Chapter 1: The Encounter
Malakas na tunog ng alarm clock ang gumising kay Celestine. Its already 10 o’clock in the morning.
"Uhhh" ungol niya at napasapo sa ulo ng makaramdam ng kirot sa kanyang sintindo. Agad syang bumalikwas at tumungo sa banyo upang maligo. She needs cold shower para naman kahit papano eh mabuhayan ang kanyang lupang katawang namimigat pa dahil sa hang over. Yeah, after duty nila kagabi ay nagkayayaan ang barkada na mag jamming muna bago magsiuwi sa kanya kanyang tinutuluyan. Pampawala lang diumano ng pagod caused by very tiring kitchen operations at para icelebate na rin ang birthday ng kanilang kaibigang si Alexis. Almost 2am na ng maghiwa hiwalay sila at magpaalam na sa isa’t isa. Halos mapasigaw pa sya ng dumampi sa kanyang balat ang mala yelong tubig. Mabilis syang kumilos at sinabon ang katawan at nilagyan ng shampoo ang buhok. Nang magbabanlaw na sya ay sya namang biglang nawalan ng tubig dahilan upang mahilam sya.
"Waaaah, malas naman uh bakit ngayon pa kung kailan nagmamadali ako" inis nyang sigaw habang kinakapa ang roba at towel na nakasampay sa loob ng banyo. Nang maabot ito ay dali daling pinunasan ang sabong nasa mata. Mabilis nyang ibinalot ang sarili sa roba at lumabas ng apartment. Nasa 3rd floor sya kaya naman sa tuwing nawawalan ng tubig ay siya ang unang naaapektuhan. She need to take a bath quickly at baka malate pa sya at maiwanan ng shuttle service nila.. Nang dahil sa pagmamadaling makapunta sa ground floor ay hindi nya namalayan ang kasalubong na sya namang naging dahilan ng kanyang pagkabunggo at pagkatumba.
"Ayyyyy!!!"sigaw nya at napapikit na lamang habang hinihintay na lumanding ang kanyang katawan sa sahig. Ngunit maagap syang nasalo ng kanyang kasalubong. Pigil hiningang iminulat nya ang kanyang mga mata at nasalubong ang mga mala Adonis na matang nakatitig sa kanya. His dark brown eyes catched her attention. Bumaba ang tingin nya sa matatangos nitong ilong at sa mamula mulang mga labi na animo’y kay sarap halikan. Halos magkapalit na sila ng mukha dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. Naaamoy rin nya ang mabango nitong hiniga. Bigla naman syang na conscious sa kanilang posisyon, kaya bahagya niya itong itinulak para makatayo. He cleared his throat bago nagsalita.
"tsk!! be careful little lady,!! " may bahid ng pagkainis na sabi nito. Agad naman syang lumayo sa lalaki at inirapan ito.
"sorry" tangi nya nalang nasabi dahil sa pagkapahiya.
"next time, don't run in a hallway with that kind of outpit, baka kung may m******s dito ehh marape ka nalang bigla" masungit na saad ng lalaki, sabay hagod sa kanyang katawan na may ngisi pa sa mga labi.
“p*****t!” lalampasan na sana niya ang lalaki nang bigla sya nitong hatakin at halikan.
Dahil sa pagkabigla ay hindi agad sya nakapag react. Bago pa man maproseso ng kanyang utak ang nangyayari, ay agad na rin naman syang binitiwan ng lalaki na may ngiti sa mga labi.
“sweet”
“the next time you call me p*****t, papanindigan ko na. You didn't know what perverts do.” pagbabanta nito bago sya tuluyang binitawan.
Dahil sa sobrang inis at hiya ay tinalikuran na nya ito at patakbong bumaba sa ground floor habang hawak na mahigpit ang robang tanging nakatakip sa kanyang katawan.
“bwesit na lalaking yon, may araw ka rin sakin. Ang lakas ng apog, basta basta na lang nanghahalik… HEEEH!!! “ rekalmo nyang may panggigigil.
Pagkabalik sa sariling kwarto at dali dali na syang nagbihis. Isang denim shorts at simpleng black round neck shirt lang ang kanyang isinuot at isang flat sandals. After checking her looks and uniforms inside her bag pack ay bumaba na sya at pumara ng taxi.
**
“I received 500, mam”sabi ng cashier sabay pindot sa machine at abot ng sukli.
Chicken sandwich at soya milk drink ang binili nya bago sya dumiretso sa bakanteng upuan sa may parking lot na nasa loob ng Wilford Zone. Isang sa pinakamalaking private parking space sa buong Makati kung saan dito nag rerent ang mga pinaka malalaking kompanya sa mga paligid nito.
“Good morning baby girl, halika, may ipapakita ako sayo” bungad sa kanya ng kaibigang si Alexis na nauna na palang nakaupo sa bench.
Lumapit naman sya rito at tumabi.
“Look, we have new Sous chef in the house. Kapalit ni Chef Adriane.” Pagpapakita sa profile na nasa screen ng tablet. Chef Daven Revor Garcia. 25, BS Culinary Graduate and have multiple awards and completions when it comes in Management and Kitchen Operations. Hmmm, not bad…
Ngingiti ngiti ng masulyapan siya ng kanyang kaibigan.
“hoy, lapad ng ngiti natin jan ahhh, type mo noh?”
“ewan ko sayo” inirapan nya na lang ang kaibigan bilang tugon.
“pogi naman ahhh, bagay nga kayo ehh” pang aasar ng kaibigan.
“gusto mo nito?” ambang susuntukin ang kaibigan.
“hahahahahaha, chillax, hindi ka na mabiro ehh. Bakit ba ang init ng ulo mo, meron ka ba? Hahahahaahah”
Ambang itutuloy na sana ang naudlot na pagsuntok sa kaibigan ng nasalag nito ang kanyang kamao sabay hawak rito at hila sa kanya papunta sa shuttle service na bagong dating. Iiling iling na lamang na nagpatiunod sya sa kaibigan.
Hindi na niya napansin ang kasunod nilang sumakay na rin sa shuttle, na mataman ang pagkakatitig sa kanilang mga kamay.
****
Maaliwalas ang mukha ng pumasok sya sa kusina ng resto.
Nakauniform na sya at handa ng magsimulang magtrabaho ng ipatawag sila ni Althea, their Head Chef sa loob ng opisina.
Kunot ang noo ng mapagsino ang kasama nila sa opisina. Huh! Andito na pala ang mokong.
Dumako ang paningin nito sa kanya na hindi naman nya inaasahan at nahuli pa sya nitong nakatitig. Kumindat pa ang loko at ngumisi ng nakakaasar at napalunok naman sya at dahil sa pagkapahiya ay inirapan nya na lang ito.
“Everyone, I want you to meet Chef Daven, sya ang papalit sa posisyong naiwan ni Chef Adriane for graveyard shift. He is our Sous Chef from now on.” Isa isa nya kaming ipinakilala sa bagong katrabaho.
“By the way, this is Chef Tine, our Pastry Chef for afternoon duty,”pagpapakilala nito sa kanya.
“Chef Daven” lahad ang kamay
“Chef Celestine, Tine for short” pagtanggap nito sa kamay ng binata. Naramdaman naman nyang uminit ang kanyang pisngi ng bahagya nitong pinisil ang kanyang kamay. Nasa ganun pa rin silang posisyon ng tumikhim ang kanilang Head. Agad din naman nyang binawi ang kamay sa binata.
“Ehem!! So,Tine pwede ba paki assist muna si Chef Daven to familiarize with some sort of things?, I have an emergency meeting kasi with Directors ehh, kaya hindi ko sya masasamahan, please” sabay baling ki Daven na may mapupungay na mata na animo’y nagpapacute.
“Yes Chef, don’t worry. Ako ng bahala” pagsang ayon nya.
Agad naming inikot ang buong kitchen from one to another sections.
Smooth naman ang naging operation. Super tiring pero masarap sa pakiramdam dahil na flex na naman ang kanyang katawan. She really love this Job. Bukod sa nakakaenjoy, nakakataba din ng puso kapag may mga satisfied customer na nagpapaabot ng kani kanilang feedback when it comes to food quality.
Its already 10pm at katatapos lang mag dinner ng mga customers. Habang busy sa pagkukwentuhan ang aking mga kasamahan, hinilot hilot ko muna ang aking batok bago magsimulang mag inventory at umupo at humarap sa mini chiller na pinaglalagyan ng mga natira kong stocks. Habang abala sa pagbibilang, nagulat ako ng may biglang humalik sa aking pisngi. Nanlaki ang aking mata nang mapagsino ang damuho. Nakaupo rin ito katabi ko at ngingiti ngiting may halong pang aasar. Bago pa man ako makapag react ay tumayo na ito na hindi napapalis ang ngiti sa mga labi at may pasipol sipol pang dumiretso sa opisina. Napatayo naman ako habang hawak pa ang pisngi ng biglang bumungad sakin ang mga matang nanunudyo ng aking mga kasamahan.
“Chef Tine, ano yun hah?” –si Alexis (Asst. cook) na may pang aasar
“Nako po, inlababo ang bata natin ahh” – si Kuya Vince. Our Head Cook
“lakas talaga ng appeal nitong batang ito, lahat ng bagong pasok, nabibighani agad sa kasungitan niya” singit ni Paul (grillMan) habang tumatawa ng may pang aasar.
Matatalim naman na tingin ang isinagot ko sa kanila.
“Nako lagot tayo, mag hahating gabi na, magtatansform na yan sa pagiging aswang”- noel ang dakilang fryman na numero unong bully sa lahat
“Ewan ko sa inyo, hindi nyo talaga ako tatantanan huh, magkita kita na lang tayo sa HR” may halong pagbabantang sagot ko sa kanila.
“tara, gusto mo samahan pa kita” sagot ni Alexis habang nakangiting papalapit sakin.
“bakit, sinabi ko bang ngayon? Humanda kayo bukas”
Hinampas ko na lang sya ng makalapit sakin.
“Sige lang, akala mo ba papasa ka ki Cindy”
“Ito naman hindi na mabiro” kamot sa ulong sagot nito.
Tinulungan nya na lang ako sa pagbibilang at pag aayos ng aking mga stocks para makabawi.
Hanggang sa lumabas na ako ng kusina ay hindi ko na muling namataan si Daven.
Hmmmp hindi ko naman na ata kailangan mag endorse sa kanya, tutal, wala naman siyang gagawin sa buong magdamag. Ang lokong yun, p*****t pala talaga. Sa loob nyang sabi.
Hanggang sa makarating na sya sa kanyang apartment at dali daling nagpalit ng pantulog at sumalampak sa higaan. Bigla naman syang nilukob ng antok.