NAGULAT si Bridgette, dahil sa ginawa ng Daddy niya. Magkaharap sila ng ama, kaya nakita nito kung paano nagdilim ang mukha at nagsalubong ang makakapal na kilay ng Daddy niya, dahil hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ni Art. Tumayo ito at biglang pinadapo nang patagilid ang kanang kamay nito sa batok ni Arthuro Vibar.
Bigla namang nawalan ng ulirat ang lalaki at bumagsak sa sahig. Nagulat silang lahat, dahil sa ginawa ni General. Agad na tumayo ang Mommy niya, at hinawakan siya nito sa braso.
"Bridgette, umakyat kana sa room mo, dali!..." utos ng Mommy niya.
Hinila siya ng ina paalis sa upuan. Dahil sa pagkagulat niya ay hindi siya makakilos at makatayo kaagad.
Agad tumakbo si Bridgette, paakyat sa hagdan matapos siyang hilain palayo sa dining room ng Mommy niya. Napakalakas ng kaba sa dibdib niya, dahil sa nakitang ginawa ng ama, sa tiyuhing si Arthuro.
PAGKA-ALIS ni Bridgette ay agad namang hinila ni General ang walang malay-taong bayaw, at inilabas niya ito sa kanilang tahanan. Dinala niya si Arturo sa labas ng gate at doon iniwan.
Agad ding pumasok sa loob ng gate si General at patakbong bumalik sa loob, para tingnan ang mag-ina nito. Ngunit sina Brenda at Attorney na lang ang nadatnan niya.
"Brenda, permahan mo na ang mga dokumentong ito." saad ni Attorney kay Brenda. "General, kailangan mo rin pumerma dito." Turo ni Attorney kay General sa taas ng pangalan nito.
Agad nilang penirmahan ang mga dokumento, pagkatapos ay iniwan na sa kanila ang mga original copies ng mga ito.
"Maraming salamat, Attorney." sambit na pasasalamat ni Brenda. Kinamayan din niya ang Attorney, tanda ng pasasalamat niya at respeto.
"Walang anuman, Brenda. Ginawa ko lang ang trabaho ko sa inyong pamilya. Matalik kaming kaibigan ng ama mo, kaya handa akong tumulong sayo kahit anong oras. Kung may problema ka, tawagan mo agad ako para magawan natin ng kaukulang solusyon." tugon ni Attorney. "Magpapaalam na ako. General Magtibay, mauna na ako. Ikaw na ang bahala sa mag-ina." paalam din niya.
"Makakaasa ka, Attorney. Hindi ko hahayaang may gawing hindi maganda si Arthuro sa aking pamilya." tugon ni General.
"Magkita-kita na lang tayo bukas sa pricento, para makakuha agad tayo ng Restraining order, para hindi na kayo malapitan ni Arthuro." paalala din ni Attorney, bago ito sumakay sa kanyang sasakyan.
KINABUKASAN ay kumuha sila ng Restraining order, para hindi na makalapit si Arthuro Vibar sa kanilang tahanan at maging sa kanila mismo. Dahil kahit nasa labas sila ay bawal silang lapitan ng lalaki.
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan ay hindi na muling nagpakita si Arthuro sa kanilang pamilya. Ngunit ilang beses silang nakatanggap ng mga sulat at parcel na may lamang pagbabanta sa kanilang buhay.
Dahil dito ay hindi mapanatag ang loob ng mag-anak. Nagpatuloy sila sa kanilang pang araw-araw na buhay na may kakambal na takot at pangamba. Hanggang sa nasanay na lamang sila at parang naging normal na ang lahat. Dahil sa dami nilang natanggap na banta sa kanilang mga buhay ay wala namang nagyayaring hindi maganda sa kanila. Kaya inisip nilang baka bahagi lamang ito ng pananakot sa kanila ni Arthuro. Wala na rin sa kanilang probinsya si Arthuro, dahil naging mainit ang mata ng batas sa lalaki.
*****
BRIDGETTE'S POV...
"Daddy, Mommy, agahan niyong dumating sa graduation ko, ha! Gusto kong nandoon kayo ng maaga, para kayong dalawa ang kasama kong maglalakad papasok sa loob." bilin ko kina Mommy at Daddy, bago ako umalis ng bahay namin.
Mamayang hapon pa ang graduation ko, pero pupunta na ako sa university ngayon para sa rehearsal namin.
"Oo! P'wede bang hindi kami dumating ng Mommy mo, eh, ang tagal naming pinangarap ito." tugon ni Daddy. Hinawakan niya ang ulo ko at bahagya niyang hinila palapit sa kanya, saka niya ako hinalikan sa noo.
"Yong graduation robe mo, huwag mong kalimutang dalhin." paalala naman sa akin ni Mommy.
"Nasa kotse ko na po, Mommy." tugon ko. Kanina ko pa kasi nadala sa loob ng kotse ko ang mga gamit ko, para wala akong makalimutan. Hinalikan ko na rin si Mommy, at nag paalam na sa kanya.
Napaka-blessed ko talaga, dahil nagkaroon ako ng mga magulang na mapagmahal. Lahat ng gusto ko ay ibinibigay nila sa akin, kaya naman lagi kong pinagbuti ang pag-aaral ko, para wala silang masabi sa akin.
Ngayon ay magtatapos na ako sa kursong Hotel and Restaurant Management na may karangalan. Talagang nagsumikap akong mag-aral, para sa mga magulang ko. Gusto kong maging proud sila sa akin at ipagmalaki nila ako sa lahat. Ito lamang ang alam kong paraan para suklihan ang kabutihan nila sa akin.
"Bye, Mommy! Bye, Daddy!... See you later." paalam ko sa kanila na nakangiti.
"Mag-ingat ka sa pag-drive, anak. See you later." bilin sa akin ni Daddy.
"Paalam, anak! Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ikaw ang kayamanan ko, at nagbibigay lakas sa akin sa araw-araw. Mag-iingat ka lagi, anak at huwag makalimot sa dios." paalam naman sa akin ni Mommy.
"Yes, Mommy. Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga itinuro niyo sa akin ni Daddy at ganon din ang mga pangaral sa akin noon ni Lolo. Saan man ako makarating ay babaonin ko ang magagandang pangaral at pagpapaalala niyo sa 'kin. I love you, Mommy." tugon ko kay Mommy. Hinalikan ko ulit siya sa magkabilang pisngi at niyakap ng mahigpit.
"Tama na yan! Baka ma-late pa kayong mag-ina sa mga lakad niyo. Hindi na kayo naghiwalay d'yan. Para naman kayong hindi nagkita ng isang taon, eh, araw-araw naman kayong magkasama." saad ni Daddy, kaya kumalas na kami ni Mommy sa pagyayakapan namin.
"Don't be late!" muli kong paalala sa kanila, bago ako lumabas ng bahay namin, para sumakay sa kotse ko. Bago ako pumasok sa loob ay muli pa akong kumaway kay Mommy na palabas na rin. Kumaway din siya sa akin at nag flying kiss pa sa akin, bago siya lumapit sa kotse niya.
Binuksan ko ang pinto ng kotse ko, at umupo ako sa driver's seat. Agad kong binuhay ang makina at dahan-dahan ko itong inabante. Nakita ko rin ang kotse ni Mommy, mula sa side mirror ko. Nakasunod ito sa akin palabas ng gate. Papunta siya sa Resort namin, para magtrabaho. May mga guests daw ang hotel namin na taga ibang bansa. Bilang may-ari ng Resort, gusto ni Mommy na siya mismo ang mag welcome sa mga tourist na galing sa Korea. Mamayang hapon ay pupunta naman siya sa university, para mag-attend sa graduation ko.
Si Daddy naman ay kauuwi lang galing sa campo. Apat na araw din siyang naka duty, kaya puyat na umuwi. Sabi niya ay matutulog daw muna siya, para hindi siya antukin mamaya sa graduation ceremony.
Mabilis namang binuksan ng aming kasambahay ang gate, para makalabas ang mga sasakyan namin. Pinisil ko ang horn ng dalawang beses, para marinig ni Daddy ang bosina ko bago ako tuluyang makalabas ng gate.
Habang nagmamaneho ako ng kotse ko ay bigla kong naisip si Lolo. Kung nabubuhay lamang sana si Lolo, sigurong proud na proud siya sa akin ngayon. Baka ipagsigawan na naman niya na ga-graduate na ang nag-iisa niyang apo sa college. Na-miss ko na ang Lolo ko. Sana nakita pa niya akong ga-graduate sa college. Sana isa siya sa magsasabit ng medal sa leeg ko.
Paglabas ng kanto ay naghiwalay na kami ni Mommy. Nag-turn ako pakaliwa, at sa kanan naman si Mommy. Tuloy-tuloy ang pagmamaneho ko, hanggang makarating ako sa University. Ipinasok ko ang kotse ko sa parking lot, para maghanap ng bakante. Paunahan kasi dito sa harapan, kaya kung tanghali na dumating ay sa kabilang parking lot kana makakapag park ng kotse. Malayo na masyado ang lalakarin ko, kapag doon ako mag park, dahil ang classroom ko ay nandito sa malapit sa entrance.
Nakakita naman ako ng bakanteng parking space, kaya agad kong ipinarada ang kotse ko. Bumaba ako at kinuha ko ang mga gamit ko na nasa back seat. Binuhat ko ang bag na pinaglagyan ko ng mga personal kong gamit, at hinawakan ang hangger ng graduation robe ko. Isinampay ko rin ito sa likod ko, para hindi sumayad sa semento ang laylayan. Deretso akong nagtungo sa locker room ko at iniwan ang mga gamit ko sa loob. Kinuha ko lang ang mga kailangan ko at inilagay sa paborito kong sling bag.
Sa Auditorium ako nagtungo, dahil doon ang sinabi ni Prof kahapon na puntahan namin. Marami na rin akong nadatnan na mga ka-klasi ko dito, kaya agad akong lumapit sa kanila. Tuwang-tuwa sila ng makita ako. Umupo ako sa tabi ng mga kaibigan ko, at nag usap-usap muna kami, habang naghihintay sa pagdating ng iba.
"Bridge, sa Resort ninyo kana siguro magtatrabaho, after graduation?" tanong sa akin ni Fatima.
"Yes, Fat, kaya nga HRM ang kinuha ko, para matulungan ko ang Mommy ko sa pagpapatakbo ng negosyo namin." sagot ko. "Ikaw, saan mo balak maghanap ng trabaho?" tanong ko rin sa kanya.
"Sabi ng parents ko, kukunin daw nila ako sa Qatar, para doon maghanap ng trabaho. Mas maganda daw kasing magtrabaho doon at mas malaki din ang pasahod, kaysa dito sa Pilipinas. Tapos magkakasama pa kaming lahat doon na magkakapamilya." sagot sa akin ni Fat. Mukha naman siyang masaya na makarating sa Qatar, dahil nadoon ang mga magulang niya at kapatid. Siya na lang ang natitira sa kanila dito sa Mindanao.
Hanggang sa tawagin na kami para sa rehearsal namin, kaya tumayo na kaming lahat at nagpunta sa gitna.
*****
"Daddy! Daddy!..." malakas na pagtawag ko kay Daddy nang makita ko siyang palapit sa akin.
Nandito na kaming lahat sa labas, para sa paghahanda sa aming pagpasok sa loob.
"Anak!" sambit niya, saka niya ako niyakap. Niyakap ko rin si Daddy, at hinalikan ko pa sa magkabilang pisngi.
"Daddy, bakit hindi mo kasama si Mommy?" nagtatakang tanong ko.
Magsisimula na kasi ang graduation ceremony namin, pero wala pa si Mommy.
"Sabi niya kanina, dito na daw kami magkikitang dalawa. Akala ko nga eh, nauna na siya dito. Ayaw na ayaw pa naman no'n ang nale-late sa mga ganitong event." tugon ni Daddy. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bulsa at tinawagan ang number ni Mommy.
"Daddy, start na!" sambit ko, dahil nagsasalita na ang emcee at nagsimula na rin maglakad papasok ang iba.
Agad na pinatay ni Daddy ang kanyang phone, at hinawakan ang aking kamay. Naglakad kaming dalawa papasok ng auditorium, upang ako'y ihatid sa aking upuan. Muli pa akong napalingon, nagbabakasakaling makikita ko si Mommy sa likuran namin, ngunit hindi ko siya nakita. Biglang tumulo ang aking luha, dahil sa hindi pagdating ng Mommy ko ngayong araw ng graduation ko.
Umupo ako na parang wala sa sarili. Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko si Mommy. Never niyang nakalimutan ang mga ganitong okasyon. Kahit sobrang busy niya sa trabaho, dumarating talaga siya sa tamang oras. Pero ngayon, bakit hindi siya nakarating?
HANGGANG natapos ang graduation ceremony, ngunit hindi talaga dumating si Mommy. Alam kong napaka importante sa Mommy ko ang araw na ito. Ang tagal niyang pinangarap na makita akong grumaduate, pero wala siya.
Nakayuko akong naglakad patungo sa kinatatayuhan ng Daddy ko. Parang nanghihina ako, at walang kagana ganang magsaya kasama ng mga kaibigan ko.
"Bridgette, Anak!" pagtawag sa akin ni Daddy.
Nag angat ako ng paningin, dahil sa narinig kong pagtawag sa akin ni Daddy.
"Dad!" walang ganang tugon ko.
Napatingin ako sa paligid niya at nakita ko ang mga pulis at ilang sundalo sa tabi niya. Napa kunot noo ako, dahil sa pagtataka.
"Dad, bakit may kasama kang mga pulis at sundalo dito?" nagtatakang tanong ko sa aking ama. Bigla din akong nakaramdam ng kaba.
"Good afternoon, Ms Bridgette Magtibay, and happy graduation day!" pagbati sa akin ni Hepe.
"Thank you, Hepe." pasalamat ko. Ngunit hindi pa rin ako kombinsido na kaya sila nagpunta dito ay dahil gusto lang nila akong batihin. "Hepe, ano po'ng ginagawa niyo rito?" tanong ko, dahil hindi na ako makatiis.
Hinawakan naman ako sa balikat ni Daddy, kaya nagtataka akong napalingon sa kanya. Muli akong nagtaka, dahil nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Daddy.
"Dad, anong nagyari sa mga mata mo? Umiyak ka ba?" tanong ko.
"Ms Magtibay, h'wag ka sanang mabibigla sa sasabihin namin sayo." muli akong napatingin kay Hepe, dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata ng may pagtataka. "Nagpunta kami rito para ipaalam sa inyo ng Daddy mo ang malagim na trahedyang nangyari kay Mrs Brenda Vibar- Magtibay. I'm so sorry, Bridgette, positibo naming kinilala ang kanyang katawan sa isang nasunog na sasakyan na bumangga sa isang punong kahoy." sabi ni Hepe.
Bigla akong nanigas dahil sa narinig ko. Nanginginig ang katawan ko, at para akong nauupos na kandila.
"Nagbibiro ka lang, Hepe?" umiiling na sambit ko. "Sabihin mong nagbibiro ka lang! Hindi p'weding mamatay ang Mommy ko! Bawiin mo ang sinabi mo, Hepe!... Bawiin mo!....." malakas na sigaw ko, habang umiiyak. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi mag-hysterical. Hindi ko matanggap ang sinasabi niyang nangyari sa Mommy ko. "Bawiin mo ang sinabi mo, hepe! Hindi maaring mamatay ang Mommy ko!" malakas na sigaw ko at tinangka ko rin lapitan si Hepe, para suntukin siya sa dibdib. Ngunit mabilis akong pinigilan ni Daddy.
"Bridgette, Anak, huminahon ka!" saad ni Daddy. Niyakap niya ako ng mahigpit at sapilitang inilabas. "Anak, walang may gusto sa nangyari sa Mommy mo. Maging ako ay hindi ko matanggap ang masamang balita." umiiyak na sambit ni Daddy, habang yakap niya ako.
"Sumama na lang kayong dalawa sa amin, Panyero, para masamahan namin kayo sa hospital." pag anyaya sa amin ni hepe.
Wala akong magawa, kung hindi ang sumunod sa mga pulis. Magkayakap kami ni Daddy na naglakad, at sumunod sa kanila sa labas. Isinakay ako ni Daddy sa loob ng kotse niya, pero ang isa niyang tauhan ang aming driver. Ipinakuha din niya sa isang sundalo ang kotse ko, para ihatid sa bahay namin.
Pagdating namin sa hospital ay sa morgue nila kami dinala. Magkayakap pa rin kami ni Daddy na pumasok sa loob at nilapitan ang isang table na may nakahigang tao, ngunit nakatakip ito ng puting kumot.
Dahan-dahan na tinanggal ni Daddy ang kumot sa mukha nito, para makita namin ang mukha ng bangkay; upang makilala ito at kompermahin na siya nga ang Mommy ko.
Bumungad nga sa amin ang sug@tang mukha ni Mommy. May lapnos din sa kaliwang pisngi niya, hanggang leeg. Sunog din ang halos kalahati ng kanyang buhok.
"Mom-myyyy-kooooo!...." sambit ko na humahagulgol. Niyakap ko si Daddy, dahil hindi ko kayang tingnan ang Mommy ko sa kalunos-lunos na sinapit niya. Gusto kong isipin na panaginip lang lahat ng ito. Sana pag gising ko ay makita ko pa rin na buhay si Mommy.