Ang pagkakaroon ng isang pamilyang maaaring sandalan sa panahon ng problema, nahihirapan o nalulungkot ay isang bagay na dapat ipagpasalamat. Pamilyang makakasama mo sa tagumpay at kasamang masaya.
Nagtratrabahon sa isang BPO Company si Cenny Rose Gamboa bilang isang Customer Service Representative. Ang kanyang duty ay alas-tres ng hapo hanggang alas-dyes ng gabi. Mayroon itong tatlong nakababatang kapatid. Ang isa ay highschool pa lamang at ang dalawa naman ay pawing elementarya pa lang. Kasama din nila sa bahay ang kanyang Lola sa mother side. Ang kanyang ama ay isang tricycle driver at ang kanyang ina naman ay labandera.
Paano na lang kung isang gabi, ang pamilyang itinutiring mong kayamanan ay bigla na lang nawala. Karumaldumal na pinatay ang kanyang pamilya. Bawat miyembro ay puno ng saksak na ikinamatay ng mga ito.
Kailangan niyang tumakbo at magtago dahil sa mga hindi malamang pangyayari ay siya ang itinuturing na pangunahing suspek. Ang pagtuturo sa kanya bilang salarin sa pagpatay ng sariling pamilya ay parang katotoohanan dahil lahat ng ebidensya ay perpektong siya ang itinuturo.
Nais ni Cen na malaman ang katotohonan kung sino ang pumatay sa kanyang buong pamilya para makamit ang hustisya para na rin malinis ang kanyang pangalan.
Hindi alam ni Cen kung saan o paano maguumpisa hanggang sa makilala nito si Detective Paul Cunanan. Ito ang kasalukuyang namumuno sa imbestigasyon ng Gamboa Murder Case. Pakiramdam ni Detective Cunanan ay may mali sa kaso. Maraming tanong sa kanyang isipan na hindi pa nasasagot at isa na dito ay bakit atat na atat ang mga nakakataas sa opisyales na maisara ang imbestigasyon.
Kinupkop at itinago ni Detective Paul si Cen sa kadahilanang nais nitong mag-imbistiga pa lalo at mas mainam na nasa kanya ang suspek ng sa ganun, sa oras na mapatunayan na siya ang pumatay sa pamilya nito ay siya na mismo ang magdadala kay Cen sa kulungan.
Iisang ang dahilan ng dawala at iyon ay mapanagot kung sino talaga ang may sala. Ngunit sa kalagitnaan ng pagiimbistiga nito iba ang kanyang natuklasan.