Prologue
Prologue
Samantha's POV:
GOOD MORNING ALL
Nagulat ata ang mga kaklase ko sa akin. Hindi ko naman sila masisisi eh,
napalakas kasi yung pag'greet ko sa kanila. Kayo ba naman, ang ingay-ingay nyo
sa loob ng classroom tapos biglang bubukas ang pintuan then may mag'greet ng
pagkalakas-lakas, sino bang di magugulat!?
Auh ehh sorry Sabi ko sabay yuko
Wala, tahimik pa rin sila. Lahat nakanganga sa akin. Ang o.a. nila ha!? Nagulat
lang sila, grabe na ang reaksyon. Biglang may humigit sa akin papasok, tapos
tumigil kami sa upuan ko.
"Best, alam mo ba na pwede na kaming ma-heart attack sayo???!" Sabi sa akin ni
Lourane, bestfriend ko.
"Ang o.a. nyo ha? Parang nag-good morning lang. Well, best.. masaya kasi ako
ngayon!!
"Halatang-halata best! Bakit ba?"
"Kasi naman, ngayon na babaguhin ni Sir ang seating arrangement natin for Second
Grading!"every grading period kasi, laging may new seating arrangement.
"Huh? Dahil lang dun, masaya ka??"
"Yep!! Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa katabi ko diba?"
"Bakit ba ayaw mo sa kanya? Kung tutuusin nga, maswerte ka! Imagine, naging
Katabi mo sya??"
ako? maswerte di kaya Sabi ko
"Hayy, sana ako nalang ang maging
Katabi nya this grading period."
Sabi ni lourane
Eeww. Kung ayaw mong masira ang araw mo everyday best, wag na wag mong hilingin
na sya ang magiging katabi mo. Pero teka, sa akin lang naman masama yung
Bwiset na yun auh Palibhasa, may crush saakin Sabi ko
Ay ang pilingera mo best , nakakasigurado kabang sayo may crush yon Sabi ni lourane
Oo namn 100 percent na sigurado , omg muntik konang makalimutan may crush ka pala sa kanya no Sabi ko
Nakita ko namn Kong paano siya pamulahan ng pisngi
------
Nilapag ko naman yung bag ko sa upuan ko. Nang biglang..
"GOOD MORNING!!
Hmmpp! Kahit kailan talaga, gaya-gaya!!
Naramdaman ko na biglang napahawak si best sa braso ko.
"Ouch best ah! Ang sakit!" sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko yung kamay nya
sa braso ko.
"Oh, Zander pare! Ang saya natin ngayon ah!" sabi ni Christopher isa sa mga kaibigan Niyang babaero
"Oo eh! Ngayon na kasi ang new seating arrangement.." tapos tumingin sya sa
akin, aba! Akalain nyo yun, pareho kami ng nafi-feel?? "Malalayo na rin ako kay Bwiset
------
"Waaa!! Best, papalapit si Zander
"Alangan, katabi ko sya eh!!" Sabi ko
Nakita ko namn Kong paano ito napasimangot
-----
Hayy, ilang minutes nalang at homeroom na. Malapit na kaming maghiwalay!! LOL.
Naisip ko naman na since magkakahiwalay na kami.. kailangan kong maging mabait
sa kanya, kahit ngayon lang. Nga pala, MABAIT ako ha? Sa kanya lang hindi...
uhm, let's just say na MABAIT ako sa taong MABAIT din sa akin
A/N:okay
"Hi Classmate!! How's your weekend?" tanong ko sa kanya habang nakasmile ng
todo-todo!
Tiningnan nya lang ako habang nakakunot ang noo nya. Sungit! Pasalamat pa nga
sya at pinansin ko sya.
"Oh, hi lourane!" nakangiting bati nya kay best. Langya! Hindi man lang ako
sinagot?
A/N:ay nagalit
"H-hello, o sige. P-pupunta na ako sa upuan ko, bye best!!" tss. pulang-pula na
si best, isa rin kasi sya sa mga nagkaka-crush kay Bwiset eh, ewan ko ba kung
bakit.
"Hayy salamat. New grading period, new seating arrangement, NEW LIFE!!" masaya
nyang sabi nung nakaupo na sya.. sa kisame sya nakatingin kaya alam kong
pinariringgan nya ako.
Hingang malalim Samantha. konting pasensya lang.. malalayo ka na sa kanya. For
the meantime, maging mabait ka muna sa kanya.
Umupo ako sa upuan ko. Lumapit ako sa kanya. Nakatingin pa rin sya sa kisame
nun.
"Classmate, since last day na nating mag-katabi bigyan mo naman ako ng
remembrance!"sabi ko sa kanya. Mahilig kasi akong mangolekta ng remembrance sa
isang taong kaaway ko
A/N:kaaway talaga hahaha
Bigla syang nagbaba ng tingin at humarap sa akin.
Kyyaaa~ ang lapit ng face namin sa isa't-isa. *Tsup*
A/N:ay pilingera ka teh
"Bakit ba ang lapit-lapit mo? Dumistansya ka nga!" namumulang Sabi nya sa akin.
Woah!! Ngayon ko lang napansin.. ang cute at the same time hot ng eyes nya!
*drools!* yun pa naman ang hinahanap-hanap ko sa lalaki. OHEMGEE!! Bakit now ko
lang napansin?
Nagulat nalang ako nung hinawakan nya yung right hand ko tapos may nilapag sa
palm ko..
Bracelet
"Ano 'to?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan yung bracelet
"Bracelet ! Dba you're asking me to give you a remembrance? Yan na!! Since 1st
year pa sa akin yan at importante yan sa akin, kaya wag na wag mong wawalain!!"
"Importante naman pala ito sau eh! Bakit ito pa ang ibibigay mo sa akin??"
*boog!*
Ugh. Tama bang batukan ako?? TT-TT
"Dahil wala na akong ibang maisip na ibigay sa'yo!!!" aish, dapat talaga
SUMIGAW?? "teka, ako din dapat may remembrance galing sayo!"
Hhhmmmm.. Ano kaya ang magandang remembrance?
*isip mode!*
*TING*
Aha! Tama!! Yung cellphone na lang na dapat sana para kay pinsan. : tutal
inayawan naman nya eh
"Oi, ito oh! Remembrance ko." sabay lapag sa armchair nya.
"Cellphone Hm.. ayos 'to ah!" tapos.. binuksan niya
Nagulat ako at the same time natuwa. Natuwa ang puso ko! Corny pero yun yung
nararamdaman ko. Kasi nung ibibigay ko na yung cellphone kay pinsan.. sabi nya pangit raw kaya hindi niya tinanggap. Pinag-ipunan ko talaga yung cellphone na
yun.. hoping na magugustuhan nya pero.. AAYAWAN nya pala. Grabe talaga yung iyak
ko nung gabing yun.. pero si Bwiset? waaa!!
"O, bakit ganyan hitsura mo?"
"Wala lang. Natutuwa lang ako. Thank you Bwiset!"
"Huh? Natutuwa ka? Dahil ba sa remembrance ko sa'yo?" nag-nod naman ako, kahit
hindi yun yung real reason. "You're weird~!"
"Alam ko. Nga pala classmate.. tanong ko lang. Mami-miss mo ba ako pag hindi na
tayo mag-katabi ? Kasi ako, im sure.. hindi kita mami-miss Sabi ko
"Wow! Hindi mo ako mamimiss ?? Kung ganon, hindi rin kita mami-miss Sabi nito
A/N:hahaha
Tss. Teka lang.. Parang iba ata ang ihip ng hangin ngayon ah! Usually kasi kahit
umagang-umaga lagi kaming nagbabangayan.. pero ngayon? May himala nga talaga!!
"Okay class. Let's start with a prayer muna." si Sir John, adviser namin.
Nakapasok na pala sya sa room?
Nag-pray muna kami then greetings..
and.. ang pinakahihintay ko..
"Ngayon ko na babaguhin ang seating arrangement nyo for second grading period!"
*FAST FORWARD!!*
"Samantha Smith!" yes, tinawag na rin ako sa wakas. "Dun ka sa third column..
4th row." Not bad. Nag-nod alng ako at pumunta na ako sa sinabi ni Sir. Sana,
mabait ang makatabi ko. Pls lang!
