"Congratulations sa inyo mga kapatid! Mamimiss namin kayo." sambit ni Haenna sa amin, habang yakap niya kami nina Aziah at Jhona. Ngayon ang graduation namin. Isa na kaming ganap na Secret Agent ng ORBIT Intelligence Group. Pagkatapos ng graduation ceremony namin mamaya ay babalik na kami sa Maynila, para harapin ang realidad. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mapaluha. Ang bigat ng dibdib ko habang nakikita ko ang mga kasama namin na malungkot at umiiyak. "Babalik naman kami dito, kaya magkikita pa rin tayong lahat. Magkakaroon kami ng rotation sa pagpunta dito para i-train ang mga bagong cadets." sambit ko, para kahit paano'y gumaan ang loob nilang anim. "Pero iba pa rin ang nandito kayo at nakakasama namin sa gabi bago matulog." saad ni Jerlyn. Pulang-pula na ang ilong n

