya. "Uuwi ka na diba? Tara, ihahatid na kita sa bahay
nyo."
Ano raw Ako, ihahatid nya Bahay
"A-anong sinabi mo?"
"Sabi ko, ihahatid na kita.. tara na!" tapos ngumiti sya..
"Is this some kind of a joke?" nakapameywang kong sabi, mahirap na. baka
nagsisinungaling lang 'tong si Zander mapahiya pa ako LoL
"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" kinamot naman nya yung buhok nya.. ankyut,
medyo nagusot yung hair nya.. halata mong naiinip na sya. "Akin na nga yang bag
mo tsaka yang clearbook mo, ako na magdadala."
"UUUUYYYYYY!!!!" napatingin ako kina best.. a deadly stare. Napatahimik naman
sila nun. Pero si Princess, nag-wink pa.. tss!
"Ihahatid mo talaga ako?"
"Oo nga sabi, ang hirap mo ring umitindi 'no?!!" tapos kinuha nya yung clearbook
kong dala pati na rin yung bag..
Kyaaaaaaaa~! Bakit parang ang hot nya tingnan?? Nilagay kasi nya sa leeg nya
yung strap ng bag ko. Take note, color pink yung bag
"Okay, tara na!"
"Alam mo ba kung saan ang bahay namin?"
"Hmm, hindi eh. Wag kang mag-alala.. libre ko pamasahe natin."
"Talaga lang ha? Teka, ano ba ang nakain mo at ihahatid mo ko ngaun ha?"
"Yung sandwich at gatorade na ibinigay mo sa akin kanina." tapos nag-wink sya.
Nagsisimula na kaming maglakad nun.
"Ganon?!"
"Hahha! Ganon na nga.. bumabawi lang ako sa kabutihang loob mo."
"Tss.." teka, nakaramdam ako ng guilt bigla nung naalala ko na whole day pala
silang nag-practice. "W-wag mo na lang akong ihatid. I'm sure, pagod na pagod
ka.. buong araw ba naman kayong nag-practice. Okay lang talaga ako.."
Ginulo nya bigla yung hair ko.. argh!