"Lan Sanchez! Ikaw ang sa tabi ni Samantha
OH NO!! NO WAY!! Eh, mas malala pang katabi si Lan? Lagi pa yang nangongpya
WAAAAA!! Ang malas ko naman
"Hai! Kopyahan tayo ha?" nakangiting sabi ni Lan sa akin. Sabi na nga ba!!
Nag-smile lang ako sa kanya. Wala akong balak na pakopyahin ka 'no!!
Kainis
"Zander Moon, sa likod ka ni Samantha
A/N:Sana all moon yong Apelyedo
WHAT? Nagdrama-drama ako kanina.. yun pala.. magkalapit na naman kami? Hindi ko
na nga sya katabi pero backmate ko naman? HWAA!! Dobleng malas na 'to
May pa hingi-hingi pa ako ng remembrance sa kanya.. thinking na malalayo na
kami sa isa't-isa.. yun pala.. yun pala.. OH GOD!
,Zea Madrigal ikaw ang sa tabi ni Zander."
itsura ni Zander. hahahhaa!! mas malas naman pala kung tutuusin si
Bwiset.. or should i say BACKMATE, imagine?? ang makakatabi nya.. yung super
duper patay na patay sa kanya.. konting smile lang ni Bwiset sa kanya..
nahihimatay na ,This is going to be exciting
Nakita ko na pinagpapawisan si Zander. nakwento kasi nya Kay Fearl dati na ayaw nya
raw talaga kay Zea Sorry sya
And buy the way guys SI Fearl Lamson ay chismosa dito sa school at Best Friend rin ni Zander
Samantha's POV:
Ahh!! Ano ba problema nitong tao na 'to? Grr! Kanina nya pa pinagsisipa-sipa ang
upuan ko ah!? Hindi tuloy ako makakopya ng maayos
Kaya nung umalis si Maam sandali para kunin yonh naiwan nyang book eh agad-agad
akong lumingon kay Zander
"Ano ba problema mo? Nananahimik ang tao eh!!" siguro kung nakakamatay lang ang
tingin, malamang nakahandusay na sa fllor itong si Zander
"Ito naman ang sungit! Parang hihiram lang ng magic ballpen
"Magic ballpen!?! Meron naman ang kagabi mo ah?? Bakit hindi ka sa kanya
manghiram??
"Eh sanay na akong gamitin ang magic ballpen mo!! Ano ba, papahiramin mo ko o
hindi??"aba! hoy bweset!! ikaw ang naghihiram, baka nakakalimutan mo.
Dahil sa alam kong hindi naman nya ako titigilan eh pinahiram ko na lang sya
After ng A.P. is English.. pagkaka-alam ko may quiz. Kaya itong katabi ko,
pinipilt akong pakopyahin sya.. ang kapal ng face nya 'no? Grr! Pero wala rin
akong nagawa, kaya sa huli pinakopya ko na lang. Naisip ko naman na kung
ico-compare ko sya kay Zander, mas mabuti pa yun na katabi. Kahit na lagi nya
akong iniinis, sanay naman ako eh.
Nga pala.. ako si Samantha Smith . 4th year highschool sa Smith University (ahem!
walang maisip na pangalan ng school eh Sabi ng parents ko pretty daw ako.
Sabi naman ng mga friends ko.. maldita daw ako. Matalino? Hm..
hindi masyado pero honor student ako nakukuha yan sa study
KKKKKRRRIIIINNNNGG~!
Yehheee !! Recess na. At tama nga ako sa hinala ko, nagmamadaling lumabas si
Anthony hindi rin sya gutom na gutom no?
"WAG KA NG BUMALIK PA HA!!" sigaw ko kay Lan nung nakalabas na sya sa room..
ang lakas ng loob kong isigaw yun kasi hindi nman nya maririnig eh -__-
Sino yung sinigawan mo?" tanong sa akin ni Princess.
Apat kaming magkakaibigan pero mas close talaga ako kay Lourane.. since grade 4 pa
kasi kami magkakilala nyan eh.
Ipakilala ko sila sa inyo ha?
Lourane :mabait maganda
PRINCESS ~ alagain yan! sya lagi nagpa-plano kung saan kami gigimick!
Ashii ~ pinakamatalino sa amin.. sa kanya kami lagi nagpapaturo pag may di kami
naintindihan sa mga lessons. Childish
-----
"Tara na, recess na tayo!! Tayo nalang naiwan sa loob ng classroom eh. Gusto ko
na ring lumanghap ng fresh air." May pafresh air - fresh air pang nalalaman tong
si best. tsk. Nga pala, airconditoned lahat ng classrooms dito sa school at
meron pang c.r. sa loob ng room. San ka pa? Kaya dito ako nag-enrol eh
A/N:guys nakakalimutan ata nitong Kanila itong school
PALOKO lang eh!
"Kayo na lang. Nawalan na ako ng gana eh. Tsaka busog pa naman ako eh."
"Sure ka?"
"Sure na sure. Sige, babye!!" Umalis din sila agad. Ako na lang ang tao sa room
ngayon.
HMMM. Makapag-isip nga ng paraan kung paano ako malalayo kay Lan Kainis!
Pinalo-palo ko yung English book ko sa desk ko!
"Kainis! Kainis! Kainis! Kai-" natigilan ako nung may narinig akong lumabas sa
cr. Langya! May tao pala sa loob?
"Chillax ! Alam ko kung ano ang nararamdaman mo, parehas lang tayo!"
tss. tama kayo, si Bwesit yung lumabas sa cr. Bigla syang umupo sa upuan nya.
Since nasa likod ko sya, nag-side view na lang ako para kahit papaano makaharap
ko sya.
"Listen, may plano ako. Para ito sa ikabubuti ng lahat." sinabi nya yun ng
seryoso. Parang professor lang no?
"Ikabubuti ng lahat?" weird. "Ano un?"
"Well, hindi naman lahat. Tayo lang. Alam kong ayaw na ayaw mo sa katabi mo,
ganon din ako. Kaya kailangan nating kausapin ngayon si Sir John pakiusapan
natin na tayo ulit ang mag-katabi Pagtya-tyagaan na lang kita kesa sa Zea
na yun 'no!" whoa! parehas kami ng nafi-feel ngayon. Pagtya-tyagaan ko na lang
rin sya kesa sa LAN na yun.
"Baka hindi sya pumayag?"
"Papayag yun. Tara!"
Tumayo na sya at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman ako sa kanya. Pagkalabas
na pagkalabas namin sa room, lahat ng babae nagtinginan kay Zander. Ang mokong
naman, may pakaway-kaway pang nalalaman. Ano sya.. ARTISTA??
Zander's POV:
Kaway doon. Kaway dito. Iba na talaga pag-gwapo! Mahangin na ba? Yun naman ang
totoo eh. Lumingon ako sa likod ko. Ang bagal namang maglakad nitong si Samantha
Sinigawan ko nga.."Hoy, bilis-bilisan mo!! Malapit na mag-time at wala pa tayo
nakakalahati sa Faculty Room."
Tiningnan nya lang ako ng masama. Tss. Ang bilis talagang mainis ng babae na to.
Nga pala,Zander po, mga kaibigan! Gwapo, pasaway ~ isa ako sa unang
tumatayo pag nakalabas na ang teacher.. lagi nga akong tinatawag ng mga teacher
na SUROYVISOR eh. Kahit san lang daw ako napupunta sa loob ng classroom kahit
may teacher sa harap.. varsity rin ako ng soccer sa school.. kilalanin nyo na
lang ako sa mga next na updates
Andito na pala kami sa faculty room. Off-limits ang faculty sa mga students kaya
naghintay muna kami ng teacher na lalabas or papasok. 3 minute lang siguro eh
may lumabas na sa faculty at kung suswertihin ka nga naman, si Sir John pa.
"O kayong dalawa, sinong hinahanap nyo?"
"Kayo po." Naks, sabay pa kami.
A/N: LoL , kinikilig ako ?
"Bakit?"
Ayun, ako na ang nag-explain kung ano yung pakay namin kay Sir. Buti na lang at
nasa good mood si Sir kaya pumayag sya. Yes!! Mission accomplished na. Sa totoo
lang, okay na okay naman na katabi si Samantha, iniinis ko lang.. ang sarap
lang inisin. Pero ngayon, parang nafeel ko na nakakapagod din pala. Kaya
magbabago na ako. Siguro iinisin ko sya pero minsan na lang. Kawawa naman si Samantha ehh
Hayy, byebye Zea
SAMANTHA'S POV:
"Hoy! Alis jan, upuan ko na yan ngayon!! Shoo!!" Shoo pagtataboy ni Zander kay Lan
hindi na lang ako umiimik. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na pumayag si
Sir. Thank GOD!!
"Anong upuan mo na ito ngayon?" puzzled na tanong ni Lan
"For your information, FYI!" exxage naman pagkasabi ni Zander nun. "Tinanong namin
si Sir kanina kung pwede bang kami ulit ang mag-katabi at pumayag naman sya.
Kaya alis na!!"
Napapakamot na dinampot na lang ni Lan yung bag nya at lumipat sa tabi ni
Zea. Kawawang Lan, pinagtabuyan lang.
Umupo agad si Zander at humarap sa akin.
"Hi Pan!!" don't tell me Pandak na naman ang itatawag nya sa akin?
"Pwede bang tawagin mo na ako sa pangalan ko? Tinawag mo naman akong Samantha
kanina ah?"
Samantha's POV:
Kinuha ko ang ipod ko sa bag ko at nilagay ang earphones sa dalawang tainga ko.
Whoa!
Now playing ~ SISTAR - HOW DARE YOU
Nice~ sinasabayan ko pa minsan yung pagkanta. Free time naman eh. Absent kasi si
Maam Feng ngayon, nagkasakit kasi ang anak nya kaya binantayan muna nya. Swerte
nga kami at wala syang iniwang seatwork na gagawin, kaya ayahay kami ngayon.
Second to the last subject namin ngayon.
Alam nyo ba kung ano ang eksena sa room? Well, may natutulog, karamihan
nagchi-chismisan.. may mga papel pa na airplanes na lumilipad.. yung iba naman
nagbabasa..
yung bweset? ayun, nakikipaghabulan kay ____- secret
Pero napansin ko lang ha? Hindi na nya ako masyado iniinis.. ano kayang nakain
nya? Para lagi kong ipakain sa kanya. ?
Wala namang importanteng nangyari kanina.. well, except nung inulan ako ng mga
tanong nila best.. kung bakit daw mag-katabi kami ulit blah blah blah. Kaya
ako naman, todo explain. At alam nyo kung ano ang nakuha ko sa pag-explain ko sa
kanila? Niloloko lang naman nila ako na hindi daw namin kayang mahiwalay sa
isa't-isa. Di ko na lang sila pinansin.. buti na lang at kakampi ko nung time na
'yon si Lourane
Nagulat nalang ako kay Zander nung umupo sya bigla sa upuan nya at kinuha ang
earphone ko sa right ear ko at nilagay nya pa sa tainga nya.
"Hayy, napagod ako kakatakbo! Tss. Nakalimutan kong may practice pala kami sa
soccer mamaya, t*****e na naman katawan ko nito." halata mong pagod na pagod
talaga sya. Yan kasi ba! Bigla tuloy akong naawa, kawawa naman ang mga varsity
sa school, hindi na ako nagtataka na lagi silang pinapasalamatan ng aming
principal every general assembly.
"Matulog ka na lang kaya ngayon? Gigisingin nalang kita kapag next period na."
sincere pagkasabi ko nun ah!
Ngumiti lang sya sa akin nun. Ako naman, sa hindi malaman na dahilan eh,
tinitigan ko talaga yung mga mata nya. Whoa!! I think i love his eyes na :))
"You're blushing." naka-grin nyang sabi sa akin. Oh no!
"No, im not." depensa ko naman.
"I think it's cute seeing girls blushing."
Hindi ko alam kong anong sasabihin ko kaya tumahimik na lang ako. Weird~ para
kasing nag-iba yung atmosphere sa aming dalawa.. ah basta! I can't explain it.
"Ugh! Zan- auh bweset pala.. dun ka nga sa desk mo matulog." may sarili naman syang
desk.. bat hindi sya matulog dun? =___=
"Dito na. Ssshhhh! Patulugin mo naman ang seatmate mo, okay?" wala talaga syang
gana nung sinabi yun.. nakapikit pa nga sya eh. Pagod talaga sya :((
Tinitigan ko sya. Gwapo talaga ang mokong. Oo na, inaamin ko na! Pero bakit
parang ngayon ko lang as in na-appreciate??
now playing: Rachelle Ann Go - Pag-ibig na kaya
'di na maalala
pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw,
laging ikaw, laging nakita Ano ba ang nadarama ko tuwing ikaw ay kasama
O______O
>////////////////<
Bakit? Bakit kailangan yun pa yung next na kanta? Kinilabutan tuloy ako. Sa
totoo lang, 'di pa ako naiinlove.. crush lang..
ano kayang pakiramdam na mainlove?
teka? bakit ba yun ang iniisip ko? erase. erase. erase.
Napatingin ako ulit kay Zander na ngayon ay himbing na himbing na sa pagtulog.
Napakapeaceful nyang tingnan. Hindi ko namalayan na naka-smile na pala ako..
Pag-ibig na kaya ito? (pag-ibig na kaya ito)..
Unti-unti kong inangat yung kamay ko at hinawakan ko yung pisngi nya..
ang init..
bigla ko tuloy nahigit yung kamay ko. ano ba 'tong pinaggaga-gawa ko?
Sumandal nalang ako sa chair ko at pumikit. Hihintayin ko na lang na mag-bell..
**
"Seryoso ako Ma! Nakita ko sya kanina sa school nya na may kahoding-hands na
lalaki!!"
"Kuya!!! Ma, nagbibiro lang sya!! Wala akong kaholding-hands kanina!!"
ARRGGHHH!! wala naman talaga eh. As usual, iniinis na naman ako ni Kuya. Mas
malala pa nga to kay Bweset grabe!
"CHAZE tama na. Hindi maganda yang ginagawa mong pagbibiro ha?" binelatan ko
nga I LOVE YOU TALAGA MA!!
Tumawa lang si Kuya. Tss. Sa totoo lang, kahit ganyan yan, mahal ko yan! Lagi
kasi nya akong pinoprotektahan. Kakatapos lang pala namin mag-dinner at
nagpapahinga muna kami sa sala ngayon. Ilang sandali lang, umakyat na ako sa
taas at pumasok sa kwarto ko.
Simple lang naman ang buhay namin. Hindi naman kami mayaman at hindi rin naman
kami mahirap.. katamtaman lang. Kaming dalawa lang ni Kuya ang magkapatid. 2nd
year college na sya, engineering ang course na kinuha nya. Ang parents ko
naman.. sa bangko nagtatrabaho.
Ginawa ko muna yung assignment ko bago nag-online sa sss. Tiningnan ko yung
notifications ko.
Hmm.. may nag-tag sa akin ng picture.. isa rin sa mga kaklase ko..
in-open ko yun..
OMG??
picture naming dalawa ni Bweset kanina.. yung natutulog sya sa desk ko..?
bakit nila kami pinicturan?
whoa? 1K comments?? ?
"ang sweet nila.."
"sila ba?"
"is he courting her?"
"ang cute ni Zander
blah.. blah.. blahh...
"Hindi nya ako nililigawan kaya hindi kami.Natulog lang sya sa desk ko,
yun lang yun. Wag green minded LOL?
Enter! Nag-comment na rin ako.. para naman wala ng iba pang chismis na kumalat.
Mahirap na! Sikat sa school yung Zander na yun eh..
pano kung.. *gulp* awayin ako ng mga nagkakagusto kay Zander
san ko naman nakuha yun? naa-addict na ata ako sa mga koreanovela ??
hindi dapat ako mag-worry, mababait naman ang mga estudyante sa school. hindi
sila yung tulad sa mga palabas na kapag may gusto yung crush nila na lalaki sa
isang girl.. eh aawayin nila yung girl. May mga disiplina at respeto ang
nag-aaral sa school 'no!!
A/N:Wehhh
#ang Sweet may pa tulog tulog pa sa desk
#pag ibig na kaya ito
#LoL