Chapter 6

1384 Words
Maaga kaming tumulak upang bumiyahe kinabukasan. Nagsisimula pa lang pumutok ang liwanag ay lulan na kami ng malaking pampasaherong bangka na magdadala sa amin sa Maynila. Isang malaking maleta at isang hand carried bag lamang ang dala naming bagahe. Mga piling kasuotan, mahahalagang dokumento, at kaunting halaga na maari naming magamit sa pagsisimulang muli ang tanging laman ng aming bagahe. Hindi rin naman namin kailangang bitbitin pa ang magagarbo at nagmamahalang gamit sa aming pag-alis. Magiging simple at ordinaryo na ang magiging buhay namin ngayon. All those tailored clothes, branded shoes and fancy bags along with all the luxury item we used to have before don't matter now. Puno ako ng pangamba at pag-aalinlangan kung ano na ang magiging buhay namin ngayon. Pero nilalakasan ko ang loob ko. My sister and I still have each other. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon higit pa sa kahit na anong materyal na bagay. Nilingon ko si Agatha na nakaupo sa aking tabi. Nakahawak siya sa aking braso habang nakasandal ang ulo sa aking balikat. Kanina pa ito tahimik na nakatanaw sa dagat. Bago kami bumiyahe ngayon ay pinasiguro ko sa kanyang doktor ang kaligtasan ng kalusugan nito. Nagpaalala ang doktor sa mga gamot nito, mga bawal at dapat gawin sa tuwing nahihirapan itong huminga. Despite the situation, my greatest worry now is my sister. Wala akong pakialam kung maging malayo sa karangyaang kinasanayan ang pamumuhay namin. Pero pagdating kay Agatha, hindi ko alam. " Ano'ng iniisip mo?" kapagkuwa'y untag ko rito. Itinaas nito ang ulo at iginawi ang tingin sa akin. "Natatakot ako, ate," pag-amin nito. What she just said is visible in her face. " Kahit kelan ay hindi pa ako nakatapak sa ibang lugar. Nasanay din akong nariyan si Mama upang mangalaga sa akin. What if we won't be able to cope up with the new place where moving in? What if my health is triggered and my life would be in danger? Baka maaga akong mamatay at maiwan kitang mag-isa, ate." Natigilan ako. The words of my sister sudddenly hit me. Napakarami kong katanungan pero kahit kailan ay hindi sumagi sa utak ko kung anong nasa isip ng kapatid ko matapos ang mga nangyari. Hearing her talk while telling about her fears is like daggers slowly stabbing in my chest. Siya ang may sakit at maaaring magdelikado ang buhay pero ako pa rin ang iniisip niya. Ako ang ate pero mas ako pa ang inaalala ng nakababatang kapatid. I smiled, trying to hide the trembling of my lips. Inabot ko ang ilang takas niyang buhok na bahagyang nilipad ng hangin. Inipit ko iyon sa likod ng kanyang tenga at hinawakan ang kanyang pisngi. "Huwag kang mag-alala, bunso. Hinding-hindi papayag ang ate na may mangyari sa'yong masama. Gagawin ko ang lahat para mapangalagaan ka. Ibibigay ko ang lahat para maging masaya ka. Pangako, andito ako at poprotektahan kita," matapos ay kinabig ko siya upang yakapin. I meant my words with all of my heart. Until my dying breath, my sister's welfare will always comes first. *** "Matagal ng panahong walang nakatira rito. May kapatid ako at may isang pamangkin pero matagal ng naninirahan sa ibang bansa. Sinubukang paupahan pero di rin naasikaso kaya bakante lang. Halika kayo sa loob," yakag ni Nana Salve. Nauna na silang pumasok ni Agatha. Nanatili akong nakatayo sa harap ng pinto upang magmasid. Isang up and down na bahay na yari sa plywoood may yerong bubong ang bahay ni Nana Salve. Walang bakuran kaya wala ring gate. Malayong-malayo nga ito kumpara sa aming mansiyon. Bukod sa maliit ay nakatayo ito sa isang mataong lugar na animo squatters area. May kainitan na ang araw. Tantiya ko ay malapit ng magtanghalian. May mga taong nakatambay sa tapat ng kanilang mga bahay. May nag-uumpukan sa may kalapit na tindahan at kanina ko pa sila napapansin na nagbubulungan habang panaka-nakang tumitingin sa akin. "Hi be! Ang ganda mo naman! At, wow! hanep sa kinis!" Mula sa pagsuri sa paligid ay nalipat ang tingin ko sa babaeng lumapit sa akin. Nakasuot ito ng maiksing palda yari sa maong at tube na pang-itaas na nagpalabas sa mahubog nitong katawan. May kakapalan ang make up sa mukha kahit na napakaliwanag ng araw. Mahaba ang kulay blonde nitong kinulot na buhok at may naglalakihang pabilog na hikaw sa tenga. Maputi rin ito kaya pansinin. May hawak itong nakasinding sigarilyo sa isang kamay habang ngumunguya ng bubble gum. I don't want to put words on my mouth but the way shes stands makes her look likes a woman with no decency. "Oo na! Masyado akong maganda sa umaga. Hayop kasing kano 'yon! Masyadong sinulit ang bayad sa'kin. Inumaga na tuloy ako ng uwi. Buti nga at nakakalakad pa ako!" What she just said confirmed my thoughts in my mind about her. Napapahiyang tinigil ko ang pagsuyod ng tingin dito. Bagong salta kami dito at hindi ko pa kilala ang mga magiging kapitbahay namin. Kabastusan ang ginagawa kong pangmamata rito. "Bagong lipat ka dito?" pero mukha namang palakaibigan. Tipid akong ngumiti at tinanguan ito. "Ang tipid mo namang sumagot! Ako nga pala si Mila, Miles pag gabi at paboritong iuwi ng mga parokyanong kano sa Club." Medyo naasiwa ako sa paraan ng pagpapakilala nito ngunit tinangaap ko pa rin ang kamay na nilahad nito. "Elora Delavin...Elora na lang," wika ko habang nakikipagkamay rito. "Ang ganda ng pangalan mo bagay na bagay sa beauty mo, pang-artista! Naku! Kung ako lang may gandang kagaya mo, siguradong paldo-paldo ako sa customer." Hindi ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig nito kaya nagpaalam na akong papasok. "Diyan lang bahay ko sa likod! Pag may kailangan ka, be. katok ka lang!" ani pa nito bago tumalikod na rin. Pumasok na ako pero ang loob naman ng bahay ngayon ang sinuri ko. Pagpasok sa sala ay tanaw agad ang maliit na kusina na nahaharangan lamang ng isang television rack na gawa sa kahoy. Tanaw ko rin sa dulo ang maliit na pinto ng banyo at ang hagdan na may iilang baitang patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi kataasan itong bahay kaya mainit ang singaw bukod sa isang lumang bentilador lamang angn nagbubuga ng hangin. May bintana naman pero wala ring gaanong naitulong upang mabawasan ang init sa loob ng bahay. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay. May kisame ang di kataasang bubong pero katulad sa unang palapag ay maalinsangan ang temperatura rito. Binuksan ko ang kaisa-isang pinto na naroon. Tumambad sa akin ang isang hindi kalakihang silid na may katamtamang laki ng katre. Maganda ang kabuuang ayos ng bahay kahit na yari lamang sa kahoy at plywoood. Payak at simple pero kailangang ayusan para mas maging komportable ang paninirahan namin dito alang-alang kay Agatha. Kinabukasan, nagpaalam ako kay Nana Salve upang mamili ng kagamitan dito sa bahay. Nahihiya man at nag-aalangan ay pinuntahan ko si Miles upang magpasama. Hindi ako pwedeng samahan ni Nana Salve at mas lalong hindi pwede si Agatha. Nang sinabi ko rito ang sadya ay mabilis pa sa alas kwatrong nagbihis ito. Namamanghang pinasadahan ko ito ng tingin. Hindi tulad kahapon, isang pares ng fitted jeans at simpleng blusa ang suot nito. Wala ring kahit na anong kolorete sa mukha at alahas. "Pangit talaga ako pag walang make-up be," komento nito ng mapansin ang paninitig ko. Nangingiting nagbawi ako ng tingin. Isang bagay ang napansin ko rito, masiglahin itong kausap. Sa isang kalapit na mall kami nagtungo. Airconditioning unit, kutson para sa kama, sofa, beddings, kurtina at ilang gamit para sa kusina ang pinamili namin. Bumili na rin ako ng dalawang cellphone para pangkomunikasyon. Plano kong maghanap ng trabaho sa mga susunod na araw kaya kakailanganin ko ito. Hindi ko alam kung hanggang saan ang aabutin ng halagang naitabi ko pero iba pa rin kung meron akong mapagkakakitaan lalo na at kailangang matustusan ng maayos ang gamutan ni Agatha. "Kaloka ka be, hindi naman ako nainform na bibilhin pala natin ang buong department store. Eh, di sana nagsama tayo ng magbibitbit para sa'tin," ani Miles habang sakay ng taxi pauwi. Inabot na kami ng hapon sa pamimili. "Andami mong datung! Hasyendera ka ba?" dagdag pa nito. Nanatiling tikom ang aking bibig sa lahat ngn komento at tanong nito. Takot pa akong magkwento sa iba ng tungkol sa sitwasyon naming magkapatid. At saka ko na sasagutin ang mga tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD