1: MURDER

1223 Words
  (CEN) Biyernes ngayon at bukas ay day off ko. Pauwi na ako para mag-paalam sa parents ko. Bente-tres anyos na ako pero kailangan ko pa ding magpaalam kung saan ako pupunta. Sobrang higpit kasi ng mga magulang ko na nasa puntong nakakasakal na kaya minsan hindi ko na din mapigilang sumagot at nauuwi iyon sa pakikipagtalo sa kanila. Hindi ako nakatapos ng kolehiyo dahil sa problema sa pera, hanggang 3rd year college lang ako sa kursong Education major in English. Ako ang inaasahan ng pamilya ko. Lahat ng sahod ko napupunta sa kanila at sa pangangailangan sa pang araw-araw. Maayos naman sana kami kung hindi lang nalulong si Itay sa sugal kaya kami nagkanda utang-utang. Lagi silang nag-aaway ni Inay tuwing lasing na umuuwi si Itay. “Oh nariyan ka na pala” bungad sa akin ni Inay. Lagi ako nitong hinihintay sa gabi pagkagaling ko sa trabaho. “Magandang gabi Inay” bati ko dito saka ako nagmano. Napakunot ang noo ko ng makitang parang namamaga ang pisngi ni Inay. Nag-init ang dugo ko dahil doon, siguradong si Itay na naman ang maykagagawan niya. “Napaano iyan Inay? Sinaktan ka na naman ni Itay!” mariing sabi ko. “Hayaan mo na, lasing lang siya. Nakasagi nga iyon ng mamahaling kotse kanina mabuti na lang at mabait iyong may-ari at hindi na siya pinagbayad o kaya ipinakulong” Ipinikit ko ang mga mata ko saka huminga ng malalim para mapakalma ang sarili. “Ano ba naman kasi si Itay, lagi na lang lasing. Inay, sa susunod na umuwi siya ng lasing huwag ka nang lumapit sa kanya, umalis ka pansamantala o kaya magtago ko para hindi ka na niya masaktan” sabi ko dito saka ko ito niyakap. “Hayaan mo na, kakausapin ko ang Itay mo. Kumain ka muna, bago ka magpahinga” “Oo nga pala Inay, aalis po ako. Birthday kasi nung ka-trabaho ko at may handaan sa bahay nila, inaya kaming mag overnight Inay. Tutal wala naman akong pasok bukas baka pwede pong pumunta” sabi ko rito. Please, payagan niyo po ako.   Bumuntong hininga ito saka ngumiti. “Oh sige. Para magkapag-break ka naman sa trabaho” “Yes, thank you Inay!” “Basta mag-iingat ka. Malaki ka na, alam mo ang tama at mali.” “Opo, Inay. Sige po, bihis lang ako. Doon na po pala ako kakain”   Mabilis akong nagbihis at kumuha ng extrang damit. Kinuha ko ang cap ko na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko, charger ng phone ko at wallet saka inilagay sa bag. Isinuot ko din ang itim kong hoodie. Dahan-dahan ang galaw ko dahil baka magising ang dalawa kong kapatid na kasama ko sa kwarto. Nang lumabas ako ay naroon pa din si Inay sa salas. “Inay bumili nga pala ako ng bagong kutsilyo kanina. Itapon niya na iyong luma Inay, baka masugat na naman kayo dahil sira na iyong hawakan” Inilapag ko ang kutsilyo sa mesa sa may sala. “Salamat anak” “Aalis na po ako” paalam ko rito “Sige at ihahatid kita sa labas para mai-lock ko ang gate. Mag-iingat ka ha” “Opo. Bye” nagmamadali akong naglakad at halos tumakbo na ako dahil male-late ako sa tagpuan.     “Jusko Panginoon, nakakaawa naman” “Sino kaya ang may gawa? Napakahayop!” “Sabi nila si Cen daw, yung panganay na anak!!” “Huwag kang nangbibintang, hindi pa nila alam kung sino talaga ang may gawa!” “Eh Aling Rosie kung hindi sya, eh nasaan siya ngayon. Malamang nagtatago na iyon. May nakakita raw sa kanya kagabi na nagmamadaling umalis, edi tumakas na iyon” “Huwag po tayong lumagpas sa police line” (PAUL) Nagkalat ang mga taong nakiki-usyoso gayun din ang mga reporter. