"Hija, magpahinga ka muna. Ako ng bahala rito. Ilang araw ka ng walang maayos na tulog," pukaw sa akin ni Nana Salve.
Blangkong nalipat ang tingin ko sa kanya.
Ito ang ikatlong gabi ng lamay para sa burol ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Maaaring madalas kaming magtalo dahil sa mga magkasalungat na opinyon lalo na pagdating sa mga desisyong may kinalaman sa buhay ko pero hindi ko pa rin hinahangad ang sinapit niya.
Hindi man ako nanggaling sa laman at dugo niya pero ipinaramdam niya pa rin sa akin na isang tunay na anak ang turing niya sa akin. May pagkakamali man siyang nagawa sa akin, sa huli ay humingi siya ng tawad at prinotektahan niya ako. Dahil doon ay naintindihan ko siya. Mahal niya ako. At pareho lamang kami nagnanais ng ikabubuti ni Agatha. Para sa kapatid ko kaya nagbuwis siya ng buhay. Hindi dapat masayang ang naging sakripisyo niya.
"Si Agatha po?" balik tanong ko.
"Nasa silid na niya at nagpapahinga," tugon ni Nana Salve.
"Umiiyak pa rin po ba?" muling tanong ko.
Malungkot na tumango si Nana Salve. Tumayo na ako at nagpaalam na papanhik na ng aking silid. Sa totoo lang, ramdam ko na ang pamimigat ng aking mata dulot ng labis na antok at pagod pero sa tuwing hihiga ako sa aking kama ay hindi ko magawang makatulog. Nananatiling gising ang aking diwa sa buong magdamag.
May mangilan-ngilang nakikiramay akong nakasalubong. Pero sobrang lutang na ng pakiramdam ko na hindi ko sila magawang batiin pa.
Imbes na sa aking silid ay sa kwarto ni Agatha ako dumiretso. Marahan kong binukas ang pinto. Tanging malamlam na ilaw mula sa lampshade ang nagsisilbing liwanag sa loob.
I slowly walk towards her bed, trying my best not to make a sound, afraid that it will wake her up. Mahimbing na itong natutulog. Inayos ko ang pagkakapatong ng kumot sa kalahati ng katawan nito bago ako lumuhod sa gilid ng kama nito.
Sobra akong naawa sa kapatid ko. She is only sixteen, fighting for her life because of a heart disease. Tapos ngayon ay labis na nagluluksa sa pagkawala ni Mama.
Mariin akong napapikit habang inaalala ang araw ng aking kasal.
Blood is scattered all over the skirt of my wedding dress. Maging ang aking mga kamay ay nanlilimahid at nalalagkit dahil sa dugo. Nasa aking kandungan ang walang buhay na katawan ng aking madrasta habang patuloy ang palitan ng pagputok ng mga baril sa paligid. I screamed and screamed so loud to distract myself from the echoing sounds of chaos. I waited until it was over. Pero hindi ko kinaya kung kaya't yumuko ako at tinakpan ng madugong kamay ang magkabilaang tenga. Hanggang sa huminto ang ingay at nagdilim ang paligid. Nagising na lamang ako na nakahiga sa loob ng ambulansiya. Pero imbes na maagpahatid sa ospital ay dumiretso ako sa aming mansiyon. At doon ay naabutan ko ang aking kapatid na iyak ng iyak. Then, I suddenly remember my stepmother's words and the promise I had made. Kaya imbes na intindihan ang sariling sakit ng kalooban ay dinaluhan ko si Agatha sa pag-aalalang baka mapasama ang kalusugan nito. And ever since the wake was held here in our mansion, I have not yet cried or weeped over the death of my stepmother. Pero mas may higit na sakit ang nangingibabaw sa aking dibdib. And I know, this pain will never go away that easy no matter what. Kumawala ang hikbi mula sa akin pero bago pa masundan ay nagpasya na akong lumipat sa aking silid.
More than the pain, remorse is what taking most of my conscience now. At iyon ang isa dahilan kung bakit walang kahit na anong bagay ang makapapawi nito. I do hope that Marcus' path will be more lighter than the dark place I am right now. Dahil kung magkagayon, ang sakit na pinaranas ko sa kanya upang ipagtulakan siya palayo ay hindi mapupunta sa wala.
***
"Nakikiramay ako sa pagkawala ng iyong madrasta. Ayoko sanang gawin ito ngayon pero kailangan. Alam mo namang nasa pagmamay-ari na ng pamilya Leviste ang mansiyong ito pati na rin ang iba 'nyo pang ari-arian. At dahil na rin sa kinasangkutang kaso ni Garett, ang lahat ng pag-aari nila ay naka-freeze, utos na din ng korte. Pasensya na hija, pero wala na akong magagawa pa,"
Nanlumo ako ng marinig ang sinabi ng abogado. Kakalibing pa lang ni Mama at heto na naman ang isang problema.
" Paano na kami ngayon, Nana? Saan na kami pupunta ni Agatha?" di ko napigilang bulalas kay Nana Salve.
Tuluyan ng nawala sa amin ang lahat. Tanging si Nana Salve na lamang ang natitirang dumadamay sa amin. Pero baka siya ay mawala na rin lalo na ngayon na wala na kaming ipampapasweldo sa kanya. Wala na kaming natitirang kamag-anak na maaaring malapitan o pwedeng tirhan. Simula rin nang maudlot ang kasal at magkagulo ay laman na lagi ng usap-usapan ang aming pamilya. I can't help but feel unwelcome in this place. Kulang na lang ay tuwiran na kaming isuka palabas ng aming bayan. Ramdam ko ang pangingilag ng nakararami sa amin na tila ba kami may nakahahawang sakit. And everytime I would caught those judgemental eyes, I can't help but feel small and unwanted.
After all these unpleasant things, Agatha and I need a fresh new start away from here. Pero hindi ko alam kung saan tutungo. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang haharapin sa ngayon. My spirit is so broken and my soul is so lost but my heart needs to go on. Even though its completely shattered. For Agatha, I need to recollect myself and move forward.
"Sumama na lang kayo sa akin, Elora."
Naiiyak na napatitig ako kay Nana Salve.
"Tulad 'nyo ay wala na rin akong ibang kamag-anak. Kayo na ang pamilya ko. Kung papayag ka hija, sumama kayo sa akin sa Maynila. May munting bahay akong naipundar. Malayo sa laki nitong mansyon 'nyo pero sapat para sa ating tatlo."
Tila isang batang paslit na napayakap ako kay Nana Salve. Mabuti pa rin ang kapalaran sa akin. Dahil kahit napakadilim ng buhay ko ngayon at maraming nawala sa akin, may naiwan pa ring tunay na nagmamahal at nag-aalala sa amin ng kapatid ko.
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat saka nginitian.
"Opo, Nana. Sasama po kami sa inyo," tumatangong tugon ko.