Chapter 3

2263 Words
Chapter 3 Samantha's POV: Nagising ako ng mga 7:00 am. Monday ngayon kaya kailangang maaga ang gising, may pasok pa ako. Ang sakit nga ng ulo ko eh, tapos parang ang init-init ng pakiramdam ko. Oh well, makaligo na nga lang. Whoa. Ang lamig Mga 10 minutes siguro bago ako natapos maligo. Nagpatuyo muna ako bago nagsimulang mag-ayos for school. Kasi kami ni Kuya, 7:20 palang, papunta na kami ng school. Ang pinakaayaw namin ni Kuya is ang malate. Pagkatapos kung mag-ayos, kinuha ko agad yung bag ko at tumakbo pababa, papuntang kusina. Naabutan ko si Kuya na kumakain na. Ang takaw talaga, hindi man lang ako inantay. Si Mama at Papa mga 9 pa yun gigising. "Good Morning Kuya nakasmile kong bati sa kanya. "Ano namang maganda sa umaga Bilisan mo nga at 7:23 na. Ang bagal mo talaga kahit kailan." umiiling pa si Kuya nung sinabi yun. "Kuya naman eh. Umagang-umaga ganyan ka kaagad. Kaya pala hanggang ngayon wala ka pang girlfriend." umupo ako sa harap nya pagkatapos kumuha ng plato. "Aba. Bakit ikaw, may boyfriend ka na ba?nakataas na KILAY na Sambit ni kuya "Wala pa. Pero naman Kuya, highschool pa lang ako. Eh ikaw, college na.. wala pa ring--?" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi binatukan na ako ni Kuya. Tapos na agad syang kumain. "Aray Ang sakit nun auh!" hinimas-himas ko pa yung batok ko. "Hihintayin kita sa sala. Bilisan mong kumain." "Oo na, oo na." Mga 5 minutes siguro, tapos na akong lumamon. Pumunta agad ako sa sala. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo ulit. Napahawak ako sa noo ko. "Uy Okay ka lang Masakit ba ulo mo?" lumapit agad sa akin si Kuya. Tinulungan nya akong umupo sa sofa. "Ayos lang ako, Kuya. Medyo nahihilo." "Namumutla ka nga eh. Ano bang nagyari, okay ka naman kanina ah?" "Siguro, dahil sa pambabatok mo sa akin Kuya." joke ko lang namn yun, kasi hindi ako sanay na umaakto si Kuya na worried sa akin. Nakakapanibago lang. Pero si Kuya, namutla agad. "Y-yun ba ang dahilan Wag kang mag-alala, hindi na kita babatukan pa. Promise." "Promise" napangiti naman ako kay Kuya, hahahha! Dapat pala, sumali ako sa Theater Club sa school. Naks, ang galing ko palang umarte "Ooh, hindi pa ba kayo pupunta sa school" tanong ni Ate peng may dala-dala syang walis. "Paalis na po kami." tumayo na ako nun. "Ate, penge nga ng biogesic o. Masakit ang ulo ni bunso eh.." whoa, Kuya ikaw ba yan "Sandali lang." bumalik agad si Ate dala-dala yung biogesic. Uminom ako agad at umalis na kami ni Kuya. Nung nasa jeep na kami, ang puson ko naman ang sumasakit. Hindi na ako nagpahalata kay Kuya. Mas nauna syang bumaba kesa sa akin. Bago sya bumaba, sinabihan nya ako ng.."ingat ka." Ilang minutes lang din, nasa school na ako. Wala si Zander ngayon. Varsity kasi sya binigyan sila ng free day para magpahinga dahil sa laban last Saturday. Pero, bukas andito na naman sila. Pagpasok ko sa room, ang lamig. Giniginaw ako. "Oh, bakit mukhang ginginaw ka? "Malamig ehh umupo agad ako sa upuan ko. Yung bag ko naman, nilagay ko sa upuan ni Zander Wala naman sya ngayon eh. "Malamig Eh kaka-on palang ng aircon." umupo naman si Princess sa harap ng upuan ko. "Teka, san si Ashii Nag Cebu rin" wala rin si Best ngayon, pumunta sila sa Cebu sila, siguro mga Friday pa ang balik, namatay kasi yung tito nya. "Si Ashii Hindi ata sya makakapasok ngayon, sinamahan nya ang kapatid nyang magpacheck-up. Mamayng hapon nandito na rin yun." "Aahh, so tayong dalawa lang? "Obviously, ayaw mo "Hindi naman sa ayaw. Hindi lang kasi ako sanay na hindi tayo kumpleto." "Hmm, Chels. Pull out nga pala kami sa klase hanggang mamaya uwian. See Wla akong dalang mga libro." Kumunot kaagad yung noo ko. "Bakit?" "May meeting ang yearbook staffs eh. Napakaurgent nga eh." "So it means, ako lang mag-isa. Iniiwan nyo na talaga ako huh? "Don't worry, mamaya andito na si Ashii Nag-pout naman ako kaagad.. "Mamaya pa yun eh." ". Ang cute mo talaga." tapos pinisil nya yung dalwa kong cheeks. Ouch, ang Sakit Nag-chime kaagad. Nagkaroon ng homeroom. And then after nun, babye na si Princess. Nalungkot ako kaagad, andameng wala sa classroom. Hindi ako masyado makaconcentrate sa Physics. Giniginaw talaga ako plus masakit ang ulo ko plus magkakaroon ata ako ngayon? Hindi naman ako makatayo kasi wala na talaga akong lakas. Nung nag-chime for recess, halos lahats a classroom umalis. Great, ako na lang mag-isa sa room. Mga ilang minutes lang, narinig kong bumukas yung door. May pumasok. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa, masyadong masakit ang ulo ko. "Hey." that voice. ZANDER "Z-zan What are ou doing here umupo ako ng maayos. Aba ang loko.. nakaporma at may dalang bulaklak , Ngayon nya pala liligawan si France A/N: ouch "Hinanap kita sa canteen, wala ka. Okay ka lang ba You look pale." "Hindi eh. Ang sakit nga ng ulo ko." "What Anong nangyari, tara sasamahan kita sa clinic." Yun talaga ang gusto kong gawin kanina, ang pumuta sa clinic. Ang kaso, wala akong enough na lakas para tumayo. Tinlungan ako ni Zander tumayo. Ang bango nya ngayon auh. Hindi naman sa mabaho sya dati, laging mabango si Zander.. what I'm trying to say is.. super duper bango nya ngayon. Hmp. Paimpress kay France Teka, teka. Akala ko ba maging masaya ako para sa kanila, makakalimutin na ako. Nung nakatayo na ako, nahalata nya siguro na wala akong lakas. Kaya sinuportahan nya ako, yung isang kamay nya sa waist ko.. siguro kung wala akong sakit kanina pa ako nakangiti na parang ewan. "Woah, ang init mo Sam Bakit ba pumasok ka pa huh pagalit na Bose's na Sabi niya Hindi na ako sumagot pa. Nung papunta na kami sa clinic, lahat ng estudyante nakatingin sa amin. Pagpasok namin sa clinic, tinanong muna ako ni Maam kung anong section ako. Tapos ano raw masakit sa akin. Sinabi ko na masakit yung ulo ko. Pinahiga na ako, at syempre nakaalalay na naman si Jake. Nung nakahiga na ako, hinawakan nya yung noo ko. "Pagaling ka sammy Gusto ko pagpasok ko bukas, magaling ka na." Nakatignin lang ako sa kanya. Ang gwapo talaga ng mokong. "Ahm, gusto mo bang tumawag ako sa bahay nyo ngayon Baka gusto mo kasing mag-stay sa house nyo." Nag-nod kaagad ako."Tsk sam Hindi talaga ako sanay na wala kang energy."hinawakan nya muna yung right cheek ko bago pumunta sa desk ni Maam at tumawag sa bahay. Memorize nya telephone number namin kasi lagi yang tumatawag, nagtatanong kung ano ang assignments. Bumalik din kaagad sya. "Parating daw ang Kuya mo mamaya mga lunch time." Si Kuya Paano Umuwi ba sya ng bahay tatanungin ko na lang sya mamaya. "Hmm, Sammy. Alis muna ako huh Babalik ako mamaya. May sasabihin pa ako kay France ehh Nag-smile ako. Tama, dapat maging masaya ako para sa kanilang dalawa, para nga silang soulmate eh. "Sure, go ahead. Salamat nga pala huh "Okay lang. Sige alis na ako." "Goodluck." Samantha's POV: Pagkaalis nya, hindi ko napigilan at nakatulog ako. Pag-gising ko, may MacDonald na sa mesa ko. Huh, May nakadikit na post it note. Kinuha ko kaagad at binasa: Sam, di na kita ginising pa. Ang himbing ng tulog mo. Kainin mo to huh Para lumakas ka. Pinapasabi nga pala ni France , get well soon. Ang sweet nya 'no Hhahah!! Sige, kitakits bukas huh Bantay lang hindi ka pa magaling bukas. - Zander Hindi ako iiyak, hinding-hindi. Naiyak ko na kagabi lahat-lahat. Nag-smile ako kaagad , MacDonald Kumain kaagad ako. Napansin ko na may apat. Na gamot sa lamesa. Ininom ko yun after kong kumain. Pagtingin ko sa orasan, malapit na mag , 3 Mayamaya, dumating si Kuya. Dla-dala yung bag ko. "Pasensya na, late na ako dumating. May inasikaso pa ako." "Okay lang Kuya. Bakit pala ikaw ang nakasagot sa telephone "Wala kasi yung teacher namin sa 1st sched ehh Tsaka may nakalimutan ako kya bumalik ako sa bahay. Buti na lang at walang pasok ngayong hapon. Okay ka na ba "Medyo." buti na lang at medyo okay na ako. Siguro bukas, okay na ako. "Sa tingin ko, hindi ang pambabatok ko sayo ang dahilan kung bakit may sakit ka. Nagpaulan ka ba kahapon? Lumaki kaagad ang mata ko. "H-hindi auh kina kabahang Sabi ko "Tsk? "Oo na, oo na~ nabasa kasi ako ng ulan kahapon." "Magaling. Anong napala mo sa Pag papaulan "Oummm, sorry naman Kuya." "Tsk tara na nga at ng makauwi ka. Pauwi ata si Mama sa bahay. Ipapacheck up ka nya ngayon." Inalalayan ako ni Kuya makatayo, after naming magpaalam kay Maam umalis na kami. Nung nasa prefect of discipline kami para kumuha ng absent slip, namukhaan ni Sir si Kuya. Dito rin kasi nag-graduate si Kuya. "Hello Sir." "Marco, tama "Ahe, opo. Natatandaan nyo pa pala ako Sir." nakakamot na si Kuya sa batok nya. "Paano naman kita makakalimutan. Lagi kang kumukuha ng slip sa akin dati eh. Nagbago ka na bah? "Hmm, opo." Lihim naman akong tumatawa. Pasaway kasi Kuya. Laging nakarubber shoes yan noon imbes na black shoes. Pasaway. Nagbye na kami kay Sir at umuwi na ng bahay. Nadatnan namin si Mama, agad kaming pumunta sa hospital. Niresetahan lang ako ng gamot, nagmerienda sa Jollibee bago umuwi. Sa tingin ko, okay na ako bukas. Samantha's POV: 2 week na ang nakalipas simula nung nagkasakit ako. At sa 2 week na yun, andameng nangyari. Pero ang pinakanagpagulantang sa lahat ay: MAG-ON NA SILA Zan and France Yeah, buong school nagulantang nung nalaman nilang sila na. Alam ko iniisip nyo, andali namang sinagot ni France si Zander pero bakit naman nya patatagalin pa ang pag-sabi ng kanyang matamis na oo kay Zander kung may gusto naman sya kay Zander diba At ako Well, nagmo-move on, Unti-unti kong tinatanggap na wala talagang pag-asa ang lovestory namin ni Zander. Hanggang bestfriend lang talaga kami. Masaya rin ako kahit papaano kasi nakikita ko kung gaano kasaya si Zander simula nung naging sila