Chapter 7

1008 Words
Magdidilim na ng makabalik kami. Mabuti na lamang at may ilang mga kalalakihan na nakatambay pagbaba namin ng taxi kung kaya't may tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili namin. Pero hindi pa man naibababa ang mga pinamili ay napakaripas na ako paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng marinig ang malakas na sigaw ni Nana Salve. "Elora, si Agatha nahihirapang huminga!" natatarantang humingi ako ng saklolo upang agad na maisugod sa ospital ang aking kapatid. "Huwag na ate, ayos lang ako," tanggi nito Agatha. Mataman ko siyang tinitigan. Namumutla at may butil-butil na pawis sa mukha habang pilit niyang kinakalma ang sariling paghinga. "Sigurado ka ba? Magsabi ka ng totoo. Kung nahihirapan kang huminga, ngayon din ay pupunta tayo sa doctor para matignan ka," pamimilit ko. She rolled her eyes on me. May sakit na lahat lahat, nagagawa pang magmaldita. "Okay nga lang ako, ate. Sa init siguro kaya medyo naghyper ventilate ako. Huwag ka ng mag-alala para sa'kin 'te. Salamat sa pagbili mo ng aircon. Mas giginhawa na pakiramdam ko." Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. Iniwan na namin ito sa silid para makapagpahinga. Nagpasalamat ako sa ilang kapitbahay lalo na kay Miles sa ginawang pagtulong ng mga ito. Hindi pa rin ako napakali sa kabila ngn sagot nito. Pero kalaunan ay umayos na din ang paghinga nito. Inaya ko si Miles na dito na sa bahay maghapunan pero tumanggi ito. Aniya, kailangan na niyang umuwi upang makapag-ayos dahil may pasok pa ito ngayong gabi. Nangangati akong tanungin kung ano ba talaga ang trabaho nito. Kaya lang baka masabihan aking usyusera. Sa huli ay tumango na lamang ako at muling nagpasalamat dito. Sinundan ko pa ito ng tingin palabas. "Hija, mukhang malaki ang nagastos mo ngayong araw. Sapat pa ba ang naitatabi mong pera?" tanong sa'kin ni Nana Salve. Nilingon ko siya. " Sa ngayon ay kasya pa po pero baka sa mga susunod na araw ay kulangin na," pag-amin ko. " Plano ko pong maghanap ng trabaho o kahit anong mapapasukan bukas. Kailangan kong kumita para may ipangtustos kay Agatha." At iyon nga ang ginawa ko kinabukasan. Hindi ko na hinintay pang magising si Agatha. Maaga akong umalis. Wala akong karanasan sa kahit na anong trabaho. Nakapagtapos naman ako pero kahit kailan ay hindi ko nagamit ang pinag-aralan. Ayaw akong payagang magtrabaho ni Mama. Para sa kanya hindi na kailangan dahil mas dapat na ang mapapangasawa ko ang magbanat ng buto para sa akin. Kaya nararapat lamang daw na mula sa mayamang pamilya ang piliin ko. Malungkot akong ngumiti. Naalala ko na naman si Marcus. Lagi niyang sinasabi sa akin noon, gagawin niya ang lahat maibigay lamang ang buhay na nararapat sa akin. Pero ako, mas gusto ko ang payak at simpleng pamumuhay basta kasama ko siya. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil sa mga binitawan kong masasakit na salita sa kanya. Nasaktan ko siya. Ang sakit na ipinaranas ko sa kanya ay hindi ko na maari pang mabawi. Malalim akong napabuntong-hininga. Sana lamang talaga ay nasa mabuti siyang kalagayan ngayon. Dahil kahit papaano ay mabawasan noon ang bigat na dinadala ko sa aking konsensiya. " Sigurado ka bang gusto mong mag-apply dito?" tanong sa akin ng may katabaan at may edad ng lalaki na nag-iinterview. Narito ako sa loob ng munting opisina nito. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan na itong interview para sa trabaho. Inabot na ako ng hapon pero kahit isa ay wala man lang nagpakita ng interes na tanggapin ako. Ito nga lang ang umabot sa pangalawang interview. Office clerk ang bakanteng posisyon na meron dito sa opisina nila. Madali lang naman daw ang magiging gawain at matututo rin naman ako kalaunan kaya isinantabi nila ang pagkakaroon ko ng no experience sa trabaho. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Simpleng blusa na may manggas at maong na pantalon ang suot ko, disente at konserbatibo. Pero kanina ko pa ito napapansin na panay ang titig sa akin na tila ako hinuhubaran. Panay rin ang sulyap nito sa aking dibdib. Mabuti na lamang at may ibang tao dito sa loob kung saan niya ako iniinterview. Pakiramdam ko kasi ay binabastos niya ako sa uri ng tinging ibinibigay niya sa akin. " Opo, sir," maikling sagot ko. " Alam mo kasi, hija, masyado kang maganda para sa trabahong iniaalok namin. Hindi naman sa pangit iyon pero ang mga kagaya mong aplikante ay hindi tumatagal sa trabaho. At isa pa, hindi ka nababagay rito. Pero kung gusto mo, may ibang trabaho akong pwedeng ibigay sa'yo." Nagsalubong ang aking kilay. " Ano hong trabaho?" Lakas loob kong tanong kahit na duda ako sa sinasabi nito. "Kunin ko cellphone number mo. Para tawagan na lang kita at mapag-usapan natin kung magkano," napaatras ako sa sinabi nito. Maaring inosente at ignorante ako sa mga kalakaran dito sa siyudad. Pero hindi ako mangmang sa nais ipakahulugan ng kaharap. Dismayadong tumayo na ako. "Oh, sandali! Ayaw mo na ng trabaho? Sayang, willing pa naman akong magbayad ng malaki," hinawakan niya ako sa braso upang pigilan sa tangkang pag-alis. Malakas na piksi ang ginawa ko. "Hindi na lang ho. Sa iba na lang ako mag-aapply," sagot ko sabay talikod. " Kunwari pa! Mga babaeng may ganyang mukha ay hindi talaga trabaho hanap. Mahuhuthutan!" pahabol ng lalaki. I gritted my teeth and clenched my fist. Gusto kong bawiin niya ang insultong binitawan pero magsasayang lamang ako ng oras. Pabalibag kong isinara ang pinto paglabas ko. Napahinto ako ng matapat sa salaming ding ding ng gusali. I look intently at my reflection. Marami ang nagsasabi kung gaano kaganda ang aking mukha. Ang kainosentihang taglay ng aking ganda ay kalimitang kinaiinggitan at kinahuhumalingan. Pero habang tumatagal, pakiramdam ko ay nagiging sumpa ito sa akin. Hindi ko naman kasalanang mabiyayaan ng ganitong wangis pero bakit imbes na pagpapala ay kamalasan ang nagiging hatid nito? But I don't want to be just another pretty face like everyone else is assuming about me. Magkakaroon din ng silbi ang magandang mukha na ito. At sa paraan na malayo sa ibinibintang ng iba sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD