Chapter 8

1178 Words
Bigo akong umuwi. Halos mapudpod na ang swelas ng suot kong sandals kakalakad pero hindi man lang ako pinaburan ng kapalaran na makahanap ng mapapasukang trabaho. Madilim na ng bumaba ako ng jeep. "O, Elora! Sa'n ka galing?" si Miles ng makasalubong ko. Huminto ako sa paglakad at nginitian ito. " Naghanap kasi ako ng pwedeng maging trabaho," ani ko. " May nahanap ka naman ba?" Matamlay akong umiling. " Wala eh. Pero susubok ulit ako. Baka bukas, may mahanap na ako. Eh, ikaw?" Tulad ng una kong kita kay Miles, ngayon ay posturang-postura ito. Makapal ang make-up at ubod tipid sa tela ang suot na damit. " May booking ako ngayon. Hinihintay ko lang sundo ko," sagot nito. Mamaya ay may bumusinang isang pulang kotse sa tapat namin. Bumaba ang salamin ng bintana sa driver's side at sumilip mula roon ang nagmamaneho ng kotse. Kinawayan ito ni Miles kaya nagpaaalam na ito sa akin. Nanatili akong nakamasid habang naglalakad ito palapit sa kotse. Dahil nakababa ang salaming bintana ay kitang-kita ko ng yapusin ng lalaki si Miles. Naghalikan ang dalawa. Matapos ay saka pa lamang umandar ang kotse. Binabalot pa rin ako ng pagtataka kung anong hanapbuhay mayroon si Miles na hindi ko na dapat pang intindihin. Napakarami ko ng iniisip para idagdag pa iyon. " Magandang gabi po, Nana," bati ko ng mabungaran si Nana Salve pagbukas ko ng pinto ngn bahay. Nagtsa-tsaa ito habaang nanonood ng palabas sa telebisyon. Naupo ako sa tabi nito at minasahe ko ang pagod na mga binti. "Si Agatha po?" tanong ko. " Kanina pa natutulog." Ibinaba nito ang hawak na tasa bago ako muling binalingan. "Kamusta ang lakad mo hija?" Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ko ito sinagot. " Hindi po ako sinwerte kaya susubok po ulit ako bukas." Iyon nga ang ginawa ko. Walang sawa kong inikot ang kalakhan ng siyudad sa paghahanap ng mapapasukan. Pero gaya ng mga nauna, kung hindi kakulangan sa eksperihensiya ay nauuwi sa pambabastos ang pag-aapply ko. May iba naman na wala talagang bakante o di kaya ay minamata ang magiging kakayahan ko bilang manggagawa. Alam ko namang napakalaki ng populasyon at maraming tulad ko ang nangangailangan ng trabaho pero dapat hindi ako tumigil hangga't walang napapasukan. Pagod akong naupo sa sementadong upuan sa daan. Papalubog na ang araw. Indikasyong sasapit na naman ang gabi at isang numero sa petsa ng kalendaryo na naman ang mababawas. Halos isang linggo na pero wala pa rin akong trabaho. Inilabas ko ang wallet mula sa aking bag. Iilang pirasong taglilimandaang salaping papel na lamang ang laman nito. Kung may mapapasukan na ako ay sasapat pa ito hanggang sa makatanggap ako ng unang sweldo. Kahit mahirap ay kailangan ko itong pagkasyahin. Paubos na rin ang gamot ni Agatha kaya kailangang kumita na talaga ako. Isinilid kong muli ang aking pitaka sa bag. Akmang isusukbit ko na ito sa aking balikat ng biglang may dumaang magka-angkas sa motor. Hinablot ang bag ko. Gulantang na natulala ako ng ilang segundo bago rumehistro sa utak ko na ninanakawan na ako. "Hoy! Snatcher! Saklolo! Magnanakaw!" nagsisisigaw na palahaw ko sa gitna ng kalsada. I looked around but no police is in sight. Sinubukan kong habulin ang mga snatcher pero dahil nakamotorsiklo ang mga ito ay walang nagawa ang pagtakbo ko. Natalisod ako at muntik pang mapasubsob nang biglang mapigtas ang dahon ng sandalyas kong suot. Mabuti na lamang at napahawak ako sa kasalubong na tao kaya hindi ako tuluyang natumba. Hinihingal