MAKULIMLIM ang kalangitan, at madilim ang paligid tanda ng nagbabadyang malakas na pagbuhos ng ulan. Malakas din ang bugso ng hangin. Tinatangay nito ang mahaba kong buhok, habang nakatayo ako sa harapan ng puntod ni Mommy.
NASA ilalim na ng hukay ang kabaong ni Mommy, pero hindi pa rin kami umaalis ni Daddy dito sa tabi niya. Ang hirap tanggapin na sa isang iglap ay nawala sa amin si Mommy. Ang lalong nagpapahirap sa akin ay ang sanhi ng pagkam@tay niya.
Hindi ko kayang isipin na dahil sa pagmamadali niyang pumunta sa university, para mapanuod ako sa aking pagtatapos ay siya rin dahilan ng pagkaka aksidente niya.
"Papang, tayo na po! Parating na ang malakas na ulan." narinig kong pagtawag ni Kuya Santi kay Daddy.
Lumapit din siya sa kinatatayuhan namin ni Daddy at binigyan kami ng payong. Sunod-sunod na rin ang malalaking patak ng ulan na tumatama sa balat ko. Malamig din ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Niyakap ko ang aking sarili, para kahit papaano'y maibsan ang lamig na nararamdaman ko.
"Bridge, halika na anak, umuwi na tayo. Baka abutan tayo ng malakas na ulan dito sa memorial park." sabi sa akin ni Daddy. Inakbayan niya ako at pilit na inilayo sa harapan ng puntod ni Mommy.
"Mommy!..." pagtawag ko kay Mommy, habang papalayo kami ni Daddy sa himlayan niya. Gusto kong lingunin ang puntod niya, pero mabilis akong pinigilan ni Daddy. Kung maari ay hindi ko talaga iiwan ang Mommy ko. Mahal na mahal ko si Mommy. Hindi lang siya isang ina sa akin, dahil siya rin ang bestfriend ko.
"Anak, h'wag kang lilingon! Masama daw ang lumingon, kapag nakatalikod kana. Hindi matatahimik ang kaluluwa ng Mommy mo." sabi sa akin ni Daddy. Hinawakan din niya ang ulo ko, para hindi na ako muling lumingon sa pinanggalingan namin.
Mabibigat ang bawat paghakbang ko, dahil labag sa loob kong iwan si Mommy. Bumuhos na rin ang malakas na ulan bago pa kami makarating sa sasakyan.
Patakbong binuksan ni Kuya Santi ang pintuan ng kotse, para makapasok agad kami. Basang basa na rin ang sapatos ko, dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nauna akong umupo sa loob, saka naman pumasok si Daddy at umupo sa tabi ko. Si Kuya naman ay umupo sa tabi ng driver.
Kahit nasa malayong lugar naka distino si Kuya Santi ay gumawa pa rin siya ng paraan para makarating dito sa amin. Half brother ko si Kuya Santi. Kapatid ko siya sa ama. Pangalawang anak siya ni Daddy sa una nitong asawa na taga Manila. Tatlong magkakapatid sina Kuya Santi. Si Kuya Primo ang panganay, sumunod naman si Kuya Santi. Silang dalawa lang ang kilala ko, dahil kinuha sila noon ni Daddy dito sa Mindanao at ipinasok sa Millitary. Pero ngayon ay si Kuya Santi na lang ang nandito sa Mindanao, dahil umuwi na sa Manila si Kuya Primo, mula ng mag-asawa ito. Nagpalipat rin siya ng distino sa Luzon, kaya hindi ko na siya nakikita. Ang bunso naman nila na si Kuya Jun-jun ay hindi ko pa nakikita. Ayaw daw kasing sumama kay Daddy noon, dahil ayaw niyang maging sundalo. Ayaw niyang sundan ang yapak ng aming ama.
Habang papalayo kami sa cementerio ay naka tingin pa rin ako sa labas at pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan. Parang may bagyo, dahil sa lakas ng ulan at hangin. Mabagal din ang takbo ng aming sasakyan, dahil sa dilim ng paligid. Napaka bilis ng wiper ng kotse, pero hindi pa rin nito kayang hawiin ang malakas na tubig na umaagos.
Gabi na kami nakarating sa bahay namin. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Pakiramdam ko tuloy ay nakikidalamhati sa amin ang kalangitan, kaya ganito kalakas ang pagbuhos ng ulan at ihip ng hangin.
Pagpasok ko sa aming bahay ay bumungad sa akin ang mga $w0rd collection ni Lolo. Muli akong nakaramdam ng lungkot, dahil dalawa na sila ni Mommy na nawala sa akin. Iniwan na nila ako.
Binuksan ko ang salamin na pinto at isa-isa kong hinaplos ang mga sp@da na naka sabit sa loob ng display cabinet ni Lolo. Bata pa ako ay narito na ang mga ito. Hindi rin napalitan ang kanilang mga puwesto, dahil may ranking daw ang mga sp@da na ito.
"Anak, halika na sa dining, nakahanda na ang pagkain natin. Kumain muna tayo, bago tayo magpahinga. Alam kong pagod na pagod ka, anak. Ilang gabi kanang hindi natutulog, pati pagkain mo ay napapabayaan mo na rin. Alam kong masakit sayo ang pagkawala ng Mommy mo. Pero hindi tama na pahirapan mo ang sarili mo. Hindi matutuwa ang Mommy mo sa ginagawa mo sa katawan mo, anak. Alam mo naman na alagang-alaga ka ng Mommy mo, ayaw na ayaw ka niyang nagugutom at napupuyat. Hindi siya matatahimik, kapag nakikita ka niyang nahihirapan. Nawala lang siya sa paningin natin, anak, pero alam kong naririto pa rin siya at binabantayan ka. Nakikita niya ang mga ginagawa mo. Lalong mahihirapan ang loob ng Mommy mo, kapag ipinagpatuloy mo ang ginagawa mong pagpapabaya sa sarili mo." mahabang pahayag sa akin ni Daddy. Nakatayo siya sa tabi ko at pinapanuod din ang mga sp@da ni Lolo.
"Daddy, bakit ang daya-daya nila? Bigla na lang silang nang-iwan. Iniwan nila ako ditong mag-isa. Sana isinama na lang nila ako, para hindi ako mag-isa at malungkot dito." humihikbing tanong ko kay Daddy. Pakiramdam ko ay mag-isa na ako sa buhay ko ngayon. Parang nawala na lahat ang dahilan kung bakit ako masaya noon at patuloy na nabubuhay.
"Anak, h'wag mong sabihin 'yan. Hindi ka mag-isa: nandito pa ako at mga kuya mo na nagmamahal sayo. Marami pa kaming naiwan para sayo. Mahal na mahal ka namin ng mga Kuya mo, anak." umiiyak na tugon ni Daddy. Agad din niya akong niyakap at umiyak sa aking balikat.
Bigla akong nagsisi, dahil sa mga sinabi ko. Nakalimutan kong may ama pa ako't mga kapatid na nagmamahal sa akin. Hindi pala ako nag-iisa, dahil marami pa silang naiwan at nagmamahal sa akin.
"Sorry, dad, hindi ko na po alam kung ano ang iisipin ko. Sobrang sakit ng pagkawala ni Mommy. Hindi ko matanggap, dad! Hindi ko matanggap!..." umiiyak na sambit ko.
"Ssssh! Tama na... H'wag kanang umiyak. Masakit na masakit din sa akin ang pagkawala ng Mommy mo, anak. Pero kailangan kong magpakatatag para sayo. Mahirap man tanggapin, pero makakaya natin ito, anak. Narito lang ako sa tabi mo. Hinding hindi ka iiwan ni Daddy." sambit ni Daddy, habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak.
SA PAGLIPAS ng mga araw ay unti-unti ko rin natatanggap ang pagkawala ni Mommy sa aming buhay. Nalaman din namin na may nagtanggal ng preno sa kotse niya, kaya siya na-aksidente noong araw mismo ng Graduation ko. Wala naman kaming maiturong salarin, dahil wala naman kaming alam na kaaway si Mommy. Ngunit si Uncle Art ang main suspect ng mga pulis, dahil siya lang ang nagbanta noon sa mga buhay namin.
Nagsimula na rin akong magtrabaho sa aming Resort. Tatlong taon pa ang hihintayin ko, bago ko tuluyang makuha ang full control nsa pagpapatakbo nito, kasama ang lahat ng mga ipinamana sa akin nina Lolo at Mommy. Kaya ngayon ay isa lang akong acting President. At inaaral ko ring mabuti kung paano patakbuhin ang mga negosyong naiwan sa akin.
Malapit na naman mag alas singko, kaya inayos ko na lahat ang mga gamit ko, para makauwi na sa bahay namin. Itinabi ko rin ang mga folder na binabasa ko, bago ako tumayo. Sa ilang buwan na narito ako sa opisina ni Mommy ay marami na akong natutuhan tungkol sa negosyo. Kung sana Business ad ang kinuha ko, sana mas mapapalago ko pa itong negosyong ipinamana sa akin ni Lolo.
Kinuha ko ang bag ko, bago ako lumabas ng opisina ko. Naglakad ako patungo sa Lobby ng hotel at nag-check out. Lahat ng nakakakita sa akin na empleyado ay binabati nila ako. Kahit hindi pa talaga ako tunay na President ay iginagalang pa rin nila ako, kagaya ng pag galang nila kay Mommy noong nabubuhay pa ito.
Lumabas ako ng hotel at naglakad patungo sa parking lot. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang susi ng kotse ko. Tumigil ako sa paglalakad, dahil hindi ko makita ang susi ko. Kinalkal ko ang loob ng bag ko, para makita ito. Pero laking gulat ko, dahil bigla na lamang akong nilapitan ng mga lalaking nakatakip ang mga mukha at may dalang mga b@r!l.
"Sumama ka sa amin nang maayos, kung ayaw mong pasabug!n ko ang bao ng ulo mo!" mariing sambit ng lalaking basta na lang akong hinawakan sa leeg at tinutuk@n ng b@r!l sa ulo.
Hindi ako nakagalaw, dahil sa gulat at takot ko sa mga ito. Hindi ko rin inaasahan na mangyayari sa akin ito, at dito mismo sa loob ng Resort na pag-aari ko.
"Si-sino k-kayo? Anong kailangan niyo sa 'kin?" nanginginig sa takot na tanong ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay ng lalaki sa leeg ko, pero napaka higpit nito.
"Wala nang maraming tanong! Sumama ka sa amin, ngayon din!" muli niyang sabi sa akin.
Nagkakagulo na rin sa buong Resort, dahil sa ginawa ng mga armad0ng lalaki na pumasok dito. Nagtatakbuhan ang mga tao at nag-uunahan sa pagtago. May mga lalaking @rmado na nagpapaput0k sa paligid, para takutin ang mga tao.
Dahil sa galit na biglang sumibol sa puso ko ay bigla kong inapakan ang paa ng lalaki na nakahawak sa akin. Inipon ko rin ang lakas ko, para itaas ang kamay niyang may hawak na b@r!l. Biglang pumut0k ang kanyang b@r!l, matapos kong itulak ang kamay niya pataas.
Nakita ko naman ang mga empleyado na mabilis na sumugod sa mga lalaking nakapalibot sa akin at pinanghahampas nila ang mga ito ng mga hawak nilang tobo.
"Ma'am Bridgette, takbo!" narinig kong sigaw ng isang lalaki, muli kong inapakan ang paa ng lalaki para mabitawan niya ako ng tuluyan.
"Aaaaah!" malakas na daing niya. Itinaas rin niya ang paa niyang nasaktan at mabilis itong lumulukso.
Wala na akong sinayang na sandali. Tumakbo ako pabalik sa loob ng hotel, para magtago. Buti na lang at tinulungan ako ng mga lalaking employees. Sinamantala nilang lumapit sa mga lalaki, matapos kong itulak pataas ang kamay ng lalaki at pumutok ang hawak nitong b@r!l. Itinaya nila ang mga buhay nila, para sa akin. Hindi nila ako hinayaan na matangay ng mga @rmadong lalaki.
Mabilis akong pumasok sa isang kuwarto dito sa may Lobby at muling isinara ito. Iginala ko ang paningin ko dito sa loob para maghanap ng matataguan. Agad ko rin kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Daddy.
"Hello, Daddy!... Puntahan mo ako dito sa Resort, may mga lalaking gusto akong kidnapin. Buti na lang at tinulungan ako ng mga eployees, kaya nakatakbo ako at nagtago dito sa loob ng stockroom." umiiyak na sumbong ko kay Daddy. Nasa Campo na naman siya ngayon, kaya malapit lang siya dito sa Resort. Mabilis lang siyang makakarating dito para tulungan ako.
Hindi naman nagtagal ang pakikipag usap ko kay Daddy, dahil pinatay na niya agad ang tawag pagkarinig niya sa mga sinabi ko. Naririnig ko pa rin ang malalakas na putukan sa labas, kaya lalo akong nagsumiksik sa gilid nitong malaking cabinet na nilalagyan ng mga stock ng hotel.
Nanginginig akong nakaupo dito sa sulok. Takot na takot din ako sa mga naririnig kong putukan. May malalakas na sigawan din akong naririnig, kaya lalong lumakas ang kaba ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, dahil pakiramdam ko ay nasa loob na ng hotel ang mga lalaking gusto akong kidn@pin. Nakakatakot din ang mga ayos nila, dahil naka balot ng kulay itim na tela ang kanilang mga ulo. Tanging mata lamang ang nakikita sa kanila.
Hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng kuwartong tinataguan ko. Napakalakas ng pagkakabagsak nito sa pader, kaya napasigaw ako sa gulat.
"AAAAAAH!" malakas na tili ko, habang mariin akong nakapikit at tinatakpan ang magkabilang tainga ko.
"Boss, narito ang hinahanap mo.!" narinig kong sambit ng isang lalaki.
"Ahaaa! Nand'yan ka pala ha! Gusto mo pa akong pahirapan na makuha ka." sabi ng lalaki na tinatawag nilang Boss." Akin kana ngayon, Bridgette. Wala nang makakapigil sa akin sa lahat ng gusto kong gawin sayo. Pagkatapos kong pagsawahan ang katawan mo, ay kukunin ko rin lahat ang mga ipinaman sayo ni Francisco. Hindi man ako nagtagumpay na makuha noon ang ina mo, pero akin ka naman ngayon. Mas bata, mas maganda, at sigurado din akong wala pang nakakatikim sa katawan mo." patuloy niya.
Nagmulat ako ng mata, dahil parang narinig ko na ang boses ng lalaking nagsasalita. Ngunit ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si Uncle Art na nakatayo sa harapan ko.
"Uncle Art? Ikaw?" hindi makapaniwalang sambit ko. "Napaka walanghiya mo talaga! Demonyo ka! Paano mo nagagawa ang lahat ng ito?" sigaw ko, kasabay ng pagtayo ko at pinagsusuntok ang kanyang dibdib dahil sa galit ko sa kanya.
Ngunit bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong braso at basta na lang pinaghahalikan sa mukha at leeg ko. Nanlaban ako, dahil sa kalapastanganan niya sa akin. Paano niya nagagawa sa akin ito? Kapatid pa rin siya ni Mommy, dahil legal ang pagkaka ampon sa kanya. Pero ngayon ay gusto akong pagsamantalahan ng demonyong ito?
"Aaaah! Ang bango-bango mo. Hindi na ako makapaghintay na mapasaakin ka!" sambit niya sa nahihirapang boses. "Hawakan niyO siya at ihiga sa sahig! Hawakan niyong mabuti, para hindi pumalag at makapag enjoy naman ako sa katawan niya." utos nito sa dalawang lalaki na agad namang humawak sa akin at sapilitan nila akong inihiga sa sahig. "Kayo naman, magbantay kayo sa labas ng pinto. H'wag niyong hahayaang may makapasok dito sa loob at estorbohin ako sa aking pagpapasarap!" utos niya sa ibang lalaki na agad namang pumunta sa labas ng pinto at isinara ito.
Mabilis na nagtanggal ng belt si Uncle Art at hinubad nito ang suot niyang Military jacket. Ibinaba din niya ang suot niyang pantalon at akmang lalapit sa akin.
Inipon ko ang lakas ko at sinipa ko ang mukha niya at pinagtatadyakan ko siya sa iba't-ibang parte ng katawan niya. Kahit pat@yin pa nila ako, hinding-hindi ako papayag na magalaw niya ako. Lalaban ako, hanggang sa huling hininga ko.
"Hayop ka! Lumayo ka sa akin, demonyong manyak!" malakas na sigaw ko, habang patuloy sa pagsipa ang dalawang paa ko. Sinubukan ko rin makawala sa pagkakahawak sa akin ng dalawang lalaki, para masampal ko ang makapal na pagmumukha ng animal na ampon ng Lolo ko.
"Palaban ka pala ha! Alam mo bang habang pinapahirapan mo akong makuha ka ay lalo mo naman akong sinasabik ng husto?" saad niya sa akin. Namumula na rin ang buong mukha niya at pawis na pawis, habang nanlilisik ang mga mata niya. Para siyang asong ulol na naglalaway na nakatingin sa akin.
"Humanda ka sa Daddy ko! Hindi ka niya sasantuhin, kapag nahuli ka niya dito, hayop ka!" galit na galit na sigaw ko.
"H'wag ka nang umasa na maililigtas ka pa ng hayop na Magtibay na 'yon! Malayo pa siya, siguradong tostado na siya, kasama ng sasakyan niya." sagot niya sa akin, saka humalakhak ng malakas.
"Ano! Gagawin mo rin sa Daddy ko ang ginawa mo sa Mommy ko!?" pasigaw na tangong ko, habang patuloy akong pumapalag.
"Oo! Para mawala na lahat ang hadlang sa pagkuha ko ng mga dapat ay akin!" mariing sagot niya.
"Demonyo ka! Buhay kapa pero sunog na sunog na ang kaluluwa mo sa impeyerno!" naghihimagsik ang kalooban na sigaw ko. Totoo ngang siya ang may kagagawan ng pagkaka aksidente ng Mommy ko.
Bigla niyang hinawakan ang dalawang paa ko at dinaganan ito, para hindi na ako makagalaw. Hinawakan din niya ang botones ng pantalon ko at tangka niyang tanggalin, nang biglang...