"Ikaw, mabagal! Ikaw, sayang bayad ko sa'yo! Ikaw, bilis galaw!" Nakapameywang na nagmamando si Mrs. Chua habang nakatayo sa gilid ko. Hindi ako magkandaugaga sa pagkuskos ng bawat babasaging pinggan na hinuhugasan ko.
Sinusubukan kong bilisan pero hindi ko magawa dahil sa pag-iingat na makabasag ako. Balita ko pa naman ay sobra kung kumaltas sa tuwing may masisira o mababasag na gamit dito sa restaurant.
Asawa si Mrs. Chua ng may-ari nitong restaurant na napasukan ko. Simula ng tagpong iyon sa club ay sinikap kong maghanap pa rin ng mapapasukan. Ayokong umabot sa puntong maghuhubad ako para lamang mag-uwi ng pera. At dito nga sa Chinese Restaurant na ito ako natanggap. Maliit ang pasahod pero pwede ng pagtiyagaan.
Ngunit umpisa pa lang ng pamamasukan ko dito ay napakainit na ng dugo sa akin ni Mrs. Chua. Panay rin ang sulyap sa akin ng asawa nito kaya iniisip kong baka iyon ang dahilan. Hindi ko na lamang pinapansin dahil baka mali ako ng iniisip. Kailangan kong kumita kaya kahit kulang na lang ay sabunin ako ng ginang sa tuwing naiinis ito ay hinahayaan ko na lang. Pero kung minsan ay hindi ko maiwasang mailang sa tuwing nilalapitan ako ni Mr. Chua. Pasimple itong humahawak at napakalagkit kung tumitig. Nakakaasiwa.
Ang buong walong oras na pasok ko dito sa restaurant na kung minsan ay lumalampas pa ay ginugugol ko sa paghuhugas ng mga pinggan at kung ano-ano pang samu't saring pinagkainan. Nangangalay man sa matagal na pagtayo at nangungulubot man ang kamay dahil sa pagkababad sa tubig ay ayos lang. Sa malinis at marangal na paraan ako kumikita. Miles and I haven't talk to each other since that night. Pero kung sakali ay hihingi ulit ako ng paumanhin dito. Mali ako sa ginawang pagsasaboses ng panghuhusga rito kahit hindi ko naman talaga alam ang tunay na kwento ng buhay nito. Siya lang ang itinuturing kong kaibigan sa ngayon at mas gusto ko pa ring magkaayos kami.
" Oh, Elora! Hindi ka pa ba uuwi? Closing na, ah! Opening shift ka pa nandito," puna sa'kin ng isa sa mga kasamahan.
Nag-angat ako ng tingin at tipid na ngumiti. "Tapusin ko lang 'to," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagpupunas nng mga plato.
" Okay, sige. Una na ako, ingat ka pag-uwi."
Muli akong ngumiti.
" Salamat. Ingat ka din."
Nakapatay na ang karamihan sa mga ilaw. Tanging isang ilaw dito sa kusina at sa cashier area ang bukas. Nagsipag-uwi na ang lahat. Ako at ang gwardiya na lamang ang natitira dito sa baba. Ewan ko lang kung may tao pa sa opisina sa taas.
Nag-inat ako ng likod bago binuhat ang pinagpatong-patong na mga natuyong pinggan. Akmang ilalapag ko na ito sa may pantry area ng maramdaman ko ang paghaplos sa balikat ko pababa sa aking braso. Gulat man ay ipinagpasalamat ko na hindi ko nabitawan ang hawak. Wala akong suswelduhin nito pag nagkataon. Kalmadong inilapag ko ang dala-dala sa pakay na lalagyan bago nilingon ang kung sinumang walanghiyang humawak sa akin.
"Sir, kayo po pala. May kailangan ho kayo?" patay-malisyang tanong ko ng malingunan si Mr. Chua na nakatayo malapit sa akin. Sobrang lapit niya na naghahatid ng kilabot ang presensya nito sa akin. His eyes darted on me with a malicious look. Kinakabahan, umakto akong normal at hindi naapektuhan sa ikinikilos nito.
Pero imbes na magsalita ay bigla ako nitong sinunggaban at niyakap.
"Sir! Sandali lang po! Ano pong ginagawa 'nyo?" hintakot na bigkas ko habang pinipilit kumawala sa yapos nito.
" Ikaw, 'wag na palag! Ako gigil sa'yo! Ako pagbigyan mo! Gawin kitang kabit ko. Basta ikaw tabi aking kama. Bigay ko sa'yo dami pera. Basta ikaw payag maging babae ko."
" Ayoko! Sa'yo na pera mo!" sigaw ko sabay tinuhod ko ito. Napaaray ito sa sakit pero mukhang hindi ko napuruhan dahil agad itong nakabawi at nahablot ako sa beywang.
"Ikaw 'wag na tanggi! Ikaw bahay ko, ako bigay yaman sa'yo!"hinihingal na sambit nito sa gilid ng tainga ko.
Nagpapasag ako hanggang sa makawala sa pagkakahawak nito. Ngunit nasagi ng kamay ko ang pinagpatong-patong na mga plato. Malakas na ingay ang nalikha ng magsibagsakan ito sa sahig. Agad kong pinulot ang isang malaking tipak at itinutok kay Mr.Chua.
" Sige, subukan mo!" nagbabantang sigaw ko. My hand is shaking but I tried so hard to aim the pointed glass between my palm to make it look like I am not in fear. Napakahigpit nang hawak ko na hindi ko na alintana kung masugatan man ako sa matalim ng bubog ng hawak ko.
Napaatras ito habang nakataas ang dalawang kamay. Sinamantala ko iyon. Dinampot ko ang aking bag at nagmamadaling lumabas. Nagtataka man ang gwardiya sa narinig at nakitang ayos ko ay hindi na ako nito pinigilan pa sa paglabas.
Mangiyak-ngiyak na pumara ako ng taxi. Pagkasakay ay sinabi ko agad ang destinasyong patutunguhan kung saan ako bababa. Nang umandar ang sasakyan ay doon ko lamang pinawalan ang naipong hangin sa baga. I could even feel my body trembling uncontrollably because of what had just happened.
Naramdaman ko ang pagkirot ng aking palad. Hinahabol ang hiningang tinignan ko ito. Isang pahabang sugat na marahil ay dulot ng paghawak ko sa nabasag na bahagi ng pinggan. Nang makita ang umaagos na pulang likido ay doon lamang ako tila nahismasan. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ng aking bag at agad itinali rito.
Matapos ay napapikit ako at napasandal sa inuupuan. Tears suddenly streamed down my cheeks.
Something terrible happened to me. Again. At dahil sa nangyari ay pihadong hindi na ako makababalik pa roon sa restaurant. Paano na ang gagawin ko? Maghahanap na naman ako ng mapapasukan? Wala na akong hawak na pera. Nahihiya na rin ako kay Nana Salve. Siya na nga ang nag-aalaga kay Agatha ay siya pa ang gumagastos ngayon sa bahay.
Napahikbi ako at napasinghot. Alam kong panaka-naka akong tinitigan ng drayber dahil sa pag-iyak ko. Pero wala akong pakialam. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip at nagsisikip na ang aking dibdib dahil sa bigat na dinadala.
Mayroon pa naman siguro akong makukuhang trabaho. Pero paano kung maulit na naman 'yong nangyari kanina?
I sighed helplessly. Kung bakit naman kasi palagi na lang may gustong magsamantala sa akin? Na parang iisa ang tingin ng lahat ng lalaki sa akin. A symbol of their s****l fantasy. Pauli-ulit na lang. I want to do good and be decent.
After my stepmother died, all I want is for me and my sister to have a normal life. Having hardships and facing difficulties but surviving. Ngunit sa kasawiang palad, napakahirap ng sitwasyon kaya nagmumukhang imposibleng mangyari. My beauty always attracts bad things to come over my life.
Pero teka, hahayaan ko na lang bang maging ganito ang takbo ng buhay ko?
An idea suddenly popped in my mind. I say I will never do it. Hindi ko masisimukmura. I cried more silently. Nang maiiyak ang bigat na nadarama ay pinunasan ko ang aking basang pisngi.
Kinalabit ko ang drayber at binanggit ang address ng club.
Sana lang ay tama ako sa desisyong gagawin.