na napaupo ako. Frustrated, I tried to suppressed myself from crying in the midst of the busy streets. Ramdam ko ang init ng tingin ng bawat madlang dumaraan. Pero lahat sila ay tanging tinging puno ng awa ang ibinibigay. Wala man lang kahit isa ang nagtangkang tulungan ko. Hinubad ko ang nasirang sapin sa paa. Mukhang hindi na ito maaayos pa. I look up and the dark cloudy sky greeted me. Mukhang uulan pa. Paano na ngayon Elora? Ano nang gagawin mo? I suck up all the lumps on my throat before I got up on my feet. Kinapkapan ko ang bulsa ng suot kong pantalon pero wala kahit isang kusing. Ikinurap ko ang aking mata upang itaboy ang panlalabo ng paningin dulot ng nagbabadyang luha.Wala akong ibang choice kung di ang maglakad pauwi. Tinignan ko ang daang tatahakin. Malayo-layo ang lalakarin ko at hindi ako makakarating kung hindi ko pa uumpisahan ang humakbang. Bitbit ang sandalyas na naglakad ako. Pinagtitingan ako dahil naglalakad ako ng nakayapak pero higit pa sa kahihiyan at awa, mas ramdam ko ang bigat sa aking dibdib. Bakit nga ba ako nahihirapang ganito? Bakit ko pinagdadaanan ang ganito? Mapait akong ngumiti. Walang sasagot kahit na bumuo pa ako ng sandamakmak na tanong sa isipan. Pinagmasdan ko ang bawat mukhang aking makasalubong. Then my eyes drifted towards the sides of the streets. May mga batang namamalimos, matandang ale na nag-aalok ng sampagita sa bawat humihintong sasakyan at mamang nakasaklay habang may kinakalawang na lata na hawak sa kamay na iniuumang sa bawat dumaraan. All of them trying a way to eaarn for a living, Siguro, sadyang ang bawat isa ay may mabigat na problemang pinapasan. Ako? Siguro ito talaga ang kapalaran ko. I close my eyes and think of why do I have to go through this path. Then I realized something. Tulad ng mga taong ito sa paligid, nabubuhay ako ngayon hindi lang para sa sarili ko. Kailangan kong pagdaan ang ganito dahil may isang taong umaasa sa akin. At hindi ako dapat na sumuko o kahit na panghinaan ng loob. Saglit akong huminto. Pinadaan ko ang aking braso sa noo at leeg upang palisin ang tagaktak ng mga namuong butil ng pawis. Now I am standing infront of a tall building. Ipagpapatuloy ko na sanang muli ang paglakad ng matigilan ako. Isang pamilyar na bulto sa di kalayuan ang nakaagaw sa aking pansin. It was a man dressed in a three-piece all black business suit with his hair in a brush up style. Biglang kumalabog ang aking dibdib. Mula sa kinatatayuan ko ay hindi ko maaninag ng husto ang mukha nito. Dahil bukod sa patagilid ay nakataas ang isang kamay nito dahil may kausap sa cellphone. Pero ewan ko ba, alam kong imposible pero tila pamilyar sa aking puso ang tinitignan. "Marcus..."mahinang sambit ko. I shook my head. Imposibleng siya iyon. Maaring sa pangagatawan at tindig ay pareho sila pero malabong siya iyon. I continue on my steps. Siguro inuusig ako ng konsensiya ko dahil sa ginawa ko kay Marcus. Maybe what I am going through right now is sending a trigger to my brain that I suddenly thought it was him. Dahil may isang parte ng utak ko ang nagsasabi na sana nga ay siya na lang iyon. Mas gusto ko nang malamang nasa maayos siyang kinalalagyan para kahit paano ay mapanatag ang loob ko sa ginawa kong pananakit sa kanya. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Namimisss na kita, Marcus. Kailan kaya tayo ulit mgkikita? Mabigyan pa kaya ng pagkakataon? At kung sakali man, tanggapin mo pa kaya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD