“Tine!! Bakit ngayon ka lang? Alam mo namang may arrival tayong 50pax!” salubong sa kanya ni Caren, ang naka assign na chef sa morning duty.
“Sorry Cah, hindi ko kasi alam na my parade pala sa bayan, naipit tuloy ako sa traffic. Sorry talaga,” paghingi nya ng paumanhin sa kaibigan habang sinumulan agad na harapin ang mga naka pending na trabaho. Yes, isa rin ito sa kaibigan nya. Wala ata syang kasamahan sa kusina na hindi nya kaibigan. Sa kanilang magkakaibigan, ito na ata ang pinaka seryoso sa buhay sa lahat ng bagay. Tulad ngayon, na-i-stress na ito, kasi malapit ng iserve ang dessert pero wala parin silang napeprepare. Mabuti nalang fresh fruits lang ang nasa menu at lahat ng prutas ay hindi na kailangang balatan pa. Sinabayan pa kasi ito ng nagdadagsaang orders kaya hindi pa nito maharap ang para sa 50pax na desert.
“don’t worry girl, ako ng bahala” dagdag nya pa
Orange, watermelon,grapes at apple lang naman ang kailangan nilang iprepare. Agad niya itong inihanda at nagpaready sa dish washer ng 50 small plates. Habang ang kaibigan ang syang sumalo sa mga short orders ng mga regular customer. Kahit pagod na ito ay nakikita pa rin niya ang pagiging professional nito. Mabilis naman nyang tinapos ang ginagawa at saktong pagpasok ng waiter sa area nya ay isa isa na nitong inilagay sa big round tray ang mga desserts.
“2 potato salad, 1 fresh garden salad with TID, 3seafood salad and 3 mac and cheese ASAP!!” sigaw naman ng PC namin. Si Jonas, ang dakilang iyakin lalo na kapag natatambakan ng order.
Bumaling ulit ako kay Caren.
“Sige na Cah, magpahinga kana, ako ng bahala rito. Thank you ulit sa pagsalo, love you!!”
“Sige. Your welcome. Alam ko, kayang kaya mo na iyan! Aja!!” sabay halik sa sa pisngi ko “goodluck girl”
Hanggang sa mabilis na namang natapos ang kanilang duty at bandang 10pm ay nagpapahinga na sya ng bigla syang pinatawag ng kanilang Head Chef. Agad din naman syang pumasok sa opisina.
“Chef? Pinatawag nyo raw po ako?”
“Uhh you’re here, take a set Tine ”sabi nito matapos ibaba ang telepono
“Are you done with your inventory?”
“Opo Chef”
“well, pwede bang mag overtime ka muna ngayon? Hindi kasi makakapasok si Mark (graveyad cook), katatawag nya lang kani kanina, nagka emergency daw sila.” Pagbibigay alam nito
“Chef Daven will take charge on hot kitchen, ikaw na ang sa Product Control at Pastry Section. Help him muna, wala naman tayong masyadong customer ngayon. Alam ko, you can manage of that, Tine”.
“Of course, Chef! No problem. Day off ko naman bukas kaya makakabawi ako ng pahinga.”
Ngiting sagot nya rito.
“okey, so, out na ako huh. Malilate daw si Chef Daven kaya ikaw na lang pag endorsesan ko. Here”sabay abot ng white folder. “Paki gawan na lang ng costing, 50pax lang naman iyan”.
Napapansin ko, na sa tuwing mababanggit niya si Daven ay kumikislap ang mga mata nito. Napailing na lamang ako habang binabasa ang Food chart. Pagkakuha ko ay agad ko na ring hinarap ang computer at mabilis na nagawan ng Food Costing at prinint na rin at idinikit sa may Dicer Section. Malaya ko munang inilugay ang aking mahabang buhok habang nagpapahinga. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kitchen. Mabuti na lang nakapag inventory na ako. Wala na akong gagawin. Mamaya na lang siguro ako maghihiwa ng mga gulay, tutal mahaba pa naman ang oras. Wala sa sariling usal nya.
Lumabas sya sa dining section upang tingnan kung may mga customer pa.
“Hi Cris,” pagbati ko sa Diniing Supervisor
“Uh Tine, OT ka?”
“Oo ehh, nagka emergency sina Chef Mark, kaya ako muna ang reliever sa area ni Chef Daven at sya ang sasalang sa hot Kitchen. By the way, may nagpa reserve ba ng service natin ngayon?”
“ohh! I see, as of now wala naman tayong naka linya na reservation kaya pwede kang makaidlip ng saglit Chef. Madalang din ang nagpapaluto kapag ganitong oras.” pagkompirma ng Supervisor sa kanya.
“Uh Thank you, Cris. Sige balik na ako, katukin mo na lang ako sa opisina huh”
“Okey, no problem”.
Nagising ako sa tunog ng mahihinang pagtipa sa keyboard. Pagmulat ko, nakita ko si Daven habang abala sa paggawa ng monthly inventory. Naramdaman ata nito na may nakatitig sa kanya kaya’t lumingon ito sa may gawi ko.
Bigla itong tumayo at lumabas ng opisina.
“Anong problema non?”
Maya maya pa ay bumalik na ito na may dala dalang mainit na soya coffee. Hmm ang bango
“Here, uminom ka muna, para mainitan ang sikmura mo”
“Thank you” sabay kuha sa inialok na kape. Gentleman naman pala , isip isip ko.
Napansin niyang hindi pa ulit ito umuupo sa swivel chair na nasa kanyang harapan kaya’t ng magtaas sya ng paningin ay nasalubong nya ang mataman nitong mga titig sa kanya habang naka lagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong black pants. So hot… ng kape!!
“What?”
“hmmm, nothing.” Umiiling na sagot nito.
“nothing nothing ka jan” bakit ganyan ka makatitig? Bulong nya sa sarili, ngunit umabot pa rin ito sa pandinig ng binate
“your so cute, while sipping your coffee”
Bigla naman sya nasamid at umubo ubo dahil sa sinabi nito. Hanggang sa naramdaman nyang may lumabas sa kanyang ilong. Yucks nakakahiya.
Nataranta naman ang binata at dagling lumapit sa kanya at maagap na kinuha ang tasa sa kanyang kamay sabay hagod sa kanyang likuran para makabawi sa pagkasamid.
“Are you okey? “
“y-yeah, yeah, i-im okey.”
May dinukot naman white handkerchief at pinunasan ang bibig at ilong nya.
Mas lalo naman syang nagulat ng itaas nito ang kanyang mukha gamit ang isang kamay. Napalunok sya sa sobrang lapit na naman ng kanilang pagitan. Isa pang lunok ng makitang niyang sa labi niya nakatutok ang mga mata ng binata.
Unconsciously, napakagat labi sya ng dumako rin ang kanyang paningin sa mga labi nitong animo’y nang aanyaya at kay sarap halikan.
Nakita nyang gumalaw ang adams apple ng binata at walang sabi sabing siniil sya ng halik. Mapusok ang iginawad nito sa kanya at ng hindi pa sya gumagalaw ay kinagat nito ang kanyang pang ibabang labi dahilan upang mapabuka ang kanyang bibig na sya naman nitong sinamantala. Mapanuksong ginalugad nito ang kanyang bibig at hindi na nya natiis at kanya itong sinabayan. Napapikit pa sya dahil sa kakaibang emosyong bumalot sa kanyang pagkatao. Mapaghanap at mapusok ang kanilang pinagsasaluhan nang biglang…
“TING! TING! TING!” tunog ng bell sa may PC section
“Chef!! 4 calamares at 5 orders nilasing na hipon” sigaw n Cris.
Namumula pa ang pisngi ng dali dali syang magpusod ng buhok at maglagay ng hairnet bago lumabas ng opisina. Kasunod naman niyang lumabas si Daven na malawak ang pagkakangiti.
Hindi na niya ito nilingon pa dahil sa pag aalalang lalo lamang sya nitong tuksuhin.
Mag aalas tres na ng umaga ng makapagpahinga sila pareho. May biglaang mga customer na nagpaluto para sa isang late birthday celebration. Nasa 20 katao lang naman, kaya, kinaya naman nilang ihandle at lahat ng inoder ay nasa family Set.
Abala na ako sa paghihiwa ng mga fresh fruits for breakfast ng lumapit si Daven at iniabot ang hot chocolate.
“Here, drink this”
”ilapag mo na lang jan, busy pa ako”
“Hey, are you mad?”
“Pwede ba, wag mo akong abalahin, marami pa akong gagawin” habang itinuturo ang mga prutas na nasa kanyang working table.
“Don’t worry, by next time, hindi ka na mabibitin” pang aasar pa nito sa kanya.
Isang makapamatay naman na tingin ang iginawad nya rito ng humarap sya rito.
“Excuse me Chef, if you don’t mind. Umalis kana sa harapan ko baka mabigwasan pa kita jan eh. Anong pinagsasabi mong nabitin, baka gusto mong ikaw ang ibitin ko ng patiwarik jan eh. Lumayo ka nga! Hindi k aba kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo! Tsupi!!. Magtrabaho ka na” inis niyang litany ito.
“I thought nabitin ka, kaya mainit ang ulo mo. So,, hindi ka nabitin?” “Nasarapan lang?
“Oo, ang sarap! Ang sarap mong sapukin” sabay bato ng pinyang sisimulan na sana nyang balatan.
“Opps! Not so fast!” Agad naman nitong nasalo ang pinya bago pa tumama sa mukha nito.
Sabay lapag sa kanyang table at mabilis syang ninakawan ng halik sa pisngi. Mabilis na itong tumakbo at pumasok sa opisina sabay lock ng pinto.
“Mr. Garcia!!” sigaw niya sa sobrang inis. Hahabulin nya na sana ito nang sya namang pagpasok ni Cris at nagulat pa dahil sa nakataas nyang kamay na may hawak na kutsilyo.
“Hey!!” hawak pa ang dibdib nito dahil sa pagkagulat.
“Uhhh, sorry. “
Nagtatakang pinaglipat lipat ng visor ang tingin nito sa kanya at sa nakapinid na pinto ng opisina. Itinuro nito na papasok sya sa office bilang pagpapaalam upang makiprint ng 86 forms.
Tanging tango lamang ang kanyang isinagot at kinalma na ang sarili.
Saktong 5am na ng matapos nya ang lahat ng mga kakailanganin ng morning shift.
Papalabas na sya ng kusina ng makasalubong si Caren at gulat syang tiningnan.
“Uhh girl, nag OT ka pala. Uh sya, lumabas kana don at ako ng bahala jan”
“Thanks Cah, sige iwan na kita jan.Nkaka stress pala maging graveyard at antok na antok na talaga ako eh”
“sige, ingat girl, Uhmm sya nga pala, night out tayo mamaya? Off ko kasi tomorrow eh. Free kaba tonight?”
“Yeah, see you tonight” pagsang ayon nya rito. Off nya naman ngayon ehh, dibale next day na ulit ang duty nya.
Matapos makapag time out ay nakatulog agad sya pagkaupong pagkaupo palang nya sa loob ng shuttle. Hindi na nya namalayan ang tumabi na sa kanya. Hmmm, ang bango.. smells familiar. Hanggang sa kinain na sya ng antok.
Mahihinang yugyog sa balikat ang nagpagising sa kanya.
“Tine, gising na, nandito na tayo.” Si Daven habang mataman syang titinitigan.
“uhhh” dahil sa pagkabigla ay agad syang napatayo at dali daling lumabas ng shuttle. At hindi na nilingon pa ang binata. Tanging iling na lamang ang nagawa nito.
Maghapon syang natulog at maghapon din syang hindi nakakain. Kumakalam na ang sikmura ng magtungo sya sa banyo upang mag shower at magbihis. Sa cafeteria na lang sa ibaba sya kakain. Tinatamad na syang maglutong ulam. Saktong pagbukas naman nya ng pinto ay sya namang pagbukas ng katapat na kwarto. Napasinghap pa sya ng mapagsino ang kaharap. Basa ang buhok habang may hawak na tuwalya ang kanang kamay at ipinangtutuyo roon habang ang kaliwang kamay naman ay may hawak na tupperware na may laman pang umuusko laman at nasamyo nya ang masarap na amoy nito.
“Hey, for you. Maghapon kang hindi lumabas kaya I think hindi kapa kumakain.” Sabay abot ng putahe.
“Naparami ang naluto ko, kaya naisipan kong hatiran kita. Mabuti naman pala’t gising kana, kakatukin na sana kita ehh”
Hindi pa napa process ng utak ko ang mga nangyari kagabi, at heto na naman. Si Daven, kaharap ko ngayon at magka kapitbahay pala kami.
UHHHH! Relax Celestine, si Daven lang yan, bakit kaba hindi mapakali. Sita ng kanyang utak.
“Ehem! Tine on earth??” natauhan lang sya ng ikampay nito ang mga kamay sa harapan nya.
“UHH,i- ikaw pala Chef. A-anong ginagawa mo dito?
“aahhh dito ako nakatira” sabay turo ng kwarto
“A-Ahh ganun ba.. “napalunok sya.
“Yeah, uhh here para sayo. “
“T-thank you. Nag abala kapa. Ang dami naman nito. Ikaw kumain ka na ba?”
Napakamot sa ulong umiling si Daven.
“Uhh sya tara, sabay na tayong kumain. Marami naman akong kanin dito.” Pag aaya nya sa binata.
Niluwagan nya ang pagkakabukas ng pinto sabay talikod. Sumunod na sa kanya ang binata.
“Upo kana muna, painitin ko lang ung kanin.”
****
“Salamat nga pala sa pagkain.”
“Your Welcome, sige una na ako.”
Tumango lamang sya.
“See you tonight”