LAST WILL‼️

2121 Words
MASAYANG naghahapunan ang pamilya nila Bridgette sa kanilang tahanan. Magkatabi sa upuan sina Bridgette at ng Mommy niya. Nasa harapan naman nila ang Daddy niya. At sa dulong bahagi naman ng dining table ang kanyang Lolo. Nakatayo naman sa likuran nila ang mga kasambahay, upang bantayan silang kumain at agad silang mapagsilbihan, kapag may gusto silang ipakuha sa kusina. "Lolo, p'wede mo ba akong turuan mag-Fencing bukas? Diba, sinabi mo noon, kapag nasa hustong edad na ako ay ikaw mismo ang magtuturo sa akin? Gusto kong maging kagaya n'yo ni Mommy, Lolo." excited na hiling ni Bridgette sa kanyang lolo. Ang kanyang Lolo na si Master Francisco Vibar ay isang Fencing Master, at may sarili itong Fencing School sa kanilang bayan sa Zamboanga. "Okay, Apo, pero kailangan galingan mo. Dahil gusto kong malaman ng lahat na ang nag-iisa kong apo ay nagmana sa akin na magaling sa paglalaro ng Fencing. Gusto kong maging karapat-dapat kang maging master balang araw, at papalit sa aking posisyon." tugon ng kanyang lolo. Tuwang-tuwa naman si Bridgette, dahil sa wakas ay pumayag na itong turuan siya sa paglalaro ng Fencing na matagal na niyang pangarap matutunan. Matagal na rin niyang gustong matutong maglaro, ngunit ayaw siyang turuan noon dahil napakabata pa niya. Natatakot ang kanyang pamilya na baka masaktan siya at umiyak. Mag-isa lamang siyang Apo ng kanyang Lolo, at mahal na mahal siya nito. Magaling din sa paglalaro ng Fencing ang kanyang ina. Isa itong Fencing Athlete noong kabataan niya. Nakuha ng kanyang ina ang B-Rating, dahil sa ilang beses itong nag-champion sa mga competition sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ngayong nagdadalaga na si Bridgette ay gusto na rin niyang matuto sa paglalaro ng Fencing. Kahit tutol ang kanyang ama ay wala itong magagawa, dahil kagustuhan pa rin ng Lolo niya na ni Master Fancisco Vibar ang masusunod. Princesa siya kung ituring ng kanyang ama, kaya ganon na lang kung ingatan siya nito. Ayaw na ayaw nitong nasasaktan siya at umiiyak. Pero sa pagkakataong ito ay ang Lolo niya ang masusunod, dahil iginagalang nila ito at kinatatakutan. At tanging ang salita lamang ng Lolo niya ang p'weding mangibabaw sa loob ng kanilang tahanan. NAGSIMULA sa pag e-ensayo si Bridgette. Tuwing weekend ay nasa school siya ng kanyang Lolo para mag-ensayo. Lahat nang bakante niyang oras ay iginugugol niya sa kanyang pag-aaral sa Fencing. Madali namang natuto si Bridgette, dahil taglay na niya sa kanyang dugo ang pagiging magaling sa paghawak ng $p@da. Pati iba't-ibang uri ng $p@da ay tinuruan siyang hawakan at gamitin ang mga ito. Hindi naman bago sa paningin ni Bridgette, ang mga ganitong uri ng @rmas. Dahil nagmistulang display lang nila sa loob ng bahay ang mga $wørd Collection ng kanyang Lolo. Makikita ang lagayan ng mga $wørds sa mismong living room ng kanilang ancestral house na mas kilala sa tawag na Villa Palais. Ang karamihan sa mga ito'y galing pa sa ibang bansa. Ang iba naman ay mga antigo, dahil gamit pa raw ito ng mga sundalong Hapon, noon world war 2. HANGGANG sa maging ganap na dalaga si Bridgette ay ito ang kanyang nakahiligan na sports. Nakikipag compete na rin siya ng Fencing sa iba't-ibang lugar sa Mindanao at Cebu. Lagi naman siyang Champion sa laban, kaya proud na proud sa kanya ang kanyang Lolo. 5 Years Later.... Biglang binawian ng buhay ang kanyang Lolo. Natagpuan itong walang buhay sa loob mismo ng opisina nito sa Fencing school. May plastic na naka balot sa ulo nito nang makita ito ng mga nagtatrabaho doon. Na-isugod pa nila ito sa Hospital, ngunit hindi rin nailigtas ang buhay ng matanda. Suffocation ang sinabi ng Doctor na sanhi ng pagkamatay nito, ngunit hindi naman nila nalaman kung paano ito nangyari, dahil walang CCTV ang School. Wala din nakakita sa matanda, kaya hindi nila nalaman kung paano ito na-suffocate. May nagsabi rin na baka nagpakam@tay ang matanda. Ngunit hindi nila ito pinaniwalaan, dahil wala naman silang alam na problema ang matanda, para magpakam@tay ito. Hindi matanggap ni Bridgette ang pagkawala ng kanyang Lolo. Halos ayaw din niyang bitawan ang kabaong noong araw ng libing. Nakayakap lang siya ng mahigpit sa kabaong, habang umiiyak. Kung hindi pa siya hinila ng kanyang ama at sapilitang dalhin sa loob ng sasakyan ay hindi niya bibitawan ang kabaong. PAG-UWI nila sa bahay ay nadatnan nila sa loob ng kanilang tahanan ang kapatid na ampon ng kanyang ina. Si Arthuro Vibar. Graduate ito ng Business Administration, pero hindi naman ginamit sa tamang paraan ang pinag-aralan. Noong makatapos ito sa College ay pinayagan ito ni Master Vibar na magtrabaho sa company nila. Naging maayos naman ang pagtatrabaho nito, kaya ipinasa sa kanya ni Master Vibar ang pamamahala sa Company. Ngunit sa paglipas ng mga buwan. Nalulong sa pagsusugal si Arthuro. Hanggang sa pati ang pondo ng company ay napapakialalam na niya, para may pang sugal ito sa casino. Dahil sa pagkasugapa nito sa sugal, nalugi ang Company ng mga Vibar. Hanggang sa nagka utang na ito ng malaki sa Banko, at naremata ang Company na pinaghirapang i-pundar ng mag-asawang Vibar. Dahil sa matinding galit ni Master Vibar ay pinalayas nito si Arthuro sa kanilang bahay, at tinanggalan ng karapatan sa lahat ng pag-aari ng mga Vibar. Magmula din noon ay hindi na nagpakita sa kanila si Arthuro. 25 years din itong hindi nagparamdam sa kanila. Kaya laking gulat ni Brenda, dahil muling nagpakita sa kanya ngayon ang lalaki. "Kuya Art, anong masamang hangin ang nagtulak sayo pabalik sa bahay na 'to? Pinalayas kana noon ni Papa, at pinagbawalang tumuntong sa pamamahay na ito, kaya wala kanang babalikan dito. Umalis kana, bago ako tumawag ng mga Pulis at ipakulong ka. Wala na rin ang Papa ko na siyang nag-ampon sayo, kaya wala ka nang dahilan para bumalik sa bahay na ito." nangtatakang tanong ni Brenda. Naiinis din ang ginang na muling makita si Arthuro, dahil sa mga ginawa nito noon sa kanilang pamilya. Nawala ang kanilang company, dahil sa lalaki. "Legal pa rin akong anak ni Papa, kaya may karapatan akong tumira sa bahay na ito, Brenda. At ayon sa ating saligang batas, ang isang legal na ampon ay may pantay na karapatan sa lahat ng mga maiiwan ng kanilang mga magulang." mariin na tugon ni Arthuro. Prente itong naka upo sa sofa at naka de quatro pa ang paa. "Tapos nang naibigay sayo ni Papa ang mana mo, Kuya. Noong araw na palayasin ka niya ay sinabi niyang ang kompanyang nawala dahil sa kagagawan mo ay siyang mana mo sa kanya. Binigyan ka rin niya ng one hundred thousand noon para sa pagsisimula mo iyong buhay; malayo sa amin. Ang bahay na ito ay pag-aari ng pamilya ng Mama ko. Pag-aari ito ng mga ninuno kong espanyol. Ang Palais Family na kinabibilangan ng Mama ko. Sila ang nagpatayo ng bahay na ito, hindi ito pundar nina Papa at Mama. Kaya ako lang ang dapat na mag may-ari nito, dahil ako lang ang may dugong Palais. Ikaw, inampon ka lang ni Papa! Binigyan ng magandang tirahan, pinakain, binihisan at pina-aral. Pero anong ginawa mo kay Papa, matapos ka niyang pagkatiwalaan na i-manage ang aming kompanya? Isinugal mo ang pondo ng kompanya namin, at isinangla pa sa Banko! Napakawalang hiya mo! Isa ka lang sampid dito, pero ikaw pa ang dahilan, kaya nalugi ang kompanyang dugo at pawis ang ipinuhunan ng mga magulang ko para mapalago!" panunumbat ni Brenda sa ampon ng kanyang ama. Parang gusto rin niyang sugurin ito, ngunit hinawakan siya ng asawa. "Mayabang kana ngayon, Brenda, dahil matagumpay kana sa buhay mo. Baka gusto mong sumunod sa ama mong walang kuwenta!?" sigaw sa kanya ni Arthuro, habang dinuduro ng kanyang daliri ang ginang. Hindi naman nakapagtimpi si General, kaya bigla niyang pinihit patungo sa likod niya ang asawa, saka nito binunøt ang kanyang bar*l na nakatago sa kanyang likod. Mabilis na ikinasa at tinutùk@n ang mukha ni Arthuro. Kinabahan naman si Brenda, dahil alam niyang mainitin ang ulo ng kanyang asawa, ngunit natatakot din siyang pigilan ito. Lumapit naman sa kanya si Bridgette, kaya niyakap niya ang kanyang anak. "Huwag kang magtataas ng boses sa loob ng bahay na 'to, kung ayaw mong pas@b0gin ko ang malaki mong bunganga! Lumayas ka sa bahay na 'to, kung gusto mo pang mabuhay at kumain ng kanin sa araw-araw. Dahil sa susunod na pagsalitaan mo ng hindi maganda ang asawa ko, sisiguruhin kong hindi kana sisikatan ng araw." mariing banta ni General Magtibay. Isang Military General Commander sa Zamboanga ang ama ni Bridgette. Kinatatakutan ito sa kanilang lalawigan dahil sa lupit nito sa mga Rebelding Muslim. "Tandaan niyo ang araw na 'to!" sambit ni Arthuro, saka niya isa-isang tinuro ang tatlo. "Magbab@yad kayo ng mahal, dahil sa pagtataboy niyo sa akin sa bahay na 'to. Babalikan ko kayong lahat at paluluhurin ko kayo sa harapan ko!" banta niya, saka ito mabilis na tumalikod. Palabas na sana si Arthuro, ngunit biglang dumating ang kanilang Family Lawyer. Napatigil sa paghakbang si Arthuro, at hinintay ang may edad na lalaki. "Attorney, buti't naabutan pa niyo ako dito. Paalis na sana ako eh! Pumasok tayo sa loob, Attorney." masayang salubong ni Art, kay Attorney. Inalalayan din niya ito at sinamahan patungo sa loob ng bahay. Wala nama nagawa si Brenda, nang makita niyang bumalik ang lalaki, kasama si Attorney. Ngayon babasahin ng kanilang Family Lawyer ang Last Will and Testament ng yumao niyang ama. "Magandang gabi, Attorney, tuloy kayo dito sa loob. Dito tayo sa dining table umupo, para mas makakapag-usap tayong mabuti." pagyaya ni Brenda kay Attorney. Pina upo niya si Attorney sa dating puwesto ng kanyang ama, saka sila umupo ni Bridgette sa kanang bahagi at sa kaliwang bahagi naman si General. Umupo rin sa katabing upuan ni General Magtibay si Arthuro, at agad na kinuha ang isang baso ng juice at ininom. "Bueno, total, narito na kayong apat kaya hindi ko na patatagalin pa ang pakay ko dito sa Villa. Babasahin ko na ang iniwang Last Will and Testament ni Master Francisco Vibar." saad ni Attorney, saka niya binuksan ang dala niyang briefcase. Inilabas niya ang isang brown envelope, at kinuha ang laman nitong papel at binasa. "September --, 20**. Sa araw na ito, habang binabasa ni Attorney Fhad Almudin itong aking last will and testament ay alam kong nasa himlayan na ako katabi ng aking sposa. Ang lahat ng aking mga ari-arian kabilang ang Vibar Paradise Resort, Vibar Ginger Tea, Coffee Plantation dito sa Zamboanga at Davao, kasama ang Chocolate Factory, at ang aking Fencing School. Trust fund na nagkakahalaga ng 10 Million php, ay aking ibibigay sa aking nag-iisa at pinakamamahal na apo na si Bridgette Vibar Magtibay. Habang wala pang 25 ang aking apo ay pamamahalaan muna ng aking nag-iisang anak na babae ang lahat ng aking mga negosyo. Sina Brenda Vibar-Magtibay, at kanyang asawa na si General Alfonso Magtibay ang magma-manage, hanggang dumating sa tamang edad si Bridgette. Ang aming tahanan (Villa Palais) at ang malawak na lupain na taniman ng Luya ay mapupunta sa aking anak na si Brenda Palais Vibar-Magtibay, kasama ang halagang 10 Million php. Ang aking butihing manugang na si General Alfonso Magtibay ay makakakuha ng 5 Million php. Ito'y aking pasasalamat sa kanya, dahil sa pagmamahal at pag-aalaga niya sa aking nag-iisang anak na babae, at ganon din sa aking Apo." mahabang paglalahad ni Attorney sa kanyang binabasa. "Attorney, mukhang nalampasan mo yata ang pangalan ko? Hindi ko narinig na tinawag mo ako at hindi mo nasabi kung ano ang mapupunta sa akin?." walang anu-ano'y singit ni Arthuro. "Art, baka nakakalimutan mong tapos mo nang nakuha ang share mo noong pinalayas ka ni Master. Kung tutuosin ay higit pa sa minana ni Brenda ang naging share mo dahil isang companya ang nawala sa pamilya, dahil sa pagkasugapa mo sa sugal. At wala kang karapatan na mag-demand dito, dahil hindi ka naman parte ng pamilyang Vibar. Isa ka lang ampon na gahaman sa salapi at walang paki alam sa pamilyang umampon sayo. Wala kang utang na loob!" sagot sa kanya ni Attorney. "Hindi ako papayag na walang makuha! Isa akong Vibar, kaya malaki ang karapatan kong makuha ang lahat ng pera at ari-arian ng aking kinikilalang ama. Ikaw, Brenda, at ang bastarda mong anak ang walang karapatan sa mga kayamanan ng pamilya, dahil isa kang babae at nag-asawa pa ng lalaking may pamilya na. Dapat ikaw, at ang bastarda mong anak ang itinatakwil at ikinakahiya dito, dahil sa napakalaking kahihiyan na inuwi mo sa pamilyang ito. Isa ka lang kabit ng heneral, Brenda! Pinag-uusapan ka ng mga tao sa paligid at ikinahihiya ng buong angkan ng-" hindi natuloy ni Arthuro ang iba pa niyang sasabihin, dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng masakit sa kanyang batok at unti-unting nawalan ng malay-tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD