"Calliope, tulungan mo 'ko dito, dali!" Napalingon si Akheezsha sa kinaroroonan ni Honey, dahil sa pagtawag ng babae sa kanya. Nagtaka pa siya kung anong ginagawa ni Honey sa loob ng wardrobe. Nakaupo ito at tila may pilit na hinihila. Kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ng may-ari ng building na kanilang pinasok. Magkarugtong ang opisina at bedroom, kaya nang halughugin nila ang loob ng kuwarto ay nakita ni Honey ang kakaibang handle na nasa loob ng wardrobe. Nang gamitan niya ng infrared scanner ang kahon ay may na-detect itong mga magnetic seal na matched sa mga nilalagay sa papel na pera. "Ano bang ginagawa mo d'yan!? Tara na sa labas, baka umalis na ang mga kasama natin at maiwan tayo sa liblib na lugar na ito." tugon ni Akheezsha. "May secret box dito sa likod ng mga damit