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. May CCTV sa kalapit na Mini Store. Dalawang witness na nakakita sa panganay na anak na umalis kagabi, bukod doon wala na. Pumasok ako sa loob ng bahay kung saan nangyari ang karumaldumal na krimen. Isinuot ko ang rubber gloves na iniabot ng isang member ng forensic team. Nasa sala ang bangkay ng mag-asawa. Naliligo silang parehas sa kanilang dugo sa dami ng tinamo nilang saksak. Ang kutsilyo ay nakatarak pa rin sa tiyan ng Ina. Walang nasira sa mga gamit nila maliban sa isang picture frame na nabasag. Litrato iyon ng buong pamilya. Ang dalawang nakababatang anak ay duguan din sa kwarto ng naturang suspek. Ganoon din sa kabilang kwarto na silid naman ng pangalawang anak at ng kanilang Lola. “Detective, sa tingin mo pinatay talaga sila ng panganay na anak?” tanong ni Detective Ross Jimenez, ang aking partner. “Hindi pa natin masabi, pero may posibilidad” sagot ko rito. Nilapitan ko ang bangkay ng Ina. Makikita na may pasa ito sa kaliwang pisngi at putok ang labi. Ang padre de pamilya naman ay ganoon din, mas malala nga lang. Putok ang labi nito at may cut sa may kilay.  “Detective” nilingon ko si Detective Ross na may inaabot sa aking folder. Binuksan ko ang folder at laman nito ay ang mga impormasyon tungol sa panganay na anak. Name: Cenny Rose Gamboa Age: 23 years old Height: 5”2 Weight: 50 kg Binasa ko din ang mga ibang impormasyon na naroon, natigil ako sa litrato nito. Maganda siya. Tinawag ko na si Ross, para maumpisahan na namin ang pagiimbestiga. Kailangan din namin magtanong-tanong sa mga tao mamaya. I carefully look for evidence or anything that can lead us to the culprit. May dalawang mug ng kape sa center table at ang isa ay natapon na sa sahig. Malinis, parang hindi man lang nakapanlaban ang mga biktima. Ang mga anak at ang Lola ay sigurado akong tulog nang pinagsasaksak. We need to know the motive first. Malabong pagnanakaw naman dahil wala namang nawalang mga gamit. Revenge? Pwede, dahil may mga nakaalitan naman na daw ang padre de pamilya lalo na kapag lasing ito. Pwede ring ang pinagkakautangan ng pamilya, baka dahil hindi sila makabayad ay ipinapatay na lang sila. Kung ang panganay na anak ang gumawa nito at kasalukuyan ng ngang nagtatago, bakit? Bakit niya papatayin ang pamilya niya? Kung hindi naman siya? Nasaan siya? Bakit wala siya ngayong buong pamilya niya ay patay na? Ang sabi naman ng mga taga rito ay isa itong mabait na anak. Ito ang nagpro-provide para sa pamilya. Kilala nila ito sa pagiging mabait at palangiting tao. Palakaibigan din daw ito, kaya gulat na gulat ang mga tao dito sa Brgy. nila, hindi sila makapaniwalang may posibilidad na siya ang may gawa.   Matapos kuhanan ng larawan ang mga bangkay at ang lahat ng pwedeng ebidensya ay dadalhin na ang mga ito para sa autopsy. Kahit kita namang pananaksak ang ikinamatay ng mga ito ay kailangan pa ding sundin ang mga proseso. “Dust the doorknobs for fingerprints, pati iyong mga gamit sa sala” We’re teaming up with the Forensic Team. Nandito din ang SOCO para tumulong. “Yes Detective” Kinuha ko ang kutsilyong nasa ziplock bag na. Malaki ito, may haba itong walong pulgada at isa’t kalahati naman ang lapad. Kulay itim naman ang hawakan nito. “Detective” agad kaming lumapit sa isang member ng forensic team, Ipinakita nito ang malabong bakas ng sapatos na bumakat sa natuyong kape. Siguradong sa salarin ito. Mahirap nga lang makita dahil halos kalahati lang ng paa. “Nakita rin po ito sa ilalim ng center table.” Ipinakita nito ang isang balat ng candy ng max na kulay yellow at isang hindi pa nabubuksan. “Maghanap pa, baka may mga bagay diyan na makapagtuturo sa atin kung sino ang salarin” sabi ko at bumalik sa mga information ng panganay na anak ng pamilya. “Sige po” sagot nito at bumalik sa trabaho.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD