Lumilipad ang kanyang isipan habang bumabyahe paluwas ng Maynila. Magkatabi sila ng kanyang anak sa backset habang ang kanyang mama ay nasa unahan katabi ng kanyang papa na syang nagdadrive sa kasalukuyan. “Mama, excited na po ako!” nasasabik na saad ni Den-den. Nangingislap pa ang mga mata nito habang nagsasalita. Naagaw nito ang kanyang atensyon kaya’t agad nya itong binalingan. “Hmmm, really baby?” tanong nya sa bata habang hinahaplos ang malambot nitong buhok. “uh-oh mama. For sure marami ako doon pwedeng makalaro! Hooray!!” masayang saad pa nito dahil tumatalong talon pa sa mismong kinauupuan. Natawa na lamang sila dahil sa lubos na kasiyahang nababanaag sa mukha ng bata. Sabik ito sa maraming kalaro dahil kakaunti lang naman ang kanilang kapitbahay sa probinsya at magkakalayo pa