ni France Aaminin ko, lagi akong nagseselos pero kine-keep ko lang sa sarili ko, hindi ko na sinasabi kila best, ang alam nila.. okay na sa akin ang lahat. Ayoko na kasing mag-alala pa sila sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi magseselos kung ang boyfirend mo - PERFECT BOYFRIEND. Hindi lang naman ako ang nagseselos France ehh , lahat ata ng babae sa school nagseselos. Si Zander kasi ang pinakasweet, pinakacaring, pinakahot, pinakagwapo.. lahat na lang ng pinaka na positive nasa kanya. Well, ang pangit lang siguro sa kanya ehh PASAWAY sya. At hanggang ngayon lagi pa rin akong kinukulit Ang galing 'noh Pero sanay na ako sa kanya. Nakikisabay na lang ako pati na rin sa barkada nya sa classroom sina Christopher at Chaze Well, ayos lang naman sila sa akin. Pero kay best, hindi sila magkasundo ni Christopher at magkatabi pa sila huh. Ewan ko ba kung bakit hindi magkasundo yung dalawa na yun. Anyways, Fil. nga pala nga namin ngayon, ang kaso.. wala si Maam kaya ang room.. warshock. Pero ako, tahimik lang ako sa upuan ko, at ginagawa yung project sa Mapeh. Sa Monday pa yun ipa-pass pero gusto ko ng tapusin kasi this whole week may practice ang Dance Troupe. Andame kasing nakaline-up na acticities ngayong month. Nung kukunin ko na yung gunting ko, nagtaka ako bakit hindi ko mahiwalay yung hawakan. Langya, may nag-scotch tape ba naman At syempre sino ba naman ang gagawa nito kundi ang pinakamamahal ko na LALAKI Zander" yeah talagang sumigaw ako, natahimik ang buong classroom. Nasa likod kasi sya at makikita mo batay sa hitsura ng mukha niya na katatapos lang nyang tumawa at si Christopher naman, pinipigilan ang sariling tumawa. Ito kasi ang pinakaayaw sa lahat, yung pinakikialaman ako o ang gamit ko lalo na pag busy ako. "Bakit mo ginawa ito sa gunting ko huh? "Eh ahm, kasi trip ko "HAHAHHAHAHAHHAA!!!!!!" wow, what a nice classmates i have. Tama talagang tumawa, hello.. pikon na po ako here. Hindi ko na lang sila pinansin, umupo ako at tinaggal yung mga scotch tape sa gunting ko. "Kainis! Kitang nagmamadali ako ehh? Yung mga classmates ko, pinagpatuloy ulit yung mga ginagawa nila. Hindi ko masyado maalis yung mga scotch tape kasi nga inis na ako. "Uuuyyy, Sammy galit ka sarry na "Uuuyyyy. Akin na nga, tatanggalin ko." kinuha nya sa akin yung gunting. ako naman, hindi lumingon sa kanya. "Sammy, ito na owe. Natanggal ko na yung mga scotch tape. Peace na tau. Niloloko lang naman kita ehh Alam ko mababaw itong pinagtatalunan namin, pero ewan ko ba kung bakit ganito ang mood ko ngayon. Siguro kung okay lang mood ko, naki-pagpeace na ako, ang kaso.. mukhang tinotopak ang mood ko ngayon. "Sammy hinawakan nya na ako sa balikat tapos yung isang kamay niya nilagay nya sa kamay ko para isauli yung gunting. Napabuntung-hininga na lang ako, ano ba to. Ang oa ko, grabe. "Sige na, peace na tau." tumingin ako sa kanya tapos nag-smile. "Yess! Sorry talaga huh Ito namang best friend ko, dapat masanay ka na sa akin." "Ewan ko ba, tinopak na naman ako." tapos inumpog ko yung ulo ko sa desk ko. "Ouch!" hindi ko alam na mapapalakas pala yung magiging bagsak ng ulo ko sa desk ko. A/N:wattttdapakkk hahhaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD