"Oh, Elora! Ikaw pala bhe. Halika, pasok ka."
Nahihiyang tumalima ako.
"Ano'ng atin?" tanong sa akin ni Miles.
Nakayukong napakamot ako sa pisngi ko.
"Manghihiram sana ako ng pera sa'yo. Naubusan na kasi ng gamot si Agatha, kailangan ko ng makabili. Ibabalik ko kapag nagkapera na ako," wala na akong ibang malapitan at wala rin naman akong kakilala rito sa lugar namin kaya napilitan akong puntahan si Miles para makahiram ng pera. Gipit na ako kaya kinakapalan ko na ang mukha ko kahit walang kasiguraduhan kung kailan ko siya mababayaran. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong nakukuhang mapagkakakitaan.
Umakyat si Miles sa kwarto nito. Pagbalik ay agad na iniipit nito sa aking palad ang lilibuhing salaping pera. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang halaga nito.
"Naku, Miles! Sobra-sobra na ito," ani ko habang pilit na ibinabalik ang pera dito na siya namang tinanggihan nito.
" Haynaku, 'be! Kunin mo na. Isipin mo na lang na balato ko 'yan sa'yo. Malaki-laki kinita ko kagabi at galante naging costumer ko," ani Miles. Naglakad ito patungo sa harap ng maliit nitong ref at naglabas ng sang pitsel ng juice. Nagsalin ito sa dalawang baso bago bumalik sa harap ko. Inilapag niya ito sa center table bago nakade-kwatroong naupo sa tabi ko.
"Nakakahiya naman sa'yo, Miles. Alam kong pinaghirapan mo rin 'tong pera," muling tanggi ko.
"Sus! Wala 'yan! Madali lang 'yang kitain do'n sa pinapasukan ko," tumayo ito at kumembot-kembot sa harap ko habang pinaparaan ang mga kamay sa dibdib nito pababa sa tiyan. "Konting giling-giling lang instant datung na!" ani pa nito na sinundan ng pagtawa.
Naaasiwa ako pero natawa na rin ako habang pinagmamasdan ito sa pagsayaw na akala mo may malakas na tugtog na naririnig.
"Teka lang! Paano mo pala ako babayaran? May trabaho ka na ba?"
Napasimangot ako, " Wala pa nga."
Malapit nang maubos ang pag-asa ko na may tatanggap pa sa aking kompanya o kahit na anong establisyimentong mapapasukan.
" Hiring sa club, gusto mo ba?"napadiretso ako ng upo at salubong ang kilay na pinukol ko ng nagigimbal na tingin ang kausap.
Malakas na tumawa si Miles.
"Loka! Hindi gaya ng nasa isip mo ang iniaalok ko. Waitress o dishwasher, 'yan ang bakante ngayon sa club."
'Tsaka lamang ako narelax sa kinauupuan sa narinig.
" Mamaya sumama ka sa'kin. Ipapakilala kita kay Mama Sang."
Sabay kaming umalis kinagabihan ni Miles. Sa entrance sa likod na bahagi kami dumaan papasok ng club. Konektado iyon sa dirty kitchen. Ramdam ko ang sumusunod na tingin sa akin ng mga taong nadaraanan namin. Nahihiyang nagyuko ako ng ulo habang humahakbang.
"Siya ba 'yong sinasabi mo, Miles?" ani ng babaeng kaharap ko. Sa tantiya ko ay mukhang nasa lampas kwarenta na ang edad nito. Pero tulad ni Miles ay kuntodo make-up ito at hapit na hapit ang suot. Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakapameywang sa harap ko.
"Aba! Hindi pwedeng maging tagahugas lang 'to ng pinggan. Masyadong maganda!" anito kay Miles. Iminuwestra nito sa daliri na umikot ako. Nag-aalinlangan pero sumunod ako.
" Dancer o entertainer, 'yon lang pwede kong ibigay na trabaho sa'yo."
Nagpapasaklolong tumingin ako kay Miles.
" Pero Mama Sang, dishwasher ang gusto niya!"
Nagtaas ng kamay si Mama Sang at sinenyasan si Miles na manahimik.
" Kung ayaw niya sa inaalok ko, makakaalis na siya. Pasalamat ka na lang, ako ang kaharap mo ngayon at hindi si Zorayda. Baka gawin pa 'tong escort kahit ayaw."
Pinalabas muna ako ni Miles upang sarilinang makausap si Mama Sang.
Balisa akong naghintay sa labas ng dressing room. Magkadaop ang sariling palad na tahimik akong nadasal na sana ay magbago ang isip ni Mama Sang para sa akin.
Paroo't parito ako sa harap ng nakapinid na pinto ng mapukaw ang atensiyon ko ng malalakas na hiyawan.
Kuryosong sinundan ko ito hanggang sa humantong ako sa harap ng nakatabing na makapal na kurtina. Bahagya ko itong inawang upang sumilip.
Sunod-sunod akong napalunok sa nakita.
A woman is dancing up on a stage, almost naked. May kalandian ang bawat paggalaw ng maganda nitong katawan na sumasabay sa senswal na tugtog ng musika. She is gracefully moving her hips while only wearing a provocative lingeree.
" Take it off!"
Nalipat ang tingin ko sa manonood ng sumigaw ang isa sa mga miron. Isang may katandaang lalaki na tumayo pa sabay bato ng isang kumpol ng pera. Kumalat ang tag-iisang libong salaping papel. At tila hudyat iyon dahil mas pinag-igi ng mananayaw ang paggiling habang unti-unting hinuhubad ang suot.
Nagpalakpakan, naghiwayan at sumipol pa ang mga miron na pawang kalalakihan ng tanging makitid na bra at panty na lamang ang saplot ng sumasayaw na halos wala na ring maitago.
" Go topless!"
" Take it all off!"
Lalong nagwala ang mga nasa audience. Sunod-sunod ang mga naghagis ng kumpol-kumpol na pera na animo walang halaga ang mga ito. At sa bawat salaping papel na bumabagsak sa entablado ay mas lalong naging maharot at mapang-akit ang galaw ng babae. Hanggang sa tuluyan nitong hinubad ang kapirasong telang tumatabing sa mayaman nitong dibdib.
Kinabig ko pasara ang kurtina at napaatras ng hakbang. May palagay akong hindi roon matatapos ang paghuhubad ng dancer sa stage at hindi ko na kaya pang masaksihan ang anumang kalaswaang maaring sumunod na maganap.
Tumatahip ang dibdib na bumalik ako sa tapat ng dressing room. Sakto namang lumabas si Miles.
"Elora-" ani Miles.
"Uuwi na ako!" sansala ko at dire-diretso sa paghakbang.
Miles tried to stop me on my tracks and calls me repeatedly.
"Sandali, Elora! Ano ba?" naabutan niya ako at hinaklit sa braso.
"Hindi na ako interesado, ayoko na!" umiiling-iling na sagot ko.
"Teka nga! Alam kong hindi ang pagiging dancer, entertainer o maaring hostess dito sa club ang naging usapan natin na magiging trabaho mo. Sinubukan kong ipaliwanag kay Mama Sang pero wala siyang ibang maiaalok kundi 'yon lang," paliwanag nito.
" Hindi na lang kung gano'n. salamat pero hindi ko matatanggap. Hindi ako magpapakababa para maging isang bayarang babae para lamang gawing pantanggal init sa tawag na laman," nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mata ni Miles dahil sa sinabi ko. 'Tsaka ko lamang napagtanto ang kahulugan ng aking sinabi at ang naging dating nito.
"S-sorry," hinging dispensa ko. " Wala akong ibig sabihin."
Miles shook her head. Hilaw itong tumawa.
" Okay lang. Sanay na akong matawag ng ganyan. Pero, uy! Teka lang! Hindi porke ganito ang trabaho ko ay maruming babae na ako. Bakit? Akala mo ba masaya ako sa tuwing ginagamit ng kung sino-sino? Gusto kitang tulungan dahil nakikita ko ang sarili ko sa'yo. At tulad ko, alam kong kailangan mong kumita para sa kapatid mo. Pero pasensya na, ha? 'Eto lang kasi ang paraang alam ko," may halong sarkastiko ang kanyang tono. " Ngayon, kung ayaw mo ng tulong ko, bahala ka! Kahit ganito ako kababa, marunong pa rin akong magmalasakit. Goodluck na lang sa paghahanap mo ng trabaho."
Padabog na nangmartsa palayo si Miles. Habang ako, naiwang nagsisisi at nahihiya sa nangyari.