(PAUL) Nakalipas na ang isang linggo at wala pa din akong ideya kung sino ba talaga ang gumawa ng karumaldumal na pagpatay sa pamilya ni Cen. As for our team, wala pa din silang lead kung nasaan si Cenny, sinigurado ko talagang dead end na matapos ang kumalat na mga litrato nito. Nakumpira ng aming team na si Cenny iyon ayon na rin sa tulong ng eksperto sa teknolohiya. Ilang araw na ring palaisipan sa akin ang crime scene. Napag-usapan na namin ng team ito pero isinawalang bahala lang nila. Oo, napapaisip kami kung bakit sa dami ng saksak na natamo ng mag-anak ay hindi nagtalsikan ang mga dugo sa dingding, umagos lang ang mga ito kung saan sila pinatay. Dapat din ang suspek ay natalsikan o kahit ang kanyang sapatos man lang pero wala, malinis. Isa lang ang nasa isip namin, maaaring dah

