Kahit late na siyang dinalaw muli ng antok ng nakaraang gabi ay maaga pa rin siyang nagising para maghanda sa pagpasok ng opisina. Maaga man nagising ay mayroong mas maaga pang nagising kaysa sa kaniya. Pagkalabas ng kwarto'y agad niyang naulinigan ang boses ng kaniyang mga magulang na tila sinasadyang hinaan ang mga boses habang nag uusap. Ngunit dahil maaga pa at mapayapa pa ang kapaligiran, malinaw niyang naririnig ang mga boses nito. Dirediretso sya patungo sa kinaroroonan ng mga ito ng bahagyang matigilan, ng marinig niyang banggitin ng kanyang mama ang kanyang pangalan. Dala ng kyuryusidad, mas pinili niyang huwag tumuloy sa paglapit sa mga ito. Hindi siya kaagad mapapansin ng mga ito dahil nakatalikod sila pareho sa kanyang kinaroroonan. Abala ang kanyang mama sa pagluluto ng agah

