ISANG BUWAN na lang ay graduate na kami sa 90 days Advance Training Program. Kahit madalas kaming napapagalitan ng aming mga Superior ay nanatili pa rin ang mataas naming points at grade para makapasa at maging tunay na Secret Agent ng ORBIT Intelligence Group. Ngayong araw ay magsisimula na kaming mag-aral kung paano magpalipad ng helicopter, at Seaplane. Optional lang naman ito. Para lang sa may gusto at willing matuto. Tatlo lang kami nina Aziah, at Honey ang nag-registered sa group ng mga babae. Tatlo din sa groupo ng mga lalaki, kabilang sina Kuya Primo, Kuya Santi, at Kuya Borge. Pero sina Kuya Santi at Kuya Borge ay pinadala sa Villamor Air Base, para mag-training bilang Fighter Jet Pilot. Silang dalawa ang kauna-unahang Fighter Jet Pilot ng ORBIT. Bata pa si Kuya Santi ay pangar

